1Ang Jerico nga ay lubos na nakukubkob dahil sa mga anak ni Israel: walang nakalalabas, at walang nakapapasok.
1Tuo tarpu Jerichas buvo aklinai užsidaręs dėl izraelitų; niekas neišeidavo ir neįeidavo.
2At sinabi ng Panginoon kay Josue, Tingnan mo, aking ibinigay sa iyong kamay ang Jerico, at ang hari niyaon, at ang mga makapangyarihang lalaking matapang.
2Viešpats tarė Jozuei: “Žiūrėk, Aš atidaviau į tavo rankas Jerichą, jo karalių ir stiprius karo vyrus.
3At iyong liligirin ang bayan, lahat ng mga lalaking pangdigma, na liligid na minsan sa bayan. Ganito mo gagawin na anim na araw.
3Visi kariai turi apeiti aplink miestą kas dieną po vieną kartą. Taip darykite šešias dienas.
4At pitong saserdote sa unahan ng kaban ay magdadala ng pitong pakakak na mga sungay ng tupa: at sa ikapitong araw ay inyong liligiring makapito ang bayan, at ang mga saserdote ay hihipan ang mga pakakak.
4Septyni kunigai turi nešti skrynios priekyje septynis avino rago trimitus. Septintą dieną turite apeiti miestą septynis kartus, kunigams trimituojant.
5At mangyayari, na pagka hinipan nila ng matagal ang sungay ng tupa, at pagka inyong narinig ang tunog ng pakakak, ay hihiyaw ng malakas ang buong bayan; at ang kuta ng bayan ay guguho, at ang bayan ay sasampa ang bawa't isa'y tapatan sa harap niya.
5Išgirdę ilgą trimito garsą, visi žmonės turi garsiai šaukti. Tada sugrius miesto sienos, ir kiekvienas galės įsiveržti į miestą ten, kur stovi”.
6At tinawag ni Josue na anak ni Nun ang mga saserdote, at sinabi sa kanila, Buhatin ninyo ang kaban ng tipan, at magdala ang pitong saserdote ng pitong pakakak na mga sungay ng tupa sa unahan ng kaban ng Panginoon.
6Jozuė, Nūno sūnus, pasišaukęs kunigus, tarė: “Paimkite Sandoros skrynią, ir septyni kunigai tegul neša septynis avino rago trimitus Viešpaties skrynios priekyje”.
7At kaniyang sinabi sa bayan, Magpauna kayo, at ligirin ninyo ang bayan, at papagpaunahin ninyo ang mga lalaking may sandata sa unahan ng kaban ng Panginoon.
7O žmonėms tarė: “Eikite aplink miestą, o ginkluotieji teeina Viešpaties skrynios priekyje”.
8At nangyari, na pagkapagsalita ni Josue sa bayan, ay nagpauna sa Panginoon ang pitong saserdote na may tangang pitong pakakak na mga sungay ng tupa, at humihip ng mga pakakak; at ang kaban ng tipan ng Panginoon ay sumusunod sa kanila.
8Jozuei tai pasakius, septyni kunigai, trimituodami septyniais avino rago trimitais Viešpaties akivaizdoje, ėjo Viešpaties Sandoros skrynios priekyje.
9At ang mga lalaking may sandata ay nagpauna sa mga saserdote na humihihip ng mga pakakak, at ang bantay likod ay sumusunod sa kaban, na ang mga saserdote ay humihip ng mga pakakak habang sila'y yumayaon.
9Ginkluotieji žygiavo priekyje kunigų, kurie pūtė trimitus, o likusieji ėjo paskui skrynią.
10At iniutos ni Josue sa bayan, na sinasabi, Huwag kayong hihiyaw, ni huwag ninyong iparirinig ang inyong tinig, ni huwag magbubuka ang inyong bibig ng anomang salita, hanggang sa araw na aking sabihing kayo'y humiyaw; kung magkagayo'y hihiyaw kayo.
10Jozuė įsakė tautai: “Jums nevalia šaukti nė kalbėti, iki aš jums pasakysiu: ‘Šaukite!’ Tada jūs turėsite šaukti”.
11Sa gayo'y kaniyang iniligid sa bayan ang kaban ng Panginoon, na lumigid na minsan: at sila'y nasok sa kampamento, at tumigil sa kampamento.
11Viešpaties skrynia buvo apnešta aplink miestą. Apėję aplinkui vieną kartą, jie sugrįžo į stovyklą ir nakvojo joje.
12At si Josue ay bumangong maaga sa kinaumagahan, at binuhat ng mga saserdote ang kaban ng Panginoon.
12Jozuei atsikėlus anksti rytą, kunigai paėmė Viešpaties Sandoros skrynią,
13At ang pitong saserdote na may tangang pitong pakakak na mga sungay ng tupa sa unahan ng kaban ng Panginoon ay yumaon na patuloy, at humihihip ng mga pakakak: at ang mga lalaking may sandata ay nagpauna sa kanila; at ang bantay likod ay sumusunod sa kaban ng Panginoon, na ang mga saserdote ay humihihip ng mga pakakak habang sila'y yumayaon.
13septyni kunigai septyniais avino rago trimitais trimitavo, eidami Viešpaties skrynios priekyje, ginkluotieji žygiavo pirma jų, o likusieji ėjo paskui Viešpaties skrynią, trimitų garsams skambant.
14At sa ikalawang araw ay kanilang niligid na minsan ang bayan, at nagsibalik sa kampamento: kanilang ginawang gayon na anim na araw.
14Antrą dieną jie taip pat apėjo miestą vieną kartą ir sugrįžo į stovyklą. Taip jie darė šešias dienas.
15At nangyari nang ikapitong araw, na sila'y bumangong maaga sa pagbubukang liwayway, at niligid ang bayan ng gayon ding paraan na makapito: nang araw lamang na yaon kanilang niligid ang bayan na makapito.
15Septintą dieną atsikėlę anksti, auštant, tokiu pat būdu apėjo miestą septynis kartus.
16At nangyari, sa ikapito, nang humihip ng mga pakakak ang mga saserdote, ay sinabi ni Josue sa bayan, Humiyaw kayo; sapagka't ibinigay na ng Panginoon sa inyo ang bayan.
16Septintą kartą, kai kunigai pūtė trimitus, Jozuė tarė tautai: “Šaukite! Viešpats jums atidavė miestą!
17At ang bayan ay matatalaga sa Panginoon, yaon at ang lahat na tumatahan doon: si Rahab na patutot lamang ang mabubuhay, siya at ang lahat na kasama niya sa bahay, sapagka't kaniyang ikinubli ang mga sugo na ating sinugo.
17Miestas ir visa, kas jame yra, bus sunaikinta Viešpaties garbei. Tik paleistuvė Rahaba liks gyva su visais, kurie yra jos namuose, nes ji paslėpė pasiuntinius, kuriuos buvome išsiuntę.
18At kayo, sa anomang paraan ay magsipagingat sa itinalagang bagay; baka pagka naitalaga na sa inyo ay kumuha kayo sa itinalagang bagay; sa gayo'y inyong ipasusumpa ang kampamento ng Israel, at inyong babagabagin.
18Kas skirta sunaikinti, jūs nepasisavinkite, kad nebūtumėte prakeikti ir taip neužtrauktumėte Izraelio stovyklai prakeikimo ir nelaimės.
19Nguni't lahat na pilak, at ginto, at mga sisidlang tanso at bakal, ay banal sa Panginoon: pawang ipapasok sa silid ng kayamanan ng Panginoon.
19Visas sidabras bei auksas ir variniai bei geležiniai indai yra Viešpačiui pašvęsti; visa tai Viešpaties iždui”.
20Sa gayo'y humiyaw ang bayan, at ang mga saserdote ay humihip ng mga pakakak: at nangyari nang marinig ng bayan ang tunog ng pakakak na ang bayan ay humiyaw ng malakas, at ang kuta ay gumuho, na ano pa't ang bayan ay sumampang nasok sa siyudad, na bawa't isa'y matuwid na nagpatuloy, at kanilang sinakop ang bayan.
20Pučiant trimitams, tauta pradėjo garsiai šaukti, ir sienos sugriuvo. Kariai įsiveržė ir užėmė miestą.
21At kanilang lubos na nilipol ng talim ng tabak ang lahat na nasa bayan, ang lalake at gayon din ang babae, ang binata at gayon din ang matanda, at ang baka, at ang tupa, at ang asno.
21Jie išžudė visus, kas buvo mieste: vyrus ir moteris, jaunus ir senus, jaučius, avis ir asilus.
22At sinabi ni Josue sa dalawang lalaking tumiktik sa lupain, Pumasok kayo sa bahay ng patutot, at ilabas ninyo roon ang babae, at ang lahat niyang tinatangkilik, na gaya ng inyong isinumpa sa kaniya.
22Vyrams, kurie žvalgė kraštą, Jozuė įsakė: “Eikite į paleistuvės namus, iš jų išveskite moterį ir visus, kurie yra jos namuose, kaip jai prisiekėte”.
23At ang mga binata na mga tiktik ay pumasok, at inilabas si Rahab, at ang kaniyang ama, at ang kaniyang ina, at ang kaniyang mga kapatid, at lahat ng kaniyang tinatangkilik; lahat niyang kamaganakan naman ay kanilang inilabas; at kanilang inilagay sila sa labas ng kampamento ng Israel.
23Jaunuoliai, buvę žvalgais, išvedė Rahabą, jos tėvą, motiną, brolius ir visus, kurie buvo namuose; jie išvedė visus jos giminaičius ir paliko juos už Izraelio stovyklos ribų.
24At kanilang sinunog ng apoy ang bayan, at lahat na nandoon: ang pilak lamang, at ang ginto, at ang mga sisidlang tanso at bakal, ang kanilang ipinasok sa silid ng kayamanan ng bahay ng Panginoon.
24Miestą ir visa, kas buvo jame, jie sudegino. Tik sidabrą bei auksą ir varinius bei geležinius indus jie padėjo Viešpaties namų iždui.
25Nguni't si Rahab na patutot at ang sangbahayan ng kaniyang ama, at ang lahat niyang tinatangkilik, ay iniligtas na buhay ni Josue; at siya'y tumahan sa gitna ng Israel, hanggang sa araw na ito; sapagka't kaniyang ikinubli ang mga sugo na sinugo ni Josue upang tumiktik sa Jerico.
25Paleistuvę Rahabą ir jos tėvo namus bei visus, kurie buvo su ja, Jozuė paliko gyvus. Taip ji liko gyventi tarp Izraelio iki šios dienos, nes paslėpė pasiuntinius, kuriuos Jozuė išsiuntė išžvalgyti Jerichą.
26At binilinan sila ni Josue sa pamamagitan ng sumpa nang panahong yaon, na sinasabi, Sumpain ang lalake sa harap ng Panginoon, na magbangon at magtayo nitong bayan ng Jerico; kaniyang inilagay ang tatagang-baon niyaon sa kamatayan ng kaniyang panganay, at kaniyang itatayo ang mga pintuang-bayan niyaon sa kamatayan ng kaniyang bunso.
26Tuo metu Jozuė paskelbė, prisiekdamas: “Prakeiktas bus Viešpaties akivaizdoje tas, kuris atstatys Jericho miestą! Už pamatus užmokės savo pirmagimiu, o už vartusjauniausiuoju”.
27Sa gayo'y ang Panginoon ay sumama kay Josue; at ang kaniyang kabantugan ay lumaganap sa buong lupain.
27Viešpats buvo su Jozue, ir garsas apie jį pasklido po visą šalį.