1At nangyari, pagkaraan ng maraming araw, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Elias, sa ikatlong taon, na nagsasabi, Ikaw ay yumaon, pakita ka kay Achab; at ako'y magpapaulan sa lupa.
1Lang tid derefter - i det tredje år - kom Herrens ord til Elias, og det lød således: Gå og tred frem for Akab, så vil jeg sende regn over jorden.
2At si Elias ay yumaon napakita kay Achab. At ang kagutom ay malala sa Samaria.
2Og Elias gikk avsted for å trede frem for Akab. Men hungersnøden var stor i Samaria.
3At tinawag ni Achab si Abdias na siyang katiwala sa bahay. (Si Abdias nga ay natatakot na mainam sa Panginoon:
3Da kalte Akab på sin slottshøvding Obadja. Men Obadja fryktet Herren høilig;
4Sapagka't nangyari, nang ihiwalay ni Jezabel ang mga propeta ng Panginoon, na kumuha si Abdias ng isang daang propeta, at ikinubli na limalimangpu sa isang yungib, at pinakain sila ng tinapay at tubig,)
4dengang Jesabel utryddet Herrens profeter, hadde Obadja tatt hundre profeter og skjult dem i to huler, femti mann i hver hule, og forsørget dem med brød og vann.
5At sinabi ni Achab kay Abdias, Lakarin mo ang lupain, hanggang sa lahat ng mga bukal ng tubig, at hanggang sa lahat ng mga batis: marahil tayo'y makakasumpong ng damo, at maililigtas nating buhay ang mga kabayo at mga mula upang huwag tayong mawalan ng lahat na hayop.
5Akab sa da til Obadja: Dra gjennem landet til alle kilder og bekker! Kanskje vi finner gress, så vi kan holde liv i hester og mulesler og slipper å slakte noget av buskapen.
6Sa gayo'y pinaghati nila ang lupain sa gitna nila upang lakarin: si Achab ay lumakad ng kaniyang sarili sa isang daan, at si Abdias ay lumakad ng kaniyang sarili sa isang daan.
6Så delte de landet som de skulde dra igjennem, mellem sig; Akab drog en vei for sig, og Obadja drog en annen vei for sig.
7At samantalang si Abdias ay nasa daan, narito, nasalubong siya ni Elias: at nakilala niya siya, at nagpatirapa, at nagsabi, Di ba ikaw, ang panginoon kong si Elias?
7Mens nu Obadja var på veien, fikk han se Elias som kom imot ham; han kjente ham igjen og falt ned på sitt ansikt og sa: Er det du, min herre Elias?
8At siya'y sumagot sa kaniya, Ako nga: ikaw ay yumaon, saysayin mo sa iyong panginoon, Narito, si Elias ay nandito.
8Han svarte: Ja, det er jeg; gå og si til din herre: Elias er her!
9At kaniyang sinabi, Sa ano ako nagkasala na iyong ibibigay ang iyong lingkod sa kamay ni Achab, upang patayin ako?
9Men han sa: Hvad synd har jeg gjort, siden du overgir din tjener i Akabs hånd, så han dreper mig?
10Buhay ang Panginoon mong Dios, walang bansa o kaharian man na hindi pinagpahanapan sa iyo ng aking panginoon: at pagka kanilang sinasabi, Siya'y wala rito, kaniyang pinasusumpa ang kaharian at bansa, na hindi kinasusumpungan sa iyo.
10Så sant Herren din Gud lever: Det finnes ikke det folk eller det rike som min herre ikke har sendt bud til for å opsøke dig; og når de sa: Han er ikke her, lot han det rike og det folk sverge på at de ikke hadde funnet dig.
11At ngayo'y iyong sinasabi, Ikaw ay yumaon, saysayin mo sa iyong panginoon, Narito, si Elias ay nandito.
11Og nu sier du: Gå og si til din herre: Elias er her!
12At mangyayari, pagkahiwalay ko sa iyo na dadalhin ka ng Espiritu ng Panginoon sa hindi ko nalalaman; na anopa't pagka ako'y pumaroon at isinaysay ko kay Achab, at ikaw ay hindi niya nasumpungan, papatayin niya ako: nguni't akong iyong lingkod ay natatakot sa Panginoon mula sa aking pagkabinata.
12Det vil gå så, at når jeg nu går fra dig, og Herrens Ånd rykker dig bort til et sted som jeg ikke vet, og jeg kommer og sier det til Akab, og han så ikke finner dig, da dreper han mig. Og din tjener har dog fryktet Herren fra ungdommen av.
13Hindi ba nasaysay sa aking panginoon, kung ano ang aking ginawa nang patayin ni Jezabel ang mga propeta ng Panginoon, kung paanong nagkubli ako ng isang daan sa mga propeta ng Panginoon, na limalimangpu sa isang yungib, at pinakain ko sila ng tinapay at tubig?
13Er det ikke blitt min herre fortalt hvad jeg gjorde dengang Jesabel drepte Herrens profeter? Da skjulte jeg hundre av Herrens profeter i to huler, femti mann i hver hule, og forsørget dem med brød og vann.
14At ngayo'y iyong sinasabi, Ikaw ay yumaon, saysayin mo sa iyong panginoon. Narito, si Elias ay nandito; at papatayin niya ako.
14Og nu sier du: Gå og si til din herre: Elias er her! Og så dreper han mig.
15At sinabi ni Elias, Buhay ang Panginoon ng mga hukbo, na sa harap niya'y nakatayo ako, ako'y walang salang pakikita sa kaniya ngayon.
15Da sa Elias: Så sant Herren, hærskarenes Gud, lever, han hvis tjener jeg er: Idag skal jeg trede frem for ham.
16Sa gayo'y yumaon si Abdias upang salubungin si Achab, at sinaysay sa kaniya: at si Achab ay yumaon upang salubungin si Elias.
16Så gikk Obadja Akab i møte og sa det til ham; og Akab gikk Elias i møte.
17At nangyari, nang makita ni Achab si Elias, na sinabi ni Achab sa kaniya, Di ba ikaw, ang mangbabagabag sa Israel?
17Med det samme Akab fikk se Elias, sa han til ham: Er det du, du som fører ødeleggelse over Israel?
18At siya'y sumagot, Hindi ko binagabag ang Israel; kundi ikaw, at ang sangbahayan ng iyong ama, sa inyong pagkapabaya ng mga utos ng Panginoon, at ikaw ay sumunod kay Baal.
18Han svarte: Jeg har ikke ført ødeleggelse over Israel, men du og din fars hus, fordi I har forlatt Herrens bud og fulgt Ba'alene.
19Ngayon nga'y magsugo ka, at pisanin mo sa akin ang buong Israel sa bundok ng Carmelo, at ang mga propeta ni Baal na apat na raan at limangpu, at ang mga propeta ni Asera na apat na raan, na nagsikain sa dulang ni Jezabel.
19Men send nu bud og la hele Israel komme sammen til mig på Karmel-fjellet og de fire hundre og femti Ba'als profeter og de fire hundre Astartes profeter som eter ved Jesabels bord!
20Sa gayo'y nagsugo si Achab sa lahat ng mga anak ni Israel, at pinisan ang mga propeta sa bundok ng Carmelo.
20Så sendte Akab bud omkring blandt alle Israels barn og bød profetene komme sammen til Karmel-fjellet.
21At si Elias ay lumapit sa buong bayan, at nagsabi, Hanggang kaylan kayo mangagaalinlangan sa dalawang isipan? kung ang Panginoon ay Dios, sumunod kayo sa kaniya: nguni't kung si Baal, sumunod nga kayo sa kaniya. At ang bayan ay hindi sumagot sa kaniya kahit isang salita.
21Da trådte Elias frem for alt folket og sa: Hvor lenge vil I halte til begge sider? Dersom Herren er Gud, så følg ham, og dersom Ba'al er det, så følg ham! Men folket svarte ham ikke et ord.
22Nang magkagayo'y sinabi ni Elias sa bayan, Ako, ako lamang, ang naiwang propeta ng Panginoon; nguni't ang mga propeta ni Baal ay apat na raan at limang pung lalake.
22Og Elias sa til folket: Jeg er den eneste av Herrens profeter som er blitt tilbake, mens Ba'als profeter er fire hundre og femti mann.
23Bigyan nga nila tayo ng dalawang baka; at pumili sila sa ganang kanila ng isang baka, at katayin, at ilagay sa ibabaw ng kahoy, at huwag lagyan ng apoy sa ilalim: at ihahanda ko ang isang baka at ilalagay ko sa kahoy, at hindi ko lalagyan ng apoy sa ilalim.
23La oss nu få to okser, og la så dem velge sig den ene okse og hugge den i stykker og legge den på veden, men de skal ikke tende ild på; og jeg vil stelle til den andre okse og legge den på veden, men jeg vil ikke tende ild på.
24At tawagan ninyo ang pangalan ng inyong dios, at tatawagan ko ang pangalan ng Panginoon: at ang Dios na sumagot sa pamamagitan ng apoy, ay siyang maging Dios. At ang buong bayan ay sumagot, at nagsabi, Mabuti ang pagkasabi.
24Påkall så I eders guds navn, og jeg vil påkalle Herrens navn, og det skal være så, at den gud som svarer med ild, han er Gud. Og alt folket svarte og sa: Det er rett!
25At sinabi ni Elias sa mga propeta ni Baal, Magsipili kayo ng isang baka sa ganang inyo, at inyong ihandang una, sapagka't kayo'y marami; at tawagan ninyo ang pangalan ng inyong dios, nguni't huwag ninyong lagyan ng apoy sa ilalim.
25Da sa Elias til Ba'als profeter: Velg nu I eder den ene okse og stell den til først, siden I er flest, og påkall så eders guds navn! Men I skal ikke tende ild på.
26At kanilang kinuha ang baka na ibinigay sa kanila, at kanilang inihanda, at tinawagan ang pangalan ni Baal mula sa kinaumagahan hanggang sa kinatanghaliang tapat, na nagsisipagsabi, Oh Baal dinggin mo kami. Nguni't walang tinig, o sinomang sumagot. At sila'y nagsisilukso sa siping ng dambana na ginawa.
26Sa tok de den okse han hadde gitt dem, og stelte den til og påkalte Ba'als navn fra morgen til middag og ropte: Ba'al, svar oss! Men det hørtes ingen røst, og det var ikke nogen som svarte; og de hinket omkring det alter de hadde gjort.
27At nangyari, nang kinatanghaliang tapat, na biniro sila ni Elias, at sinabi, Sumigaw kayo ng malakas: sapagka't siya'y dios; siya nga'y nagmumunimuni, o nasa tabi, o nasa paglalakbay, o marahil siya'y natutulog, at marapat gisingin.
27Men da det var blitt middag, spottet Elias dem og sa: Rop høiere! Han er jo Gud; han er vel falt i tanker, eller han er gått avsides eller er ute på reise; kanskje han sover - så vil han vel våkne.
28At sila'y nagsisigaw ng malakas, at sila'y nagsipagkudlit ayon sa kanilang kaugalian ng sundang at mga sibat, hanggang sa bumuluwak ang dugo sa kanila.
28Da ropte de ennu høiere og flengte sig, som det var deres vis, med sverd og spyd, til blodet rant nedover dem.
29At nangyari nang makaraan ang kinatanghaliang tapat, na sila'y nanghula hanggang sa oras ng paghahandog ng alay na ukol sa hapon: nguni't wala kahit tinig, ni sinomang sumagot, ni sinomang makinig.
29Da det led over middag, raste de til bortimot den tid matofferet blir frembåret; men det hørtes ingen røst, og det var ikke nogen som svarte, og ikke nogen som aktet på dem.
30At sinabi ni Elias sa buong bayan, Lumapit kayo sa akin; at ang buong bayan ay lumapit sa kaniya. At kaniyang inayos ang dambana ng Panginoon na nabagsak.
30Da sa Elias til alt folket: Tred hit til mig! Og alt folket trådte frem til ham, og han satte i stand Herrens alter, som var nedrevet.
31At kumuha si Elias ng labing dalawang bato, ayon sa bilang ng mga lipi ng mga anak ni Jacob, na sa kaniya ang salita ng Panginoon ay dumating, na sinasabi, Israel ang magiging iyong pangalan.
31Og Elias tok tolv stener efter tallet på Jakobs barns stammer, han til hvem Herrens ord var kommet og hadde lydt således: Israel skal være ditt navn.
32At sa pamamagitan ng mga bato ay kaniyang itinayo ang dambana sa pangalan ng Panginoon; at kaniyang nilagyan ng hukay sa palibot ng dambana, na ang laki ay kasisidlan ng dalawang takal na binhi.
32Og han bygget av stenene et alter i Herrens navn og gjorde en grøft rundt om alteret så stor som til omkring to måls utsæd.
33At kaniyang inilagay ang kahoy na maayos, at kinatay ang baka at ipinatong sa kahoy. At kaniyang sinabi, Punuin ninyo ang apat na tapayan ng tubig, at ibuhos ninyo sa handog na susunugin, at sa kahoy.
33Så la han veden til rette og hugg oksen i stykker og la den ovenpå veden.
34At kaniyang sinabi, Gawin ninyong ikalawa; at kanilang ginawang ikalawa. At kaniyang sinabi, Gawin ninyong ikaitlo; at kanilang ginawang ikaitlo.
34Og han sa: Fyll fire krukker med vann og øs det ut over brennofferet og over veden! Så sa han: Gjør det en gang til! Og de gjorde det annen gang! Så sa han: Gjør det tredje gang! Og de gjorde det tredje gang.
35At ang tubig ay umagos sa palibot ng dambana; at kaniyang pinuno naman ng tubig ang hukay.
35Og vannet fløt rundt om alteret, og han fylte også grøften med vann.
36At nangyari, sa oras ng paghahandog ng alay sa hapon, na si Elias, na propeta ay lumapit, at nagsabi, Oh Panginoon, na Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel, pakilala ka sa araw na ito, na ikaw ay Dios sa Israel, at ako ang iyong lingkod, at aking ginawa ang lahat na bagay na ito sa iyong salita.
36Men ved den tid matofferet blir båret frem, trådte profeten Elias frem og sa: Herre, Abrahams, Isaks og Israels Gud! La det idag bli vitterlig at du er Gud i Israel, og at jeg er din tjener, og at det er på ditt ord jeg har gjort alt dette!
37Dinggin mo ako, Oh Panginoon, dinggin mo ako, upang matalastas ng bayang ito, na ikaw, na Panginoon, ay Dios, at iyong pinapanumbalik ang kanilang puso.
37Svar mig, Herre, svar mig, så dette folk må kjenne at du, Herre, er Gud, og at du nu vender deres hjerte tilbake til dig!
38Nang magkagayo'y ang apoy ng Panginoon ay nalaglag, at sinupok ang handog na susunugin at ang kahoy, at ang mga bato, at ang alabok, at hinimuran ang tubig na nasa hukay.
38Da falt Herrens ild ned og fortærte brennofferet og veden og stenene og jorden og slikket op vannet som var i grøften.
39At nang makita ng buong bayan, sila'y nagpatirapa: at kanilang sinabi, Ang Panginoon ay siyang Dios; ang Panginoon ay siyang Dios.
39Og alt folket så det, og de falt ned på sitt ansikt og sa: Herren, han er Gud! Herren, han er Gud!
40At sinabi ni Elias sa kanila, Dakpin ninyo ang mga propeta ni Baal; huwag makatanan ang sinoman sa kanila. At kanilang dinakip sila: at sila'y ibinaba ni Elias sa batis ng Cison, at pinatay roon.
40Da sa Elias til dem: Grip Ba'als profeter, la ingen av dem slippe herifra! Og de grep dem, og Elias førte dem ned til bekken Kison og lot dem drepe der.
41At sinabi ni Elias kay Achab, Ikaw ay umahon, kumain ka at uminom ka; sapagka't may hugong ng kasaganaan ng ulan.
41Så sa Elias til Akab: Gå nu op og et og drikk! For jeg hører regnet suse.
42Sa gayo'y umahon si Achab upang kumain at uminom. At si Elias ay umahon sa taluktok ng Carmelo; at siya'y yumukod sa lupa, at inilagay ang kaniyang mukha sa pagitan ng kaniyang mga tuhod.
42Da gikk Akab op for å ete og drikke. Men Elias gikk op på Karmels topp og bøide sig mot jorden med ansiktet mellem sine knær.
43At kaniyang sinabi sa kaniyang lingkod, Umahon ka ngayon, tumingin ka sa dakong dagat. At siya'y umahon at tumingin, at nagsabi, Walang anomang bagay. At kaniyang sinabi, Yumaon ka uling makapito.
43Så sa han til sin dreng: Stig op og se ut mot havet! Og han steg op og så ut, men sa: Det er ikke noget å se. Syv ganger sa han: Gå dit igjen!
44At nangyari, sa ikapito, na kaniyang sinabi, Narito, may bumangong isang ulap sa dagat, na kasingliit ng kamay ng isang lalake. At kaniyang sinabi, Ikaw ay yumaon, sabihin mo kay Achab, Ihanda mo ang iyong karo, at ikaw ay lumusong baka ka mapigil ng ulan.
44Den syvende gang sa han: Se, en liten sky, så stor som en manns hånd, stiger op fra havet. Da sa han: Gå op og si til Akab: Spenn for og far ned, så ikke regnet skal opholde dig!
45At nangyari, pagkaraan ng sangdali, na ang langit ay nagdilim sa alapaap at hangin, at nagkaroon ng malakas na ulan. At si Achab ay sumakay, at naparoon sa Jezreel.
45Og i en håndvending sortnet himmelen til med skyer og storm, og det kom et sterkt regn; og Akab kjørte avsted og for til Jisre'el.
46At ang kamay ng Panginoon ay nasa kay Elias; at kaniyang binigkisan ang kaniyang mga balakang, at tumakbong nagpauna kay Achab sa pasukan ng Jezreel.
46Men Herrens hånd kom over Elias; han omgjordet sine lender og sprang foran Akab like til Jisre'el.