1Ang mga ito ay mga kawikaan din ni Salomon, na isinalin ng mga tao ni Hezekias na hari sa Juda.
1Tai taip pat Saliamono patarlės, kurias surinko Judo karaliaus Ezekijo vyrai.
2Kaluwalhatian nga ng Dios na maglihim ng isang bagay: nguni't ang kaluwalhatian ng mga hari ay magusisa ng isang bagay.
2Dievo šlovėnuslėpti dalyką, karaliaus garbėištirti dalyką.
3Gaya ng langit sa kataasan, at ng lupa sa kalaliman, gayon ang puso ng mga hari ay di masayod.
3Kaip dangaus aukštybės ir žemės gilybės, taip neištiriama karaliaus širdis.
4Alisin ang dumi sa pilak, at lumalabas na isang kasangkapan sa ganang mangbububo:
4Pašalink priemaišas iš sidabro, ir sidabrakalys padarys iš jo indą.
5Alisin ang masama sa harap ng hari, at ang kaniyang luklukan ay matatatag sa katuwiran.
5Pašalink nedorėlį iš karaliaus akivaizdos, ir jo sostas įsitvirtins teisingume.
6Huwag kang magpauna sa harapan ng hari, at huwag kang tumayo sa dako ng mga dakilang tao:
6Nesiaukštink karaliaus akivaizdoje, nestok didžiūnų vieton.
7Sapagka't maigi na sabihin sa iyo, sumampa ka rito: kay sa ibaba ka sa harapan ng pangulo, na nakita ng iyong mga mata.
7Geriau būti pakviestam į garbingesnę vietą, negu būti pažemintam akivaizdoje kunigaikščio, kurį matei savo akimis.
8Huwag kang makialam ng walang gunita sa pakikipagbabag, baka hindi mo maalaman kung ano ang gagawin sa wakas niyaon, pagka ikaw ay hiniya ng iyong kapuwa.
8Neik skubotai į teismą, nes nežinosi, ką daryti, kai tavo artimas sugėdins tave.
9Ipaglaban mo ang iyong usap sa iyong kapuwa, at huwag mong ihayag ang lihim ng iba:
9Išspręskite savo ginčą su artimu tarpusavyje ir neatskleiskite paslapčių svetimiesiems,
10Baka siyang nakakarinig ay umalipusta sa iyo, at ang iyong pagkadusta ay hindi maalis.
10kad kas išgirdęs nesugėdintų tavęs ir tavo garbė nenukentėtų.
11Salitang sinalita sa kaukulan ay gaya ng mga mansanang ginto sa mga bilaong pilak.
11Laiku pasakytas tinkamas žodis yra kaip aukso obuolys sidabro įdėkle.
12Kung paano ang hikaw na ginto, at kagayakang dalisay na ginto, gayon ang pantas na mananaway sa masunuring pakinig.
12Išmintingas įspėjimas paklusniai ausiai yra kaip aukso žiedas ar auksinis papuošalas.
13Kung paano ang lamig ng niebe sa panahon ng pagaani, gayon ang tapat na sugo sa kanila na nangagsugo sa kaniya; sapagka't kaniyang pinagiginhawa ang kaluluwa ng kaniyang mga panginoon.
13Ištikimas pasiuntinys yra kaip sniego šaltumas pjūties metu, jis atgaivina šeimininko širdį.
14Kung paano ang mga alapaap at hangin na walang ulan, gayon ang taong naghahambog ng kaniyang mga kaloob na walang katotohanan.
14Kas giriasi tuo, ko nepadarė, yra kaip debesys ir vėjai be lietaus.
15Sa pamamagitan ng pagpipigil ng loob ay napahihikayat ang pangulo, at ang malumanay na dila ay bumabasag ng buto.
15Kantrumu galima įtikinti kunigaikštį; švelnus liežuvis sulaužo kaulus.
16Nakasumpong ka ba ng pulot? kumain ka ng sapat sa iyo; baka ka masuya, at iyong isuka.
16Radęs medaus, valgyk, kiek nori, tik nepersivalgyk, kad nereikėtų išvemti.
17Magdalang ang iyong paa sa bahay ng iyong kapuwa; baka siya'y mayamot sa iyo, at ipagtanim ka.
17Nesilankyk per dažnai pas savo artimą, kad nenusibostum ir jis nepradėtų tavęs nekęsti.
18Ang tao na sumasaksi ng kasinungalingang saksi laban sa kaniyang kapuwa ay isang pangbayo at isang tabak, at isang matulis na pana.
18Žmogus, kuris neteisingai liudija prieš savo artimą, yra kaip ietis, kardas ar aštri strėlė.
19Pagtiwala sa di tapat na tao sa panahon ng kabagabagan ay gaya ng baling ngipin, at ng nabaliang paa.
19Kaip sugedęs dantis ar išnirusi koja, taip pasitikėjimas neištikimu žmogumi nelaimės dieną.
20Kung paano ang nangaagaw ng kasuutan sa panahong tagginaw, at kung paano ang suka sa sosa, gayon siyang umaawit ng mga awit sa mabigat na puso.
20Kas dainuoja liūdinčiam, prilygsta tam, kuris atima apsiaustą šaltą dieną arba užpila actą ant žaizdos.
21Kung ang iyong kaaway ay magutom, bigyan mo siya ng pagkain na makakain; at kung siya'y mauhaw, bigyan mo siya ng tubig na maiinom:
21Jei tavo priešas alksta, pavalgydink jį, jei trokštapagirdyk.
22Sapagka't ikaw ay magbubunton ng baga ng apoy sa kaniyang ulo, at gagantihin ka ng Panginoon.
22Taip darydamas, krausi žarijas ant jo galvos, ir Viešpats atlygins tau.
23Ang hanging hilaga ay naglalabas ng ulan: gayon ang dilang maninirang puri ay nakagagalit.
23Šiaurys vėjas atneša lietų, apkalbos sukelia pyktį.
24Maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa kasama ng palaaway na babae sa maluwang na bahay.
24Geriau gyventi palėpės kampe negu su vaidinga moterimi dideliuose namuose.
25Kung paano ang malamig na tubig sa uhaw na kaluluwa, gayon ang mga mabuting balita na mula sa malayong lupain.
25Kaip šaltas vanduo ištroškusiam, taip gera žinia iš tolimo krašto.
26Kung paano ang malabong balon, at ang bukal na nalabusaw, gayon ang matuwid na tao na nagbigay daan sa harap ng masama.
26Kaip sudrumstas šaltinis arba užterštas šulinys yra teisusis, krentąs prieš nedorėlį.
27Hindi mabuting kumain ng maraming pulot: gayon ang paghanap ng tao ng kanilang sariling kaluwalhatian, ay hindi kaluwalhatian.
27Negerai persivalgyti medaus, taip pat siekti sau šlovės nėra šlovė.
28Siyang hindi pumipigil ng kaniyang sariling diwa ay parang bayang nabagsak at walang kuta.
28Žmogus, kuris nesusivaldo, yra kaip atviras miestas, kurio sienos sugriautos.