1Nang magkagayo'y ang buong Israel ay nagpipisan kay David sa Hebron, na nagsasabi, Narito, kami ay iyong buto at iyong laman.
1Visi izraelitai susirinko pas Dovydą į Hebroną ir tarė: “Mes esame tavo kūnas ir kaulas.
2Nang mga panahong nakaraan, sa makatuwid baga'y nang si Saul ay hari, ikaw ang pumapatnubay at nagpapasok sa Israel: at sinabi sa iyo ng Panginoon mong Dios, Iyong aalagaan ang aking bayang Israel, at ikaw ay magiging pangulo ng aking bayang Israel.
2Anksčiau, kai Saulius buvo mūsų karalius, tu išvesdavai ir įvesdavai Izraelį; Viešpats, tavo Dievas, tau pažadėjo: ‘Tu ganysi mano tautą Izraelį ir būsi jo kunigaikščiu’ ”.
3Sa gayo'y lahat ng mga matanda sa Israel ay nagsiparoon sa hari sa Hebron; at si David ay nakipagtipan sa kanila sa Hebron sa harap ng Panginoon, at kanilang pinahiran ng langis si David na hari sa Israel, ayon sa salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Samuel.
3Visi Izraelio vyresnieji atėjo pas karalių į Hebroną. Dovydas padarė su jais sandorą Hebrone. Jie patepė Dovydą Izraelio karaliumi, kaip Viešpats buvo paskelbęs per Samuelį.
4At si David at ang buong Israel ay naparoon sa Jerusalem (na siyang Jebus); at ang mga Jebuseo na mga tagaroon sa lupain, ay nangandoon.
4Dovydas ir visas Izraelis ėjo į Jeruzalę (kitaip Jebusą), kur gyveno jebusiečiai.
5At sinabi ng mga taga Jebus kay David, Ikaw ay hindi makapapasok rito. Gayon ma'y sinakop ni David ang katibayan ng Sion; na siyang bayan ni David.
5Jebuso gyventojai sakė Dovydui: “Tu neįeisi į miestą”. Tačiau Dovydas paėmė Siono tvirtovę, tai yra Dovydo miestą.
6At sinabi ni David, Sinomang sumakit sa mga Jebuseo na una ay magiging pinuno at kapitan. At si Joab na anak ni Sarvia ay sumampang una, at naging pinuno.
6Dovydas tarė: “Kas nugalės jebusiečius, tas taps kariuomenės vadu”. Pirmasis miestą puolė Cerujos sūnus Joabas, jį paėmė ir tapo kariuomenės vadu.
7At si David ay tumahan sa katibayan; kaya't kanilang tinawag na bayan ni David.
7Dovydas apsigyveno tvirtovėje, todėl ją pavadino Dovydo miestu.
8At kaniyang itinayo ang bayan sa palibot, mula sa Millo hanggang sa palibot: at hinusay ni Joab ang nalabi sa bayan.
8Jis statė miestą aplinkui, pradėdamas nuo Milojo. Joabas atstatė likusią miesto dalį.
9At si David ay dumakila ng dumakila; sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa kaniya.
9Dovydas vis daugiau įsigalėjo, nes kareivijų Viešpats buvo su juo.
10Ang mga ito ang mga pinuno ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David, na napakilala na malakas na kasama niya sa kaniyang kaharian, na kasama ng buong Israel, upang gawin siyang hari, ayon sa salita ng Panginoon tungkol sa Israel.
10Šie yra žymiausi karžygiai, kurie drauge su visu Izraeliu rėmė Dovydą užimant karaliaus sostą, kaip Viešpats buvo kalbėjęs apie Izraelį.
11At ito ang bilang ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David: si Jasobam, na anak ng isang Hachmonita, na pinuno ng tatlongpu; siya ang nagtaas ng kaniyang sibat laban sa tatlong daan, at pinatay niya sila na paminsan.
11Hachmonis Jašobamasvyriausiasis iš trijų; jis pakėlė savo ietį prieš tris šimtus ir nukovė juos visus vienu kartu.
12At pagkatapos niya ay si Eleazar na anak ni Dodo, na Ahohita, na isa sa tatlong makapangyarihang lalake.
12Antras pasižymėjęs buvo Dodojo sūnus Eleazaras, ahoachas.
13Siya'y kasama ni David sa Pasdammin, at doo'y ang mga Filisteo ay nagpipisan upang bumaka, na kinaroroonan ng isang putol na lupa na puno ng sebada; at ang bayan ay tumakas sa harap ng mga Filisteo.
13Jis buvo su Dovydu prie Pas Damimo, kur filistinai susirinko prieš juos mūšiui miežių laukuose. Žmonėms pradėjus bėgti nuo filistinų,
14At sila'y nagsitayo sa gitna ng putol na yaon at ipinagsanggalang, at pinatay ang mga Filisteo; at iniligtas ng Panginoon sila sa pamamagitan ng isang dakilang pagtatagumpay.
14jie atsistojo lauko viduryje, kovojo ir nugalėjo filistinus. Taip Viešpats suteikė jiems didelį išgelbėjimą.
15At binaba sa malaking bato si David ng tatlo sa tatlongpung pinuno, sa loob ng yungib ni Adullam; at ang hukbo ng mga Filisteo ay humantong sa libis ng Raphaim.
15Trys vyrai iš trisdešimties vyresniųjų atėjo pas Dovydą į Adulamo olą; tuo metu filistinų kariai buvo pasistatę stovyklą Refajų slėnyje.
16At si David nga ay nasa katibayan, at ang pulutong ng mga Filisteo ay nasa Bethlehem noon.
16Dovydas tuo laiku buvo tvirtovėje, o filistinų būrysBetliejuje.
17At si David ay nagbuntonghininga, at nagsabi, Oh may magbigay sana sa akin ng tubig sa balon ng Bethlehem na mainom, na nasa siping ng pintuang-bayan!
17Tuomet Dovydas, ilgesio kankinamas, tarė: “Kas man atneš vandens iš Betliejaus šulinio, esančio prie vartų?”
18At ang tatlo'y nagsisagasa sa hukbo ng mga Filisteo, at nagsiigib ng tubig sa balon ng Bethlehem na nasa siping ng pintuang-bayan, at kinuha at dinala kay David: nguni't hindi ininom ni David yaon, kundi ibinuhos na pinakainuming handog sa Panginoon.
18Tie trys prasilaužė pro filistinų stovyklą, pasėmė vandens iš Betliejaus šulinio, esančio prie vartų, ir atnešė Dovydui. Tačiau Dovydas negėrė jo, bet išliejo jį Viešpačiui
19At sinabi, Huwag itulot sa akin ng aking Dios na aking gawin ito; iinumin ko ba ang dugo ng mga lalaking ito na ipinain ang kanilang buhay sa pagkamatay? sapagka't sa pagpapain ng kanilang mga buhay ay kanilang dinala. Kaya't hindi niya ininom. Ang mga bagay na ito ay ginawa ng tatlong makapangyarihang lalake.
19ir tarė: “Taip nebus, kad gerčiau šitų vyrų kraują! Juk jie, statydami savo gyvybę pavojun, man jo atnešė”. Tai padarė tie trys karžygiai.
20At si Abisai na kapatid ni Joab, siyang pinuno ng tatlo: sapagka't kaniyang itinaas ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan, at pinatay niya sila, at nagkaroon ng pangalan sa tatlo.
20Joabo brolis Abišajias buvo žymiausias iš trijų. Jis pakėlė savo ietį prieš tris šimtus ir, juos nugalėjęs, pagarsėjo tarp trijų.
21Sa tatlo, siya'y lalong marangal kay sa dalawa, at ginawang kanilang pinunong kawal: gayon ma'y hindi siya umabot sa unang tatlo.
21Iš trijų jis buvo garsiausias ir tapo jų vadu, tačiau aniems trims neprilygo.
22Si Benaias na anak ni Joiada, na anak ng isang matapang na lalake sa Cabseel, na gumawa ng mga makapangyarihang gawa, ay kaniyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel na taga Moab: siya'y bumaba rin naman at pumatay ng isang leon sa gitna ng isang hukay sa panahon ng niebe.
22Jehojados sūnus Benaja iš Kabcelio buvo narsus vyras. Jis padarė daug žygdarbių: nukovė du žymius Moabo karžygius, sningant duobėje užmušė liūtą.
23At siya'y pumatay ng isang taga Egipto, na isang lalaking may malaking bulas, na limang siko ang taas; at sa kamay ng taga Egipto ay may isang sibat na gaya ng panghabi ng manghahabi; at binaba niya siya na may isang tungkod, at inagaw ang sibat sa kamay ng taga Egipto, at pinatay niya siya ng kaniyang sariling sibat.
23Be to, nukovė egiptietį, vyrą penkių uolekčių aukščio. Egiptiečio rankoje ietis buvo kaip audėjo staklių riestuvas. Nuėjęs prie jo su lazda, jis atėmė ietį iš egiptiečio rankos ir jį nukovė jo paties ietimi.
24Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaias na anak ni Joiada, at nagkapangalan sa tatlong makapangyarihang lalake.
24Tuo Jehojados sūnus Benaja pagarsėjo tarp trijų karžygių.
25Narito, siya'y lalong marangal kay sa tatlongpu, nguni't hindi siya umabot sa unang tatlo: at inilagay ni David sa kaniya na bantay.
25Ir jis pagarsėjo tarp tų trisdešimties, tačiau pirmiems trims neprilygo. Dovydas jį paskyrė savo sargybos viršininku.
26Ang mga makapangyarihang lalake naman sa mga hukbo; si Asael na kapatid ni Joab, si Elchanan na anak ni Dodo na taga Bethlehem:
26Kariuomenės karžygiai buvo Joabo brolis Asaelis, Dodojo sūnus Elhananas iš Betliejaus,
27Si Samoth na Arorita, si Helles na Pelonita;
27harodietis Šamotas, pelojietis Helecas,
28Si Ira na anak ni Acces na Tecoita, si Abiezer na Anathothita;
28tekojiečio Ikešo sūnus Ira, anatotietis Abiezeras,
29Si Sibbecai na Husatita, si Ilai na Ahohita;
29hušietis Sibechajas, ahohitas Ilajas,
30Si Maharai na Nethophatita, si Heled na anak ni Baana na Nethophatita;
30netofietis Mahrajas, netofietis Baanos sūnus Heledas,
31Si Ithai na anak ni Ribai na taga Gabaath, sa mga anak ni Benjamin, si Benaias na Phirathita.
31Ribajo sūnus Itajas iš Benjamino Gibėjos, piratonietis Benaja,
32Si Hurai sa mga batis ng Gaas, si Abiel na Arbathonita;
32Hurajas iš Gaašo klonių, arabietis Abielis,
33Si Azmaveth na Baharumita, si Eliaba na Saalbonita;
33baharumietis Azmavetas, šaalbonietis Eljachba,
34Ang mga anak ni Asem na Gizonita, si Jonathan na anak ni Saje na Hararita;
34gizojietis Hašemas, hararas Šagės sūnus Jehonatanas,
35Si Ahiam na anak ni Sachar, na Ararita, si Eliphal na anak ni Ur;
35hararas Sacharo sūnus Ahiamas, Ūro sūnus Elifalas,
36Si Hepher na Mecherathita, si Ahia na Phelonita;
36mecherietis Heferas, pelojietis Ahija,
37Si Hesro na Carmelita, si Nahari na anak ni Ezbai;
37karmelietis Hezrojas, Ezbajo sūnus Naarajas,
38Si Joel na kapatid ni Nathan, si Mibhar na anak ni Agrai,
38Natano brolis Joelis, Hagrio sūnus Mibharas,
39Si Selec na Ammonita, si Naarai na Berothita, na tagadala ng sandata ni Joab na anak ni Sarvia;
39amonitas Celekas, beerotietis Nachrajas, Cerujos sūnaus Joabo ginklanešys,
40Si Ira na Ithrita, si Yared na Ithrita:
40itritai Garebas ir Ira,
41Si Uria na Hetheo, si Zabad na anak ni Ahli;
41hetitas Ūrija, Achlajo sūnus Zabadas,
42Si Adina na anak ni Siza na Rubenita, na pinuno ng mga Rubenita, at tatlongpu ang kasama niya;
42rubenas Šizos sūnus Adina, rubenų vadas ir trisdešimties viršininkas,
43Si Hanan na anak ni Maacha, at si Josaphat na Mithnita;
43Maakos sūnus Hananas ir mitnietis Juozapatas,
44Si Uzzias na Astarothita, si Samma at si Jehiel na mga anak ni Hotham na Arorita;
44aštarotietis Uzija, aroeriečio Hotamo sūnūs Šama ir Jejelis,
45Si Jediael na anak ni Simri; at si Joha na kaniyang kapatid, na Thisaita;
45Šimrio sūnus Jediaelis ir jo brolis ticietis Joha,
46Si Eliel na Mahavita, at si Jeribai, at si Josabias na mga anak ni Elnaam, at si Ithma na Moabita;
46mahavietis Elielis, Elnaamo sūnūs Jeribajas ir Jošavija, moabitas Itma,
47Si Eliel, at si Obed, at si Jaasiel, na taga Mesobiata.
47Elielis, Jobedas ir mezobaitas Jaasielis.