1Sa araw na yaon ay aawitin ang awit na ito sa lupain ng Juda: Tayo ay may matibay na bayan; kaligtasan ay kaniyang ilalagay na pinakakuta at pinakakatibayan.
1Tuomet Judo šalyje giedos šią giesmę: “Mūsų miestas yra tvirtas; Jis suteiks išgelbėjimą už jo sienų ir pylimų.
2Buksan ninyo ang mga pintuang-bayan, upang mapasukan ng matuwid na bansa na nagiingat ng katotohanan.
2Atkelkite vartus ir teįeina teisioji tauta, kuri saugo tiesą.
3Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa iyo.
3Tu suteiksi tobulą ramybę tiems, kurie pasitiki Tavimi.
4Magsitiwala kayo sa Panginoon magpakailan man: sapagka't nasa Panginoong Jehova ang walang hanggang bato.
4Pasitikėkite Viešpačiu visados, nes Viešpats Jahvė yra amžina stiprybė.
5Sapagka't ibinaba niya sila na nagsisitahan sa itaas, na mapagmataas na bayan: kaniyang ibinaba, ibinaba hanggang sa lupa: kaniyang ibinagsak hanggang sa alabok.
5Jis pažemina išpuikusius išdidaus miesto gyventojus. Jis pažemina juos iki žemės, dulkėmis paversdamas miestą.
6Yayapakan ng paa, sa makatuwid baga'y ng mga paa ng dukha, at ng mga hakbang ng mapagkailangan.
6Mindžioja jį beturčių kojos, vargšų žingsniai”.
7Ang daan ng ganap ay katuwiran: ikaw na matuwid ay nagtuturo ng landas ng ganap.
7Teisiojo kelias yra tiesus, Tu jo taką išlygini.
8Oo, sa daan ng iyong mga kahatulan, Oh Panginoon, nangaghintay kami sa iyo: sa iyong pangalan at sa alaala sa iyo ang nasa ng aming kaluluwa.
8Tavo teismų kelyje, Viešpatie, mes laukėme; mūsų sielos atsimena Tavo vardą ir ilgisi Tavęs.
9Ninasa kita ng aking kaluluwa sa gabi; oo, ng diwa ko sa loob ko ay hahanapin kita na masikap: sapagka't pagka nasa lupa ang iyong mga kahatulan ay nangatututo ng katuwiran ang mga nananahan sa sanglibutan.
9Mano siela naktį ilgisi Tavęs, mano dvasia ieško Tavęs. Kai Tavo teismai pasireiškia žemėje, pasaulio gyventojai pasimoko teisumo.
10Magpakita man ng awa sa masama, hindi rin siya matututo ng katuwiran; sa lupain ng katuwiran ay gagawa siyang may kamalian, at hindi niya mapapansin ang kamahalan ng Panginoon.
10Jei nedorėlio bus pasigailėta, jis nepasimokys teisumo; teisiųjų šalyje jis darys pikta ir nekreips dėmesio į Viešpaties didybę.
11Panginoon, ang iyong kamay ay nakataas, gayon ma'y hindi nila nakikita: nguni't makikita nila ang iyong sikap sa bayan, at mangapapahiya; oo, sasakmalin ng apoy ang iyong mga kaaway.
11Viešpatie, Tavo ranka yra pakelta, bet jie nemato jos. Tavo uolumą dėl tautos jie tepamato ir tesusigėsta. Ugnis tesunaikina Tavo priešus.
12Panginoon, ikaw ay magaayos ng kapayapaan sa amin: sapagka't ikaw rin ang gumawa ng lahat naming gawa na para sa amin.
12Viešpatie, Tu suteiksi mums ramybės, nes Tu juk viską padarei dėl mūsų.
13Oh Panginoon naming Dios, ang ibang mga panginoon, bukod sa iyo ay nagtaglay ng pagkapanginoon sa amin; nguni't ikaw lamang ang babanggitin namin sa pangalan.
13Viešpatie, mūsų Dieve, kiti valdovai viešpatavo mums, bet mes tik Tavo vardą pripažįstame ir Jį garbiname.
14Sila'y patay, sila'y hindi mabubuhay; sila'y namatay, sila'y hindi babangon: kaya't iyong dinalaw at sinira sila, at pinawi mo ang lahat na alaala sa kanila.
14Jie mirė ir nebeatgis, jie yra šešėliai ir nebeatsikels; Tu aplankei juos ir sunaikinai, jų atminimą išdildei.
15Iyong pinarami ang bansa, Oh Panginoon, iyong pinarami ang bansa; ikaw ay nagpakaluwalhati: iyong pinalaki ang lahat na hangganan ng lupain.
15Viešpatie, tu padidinai tautą; šlovė Tau už tai; Tu išplėtei krašto sienas.
16Panginoon, sa kabagabagan ay dinalaw ka nila, sila'y nangagbugso ng dalangin, nang pinarurusahan mo sila.
16Viešpatie, jie ieškojo Tavęs nelaimės metu; jie meldėsi, kai juos baudei.
17Gaya ng babae na nagdadalang-tao na lumalapit ang panahon ng kaniyang panganganak, ay nasa hirap at humihiyaw sa kaniyang pagdaramdam; naging gayon kami sa harap mo, Oh Panginoon.
17Kai gimdyvės laikas priartėja, ji šaukia iš skausmo. Viešpatie, tokie mes esame Tavo akivaizdoje.
18Kami ay nangagdalang-tao, kami ay nalagay sa pagdaramdam, kami ay tila nanganak ng hangin; kami ay hindi nagsigawa ng anomang kagalingan sa lupa; o nabuwal man ang mga nananahan sa sanglibutan.
18Mes lyg gimdančios kentėjome, bet pagimdėme tik vėją. Mes neatnešėme kraštui išlaisvinimo ir pasaulio gyventojai nekrito.
19Ang iyong mga patay ay mangabubuhay; ang aking patay na katawan ay babangon. Magsigising at magsiawit, kayong nagsisitahan sa alabok: sapagka't ang iyong hamog ay gaya ng hamog ng mga damo, at iluluwa ng lupa ang mga patay.
19Tavo mirusieji bus gyvi, jų kūnai kelsis kartu su mano. Dulkėse esantieji, pabuskite ir giedokite. Kaip rasa gaivina augalus, taip Viešpats prikels mirusiuosius.
20Ikaw ay parito, bayan ko, pumasok ka sa iyong mga silid, at isara mo ang iyong mga pintuan sa palibot mo: magkubli kang sangdali, hanggang sa ang galit ay makalampas;
20Mano tauta, eik, įeik į savo kambarius; pasislėpk valandėlę, kol praeis Jo rūstybė.
21Sapagka't, narito, ang Panginoon ay lumalabas mula sa kaniyang dako upang parusahan ang mga nananahan sa lupa dahil sa kanilang kasamaan: ililitaw naman ng lupa ang kaniyang dugo, at hindi na tatakpan ang kaniyang nangapatay.
21Viešpats ateina iš savo buveinės bausti žemės gyventojų už jų nusikaltimus. Žemė atidengs ant jos pralietą kraują ir nebeslėps nužudytųjų.