Tagalog 1905

Lithuanian

2 Samuel

19

1At nasaysay kay Joab; narito, ang hari ay tumatangis at namamanglaw dahil kay Absalom.
1Joabui buvo pranešta, kad karalius verkia ir gedi Abšalomo.
2At ang pagtatagumpay sa araw na yaon ay naging kapanglawan sa buong bayan: sapagka't narinig ng bayan na sinasabi sa araw na yaon. Ang hari ay nahahapis dahil sa kaniyang anak.
2Tos dienos pergalė virto gedulu visiems žmonėms, nes žmonės girdėjo kalbant, kad karalius sielojasi dėl savo sūnaus.
3At ang bayan ay pumasok sa bayan na patago sa araw na yaon, na gaya ng pagpasok ng bayang napapahiya pagka tumatakas sa pagbabaka.
3Žmonės grįžo į miestą tylomis, kaip grįžta susigėdę tie, kurie pabėgo iš mūšio.
4At tinakpan ng hari ang kaniyang mukha, at ang hari ay sumigaw ng malakas. Oh anak kong Absalom, Oh Absalom, anak ko, anak ko!
4Karalius, apsidengęs veidą, šaukė garsiu balsu: “Mano sūnau Abšalomai! Abšalomai, mano sūnau, mano sūnau!”
5At pumasok si Joab sa bahay, sa hari, at nagsabi, Iyong hiniya sa araw na ito ang mga mukha ng lahat na iyong lingkod na nagligtas sa araw na ito ng iyong buhay, at ng mga buhay ng iyong mga anak na lalake at babae, at ng mga buhay ng iyong mga asawa, at ng mga buhay ng iyong mga babae;
5Joabas, nuėjęs pas karalių, tarė: “Tu šiandien sugėdinai visus savo tarnus, kurie išgelbėjo tave bei tavo sūnų, tavo dukterų, tavo žmonų ir sugulovių gyvybes.
6Sa iyong pagibig sa nangapopoot sa iyo, at pagkapoot sa nagsisiibig sa iyo. Sapagka't iyong inihayag sa araw na ito, na ang mga prinsipe at mga lingkod ay walang anoman sa iyo: sapagka't aking nagugunita sa araw na ito, na kung si Absalom ay nabuhay, at kaming lahat ay namatay sa araw na ito, ay disin nakapagpalugod na mabuti sa iyo.
6Tu myli tuos, kurie tavęs nekenčia, ir nekenti tų, kurie tave myli. Tu šiandien parodei, kad kunigaikščiai ir tauta tau nieko nereiškia. Dabar matau, kad jei Abšalomas būtų gyvas, o mes visi būtume žuvę, tu būtum patenkintas.
7Ngayon nga'y bumangon ka, ikaw ay lumabas, at magsalita na may kagandahang loob sa iyong mga lingkod: sapagka't aking isinusumpa sa pangalan ng Panginoon, na kung ikaw ay hindi lalabas, ay walang matitira sa iyong isang tao sa gabing ito: at yao'y magiging masama sa iyo kay sa lahat ng kasamaan na sumapit sa iyo mula sa iyong kabataan hanggang ngayon.
7Taigi dabar eik ir kalbėk savo žmonėms. Prisiekiu Viešpačiu, jei neišeisi, tai rytoj neturėsi jų nė vieno; tai bus tau didžiausia nelaimė iš visų, kurias patyrei nuo pat savo jaunystės iki šios dienos”.
8Nang magkagayo'y tumindig ang hari, at naupo sa pintuang-bayan. At kanilang isinaysay sa buong bayan, na sinasabi, Narito ang hari ay nakaupo sa pintuang-bayan: at ang buong bayan ay naparoon sa harap ng hari. Nakatakas nga ang Israel bawa't isa sa kaniyang tolda.
8Karalius atsikėlė ir atsisėdo vartuose. Ir visiems žmonėms buvo pranešta: “Karalius sėdi vartuose”. Tuomet visi žmonės ėjo pas karalių. Izraelitai išsibėgiojo kiekvienas į savo palapines.
9At ang buong bayan ay nagtatalo sa lahat ng mga lipi ng Israel, na sinasabi, Iniligtas tayo ng hari sa kamay ng ating mga kaaway; at iniligtas niya tayo sa kamay ng mga Filisteo; at ngayo'y kaniyang tinakasan si Absalom sa lupain.
9Tarp izraelitų giminių kilo ginčai ir nesutarimai: “Karalius mus išlaisvino iš mūsų priešų, jis mus išgelbėjo iš filistinų, o dabar turėjo bėgti iš krašto nuo Abšalomo.
10At si Absalom na ating pinahiran ng langis, upang maging hari sa atin ay namatay sa pagbabaka. Ngayon nga'y bakit hindi kayo nagsasalita ng isang salita sa pagbabalik sa hari?
10Abšalomas, kurį buvome patepę valdovu, žuvo mūšyje. Kodėl dabar delsiame parsivesti karalių atgal?”
11At nagsugo ang haring si David kay Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote, na sinasabi, Magsipagsalita kayo sa mga matanda sa Juda, na magsipagsabi, Bakit kayo ang huli sa pagbabalik sa hari sa kaniyang bahay? dangang ang pananalita ng buong Israel ay dumating sa hari, upang ibalik siya sa kaniyang bahay.
11Dovydas pasiuntė pas kunigus Cadoką ir Abjatarą ir prašė kalbėti Judo vyresniesiems: “Kodėl jūs norite būti paskutiniai parvedant karalių į Jeruzalę? Nes tos kalbos Izraelyje pasiekė net karaliaus namus.
12Kayo'y aking mga kapatid, kayo'y aking buto at aking laman: bakit nga kayo ang huli sa pagbabalik sa hari?
12Jūs esate mano broliai, mano kūnas ir kaulai. Kodėl jūs norite būti paskutiniai parvedant karalių?”
13At sabihin ninyo kay Amasa, Hindi ka ba aking buto at aking laman? Hatulan ng Dios ako, at lalo na, kung ikaw ay hindi maging palaging punong kawal ng mga hukbo sa harap ko na kahalili ni Joab.
13O Amasai kalbėjo: “Argi tu nesi mano kūnas ir kaulai? Tegul Dievas padaro man tai ir dar daugiau, jei tu netapsi mano kariuomenės vadu vietoj Joabo”.
14At kaniyang ikiniling ang puso ng lahat ng mga lalake ng Juda na parang puso ng isang tao; na anopa't sila'y nagsipagsugo sa hari, na nagsisipagsabi, Ikaw ay bumalik, at ang lahat ng iyong lingkod.
14Tuo būdu Dovydas laimėjo visų Judo žmonių širdis; jis buvo pakviestas grįžti su visais savo tarnais.
15Sa gayo'y bumalik ang hari, at naparoon sa Jordan. At ang Juda ay naparoon sa Gilgal, upang salubungin ang hari, na itawid ang hari sa Jordan.
15Karalius grįžo ir pasiekė Jordaną. Judo žmonės atėjo į Gilgalą sutikti karalių ir perkelti jį per Jordaną.
16At si Semei na anak ni Gera, na Benjamita, na taga Bahurim, ay nagmadali at lumusong na kasama ang mga lalake ng Juda upang salubungin ang haring si David.
16Gero sūnus Šimis, benjaminas iš Bahurimo, taip pat atskubėjo su Judo vyrais karaliaus Dovydo pasitikti.
17At may isang libong lalake ng Benjamin na kasama siya, at si Siba, na alila sa sangbahayan ni Saul, at ang kaniyang labing limang anak at ang kaniyang dalawang pung alila na kasama niya; at sila'y nagsitawid sa Jordan sa harap ng hari.
17Su juo buvo tūkstantis vyrų iš Benjamino, taip pat Ciba, Sauliaus namų tarnas, su penkiolika sūnų bei dvidešimt tarnų. Jie perėjo per Jordaną pirma karaliaus
18At may tawiran naman upang tawiran ng sangbahayan ng hari, at gawin ang kaniyang inaakalang mabuti. At si Semei na anak ni Gera ay nagpatirapa sa harap ng hari, nang siya'y makatawid sa Jordan.
18ir padėjo jo šeimynai persikelti per Jordaną, patarnaudami jam. Gero sūnus Šimis puolė ant žemės prieš karalių, kai jis buvo persikėlęs per Jordaną,
19At sinabi niya sa hari, Huwag paratangan ng kasamaan ako ng aking panginoon, o alalahanin man ang ginawa na may kalikuan ng iyong lingkod sa araw na ang aking panginoon na hari ay lumabas sa Jerusalem, upang isapuso ng hari.
19ir tarė: “Neįskaityk mano kaltės, mano valdove, ir neprisimink to, ką tavo tarnas darė tau išeinant iš Jeruzalės, ir nelaikyk to savo širdyje.
20Sapagka't nalalaman ng iyong lingkod na ako'y nagkasala: kaya't, narito, ako'y naparirito sa araw na ito, na una sa lahat ng sangbahayan ni Jose upang lumusong na salubungin ang aking panginoon na hari.
20Žinau, kad esu kaltas. Šiandien atvykau pirmas iš visų Juozapo namų savo valdovo karaliaus pasitikti”.
21Nguni't si Abisai na anak ni Sarvia ay sumagot, at nagsabi, Hindi ba papatayin si Semei dahil dito, sapagka't kaniyang isinumpa ang pinahiran ng langis ng Panginoon?
21Cerujos sūnus Abišajas tarė: “Ar Šimį nereikėtų bausti mirtimi už tai, kad jis keikė Viešpaties pateptąjį?”
22At sinabi ni David, Ano ang ipakikialam ko sa inyo, mga anak ni Sarvia, na kayo'y magiging mga kaaway ko sa araw na ito? may sinoman bang papatayin sa araw na ito sa Israel? sapagka't di ko ba talastas na ako'y hari sa araw na ito sa Israel?
22Dovydas atsakė: “Kas man ir jums, Cerujos sūnūs, kad jūs šiandien man prieštaraujate. Ar šiandien reikėtų ką nors bausti mirtimi Izraelyje? Juk aš šiandien žinau, kad esu Izraelio karalius”.
23At sinabi ng hari kay Semei, Ikaw ay hindi mamamatay. At ang hari ay sumumpa sa kaniya.
23Karalius pasakė Šimiui: “Tu nemirsi”, ir prisiekė jam.
24At si Mephiboseth na anak ni Saul ay lumusong na sinalubong ang hari; at hindi man siya naghugas ng kaniyang mga paa, o naggupit man ng kaniyang balbas, o nilabhan man ang kaniyang mga suot, mula sa araw na ang hari ay umalis hanggang sa araw na siya'y umuwi na payapa sa bahay.
24Sauliaus sūnus Mefi Bošetas atvyko karaliaus pasitikti. Jis nebuvo plovęs savo kojų, kirpęs barzdos ir plovęs drabužių nuo tos dienos, kai karalius išėjo, iki jis sugrįžo.
25At nangyari, nang siya'y dumating sa Jerusalem upang salubungin ang hari, na sinabi ng hari sa kaniya, Bakit hindi ka yumaong kasama ko, Mephiboseth?
25Jam atvykus iš Jeruzalės karaliaus pasitikti, karalius klausė: “Mefi Bošetai, kodėl nėjai su manimi?”
26At siya'y sumagot, Panginoon ko, Oh hari, dinaya ako ng aking lingkod: sapagka't sinabi ng iyong lingkod, Ako'y maghahanda ng isang asno, upang aking masakyan, at yumaong kasama ng hari; sapagka't ang iyong lingkod ay pilay.
26Mefi Bošetas atsakė: “Mano valdove karaliau, mano tarnas apgavo mane. Tavo tarnas buvo jam įsakęs pabalnoti asilą, kad raitas galėčiau vykti su karaliumi, nes aš esu luošas,
27At kaniyang binintangan ang iyong lingkod sa aking panginoon na hari; nguni't ang panginoon kong hari ay gaya ng isang anghel ng Dios: gawin mo nga kung ano ang mabuti sa iyong mga mata.
27o jis apšmeižė mane tau. Tačiau karalius kaip Dievo angelas. Taigi daryk, kas tau patinka.
28Sapagka't ang buong sangbahayan ng aking ama ay mga patay na lalake lamang sa harap ng panginoon kong hari: gayon ma'y inilagay mo ang iyong lingkod sa kasamahan ng nagsisikain sa iyong sariling dulang. Ano pa ngang matuwid mayroon ako, na aking maisisigaw pa sa hari?
28Visi mano tėvo namai buvo tarsi mirę žmonės mano valdovo karaliaus akyse. O tu pasodinai savo tarną valgyti prie savo stalo. Argi dar daugiau galėčiau tikėtis iš karaliaus?”
29At sinabi ng hari sa kaniya, Bakit nagsasalita ka pa ng iyong mga bagay? Aking sinabi, Ikaw at si Siba ay maghati sa lupa.
29Karalius jam atsakė: “Kam tu visa tai kalbi. Aš pasakiau, kad tu ir Ciba pasidalintumėte žemę”.
30At sinabi ni Mephiboseth sa hari, Oo, ipakuha mo sa kaniya ang lahat, yamang ang aking panginoon na hari ay dumating na payapa sa kaniyang sariling bahay.
30Mefi Bošetas atsakė karaliui: “Tegul Ciba viską ima, man gana to, kad mano karalius sveikas sugrįžo į savo namus”.
31At si Barzillai na Galaadita ay lumusong mula sa Rogelim; at siya'y tumawid sa Jordan na kasama ng hari, upang ihatid niya siya sa dako roon ng Jordan.
31Gileadietis Barzilajas atėjo iš Rogelimo palydėti karalių per Jordaną.
32Si Barzillai nga ay lalaking matanda nang totoo, na may walong pung taon: at kaniyang ipinaghanda ang hari ng pagkain samantalang siya'y nasa Mahanaim; sapagka't siya'y totoong dakilang tao.
32Jis buvo labai senas žmogus, aštuoniasdešimties metų amžiaus. Karaliui gyvenant Machanaime, jis aprūpino karalių maistu, nes Barzilajas buvo labai turtingas.
33At sinabi ng hari kay Barzillai, Tumawid kang kasama ko, at aking pakakanin ka sa Jerusalem.
33Karalius sakė Barzilajui: “Eime su manimi į Jeruzalę, ten aš tave viskuo aprūpinsiu”.
34At sinabi ni Barzillai sa hari, Gaano na lamang ang mga araw ng mga taon ng aking buhay, na aahon pa ako sa Jerusalem na kasama ng hari?
34Barzilajas atsakė karaliui: “Kiek man beliko gyventi, kad aš eičiau su karaliumi į Jeruzalę?
35Ako sa araw na ito'y may walong pung taon na; makapapansin pa ba ako ng mabuti at masama? malalasahan pa ba ng iyong lingkod ang kaniyang kinakain at iniinom? maririnig ko pa ba ang tinig ng mangaawit na lalake at babae? bakit pa nga magiging isang pasan ang iyong lingkod sa aking panginoon na hari?
35Man šiandien jau aštuoniasdešimt metų. Ar aš atskirsiu, kas gera ir kas bloga? Ar pajusiu tavo valgių ir gėrimų skonį? Ar beišgirsiu dainuojančių vyrų ar moterų balsus? Tai kodėl tavo tarnas turėtų būti našta mano valdovui karaliui?
36Ang iyong lingkod ay yayaon na lamang ng kaunti sa dako roon ng Jordan na kasama ng hari: at bakit gagantihin ng hari ako ng ganyang ganting pala?
36Tavo tarnas tik truputį palydės tave už Jordano. Kodėl tad karalius turėtų man taip atsilyginti?
37Isinasamo ko sa iyo na pabalikin mo ang iyong lingkod, upang ako'y mamatay sa aking sariling bayan, sa siping ng libingan ng aking ama at ng aking ina. Nguni't, narito, ang iyong lingkod na Chimham: bayaan siyang tumawid na kasama ng aking panginoon na hari; at gawin mo sa kaniya, kung ano ang mamabutihin mo.
37Prašau, leisk man grįžti į savo miestą, kad galėčiau mirti ten, kur mano tėvo ir motinos kapas. Tegul tavo tarnas Kimhamas eina su tavimi, karaliau, ir jam daryk tai, kas tau atrodys tinkama”.
38At sumagot ang hari, Si Chimham ay tatawid na kasama ko, at gagawin ko sa kaniya ang aakalain mong mabuti: at anomang iyong kailanganin sa akin ay aking gagawin alangalang sa iyo.
38Karalius atsakė: “Kimhamas eis su manimi, aš jam atlyginsiu pagal tavo norą ir, ko prašysi, padarysiu”.
39At ang buong bayan ay tumawid sa Jordan, at ang hari ay tumawid: at hinagkan ng hari si Barzillai, at binasbasan siya; at siya'y bumalik sa kaniyang sariling dako.
39Visi žmonės ir karalius persikėlė per Jordaną. Karalius pabučiavo Barzilają ir jį palaimino. Barzilajas sugrįžo į savo namus.
40Sa gayo'y tumawid sa Gilgal ang hari, at si Chimham ay tumawid na kasama niya: at itinawid ng buong bayan ng Juda ang hari, at ng kalahati rin naman ng bayan ng Israel.
40Karaliui keliaujant į Gilgalą, Kimhamas ir visi Judo žmonės bei pusė Izraelio žmonių lydėjo karalių.
41At, narito, ang lahat na lalake ng Israel ay nagsiparoon sa hari, at nagsipagsabi sa hari, Bakit ninakaw ka ng aming mga kapatid na mga lalake ng Juda, at itinawid ang hari at ang kaniyang sangbahayan sa Jordan, at ang lahat na lalake ni David na kasama niya?
41Visi Izraelio vyrai atėjo pas karalių ir tarė: “Kodėl tave pasisavino mūsų broliai iš Judo ir perkėlė per Jordaną tave su šeimyna ir visais tavo žmonėmis?”
42At ang lahat na lalake ng Juda ay nagsisagot sa mga lalake ng Israel, Sapagka't ang hari ay kamaganak na malapit namin: bakit nga kayo mangagagalit dahil sa bagay na ito? nagsikain ba kami ng anoman sa gugol ng hari? o binigyan ba niya kami ng anomang kaloob?
42Judo vyrai atsakė izraelitams: “Todėl, kad karalius yra mums artimesnis. Kodėl pykstate? Ar karalius mus maitino? Ar jis davė mums dovanų?”
43At ang mga lalake ng Israel ay nagsisagot sa mga lalake ng Juda, at nagsipagsabi, Kami ay may sangpung bahagi sa hari, at kami ay may higit na matuwid kay David kay sa inyo; bakit nga ninyo niwalan ng kabuluhan kami, na ang aming payo'y hindi siyang una sa pagbabalik sa aming hari? At ang mga salita ng mga lalake ng Juda ay lalong mababagsik kay sa mga salita ng mga lalake ng Israel.
43Izraelitai atsakė Judo vyrams: “Mes turime dešimt dalių pas karalių ir mes turime daugiau teisių į Dovydą negu jūs. Kodėl mus paniekinote? Argi ne mes pirmieji turėjome sugrąžinti karalių?” Judo vyrai kalbėjo griežčiau už izraelitus.