1At tinawag ni Moises ang buong Israel, at sinabi sa kanila, Dinggin mo, Oh Israel, ang mga palatuntunan at mga kahatulan na aking sinalita sa inyong mga pakinig sa araw na ito, upang matutunan ninyo sila, at ingatan at isagawa sila.
1Mozė sušaukė visus izraelitus ir jiems tarė: “Klausyk, Izraeli, šiandien skelbiu jums įstatymus ir paliepimus, mokykitės ir vykdykite juos.
2Ang Panginoong ating Dios ay nakipagtipan sa atin sa Horeb.
2Viešpats, mūsų Dievas, padarė su mumis sandorą Horebe.
3Hindi pinagtibay ng Panginoon ang tipang ito sa ating mga magulang, kundi sa atin, sa atin ngang nangariritong lahat na buhay sa araw na ito.
3Ne su mūsų tėvais padarė Jis sandorą, bet su mumis, kurie šiandien esame gyvi.
4Sinalita ng Panginoon sa inyo ng mukhaan sa bundok mula sa gitna ng apoy
4Viešpats kalbėjo su jumis veidas į veidą ant kalno iš ugnies.
5(Ako'y tumayo sa pagitan ng Panginoon at ninyo nang panahong yaon, upang ipatalastas sa inyo ang salita ng Panginoon: sapagka't kayo'y natatakot dahil sa apoy, at hindi kayo sumampa sa bundok;) na sinasabi,
5Tada aš buvau tarpininkas tarp Dievo ir jūsų, paskelbiau jums Jo žodžius, nes jūs bijojote ugnies ir nėjote ant kalno.
6Ako ang Panginoon mong Dios na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.
6Jis tarė: ‘Aš esu Viešpats, tavo Dievas, kuris tave išvedžiau iš Egipto žemės, iš vergijos namų.
7Huwag kang magkakaroon ng ibang mga Dios sa harap ko.
7Neturėk kitų dievų šalia manęs.
8Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan na kawangis ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
8Nedaryk sau jokio drožinio nė jokio atvaizdo to, kas yra aukštai danguje, žemai žemėje ar po žeme vandenyje.
9Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagka't akong Panginoon mong Dios ay mapanibughuing Dios, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin;
9Nesilenk prieš juos ir netarnauk jiems. Nes Aš, Viešpats, tavo Dievas, esu pavydus Dievas, baudžiąs vaikus už tėvų kaltes iki trečios ir ketvirtos kartos tų, kurie manęs nekenčia,
10At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.
10bet rodąs gailestingumą iki tūkstantosios kartos tiems, kurie mane myli ir laikosi mano įsakymų.
11Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoon na walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.
11Netark Viešpaties, savo Dievo, vardo be reikalo, nes Viešpats nepaliks be kaltės to, kuris be reikalo Jo vardą mini.
12Iyong ipagdiwang ang araw ng sabbath, upang ipangilin, gaya ng iniuutos sa iyo ng Panginoon mong Dios.
12Sabato dieną švęsk, kaip Viešpats, tavo Dievas, įsakė.
13Anim na araw na gagawa ka, at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain:
13Šešias dienas dirbk visus savo darbus,
14Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong asno, ni anoman sa iyong hayop, ni ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan; upang ang iyong aliping lalake at babae ay makapagpahingang gaya mo.
14o septintoji diena yra sabatas Viešpačiui, tavo Dievui. Tą dieną nedirbk jokio darbo nei tu, nei tavo sūnus, nei duktė, nei tarnas, nei tarnaitė, nei tavo jautis, nei asilas, nei joks tavo gyvulys, nei ateivis, kuris yra tavo namuose, kad tavo tarnas ir tarnaitė pailsėtų taip pat, kaip ir tu.
15At iyong aalalahanin na ikaw ay naging alipin sa lupain ng Egipto, at ikaw ay inilabas ng Panginoon mong Dios doon sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay at unat na bisig: kaya't iniutos sa iyo ng Panginoon mong Dios, na ipangilin mo ang araw ng sabbath.
15Atsimink, kad ir pats buvai vergas Egipte ir iš ten tave išvedė Viešpats, tavo Dievas, galinga ranka. Todėl Jis tau įsakė švęsti sabato dieną.
16Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, gaya ng iniutos sa iyo ng Panginoon mong Dios: upang ang iyong mga araw ay lumawig at upang ikabuti mo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
16Gerbk savo tėvą ir motiną, kaip Viešpats, tavo Dievas, įsakė, kad ilgai gyventum ir tau gerai sektųsi žemėje, kurią Viešpats, tavo Dievas, tau duoda.
17Huwag kang papatay.
17Nežudyk.
18Ni mangangalunya.
18Nesvetimauk.
19Ni magnanakaw.
19Nevok.
20Ni sasaksi sa di katotohanan laban sa iyong kapuwa.
20Neliudyk neteisingai prieš savo artimą.
21Ni huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa; ni huwag mong pagnanasaan ang bahay ng iyong kapuwa, ang kaniyang bukid, ni ang kaniyang aliping lalake, o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa.
21Negeisk savo artimo žmonos nei namų, nei lauko, nei tarno, nei tarnaitės, nei jaučio, nei asilo: nieko, kas yra tavo artimo’.
22Ang mga salitang ito ay sinalita ng Panginoon sa buong kapisanan ninyo sa bundok mula sa gitna ng apoy, sa ulap, at sa salisalimuot na kadiliman, ng malakas na tinig: at hindi na niya dinagdagan pa. At kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato, at ibinigay sa akin.
22Šituos žodžius Viešpats kalbėjo jums visiems iš ugnies, debesies ir tamsybės garsiai ir, užrašęs tai dviejose akmeninėse plokštėse, jas padavė man.
23At nangyari, nang inyong marinig ang tinig mula sa gitna ng kadiliman, samantalang ang bundok ay nagliliyab sa apoy, ay lumapit kayo sa akin, sa makatuwid baga'y ang lahat ng mga pangulo sa inyong mga lipi, at ang inyong mga matanda;
23Išgirdę balsą iš tamsybės ir pamatę kalną degant, jūs ir visi jūsų giminių vadai bei vyresnieji priartėjote prie manęs ir tarėte:
24At inyong sinabi, Narito, ipinakita sa amin ng Panginoon nating Dios ang kaniyang kaluwalhatian at ang kaniyang kadakilaan, at aming narinig ang kaniyang tinig mula sa gitna ng apoy: aming nakita sa araw na ito, na ang Dios ay nakikipag-usap sa tao, at siya'y buhay.
24‘Štai Viešpats, mūsų Dievas, mums parodė savo šlovę ir didybę; girdėjome Jo balsą iš ugnies ir šiandien patyrėme, kad Dievui kalbant su žmogumi, galima išlikti gyviems.
25Ngayon nga, bakit kami mamamatay? sapagka't pupugnawin kami ng dakilang apoy na ito: kung marinig pa namin ang tinig ng Panginoon nating Dios, ay mamamatay nga kami.
25Kodėl turėtume mirti nuo šitos didelės ugnies? Jei dar kartą išgirsime Viešpaties, mūsų Dievo, balsą, mes visi mirsime.
26Sapagka't sino sa lahat ng laman na nakarinig ng tinig ng buhay na Dios na nagsasalita mula sa gitna ng apoy, na gaya namin, at nabuhay?
26Ar yra koks kūnas, girdėjęs balsą gyvojo Dievo, kalbančio iš ugnies, kaip mes girdėjome, ir išlikęs gyvas?
27Lumapit ka, at iyong pakinggan ang lahat ng sasabihin ng Panginoon nating Dios: at iyong salitain sa amin, yaong lahat na sasalitain sa iyo ng Panginoon nating Dios; at aming didinggin, at gagawin.
27Geriau tu prisiartink ir klausyk, ką Viešpats, mūsų Dievas, sakys, o po to pranešk mums, ir mes klausysime ir tai vykdysime’.
28At narinig ng Panginoon ang tinig ng inyong mga salita, nang kayo'y magsalita sa akin; at sinabi ng Panginoon sa akin, Aking narinig ang tinig ng mga salita ng bayang ito, na kanilang sinalita sa iyo; mabuti ang kanilang pagkasabi ng lahat na kanilang sinalita.
28Viešpats, tai išgirdęs, man tarė: ‘Aš girdėjau tautos žodžius, jie viską gerai kalbėjo.
29Oh mamalagi nawa sa kanila ang kaloobang ito, na sila'y matakot sa akin, at kanilang ingatan kailan man ang lahat ng aking mga utos upang ikabuti nila at pati ng kanilang mga anak magpakailan man!
29O, kad jie visuomet turėtų tokią širdį ir manęs bijotų bei laikytųsi mano įsakymų, tai jiems ir jų vaikams per amžius gerai sektųsi!
30Yumaon ka, sabihin mo sa kanila, Magsibalik kayo sa inyong mga tolda.
30Eik ir sakyk jiems, kad grįžtų į savo palapines.
31Nguni't tungkol sa iyo, matira ka rito sa akin, at aking sasalitain sa iyo ang lahat ng utos, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na iyong ituturo sa kanila, upang kanilang gawin sa lupain na aking ibinibigay sa kanila upang ariin.
31Tu gi stovėk su manimi čia: Aš tau paskelbsiu visus savo įsakymus, įstatymus ir paliepimus, kurių mokysi juos, kad vykdytų žemėje, kurią jiems duosiu paveldėti’.
32Inyo ngang isagawa na gaya ng iniutos sa inyo ng Panginoon ninyong Dios: huwag kayong liliko sa kanan o sa kaliwa.
32Klausykite ir vykdykite, ką Viešpats Dievas jums įsakė; nenukrypkite nei į dešinę, nei į kairę.
33Kayo'y lalakad ng buong lakad na iniutos sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, upang kayo'y mabuhay, at upang ikabuti ninyo, at upang inyong mapalawig ang inyong mga araw sa lupain na inyong aariin.
33Vaikščiokite keliais, kuriuos Viešpats, jūsų Dievas, jums nurodė, kad būtumėte gyvi, kad jums gerai sektųsi ir ilgai gyventumėte žemėje, kurią paveldėsite”.