1At nasabi ni David sa kaniyang sarili, Ako'y mamamatay isang araw sa kamay ni Saul: walang anomang bagay na mabuti sa akin kundi ang tumakas sa lupain ng mga Filisteo; at si Saul ay mawawalan ng pagasa tungkol sa akin, upang huwag na akong pag-usigin sa lahat ng mga hangganan ng Israel: sa gayo'y tatakas ako mula sa kaniyang kamay.
1Dovydas tarė savo širdyje: “Vieną dieną aš žūsiu nuo Sauliaus rankos. Geriausia man būtų pasitraukti į filistinų šalį. Tada Saulius nebeieškos manęs Izraelyje, ir aš išsigelbėsiu nuo jo rankos”.
2At si David ay bumangon at lumipat, siya at ang anim na raang lalake na nasa kaniya, kay Achis na anak ni Maoch na hari sa Gath.
2Dovydas pakilo ir su šešiais šimtais vyrų, buvusių su juo, perėjo pas Gato karalių Achišą, Maocho sūnų.
3At tumahan si David na kasama ni Achis sa Gath, siya at ang kaniyang mga lalake, bawa't lalake ay kasama ang kaniyang sangbahayan, sa makatuwid baga'y si David pati ng kaniyang dalawang asawa, si Ahinoam na taga Jezreel at si Abigail na taga Carmelo na asawa ni Nabal.
3Ir Dovydas, abi jo žmonos, jezreelietė Ahinoama ir karmelietė Abigailė, Nabalo našlė, ir jo vyrai su savo šeimomis gyveno pas Achišą Gate.
4At nasaysay kay Saul na si David ay tumakas na napatungo sa Gath: at hindi na niya pinagusig siya uli.
4Saulius sužinojo, kad Dovydas pabėgo į Gatą, ir daugiau jo nebeieškojo.
5At sinabi ni David kay Achis, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, bigyan nila ako ng isang matatahanan sa isa sa mga bayan sa lupain, upang ako'y tumahan doon: sapagka't bakit tatahan kasama mo ang iyong lingkod sa bayan ng hari?
5Dovydas tarė Achišui: “Jei radau malonę tavo akyse, prašau, leisk man gyventi kuriame nors mažame mieste. Kodėl tavo tarnas turėtų gyventi su tavimi karaliaus mieste?”
6Nang magkagayo'y ibinigay ni Achis sa kaniya ang Siclag nang araw na yaon: kaya't ang Siclag ay nauukol sa mga hari sa Juda hanggang sa araw na ito.
6Achišas jam leido gyventi Ciklage. Nuo to laiko Ciklagas priklauso Judo karaliams iki šios dienos.
7At ang bilang ng mga araw na itinahan ni David sa lupain ng mga Filisteo ay isang buong taon, at apat na buwan.
7Dovydas gyveno filistinų šalyje vienerius metus ir keturis mėnesius.
8At umahon si David at ang kaniyang mga lalake, at sinalakay ang mga Gesureo, at ang mga Gerzeo, at ang mga Amalecita; sapagka't ang mga yaon ay dating nangananahan sa lupain, mula nang gaya ng kung ikaw ay paroroon sa Shur, hanggang sa lupain ng Egipto.
8Dovydas su savo vyrais išeidavo ir užpuldavo gešuriečius, girzus ir amalekiečius, kurie nuo senų laikų gyveno toje šalyje nuo Šūro iki Egipto.
9At sinaktan ni David ang lupain, at walang iniligtas na buhay kahit lalake o babae man, at dinala ang mga tupa at ang mga baka, at ang mga asno, at ang mga kamelyo, at ang mga kasuutan; at siya'y bumalik, at naparoon kay Achis.
9Kai Dovydas užpuldavo kraštą, jis nepalikdavo gyvo nei vyro, nei moters, pasiimdavo avis, galvijus, asilus, kupranugarius, drabužius ir grįždavo, ir nueidavo pas Achišą.
10At sinabi ni Achis, Saan kayo sumalakay ngayon? At sinabi ni David, Laban sa Timugan ng Juda, at laban sa Timugan ng mga Jerameeliteo, at laban sa Timugan ng mga Cineo.
10Achišas paklausdavo: “Ką šįkart buvote užpuolę?” Dovydas atsakydavo: “Judo pietinę dalį, jerachmeelitų pietų kraštą ir kenitų pietinę dalį”.
11At walang iniligtas na buhay si David kahit ng lalake o ng babae man, upang dalhin sa Gath, na sinasabi, Baka sila'y magsumbong laban sa atin, na sabihin, Ganoon ang ginawa ni David, at gayon ang kaniyang paraan sa buong panahon na kaniyang itinahan sa lupain ng mga Filisteo.
11Nei vyrų, nei moterų Dovydas nepalikdavo gyvų ir neatsivesdavo jų į Gatą, manydamas: “Kad jie nepraneštų apie mus, sakydami: ‘Taip padarė Dovydas ir taip jis elgiasi visą laiką, gyvendamas filistinų krašte’ ”.
12At naniwala si Achis kay David, na nagsasabi, Kaniyang ginawa na ang kaniyang bayang Israel ay lubos na nakayayamot sa kaniya: kaya't siya'y magiging aking lingkod magpakailan man.
12Achišas tikėjo Dovydu, sakydamas: “Jis tapo visiškai nekenčiamas Izraelyje, todėl bus mano tarnas per amžius”.