1Nang panahong yaon si Abias na anak ni Jeroboam ay nagkasakit.
1På den tid blev Abia, Jeroboams sønn, syk.
2At sinabi ni Jeroboam sa kaniyang asawa, Bumangon ka, isinasamo ko sa iyo at magpakunwari kang iba upang huwag kang makilala na asawa ni Jeroboam; at pumaroon ka sa Silo; narito, naroon si Ahias na propeta na nagsalita tungkol sa akin, na ako'y magiging hari sa bayang ito.
2Da sa Jeroboam til sin hustru: Stå op og forklæ dig, så ingen kan se at du er Jeroboams hustru, og gå så til Silo! Der bor profeten Akia, han som sa om mig at jeg skulde bli konge over dette folk.
3At magdala ka ng sangpung tinapay, at mga munting tinapay, at isang bangang pulot, at paroon ka sa kaniya: kaniyang sasaysayin sa iyo kung ano ang mangyayari sa bata.
3Ta med dig ti brød og nogen kaker og en krukke med honning og gå inn til ham! Han vil si dig hvorledes det skal gå med gutten.
4At ginawang gayon ng asawa ni Jeroboam at bumangon, at naparoon sa Silo, at naparoon sa bahay ni Ahias. Si Ahias nga ay di na makakita; sapagka't ang kaniyang mga mata'y malabo na, dahil sa kaniyang gulang.
4Og Jeroboams hustru gjorde så; hun stod op og gikk til Silo og kom til Akias hus. Men Akia kunde ikke se; for hans øine var stive av alderdom.
5At sinabi ng Panginoon kay Ahias, Narito, ang asawa ni Jeroboam ay naparirito na tinatanong ka tungkol sa kaniyang anak; sapagka't siya'y may sakit: ganito't ganito ang iyong sasabihin sa kaniya: sapagka't mangyayari, pagka siya'y pumasok, na siya'y magpapakunwari na ibang babae.
5Men Herren hadde sagt til Akia: Nu kommer Jeroboams hustru for å høre hvad du vil si om hennes sønn, for han er syk; så og så skal du si til henne; men når hun kommer, vil hun late som hun er fremmed.
6At nagkagayon, nang marinig ni Ahias ang ingay ng kaniyang mga paa, pagpasok niya sa pintuan, na sinabi niya, Pumasok ka, ikaw, na asawa ni Jeroboam; bakit ka nagpapakunwaring iba? Sapagka't ako'y sinugo sa iyo na may masamang balita.
6Da nu Akia hørte lyden av hennes fottrin i døren, sa han: Kom inn, Jeroboams hustru! Hvorfor later du som du er fremmed? Det er pålagt mig å forkynne dig et hårdt budskap.
7Ikaw ay yumaon na saysayin mo kay Jeroboam, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Yamang kita'y itinaas sa gitna ng bayan, at ginawa kitang pangulo sa aking bayang Israel,
7Gå og si til Jeroboam: Så sier Herren, Israels Gud: Jeg har ophøiet dig midt iblandt folket og satt dig til fyrste over mitt folk Israel
8At inagaw ang kaharian mula sa sangbahayan ni David, at ibinigay sa iyo: at gayon ma'y ikaw ay hindi naging gaya ng lingkod kong si David, na nagingat ng aking mga utos, at sumunod sa akin ng kaniyang buong puso, upang gawin ang matuwid lamang sa harap ng aking mga mata;
8og revet riket fra Davids hus og gitt dig det, men du har ikke vært som min tjener David, som holdt mine bud og fulgte mig av alt sitt hjerte, så han ikke gjorde annet enn det som rett var i mine øine;
9Kundi ikaw ay gumawa ng masama na higit kay sa lahat ng nauna sa iyo, at ikaw ay yumaon, at gumawa ka sa ganang iyo ng mga ibang dios, at mga larawang binubo upang mungkahiin mo ako sa galit, at inihagis mo ako sa iyong likuran;
9men du har båret dig verre at enn alle de som har vært før dig, og er gått avsted og har gjort dig andre guder og støpte billeder og således vakt min harme, og du har kastet mig bak din rygg:
10Kaya't, narito ako'y magdadala ng kasamaan sa sangbahayan ni Jeroboam, at aking ihihiwalay kay Jeroboam ang bawa't lalake ang nakukulong, at ang naiwan sa kaluwangan sa Israel, at aking lubos na papalisin ang sangbahayan ni Jeroboam, kung paanong pinapalis ng isang tao ang dumi, hanggang sa mapaalis.
10Derfor vil jeg føre ulykke over Jeroboams hus og utrydde av Jeroboams ætt alle menn, både umyndige og myndige i Israel, og jeg vil feie efter Jeroboams hus, som en feier skarnet bort, inntil det er aldeles ute med ham.
11Ang mamatay kay Jeroboam sa bayan ay kakanin ng mga aso; at ang mamatay sa parang ay kakanin ng mga ibon sa himpapawid: sapagka't sinalita ng Panginoon.
11Den av Jeroboams ætt som dør i byen, skal hundene fortære, og den som dør på marken, skal himmelens fugler fortære; for så har Herren talt.
12Tumindig ka nga, umuwi ka sa iyong bahay: pagpasok ng iyong mga paa sa bayan ay mamamatay ang bata.
12Stå nu du op og gå hjem! Så snart dine føtter treder inn i byen, skal barnet dø.
13At tatangisan siya ng buong Israel, at ililibing siya; sapagka't siya lamang ang kay Jeroboam na darating sa libingan: sapagka't siya'y kinasumpungan sa sangbahayan ni Jeroboam, ng bagay na mabuti sa Panginoon, sa Dios ng Israel.
13Og hele Israel skal holde sørgehøitid over ham, og de skal begrave ham; han er den eneste av Jeroboams hus som skal komme i grav, fordi han var den eneste i Jeroboams hus hos hvem det fantes noget som Herren, Israels Gud, hadde velbehag i.
14Bukod dito'y magtitindig ang Panginoon ng isang hari sa Israel, na siyang maghihiwalay ng sangbahayan ni Jeroboam sa araw na yaon; nguni't ano? ngayon din.
14Men Herren skal opreise sig en konge over Israel som skal utrydde Jeroboams hus den samme dag. Dog, hvad sier jeg? Allerede nu er det skjedd.
15Sapagka't sasaktan ng Panginoon ang Israel ng gaya ng isang tambo na gumagalaw sa tubig; at kaniyang bubunutin ang Israel dito sa mabuting lupa na ibinigay sa kanilang mga magulang, at pangangalatin sila sa dako roon ng ilog; dahil sa kanilang ginawa ang kanilang mga Asera, na minungkahi ang Panginoon sa galit.
15Og Herren skal slå Israel, så det blir som sivet som vugger hit og dit i vannet, og han skal rykke Israel op av dette gode land som han gav deres fedre, og strø dem omkring hinsides elven, fordi de har gjort sig Astarte-billeder og vakt Herrens harme.
16At kaniyang pababayaan ang Israel dahil sa mga kasalanan ni Jeroboam, na kaniyang ipinagkasala, at ipinapagkasala sa Israel.
16Og han skal gi Israel i fiendevold for de synders skyld som Jeroboam har gjort, og som han har fått Israel til å gjøre.
17At ang asawa ni Jeroboam ay tumindig, at yumaon, at naparoon sa Thirsa: at pagpasok niya sa pasukan ng bahay, ang bata'y namatay.
17Da stod Jeroboams hustru op og gikk sin vei og kom til Tirsa; i det samme hun trådte på husets dørtreskel, døde gutten.
18At inilibing siya ng buong Israel, at tinangisan siya; ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Ahias na propeta.
18Og de begravde ham, og hele Israel holdt sørgehøitid over ham efter det ord som Herren hadde talt ved sin tjener, profeten Akia.
19At ang iba sa mga gawa ni Jeroboam kung paanong siya'y nakidigma, at kung paanong siya'y naghari, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel.
19Hvad som ellers er å fortelle om Jeroboam, om hans kriger og om hans regjering, det er opskrevet i Israels kongers krønike.
20At ang mga araw na ipinaghari ni Jeroboam ay dalawang pu't dalawang taon: at siya'y natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at si Nadab na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
20Den tid Jeroboam var konge, var to og tyve år; så la han sig til hvile hos sine fedre, og hans sønn Nadab blev konge i hans sted.
21At si Roboam na anak ni Salomon ay naghari sa Juda. Si Roboam ay apat na pu't isang taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y naghari na labing pitong taon sa Jerusalem, na bayan na pinili ng Panginoon sa lahat ng mga lipi ng Israel, upang ilagay ang kaniyang pangalan doon: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita.
21Rehabeam, Salomos sønn, var konge i Juda; han var en og firti år gammel da han blev konge, og han regjerte sytten år i Jerusalem, den stad som Herren hadde utvalgt blandt alle Israels stammer for å la sitt navn bo der; hans mor hette Na'ama og var fra Ammon.
22At gumawa ang Juda ng masama sa paningin ng Panginoon, at kanilang minungkahi siya sa paninibugho sa pamamagitan ng kanilang mga kasalanan na kanilang nagawa, na higit kay sa lahat na ginawa ng kanilang mga magulang,
22Og Juda gjorde hvad ondt var i Herrens øine, og med de synder de gjorde, egget de ham til nidkjærhet mere enn deres fedre hadde gjort.
23Sapagka't sila'y nagsipagtayo naman para sa kanila ng mga mataas na dako, at ng mga haligi, at ng mga Asera, sa bawa't mataas na burol, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy;
23Også de bygget sig offerhauger og gjorde sig støtter og Astarte-billeder på hver høi bakke og under hvert grønt tre;
24At nagkaroon din naman ng mga sodomita ang lupain: sila'y nagsigawa ng ayon sa lahat na karumaldumal ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ng Israel.
24der var endog tempel-bolere* i landet; de tok efter de vederstyggelige skikker hos alle de hedningefolk som Herren hadde drevet bort for Israels barn. / {* d.e. sådanne som drev utukt til ære for avgudene.}
25At nangyari, nang ikalimang taon ng haring Roboam, na si Sisac na hari sa Egipto ay umahon laban sa Jerusalem:
25Da hendte det i kong Rehabeams femte år at Egyptens konge Sisak drog op mot Jerusalem.
26At kaniyang dinala ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at ang mga kayamanan ng bahay ng hari; kaniya ngang dinalang lahat: at kaniyang dinala ang lahat na kalasag na ginto na ginawa ni Salomon.
26Og han tok skattene i Herrens hus og skattene i kongens hus; alt sammen tok han. Han tok også alle de gullskjold som Salomo hadde latt gjøre.
27At ang haring Roboam ay gumawa ng mga kalasag na tanso na kahalili ng mga yaon, at ipinagkatiwala sa mga kamay ng mga punong kawal na bantay, na nagiingat ng pintuan ng bahay ng hari.
27Istedenfor dem lot kong Rehabeam gjøre kobberskjold og betrodde dem til høvedsmennene for drabantene som voktet inngangen til kongens hus;
28At nangyari, na pagka nanasok ang hari sa bahay ng Panginoon, ay dinadala ng bantay, at ibinabalik sa silid ng bantay.
28og så ofte kongen gikk inn i Herrens hus, bar drabantene dem og tok dem så med tilbake til vaktstuen.
29Ang iba nga sa mga gawa ni Roboam at ang lahat na bagay na kaniyang ginawa, hindi ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?
29Hvad som ellers er å fortelle om Rehabeam og om alt det han gjorde, er opskrevet i Judas kongers krønike.
30At nagkaroong palagi ng pagdidigmaan si Roboam at si Jeroboam.
30Mellem Rehabeam og Jeroboam var det krig hele tiden.
31At si Roboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita. At si Abiam na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
31Og Rehabeam la sig til hvile hos sine fedre og blev begravet hos sine fedre i Davids stad. Hans mor hette Na'ama og var fra Ammon. Hans sønn Abiam blev konge i hans sted.