1Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa pangitain na nagsasabi, Huwag kang matakot, Abram: ako ang iyong kalasag, at ang iyong ganting pala na lubhang dakila.
1Po šių įvykių Viešpats prabilo į Abromą regėjime: “Nebijok, Abromai! Aš esu tavo skydas ir labai didelis atlygis!”
2At sinabi ni Abram, Oh Panginoong Dios, anong ibibigay mo sa akin, kung ako'y nabubuhay na walang anak at ang magaari ng aking bahay ay itong taga Damascong si Eliezer?
2Abromas tarė: “Viešpatie Dieve! Ką Tu man duosi? Aš neturiu vaikų, mano namų paveldėtojas bus damaskietis Eliezeras.
3At sinabi ni Abram, Narito, hindi mo ako binigyan ng anak at, narito't isang ipinanganak sa aking bahay ang siyang tagapagmana ko.
3Man nedavei vaikų, ir štai tarnas, gimęs mano namuose, yra mano įpėdinis”.
4At, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsabi, Hindi ang taong ito ang magiging tagapagmana mo; kundi lalabas sa iyong sariling katawan ang magiging tagapagmana mo.
4Viešpats atsakė jam: “Ne šitas bus tavo paveldėtojas, bet tas, kuris gims iš tavęs”.
5At siya'y inilabas at sinabi, Tumingala ka ngayon sa langit, at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo: at sa kaniya'y sinabi, Magiging ganiyan ang iyong binhi.
5Ir, išvedęs jį laukan, tarė: “Pažvelk į dangų ir, jei gali, suskaičiuok žvaigždes! Tiek bus tavo palikuonių!”
6At sumampalataya siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kaniya.
6Abromas patikėjo Dievu, ir tai jam buvo įskaityta teisumu.
7At sinabi sa kaniya, Ako ang Panginoon na nagpaalis sa iyo sa Ur ng mga Caldeo, upang ibigay sa iyo ang lupaing ito na manahin mo.
7Dievas kalbėjo: “Aš esu Viešpats, kuris tave išvedžiau iš Chaldėjos miesto Ūro, kad tu paveldėtum šitą šalį”.
8At sinabi niya, Oh Panginoong Dios, paanong pagkakilala ko na aking mamanahin?
8Abromas tarė: “Viešpatie Dieve! Iš kur galiu žinoti, kad ją paveldėsiu?”
9At sinabi sa kaniya, Magdala ka rito sa akin ng isang dumalagang bakang tatlong taon ang gulang, at ng isang babaing kambing na tatlong taon ang gulang, at ng isang lalaking tupang tatlong taon ang gulang, at ng isang inakay na batobato at ng isang inakay na kalapati.
9Tada Jis tarė jam: “Atvesk man trejų metų karvę, trejų metų ožką, trejų metų aviną, balandį ir jauną karvelį”.
10At dinala niya ang lahat ng ito sa kaniya, at pinaghati niya sa gitna, at kaniyang pinapagtapattapat ang kalakalahati; datapuwa't hindi hinati ang mga ibon.
10Abromas, atvedęs visus gyvulius, padalino pusiau ir padėjo kiekvieną gabalą vienas prieš kitą, tačiau paukščių nedalino.
11At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay, at binubugaw ni Abram.
11Plėšrieji paukščiai atskrido prie mėsos, bet Abromas juos nubaidė.
12At nang lulubog na ang araw, ay nakatulog si Abram ng mahimbing; at, narito, ang isang kasindaksindak na malaking kadiliman ay sumakaniya.
12Saulei leidžiantis, gilus miegas apėmė Abromą, siaubas ir didelė tamsa jį apėmė.
13At sinabi ng Dios kay Abram, Tunay na pakatalastasin mo, na ang iyong binhi ay magiging taga ibang bayan sa lupaing hindi kanila, at mangaglilingkod sa mga yaon; at pahihirapang apat na raang taon.
13Tada Viešpats tarė Abromui: “Žinok, kad tavo palikuonys bus ateiviai svetimame krašte, jie vergaus ir bus spaudžiami keturis šimtus metų.
14At yaon namang bansang kanilang paglilingkuran ay aking hahatulan: at pagkatapos ay aalis silang may malaking pag-aari.
14Tautą, kuriai jie vergaus, Aš teisiu, ir tada jie iš ten išeis su dideliu turtu.
15Datapuwa't ikaw ay payapang pasa sa iyong mga magulang; at ikaw ay malilibing sa mabuting katandaan.
15O tu ramybėje nueisi pas savo tėvus ir būsi palaidotas, sulaukęs žilos senatvės.
16At sa ikaapat na salin ng iyong binhi, ay magsisipagbalik rito: sapagka't hindi pa nalulubos ang katampalasanan ng mga Amorrheo.
16Ketvirtoji karta sugrįš čia, nes amoritų nusikaltimų saikas dar nėra pilnas”.
17At nangyari, na paglubog ng araw, at pagdilim, na narito, ang isang hurnong umuusok, at ang isang tanglaw na nagniningas na dumaan sa gitna ng mga hinating hayop.
17Nusileidus saulei ir sutemus, štai pasirodė rūkstanti krosnis ir liepsnojantis deglas ir praėjo tarp tų mėsos gabalų.
18Nang araw na yaon, ang Panginoon ay nakipagtipan kay Abram, na nagsabi, Sa iyong binhi ibinigay ko ang lupaing ito, mula sa ilog ng Egipto hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates.
18Tą dieną Viešpats padarė su Abromu sandorą, sakydamas: “Tavo palikuonims atidaviau visą žemę nuo Egipto upės iki didžiosios Eufrato upės:
19Ang mga Cineo, at ang mga Ceneceo, at ang mga Cedmoneo,
19kenitus, kenazus, kadmonitus,
20At ang mga Heteo, at ang mga Pherezeo, at ang mga Refaim,
20hetitus, perizus, refajus,
21At ang mga Amorrheo, at ang mga Cananeo, at ang mga Gergeseo, at ang mga Jebuseo.
21amoritus, kanaaniečius, girgašus ir jebusiečius”.