Tagalog 1905

Lithuanian

Genesis

34

1At lumabas si Dina na anak ni Lea, na ipinanganak nito kay Jacob, upang tingnan ang mga anak na babae ng lupaing yaon.
1Kartą Lėjos duktė Dina išėjo pasižiūrėti tos šalies dukterų.
2At siya'y nakita ni Sichem, anak ni Hamor, na Heveo, na prinsipe sa lupain; at siya'y kinuha at sumiping sa kaniya, at siya'y pinangayupapa.
2Šalies kunigaikščio hivo Hamoro sūnus Sichemas, ją pamatęs, nutvėrė ir išprievartavo.
3At inilakip niya ang kaniyang kaluluwa kay Dina, na anak ni Jacob at kaniyang sininta ang dalaga, at nakiusap ng kalugodlugod sa dalaga.
3Jo siela prisirišo prie Jokūbo dukters Dinos. Jis pamilo mergaitę ir meiliai kalbėjo su ja.
4At si Sichem ay nagsalita sa kaniyang amang kay Hamor, na sinabi, Ipakamit mo sa akin ang dalagang ito na maging asawa ko.
4Sichemas prašė savo tėv o Hamoro: “Leisk man vesti šią mergaitę!”
5Nabalitaan nga ni Jacob na dinahas ang kaniyang anak na si Dina; at ang kaniyang mga anak ay nasa kasamahan ng mga hayop niya sa parang: at tumahimik si Jacob hanggang sa sila'y dumating.
5Jokūbas sužinojo, kad Sichemas išprievartavo jo dukterį Diną; kadangi jo sūnūs buvo prie gyvulių laukuose, Jokūbas tylėjo, kol jie pareis.
6At nilabas ni Hamor na ama ni Sichem si Jacob upang makiusap sa kaniya.
6Sichemo tėvas Hamoras atėjo pas Jokūbą, norėdamas su juo pasikalbėti.
7At ang mga anak ni Jacob ay nagsiuwi mula sa parang nang kanilang mabalitaan: at nangagdamdam ang mga lalake, at nagningas ang kanilang galit, sapagka't gumawa ng kaululan sa Israel, na sinipingan ang anak ni Jacob; bagay na di nararapat gawin.
7Jokūbo sūnūs, tai išgirdę, parėjo iš laukų. Jie įsižeidė ir labai supyko, nes Sichemas padarė gėdą Izraeliui, gulėdamas su Jokūbo dukterimi, nors nederėjo taip daryti.
8At nakiusap si Hamor sa kanila, na sinasabi, Ang kaluluwa ni Sichem na aking anak ay sumasa iyong anak; ipinamamanhik ko sa inyo na ipagkaloob ninyo sa kaniya na maging asawa niya.
8Hamoras kalbėjosi su jais: “Mano sūnaus Sichemo siela ilgisi jūsų dukters. Prašau, leiskite mano sūnui ją vesti.
9At magsipagasawa kayo sa amin; ibigay ninyo sa amin ang inyong mga anak na babae, at ibibigay namin sa inyo ang aming mga anak na babae.
9Susigiminiuokime: duokite mums savo dukteris, o mūsų dukteris veskite!
10At tatahan kayong kasama namin; at ang lupain ay sasa harap ninyo; tumahan kayo at mangalakal kayo riyan at magkaroon kayo ng mga pag-aari riyan.
10Gyvenkite pas mus. Kraštas jums yra atviras. Pasilikite ir laisvai jame gyvenkite ir įsigykite čia nuosavybę”.
11At sinabi ni Sichem sa ama ni Dina, at sa mga kapatid niya, Makasundo nawa ako ng biyaya sa inyong mga mata at ang sabihin ninyo sa akin ay aking ibibigay.
11Ir Sichemas kalbėjo Dinos tėvui ir broliams: “O kad rasčiau malonę jūsų akyse! Ko tik iš manęs paprašysite, duosiu.
12Hingin ninyo sa akin ang walang bilang na bigay-kaya at kaloob, at aking ibibigay ayon sa sabihin ninyo sa akin; ipagkaloob lamang ninyo sa akin ang dalaga na maging asawa ko.
12Prašykite pačio didžiausio kraičio ir dovanos; aš viską duosiu, ko paprašysite, tik leiskite man vesti mergaitę!”
13At nagsisagot na may pagdaraya ang mga anak ni Jacob kay Sichem at kay Hamor na kaniyang ama, at sila'y nagsalitaan, sapagka't kaniyang dinahas si Dina na kanilang kapatid.
13Jokūbo sūnūs klastingai kalbėjo su Sichemu ir jo tėvu Hamoru, nes Sichemas buvo išprievartavęs jų seserį Diną.
14At sinabi niya sa kanila, Hindi namin magagawa ito, na ibigay ang aming kapatid sa isang hindi tuli; sapagka't isang kasiraan ng puri namin.
14Jie sakė jiems: “Mes negalime to padaryti­išleisti savo seserį už vyro, kuris yra neapipjaustytas, nes tai būtų mums negarbė ir gėda.
15Sa ganitong paraan lamang papayag kami sa inyo: kung kayo'y magiging gaya namin, na mangatuli ang lahat ng lalake sa inyo;
15Sutiksime su jumis tik su sąlyga, jei jūs tapsite kaip mes ir kiekvienas vyras tarp jūsų bus apipjaustytas.
16Ay ibibigay nga namin sa inyo ang aming mga anak na babae, at makikisama kami sa inyong mga anak na babae, at tatahan kami sa inyo, at tayo'y magiging isa lamang bayan.
16Tada mes leisime jums vesti savo dukteris ir vesime jūsų; liksime pas jus gyventi ir tapsime viena tauta.
17Datapuwa't kung ayaw ninyo kaming pakinggan, na kayo'y mangatuli; ay dadalhin nga namin ang aming anak na babae at kami ay yayaon.
17Bet jei mūsų nepaklausysite ir neapsipjaustysite, pasiimsime savo dukterį ir išeisime”.
18At ang kanilang mga salita ay kinalugdan ni Hamor at ni Sichem, na anak ni Hamor.
18Jų žodžiai patiko Hamorui ir jo sūnui Sichemui.
19At hindi iniliban ng binata ang paggawa niyaon, sapagka't nalugod siya sa anak na babae ni Jacob: at siya ang pinarangalang higit sa buong sangbahayan ng kaniyang ama.
19Jaunuolis nedelsė įvykdyti pasiūlymo, nes jis buvo įsimylėjęs Jokūbo dukterį. O jis buvo žymiausias savo tėvo namuose.
20At si Hamor at si Sichem na kaniyang anak ay napasa pintuang-bayan ng kanilang bayan, at sila'y nakiusap sa mga tao sa kanilang bayan, na sinasabi.
20Hamoras ir jo sūnus Sichemas atėjo prie miesto vartų ir kalbėjo savo miesto vyrams:
21Ang mga taong ito ay tahimik sa atin; kaya't magsitahan sila sa lupain at magsipangalakal sila riyan; sapagka't narito, ang lupain, ay may malabis na kaluwangan sa kanila; tayo'y makisama sa kanilang mga anak na babae, at ating ibigay sa kanila ang ating mga anak.
21“Šitie žmonės yra taikingi mūsų atžvilgiu. Jie telieka gyventi ir laisvai verstis mūsų krašte. Kraštas juk platus! Jų dukteris vesime, o savo dukteris leisime tekėti už jų.
22Sa ganito lamang paraan papayagan tayo ng mga taong iyan, sa pagtahan sa atin, na maging isa lamang bayan, kung patuli ang lahat ng lalake sa atin, na gaya naman nila na mga tuli.
22Tie žmonės sutinka gyventi pas mus ir tapti viena tauta tik su šita sąlyga, jei kiekvienas mūsų vyras apsipjaustys, kaip jie yra apipjaustyti.
23Di ba magiging atin ang kanilang mga baka at ang kanilang mga pag-aari at ang lahat nilang hayop? Atin lamang silang payagan, at tatahan sa atin.
23Jų galvijai, jų manta ir visi gyvuliai priklausys mums. Sutikime su jais, ir jie liks pas mus gyventi!”
24At pinakinggan si Hamor at si Sichem na kaniyang anak, ng lahat na lumalabas sa pintuan ng kaniyang bayan; at ang lahat ng lalake ay nagtuli, ang lahat ng lumalabas sa pintuan ng kaniyang bayan.
24Visi miesto vyrai paklausė Hamoro ir jo sūnaus Sichemo ir buvo apipjaustyti.
25At nangyari, nang ikatlong araw, nang sila'y nangasasaktan, na ang dalawa sa mga anak ni Jacob, si Simeon at si Levi, na mga kapatid ni Dina, na kumuha ang bawa't isa ng kaniyang tabak, at sila'y lihim na pumasok sa bayan, at kanilang pinatay ang lahat ng mga lalake.
25Trečią dieną, kai jiems labai skaudėjo, du Jokūbo sūnūs, Simeonas ir Levis, Dinos broliai, pasiėmė savo kardus ir, drąsiai atėję į miestą, išžudė visus vyrus.
26At kanilang pinatay si Hamor at si Sichem na kaniyang anak, sa talim ng tabak, at kanilang kinuha si Dina sa bahay ni Sichem, at sila'y nagsialis.
26Jie taip pat nužudė Hamorą ir jo sūnų Sichemą, paėmė Diną iš Sichemo namų ir išėjo.
27Nagsiparoon ang mga anak ni Jacob sa mga patay, at kanilang sinamsaman ang bayan, sapagka't kanilang dinahas ang kapatid nila.
27Jokūbo sūnūs atėjo prie nužudytųjų ir apiplėšė miestą, keršydami už sesers išniekinimą.
28Kinuha nila ang kanilang mga kawan at ang kanilang mga bakahan, at ang kanilang mga asno, at ang nasa bayan, at ang nasa parang;
28Pasiėmė jų avis, galvijus, asilus ir visa, kas buvo mieste ir laukuose.
29At ang kanilang buong yaman, at ang lahat ng kanilang mga anak, at mga asawa, ay dinala nilang bihag at samsam, sa makatuwid baga'y lahat na nasa bahay.
29Pagrobė visą jų turtą, vaikus ir žmonas išsivedė į nelaisvę ir išplėšė viską, kas buvo namuose.
30At sinabi ni Jacob kay Simeon at kay Levi, Ako'y inyong binagabag, na pinapaging mapagtanim ninyo ako sa mga tumatahan sa lupain, sa mga Cananeo, at sa mga Pherezeo; at akong may kaunting tao, ay magpipisan sila laban sa akin, at ako'y sasaktan nila; at lilipulin ako at ang aking sangbahayan.
30Jokūbas tarė Simeonui ir Leviui: “Jūs pridarėte man bėdos, padarydami mane nekenčiamą tarp šios šalies gyventojų, tarp kanaaniečių ir perizų. Mūsų labai mažai; jie susirinks prieš mane ir nužudys mane. Taip aš ir mano namai bus sunaikinti”.
31At kanilang sinabi, Aariin ba niya ang aming kapatid na parang isang patutot?
31Sūnūs atsakė: “Argi jam buvo leista pasielgti su mūsų seserimi kaip su paleistuve?”