1At pagkaraan ng anim na araw, ay isinama ni Jesus si Pedro, at si Santiago, at si Juan na kapatid niya, at sila'y dinalang bukod sa isang mataas na bundok:
1¶ A ka pahure nga ra e ono, ka mau a Ihu ki a Pita, ki a Hemi raua ko tona teina ko Hoani, na kawea ana ratou e ia ki runga ki tetahi maunga tiketike ki te wahi motu ke.
2At nagbagong-anyo siya sa harap nila; at nagliwanag ang kaniyang mukha na katulad ng araw, at pumuting tulad sa ilaw ang kaniyang mga damit.
2A ka puta ke tona ahua i to ratou aroaro: whiti tonu tona mata me te ra, ma tonu ona kakahu me te marama.
3At narito, napakita sa kanila si Moises at si Elias na nakikipagusap sa kaniya.
3Na, ka kitea e ratou a Mohi raua ko Iraia e korerorero ana ki a ia.
4At sumagot si Pedro, at sinabi kay Jesus, Panginoon, mabuti sa atin ang tayo'y dumito: kung ibig mo, ay gagawa ako rito ng tatlong tabernakulo; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at isa ang kay Elias.
4Katahi ka oho a Pita, ka mea ki a Ihu, E te Ariki, he pai kia noho tatou i konei: ki te pai koe, ma matou e hanga etahi wharau ki konei kia toru; kia kotahi mou, kia kotahi mo Mohi, kia kotahi mo Iraia.
5Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan.
5I a ia ano e korero ana, na ka taumarumaru iho te kapua marama i runga i a ratou: na he reo no te kapua e mea ana, Ko taku Tama tenei i aroha ai, ko taku i ahuareka ai; whakarongo ki a ia.
6At nang marinig ito ng mga alagad, ay nangasubasub sila, at lubhang nangatakot.
6Ano ka rongo nga akonga, ka takoto tapapa ratou, he nui hoki to ratou wehi.
7At lumapit si Jesus at sila'y tinapik, at sinabi, Mangagbangon kayo, at huwag kayong mangatakot.
7Na ka haere a Ihu, ka pa ki a ratou, ka mea, Whakatika, kaua e wehi.
8At sa paglingap ng kanilang mga mata, ay wala silang nakitang sinoman, kundi si Jesus lamang.
8A, no ka ara ake o ratou kanohi, kahore he tangata i kitea e ratou, ko Ihu anake.
9At habang sila'y nagsisibaba mula sa bundok, ay iniutos sa kanila ni Jesus, na nagsasabi, Huwag ninyong sabihin kanino mang tao ang pangitain, hanggang sa ang Anak ng tao ay ibangon sa mga patay.
9Na, i a ratou e heke iho ana i te maunga, ka whakatupato a Ihu i a ratou, ka mea, Kaua e korerotia ki te tangata te mea i kitea nei, kia ara ake ra ano te Tama a te tangata i te hunga mate.
10At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Bakit nga sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias?
10A ka ui ana akonga ki a ia, ka mea, He aha nga karaipi ka mea ai, ko Iraia kia matua puta mai?
11At sumagot siya, at sinabi, Katotohanang si Elias ay paririto, at isasauli ang lahat ng mga bagay:
11Na ka whakahoki a Ihu, ka mea ki a ratou, Ko Iraia ano e matua puta hei whakatika i nga mea katoa;
12Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na naparito na si Elias, at hindi nila siya nakilala, kundi ginawa nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig. Gayon din naman ang Anak ng tao ay magbabata sa kanila.
12Ko taku ia tenei ki a koutou, Kua tae noa mai a Iraia a kihai ratou i mohio ki a ia, heoi meatia ana e ratou ki a ia ta ratou i pai ai. E pera ano te Tama a te tangata te mamae i a ratou.
13Nang magkagayo'y napagunawa ng mga alagad na si Juan Bautista ang sa kanila'y sinasabi niya.
13Katahi ka mohio nga akonga ko Hoani Kaiiriiri tana i korero ai ki a ratou.
14At pagdating nila sa karamihan, ay lumapit sa kaniya ang isang lalake, na sa kaniya'y lumuhod, at nagsasabi,
14¶ A, no ka tae ratou ki te mano, ka haere mai ki a ia tetahi tangata, ka tuturi nga turi ki a ia, ka mea,
15Panginoon, mahabag ka sa aking anak na lalake: sapagka't siya'y himatayin, at lubhang naghihirap; sapagka't madalas na siya'y nagsusugba sa apoy, at madalas sa tubig.
15E te ariki, kia aroha ki taku tana; he haurangi hoki ia, he kino tona mamae: he maha hoki ona hinganga ki te kapura, he maha ki te wai.
16At siya'y dinala ko sa iyong mga alagad, at hindi nila siya mapagaling.
16A i kawea ia e ahau ki au akonga, heoi kihai ia i taea te whakaora e ratou.
17At sumagot si Jesus at sinabi, Oh lahing walang pananampalataya at taksil, hanggang kailan titiisin ko kayo? dalhin ninyo siya rito sa akin.
17Na ka oho a Ihu, ka mea, E te uri whakaponokore, parori ke, kia pehea te roa o toku noho ki a koutou? Kia pehea te roa o toku manawanui ki a koutou? Kawea mai ia ki konei, ki ahau.
18At pinagwikaan siya ni Jesus; at ang demonio ay lumabas sa kaniya: at ang bata'y gumaling mula nang oras ding yaon.
18Na ka riria te rewera e Ihu; a puta ana i roto i a ia; a ora ake te tamaiti i taua wa pu ano.
19Nang magkagayo'y nagsilapit na bukod ang mga alagad kay Jesus, at nangagsabi, Bakit baga hindi namin napalabas yaon?
19Me i reira ka haere puku nga akonga ki a Ihu, ka mea, He aha ra te ahei ai i a matou te pei i a ia ki waho?
20At sinabi niya sa kanila, Dahil sa kakauntian ng inyong pananampalataya: sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung magkaroon kayo ng pananampalataya na kasinglaki ng butil ng binhi ng mostasa, ay masasabi ninyo sa bundok na ito, Lumipat ka mula rito hanggang doon; at ito'y lilipat; at sa inyo'y hindi may pangyayari.
20Na ka mea a Ihu ki a ratou, Na to koutou whakapono iti; he pono hoki taku e mea nei ki a koutou, Ki te mea he whakapono to koutou, pera me to te pua nani te rahi, e mea koutou ki tenei maunga, Neke atu i konei ki tera wahi; a ka neke; kahore hok i he mea e kore e taea e koutou.
21Datapuwa't ang ganito'y hindi lumalabas kundi sa pamamagitan ng panalangin at ayuno.
21Otira e kore e puta noa te pena, ma te inoi anake me te nohopuku.
22At samantalang sila'y nangakahimpil sa Galilea, ay sinabi sa kanila ni Jesus, Ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao;
22¶ A, i a ratou e noho ana i Kariri, ka mea a Ihu ki a ratou, Meake tukua te Tama a te tangata ki nga ringa o nga tangata:
23At siya'y papatayin nila, at sa ikatlong araw ay siya'y muling ibabangon. At sila'y lubhang nangamanglaw,
23A ka whakamatea e ratou, a i te toru o nga ra ka ara. A nui atu to ratou pouri.
24At pagdating nila sa Capernaum, ay nangagsilapit kay Pedro ang mga maniningil ng kalahating siklo, at nangagsabi, Hindi baga pinagbabayaran ng inyong guro ang kalahating siklo?
24¶ A, no to ratou taenga ki Kaperenauma, ka haere mai ki a Pita nga kaikohikohi i te hawhe hekere, ka mea, E kore ianei tou Kaiwhakaako e homai i te hawhe hekere?
25Sinabi niya, Oo. At nang pumasok siya sa bahay, ay pinangunahan siya ni Jesus, na nagsasabi, Anong akala mo, Simon? ang mga hari sa lupa, kanino baga sila nanganiningil ng kabayaran ng buwis? sa kanilang mga anak baga o sa nangaiiba?
25Ka mea ia, E hoatu ano. A, no ka tapoko ia ki te whare, ko Ihu kua korero ki a ia, kua mea, E pehea ana tou whakaaro, e Haimona? E tangohia ana e nga kingi o te ao nga takoha taonga me te takoha tangata i a wai? i a ratou ake tama, i a nga tanga ta ke ranei?
26At nang sabihin niya, Sa nangaiiba, ay sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung gayo'y hindi nangagbabayad ang mga anak.
26Ka mea a Pita ki a ia, I a nga tangata ke. Na ko te kianga a Ihu ki a ia, Ha, pena ka haere noa nga tamariki.
27Datapuwa't, baka katisuran tayo nila, ay pumaroon ka sa dagat, at ihulog mo ang kawil, at kunin mo ang unang isdang lumitaw; at pagka naibuka mo na ang kaniyang bibig, ay masusumpungan mo ang isang siklo: kunin mo, at ibigay mo sa kanila sa ganang akin at sa iyo.
27Ahakoa ra kei whai take he mai ratou ki a tatou, haere ki te moana, piua tetahi matau, a ka eke te ika matamua, tangohia; na, ka whakatuwhera i tona mangai, ka kite ai koe i tetahi moni: tangohia tena, ka hoatu ki a ratou, hei mea moku, mou.