Tagalog 1905

Lithuanian

Genesis

26

1At nagkagutom sa lupain, bukod sa unang pagkakagutom na nangyari ng mga araw ni Abraham. At naparoon si Isaac kay Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa Gerar.
1Šalyje vėl kilo badas kaip anksčiau Abraomo laikais. Izaokas nuėjo pas filistinų karalių Abimelechą į Gerarą.
2At napakita ang Panginoon sa kaniya, at nagsabi, Huwag kang bumaba sa Egipto; matira ka sa lupaing aking sasabihin sa iyo:
2Jam pasirodė Viešpats ir tarė: “Neik į Egiptą. Gyvenk žemėje, kurią tau nurodysiu.
3Matira ka sa lupaing ito, at ako'y sasa iyo, at ikaw ay aking pagpapalain; sapagka't sa iyo at sa iyong binhi ay ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito, at pagtitibayin ko ang sumpang aking isinumpa kay Abraham na iyong ama;
3Būk kaip ateivis šitoje šalyje. Aš būsiu su tavimi ir laiminsiu tave, nes tau ir tavo palikuonims duosiu visas šias žemes ir ištesėsiu priesaiką, kurią daviau tavo tėvui Abraomui.
4At aking pararamihin ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito: at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa;
4Aš padauginsiu tavo palikuonis, kad jų bus tiek, kiek danguje žvaigždžių, ir duosiu jiems visas šias žemes. Tavo palikuonyse bus palaimintos visos žemės giminės,
5Sapagka't sinunod ni Abraham ang aking tinig, at ginanap ang aking bilin, ang aking mga utos, ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kautusan.
5nes Abraomas paklausė mano balso ir laikėsi mano įstatymų, įsakymų, nuostatų ir nurodymų”.
6At tumahan si Isaac sa Gerar.
6Izaokas pasiliko Gerare.
7At tinanong siya ng mga taong tagaroon tungkol sa kaniyang asawa; at sinabi niya, Siya'y aking kapatid; sapagka't natakot na sabihin, Siya'y aking asawa: baka ako'y patayin, aniya, ng mga taong tagarito, dahil kay Rebeca; dahil sa siya'y may magandang anyo.
7Tos vietos vyrams, teiraujantis apie jo žmoną, jis sakė: “Ji mano sesuo”, nes jis bijojo sakyti: “Ji mano žmona”, kad tos vietos vyrai neužmuštų jo dėl Rebekos, nes ji buvo graži.
8At nangyari nang siya'y naroong mahabang panahon, na dumungaw si Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa isang durungawan, at tumingin, at narito't si Isaac ay nakikipaglaro kay Rebeca na kaniyang asawa.
8Pagyvenus ten ilgesnį laiką, pasitaikė, kad filistinų karalius Abimelechas, žiūrėdamas pro langą, pamatė Izaoką, glamonėjantį savo žmoną Rebeką.
9At tinawag ni Abimelech si Isaac, at sa kaniya'y sinabi, Narito, tunay na siya'y iyong asawa: at bakit sinabi mo, Siya'y aking kapatid? At sumagot sa kaniya si Isaac, Sapagka't sinabi ko, Baka ako'y mamatay dahil sa kaniya.
9Abimelechas pasišaukė Izaoką ir tarė: “Man aišku, kad ji tavo žmona! Kodėl sakei: ‘Ji mano sesuo’?” Izaokas jam atsakė: “Bijojau, kad nereikėtų dėl jos mirti”.
10At sinabi ni Abimelech, Ano itong ginawa mo sa amin? hindi malayong ang sinoman sa bayan ay nakasiping sa iyong asawa, at sa gayon ay pinapagkasala mo kami.
10Tada Abimelechas tarė: “Kodėl mums taip padarei? Juk kas nors galėjo sugulti su tavo žmona, ir tu būtum apkaltinęs mus!”
11At ibinilin ni Abimelech sa buong bayan, na sinabi, Ang gumalaw sa lalaking ito o sa kaniyang asawa ay tunay na papatayin.
11Abimelechas įspėjo visą tautą: “Kas palies šitą vyrą ar jo žmoną, bus baudžiamas mirtimi”.
12At si Isaac ay naghasik sa lupaing yaon, at umani siya ng taong yaon, ng tigisang daan at pinagpala siya ng Panginoon.
12Izaokas įdirbo žemę ir gavo tais metais šimteriopą derlių, nes Viešpats jį laimino.
13At naging dakila ang lalake at lalo't lalong naging dakila hanggang sa naging totoong dakila.
13Ir jis tapo didis žmogus, ir toliau augo, ir plėtėsi, kol tapo labai didis.
14At siya'y may tinatangkilik na mga kawan, at mga tinatangkilik na mga bakahan, at malaking sangbahayan: at kinainggitan siya ng mga Filisteo.
14Jis turėjo daug gyvulių ir avių, ir didelį skaičių tarnų, todėl jam pavydėjo filistinai.
15Lahat ng mga balon ngang hinukay ng mga bataan ng kaniyang ama, nang mga kaarawan ni Abraham na kaniyang ama, ay pinagtabunan ng mga Filisteo, na mga pinuno ng lupa.
15Visus šulinius, kuriuos jo tėvo tarnai buvo iškasę Abraomo dienomis, filistinai užvertė žemėmis.
16At sinabi ni Abimelech kay Isaac; Humiwalay ka sa amin, sapagka't ikaw ay makapupong matibay kay sa amin.
16Abimelechas tarė Izaokui: “Pasitrauk nuo mūsų, nes tu pasidarei daug galingesnis už mus!”
17At umalis si Isaac doon, at humantong sa libis ng Gerar, at tumahan doon.
17Izaokas pasitraukė iš ten, pasistatė palapinę Geraros slėnyje ir ten gyveno.
18At muling hinukay ni Isaac ang mga balon ng tubig na kanilang hinukay nang mga kaarawan ni Abraham na kaniyang ama; sapagka't pinagtabunan ng mga Filisteo, pagkamatay ni Abraham: at kaniyang mga pinanganlan ng ayon sa mga pangalang inilagay ng kaniyang ama.
18Tada Izaokas vėl atkasė šulinius, kuriuos Abraomas, jo tėvas, buvo iškasęs ir filistinai, Abraomui mirus, buvo užvertę. Jis juos pavadino tais pačiais vardais, kuriais jo tėvas juos buvo pavadinęs.
19At humukay sa libis ang mga bataan ni Isaac, at nangakasumpong doon ng isang balon ng tubig na bumubukal.
19Izaoko tarnai kasė šulinį slėnyje ir rado vandens versmę.
20At nakipagtalo ang mga pastor ni Gerar sa mga pastor ni Isaac, na sinasabi, Amin ang tubig; at kaniyang tinawag ang pangalan ng balon, na Esec; sapagka't ipinakipagkaalit sa kaniya.
20Geraro piemenys ginčijosi su Izaoko piemenimis: “Mums priklauso vanduo!” Jis pavadino tą šulinį Eseku, nes jie ginčijosi su juo.
21At sila'y humukay ng ibang balon; at kanilang pinagtalunan din: at kaniyang tinawag ang pangalan na Sitnah.
21Po to jis iškasė kitą šulinį, bet jie ir dėl to susiginčijo. Jis jį pavadino Sitna.
22At bumunot siya roon, at humukay ng ibang balon; at hindi nila pinagtalunan: at kaniyang tinawag ang pangalan na Rehoboth; at kaniyang sinabi, Sapagka't ngayo'y binigyan tayo ng Panginoon ng kaluwagan, at lalago tayo sa lupain.
22Iš ten jis kėlėsi toliau ir vėl iškasė šulinį. Dėl šito jie nebesiginčijo. Jis jį pavadino Rehobotu ir tarė: “Dabar mums Viešpats suteikė daug vietos, galėsime plėstis šalyje”.
23At mula roon ay umahon siya sa Beerseba.
23Iš ten jis persikėlė į Beer Šebą.
24At napakita sa kaniya ang Panginoon ng gabi ring yaon, at nagsabi, Ako ang Dios ni Abraham na iyong ama: huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo, at ikaw ay aking pagpapalain, at aking pararamihin ang iyong binhi, alangalang kay Abraham na aking lingkod.
24Tą naktį pasirodė jam Viešpats ir tarė: “Aš esu tavo tėvo Abraomo Dievas. Nebijok! Aš esu su tavimi ir dėl mano tarno Abraomo laiminsiu tave bei padauginsiu tavo palikuonis”.
25At si Isaac ay nagtayo roon ng isang dambana, at kaniyang sinambitla ang pangalan ng Panginoon, at itinindig niya roon ang kaniyang tolda: at humukay roon ang mga bataan ni Isaac ng isang balon.
25Izaokas čia pastatė aukurą ir šaukėsi Viešpaties vardo, ir čia jis ištiesė savo palapinę. Jo tarnai toje vietoje iškasė šulinį.
26Nang magkagayo'y si Abimelech ay naparoon sa kaniya mula sa Gerar, at si Ahuzath na kaniyang kaibigan, at si Phicol na kapitan ng kaniyang hukbo.
26Abimelechas iš Geraro atvyko pas jį su savo draugu Achuzatu ir kariuomenės vadu Picholu.
27At sinabi sa kanila ni Isaac, Bakit kayo naparirito sa akin, dangang kayo'y nangapopoot sa akin at pinalayas ninyo ako sa inyo?
27Izaokas paklausė: “Ko atėjote? Juk jūs nekenčiate manęs ir mane išvarėte!”
28At sinabi nila, Malinaw na aming nakita, na ang Panginoon ay sumasaiyo: at aming sinabi, Magkaroon ng pagsusumpaan tayo, kami at ikaw at makipagtipan kami sa iyo:
28Jie atsakė: “Mes aiškiai matome, kad Viešpats yra su tavimi, todėl sakome: ‘Tarkimės, sudarykime sandorą!’
29Na hindi ka gagawa sa amin ng masama, gaya naman namin na hindi ka namin ginalaw, at wala kaming ginawa sa iyong di mabuti, at pinayaon ka naming payapa: ikaw ngayon ang pinagpala ng Panginoon.
29Nesielk su mumis piktai, juk ir mes tavęs neskriaudėme, gerai elgėmės su tavimi ir išleidome ramybėje. Tu esi Viešpaties palaimintasis!”
30At pinaghandaan niya sila, at sila'y nagkainan at naginuman.
30Izaokas iškėlė jiems pokylį, jie valgė ir gėrė.
31At sila'y gumising ng madaling araw, at sila'y nagpanumpaan: at sila'y pinagpaalam ni Isaac, at nagsialis na payapa sa kaniya.
31Atsikėlę anksti rytą, jie sudarė sandorą. Po to Izaokas juos išleido, ir jie iškeliavo ramybėje.
32At nangyari, nang araw ding yaon, na nagsidating ang mga bataan ni Isaac, at siya'y binalitaan tungkol sa balon nilang hinukay, at sinabi sa kaniya, Nakasumpong kami ng tubig.
32Tą pačią dieną Izaoko tarnai atėję pranešė jam apie naujai iškastą šulinį, sakydami: “Mes radome vandens”.
33At tinawag niyang Seba: kaya't ang pangalan ng bayang yaon ay Beerseba hanggang ngayon.
33Ir jis pavadino jį Šiba, todėl tas miestas ligi šios dienos tebevadinamas Beer Šeba.
34At nang si Esau ay may apat na pung taon ay nagasawa kay Judit, na anak ni Beeri na Heteo, at kay Basemat na anak ni Elon na Heteo:
34Ezavas, turėdamas keturiasdešimt metų, vedė hetito Beerio dukterį Juditą ir hetito Elono dukterį Basmatą.
35At sila'y nakasama ng loob kay Isaac at kay Rebeca.
35Jos apkartino Izaoko ir Rebekos gyvenimą.