1Sa aba ng mga pastor na nangagpapahamak at nangagpapangalat sa mga tupa sa aking pastulan! sabi ng Panginoon.
1“Vargas ganytojams, kurie mano ganyklos avis naikina ir išsklaido!”sako Viešpats.
2Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, laban sa mga pastor na nangagpastol ng aking bayan, Inyong pinangalat ang aking kawan, at inyong iniligaw sila, at hindi ninyo sila dinalaw; narito, dadalawin ko sa inyo ang kasamaan ng inyong mga gawa, sabi ng Panginoon.
2Todėl taip sako Viešpats, Izraelio Dievas, apie savo tautos ganytojus: “Jūs išsklaidėte mano avis ir jų neaplankėte. Todėl Aš jus aplankysiu dėl jūsų piktų darbų.
3At aking pipisanin ang nalabi sa aking kawan mula sa lahat na lupain na aking pinagtabuyan sa kanila, at aking dadalhin sila uli sa kanilang mga kulungan; at sila'y magiging palaanak at magsisidami.
3Aš pats surinksiu savo bandos likutį iš visų šalių, į kurias Aš jas išvariau, ir sugrąžinsiu į ganyklą; ten jos bus vaisingos ir dauginsis.
4At ako'y maglalagay ng mga pastor sa kanila na kakandili sa kanila; at hindi na sila matatakot, o manglulupaypay pa, o kukulangin ang sinoman sa kanila, sabi ng Panginoon.
4Aš paskirsiu joms ganytojų, kurie tikrai jas ganys. Jos nebebijos ir nesibaimins, nė vienos iš jų netrūks,sako Viešpats”.
5Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng kahatulan at kaganapan sa lupain.
5“Ateis diena,sako Viešpats, kai Aš išauginsiu teisią atžalą iš Dovydo giminės. Jis viešpataus kaip karalius, elgsis išmintingai, vykdys teisingumą bei teismą krašte.
6Sa kaniyang mga kaarawan ay maliligtas ang Juda, at ang Israel ay tatahang tiwasay; at ito ang kaniyang pangalan na itatawag sa kaniya, Ang Panginoon ay ating katuwiran.
6Jo dienomis Judas bus išgelbėtas ir Izraelis gyvens saugiai. Jo vardas bus: ‘Viešpats, mūsų teisumas’.
7Kaya't narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na hindi na nila sasabihin, Buhay ang Panginoon, na nagahon ng mga anak ni Israel mula sa lupain ng Egipto;
7Tuomet nebesakys: ‘Kaip gyvas Viešpats, kuris išvedė izraelitus iš Egipto krašto’,
8Kundi, Buhay ang Panginoon, na nagahon at pumatnubay sa angkan ng binhi ng Israel mula sa hilagaang lupain, at mula sa lahat ng lupain na aking pinagtabuyan sa kanila. At sila'y magsisitahan sa kanilang sariling lupain.
8bet sakys: ‘Kaip gyvas Viešpats, kuris išvedė ir parvedė Izraelio palikuonis iš šiaurės ir iš visų kraštų, į kuriuos Aš juos buvau išvaręs’. Ir jie gyvens savo žemėje”.
9Tungkol sa mga propeta. Ang puso ko sa loob ko ay bagbag, lahat kong buto ay nanginginig; ako'y parang langong tao, at parang taong dinaig ng alak, dahil sa Panginoon, at dahil sa kaniyang mga banal na salita.
9Mano širdis plyšta krūtinėje dėl pranašų, visi mano kaulai dreba. Aš esu kaip girtas vyras, kaip įveiktas vyno vyras dėl Viešpaties ir Jo šventų žodžių.
10Sapagka't ang lupain ay puno ng mga mangangalunya; sapagka't dahil sa sumpa ay tumatangis ang lupain; ang mga pastulan sa ilang ay natuyo. At ang kanilang lakad ay masama, at ang kanilang lakas ay hindi matuwid.
10“Šalis pilna svetimautojų; dėl jų prakeikimo gedi kraštas, išdžiūvusios stepių ganyklos. Jų siekiai yra pikti, jų jėganeteisybė.
11Sapagka't ang propeta ay gayon din ang saserdote ay marumi; oo, sa aking bahay ay nasumpungan ko ang kanilang kasamaan, sabi ng Panginoon.
11Jų pranašai ir kunigai yra bedieviai, net savo namuose aptinku jų nedorybę”,sako Viešpats.
12Kaya't ang kanilang daan ay magiging sa kanila'y parang mga madulas na dako sa kadiliman: sila'y isusudlong, at mangabubuwal doon; sapagka't ako'y magpaparating ng kasamaan sa kanila, sa makatuwid baga'y sa taon ng pagdalaw sa kanila, sabi ng Panginoon.
12“Jų kelias yra slidus kelias tamsoje, kuriuo eidami, jie paslys ir grius. Aš siųsiu sunaikinimą ir bausiu juos”,sako Viešpats.
13At nakita ko ang kamangmangan sa mga propeta ng Samaria; sila'y nanganghuhula sa pamamagitan ni Baal, at inililigaw ang aking bayang Israel.
13Tarp Samarijos pranašų mačiau kvailystę: jie pranašavo Baalo vardu ir klaidino mano tautą, Izraelį.
14Sa mga propeta ng Jerusalem naman ay nakita ko ang kakilakilabot na bagay: sila'y nangangalunya, at nagsisilakad sa mga kasinungalingan; at kanilang pinalalakas ang mga kamay ng mga manggagawa ng kasamaan, na anopa't walang humihiwalay sa kaniyang kasamaan: silang lahat ay naging parang Sodoma sa akin, at ang mga nananahan dito ay parang Gomorra.
14Tarp Jeruzalės pranašų mačiau baisių dalykų: svetimavimą ir melagystę. Jie padrąsina piktadarius, kad jie nenusigręžtų nuo savo nedorybių. Visi yra kaip Sodomos ir Gomoros gyventojai.
15Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa mga propeta, Narito, aking pakakanin sila ng ajenjo, at paiinumin ko sila ng inuming mapait, sapagka't mula sa mga propeta ng Jerusalem ay lumabas ang pagdudumi sa buong lupain.
15Todėl kareivijų Viešpats taip sako apie pranašus: “Aš juos valgydinsiu metėlėmis ir girdysiu karčiu vandeniu, nes nuo Jeruzalės pranašų bedievystė pasklido visoje šalyje”.
16Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Huwag ninyong dinggin ang mga salita ng mga propeta na nanganghuhula sa inyo: sila'y nangagtuturo sa inyo ng walang kabuluhan; sila'y nangagsasalita ng pangitain ng kanilang sariling puso, at hindi mula sa bibig ng Panginoon.
16Taip sako Viešpats: “Neklausykite pranašų, jums pranašaujančių. Jie tik mulkina jus, kalbėdami prasimanytus regėjimus, o ne tai, kas ateina iš Viešpaties.
17Kanilang sinasabing lagi sa kanila na nagsisihamak sa akin, Sabi ng Panginoon, Kayo'y mangagkakaroon ng kapayapaan; at sa bawa't isa na lumalakad sa katigasan ng kaniyang sariling puso ay sinasabi nila, Walang kasamaang darating sa inyo.
17Jie sako tiems, kurie niekina mane: ‘Taip kalba Viešpats: ‘Jūs turėsite ramybę’, ir kiekvienam, kuris seka savo širdies užgaidas sako: ‘Jums neatsitiks nieko pikto’ ”.
18Sapagka't sinong tumayo sa payo ng Panginoon, upang makamalas at makarinig ng kaniyang salita? sinong nakinig ng aking salita, at nakarinig?
18Kas buvo Viešpaties pasitarime, kas Jį matė ir girdėjo Jo žodį? Kas klausėsi Jo žodžio ir Jį išgirdo?
19Narito, ang bagyo ng Panginoon, ang kaniyang kapusukan, ay lumabas, oo, ipoipong bagyo: babagsak sa ulo ng masama.
19Ateina Viešpaties pykčio audra, viesulas užgrius ant nedorėlių galvų.
20Ang galit ng Panginoon ay hindi mapaparam, hanggang sa kaniyang magawa, at hanggang sa kaniyang maisagawa ang haka ng kaniyang puso: sa mga huling araw ay lubos ninyong mauunawa.
20Nenusigręš Viešpaties rūstybė. Jis įvykdys visa, ką savo širdyje sumanė. Paskutinėmis dienomis jūs tai aiškiai suprasite.
21Hindi ko sinugo ang mga propetang ito, gayon ma'y nagsitakbo sila: ako'y hindi nagsalita sa kanila, gayon ma'y nanghula sila.
21“Aš nesiunčiau šitų pranašų, jie patys bėgo! Nekalbėjau jiems, tačiau jie pranašavo!
22Nguni't kung sila'y nanayo sana sa aking payo, kanila ngang naiparinig ang aking mga salita sa aking bayan, at kanilang naihiwalay sa kanilang masamang lakad, at sa kasamaan ng kanilang mga gawa.
22Jei jie būtų buvę mano pasitarime ir skelbtų mano žodžius tautai, jie būtų nukreipę juos nuo jų pikto kelio ir nuo jų piktų darbų.
23Ako baga'y Dios lamang sa malapit, sabi ng Panginoon, at hindi Dios sa malayo?
23Argi Aš esu Dievas tiktai arti, o toli nebesu Dievas?
24May makapagkukubli bagang sinoman sa mga lihim na dako na hindi ko makikita siya? sabi ng Panginoon, Hindi baga pinupuno ko ang langit at ang lupa? sabi ng Panginoon.
24Argi gali kas taip pasislėpti, kad Aš jo nematyčiau?sako Viešpats.Argi Aš nepripildau dangaus ir žemės?
25Aking narinig kung ano ang sinabi ng mga propeta, na nanganghuhula ng mga kasinungalingan sa aking pangalan, na nangagsasabi, Ako'y nanaginip, ako'y nanaginip.
25Aš girdėjau, ką kalbėjo pranašai, pranašaudami mano vardu melą ir sakydami: ‘Sapnavau, sapnavau!’
26Hanggang kailan masusumpungan ito sa puso ng mga propeta na nanganghuhula ng mga kasinungalingan; sa makatuwid baga'y ng mga propeta na nanganghuhula ng daya ng kanilang sariling puso?
26Ar ilgai tai bus širdyse pranašų, kurie pranašauja melą ir apgaulę?
27Na nagaakalang magpalimot sa aking bayan ng aking pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga panaginip na sinasaysay ng bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, gaya ng kanilang mga magulang na nakalimot ng aking pangalan dahil kay Baal.
27Jie siekia, kad mano tauta pamirštų mane dėl jų sapnų, kuriuos jie pasakoja vieni kitiems, kaip jų tėvai pamiršo mane dėl Baalo.
28Ang propeta na nanaginip, ay magsaysay siya ng isang panaginip; at siyang nagtamo ng aking salita, salitain niya ang aking salita na may pagtatapat. Ano ang dayami sa trigo? sabi ng Panginoon.
28Pranašas, kuris turi sapną, tepasakoja sapną, o kas turi mano žodį, teskelbia jį ištikimai. Ką šiaudai turi bendro su kviečių grūdais?”sako Viešpats.
29Hindi baga ang aking salita ay parang apoy? sabi ng Panginoon; at parang pamukpok na dumudurog ng bato?
29“Argi mano žodis nėra kaip ugnis? Argi jis nėra kaip kūjis, sutrupinantis uolą?
30Kaya't narito, ako'y laban sa mga propeta, sabi ng Panginoon, na ninanakaw ng bawa't isa ang aking mga salita sa kaniyang kapuwa.
30Aš esu prieš pranašus, kurie vagia mano žodžius vienas nuo kito!
31Narito, ako'y laban sa mga propeta, sabi ng Panginoon, na nagsisipagsalita, at nangagsasabi, Kaniyang sinasabi.
31Aš esu prieš pranašus, kurie savo liežuviu sako: ‘Jis pasakė’.
32Narito, ako'y laban sa kanila na nanghuhula ng mga sinungaling na panaginip, sabi ng Panginoon, at sinasaysay, at inililigaw ang aking bayan sa pamamagitan ng kanilang mga kasinungalingan, at sa pamamagitan ng kanilang walang kabuluhang kahambugan: gayon man ay hindi ko sinugo sila, o inutusan ko man sila; at hindi man pinakikinabangan nila ang bayang ito sa anomang paraan, sabi ng Panginoon.
32Aš esu prieš tuos, kurie pranašauja melagingus sapnus. Jie pasakoja ir klaidina mano tautą savo lengvabūdiškais melais. Aš nesiunčiau jų ir jiems neįsakiau; jie visi yra nenaudingi šitai tautai”,sako Viešpats.
33At pagka ang bayang ito, o ang propeta, o ang saserdote ay magtatanong sa iyo, na magsasabi, Ano ang hula na mula sa Panginoon? iyo ngang sasabihin sa kanila, Anong hula! Aking itatakuwil kayo, sabi ng Panginoon.
33“Jei tave klaus šita tauta, pranašas ar kunigas: ‘Kokia Viešpaties našta?’, atsakyk jiems: ‘Kokia našta? Viešpats sako: ‘Aš jus atmesiu’.
34At tungkol sa propeta, at sa saserdote, at sa bayan, na magsasabi, Ang hula na mula sa Panginoon, ay akin ngang parurusahan ang lalaking yaon at ang kaniyang sangbahayan.
34Bet jei pranašas, kunigas ar kitas žmogus sakytų: ‘Viešpaties našta’,tai Aš nubausiu jį ir jo namus.
35Ganito ang sasabihin ng bawa't isa sa inyo sa kaniyang kapuwa, at ng bawa't isa sa kaniyang kapatid, Ano ang isinagot ng Panginoon? at, Ano ang sinalita ng Panginoon?
35Taip jūs privalote sakyti savo artimui ar savo broliui: ‘Ką atsakė Viešpats?’, arba: ‘Ką kalbėjo Viešpats?’
36At ang hula na mula sa Panginoon ay hindi na ninyo babanggitin pa: sapagka't bawa't sariling salita ng tao ay magiging kaniyang hula; sapagka't inyong binago ang mga salita ng buhay na Dios, ng Panginoon ng mga hukbo na ating Dios.
36Neminėkite daugiau Viešpaties naštos, nes kiekvienas žmogaus žodis bus jam našta; jūs iškraipote gyvojo Dievo, kareivijų Viešpaties, žodžius.
37Ganito ang iyong sasabihin sa propeta, Ano ang isinagot sa iyo ng Panginoon? at, Ano ang sinalita ng Panginoon?
37Jūs turite klausti pranašo: ‘Ką tau atsakė Viešpats?’, arba: ‘Ką kalbėjo Viešpats?’
38Nguni't kung inyong sabihin, Ang hula na mula sa Panginoon; ganito nga ang sabi ng Panginoon: Sapagka't inyong sinasabi ang salitang ito, Ang hula na mula sa Panginoon, at ako'y nagsugo sa inyo, na sinabi ko, Huwag ninyong sasabihin, Ang hula na mula sa Panginoon;
38Bet kadangi jūs sakote: ‘Viešpaties našta’, nors Aš įsakiau nesakyti: ‘Viešpaties našta’,
39Kaya't, narito, aking lubos na kalilimutan kayo, at aking itatakuwil kayo, at ang bayang ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga magulang, mula sa aking harapan:
39Aš visiškai pamiršiu jus ir apleisiu jus ir miestą, kurį daviau jums ir jūsų tėvams, ir pašalinsiu iš savo akivaizdos.
40At ako'y magpaparating ng walang hanggang kakutyaan sa inyo, at walang hanggang kahihiyan, na hindi malilimutan.
40Aš užtrauksiu jums amžiną pajuoką ir nepamirštamą gėdą”.