Tagalog 1905

Norwegian

Acts

7

1At sinabi ng dakilang saserdote, Tunay baga ang mga bagay na ito?
1Ypperstepresten sa da: Er dette sant?
2At sinabi niya, Mga kapatid na lalake at mga magulang, mangakinig kayo: Ang Dios ng kaluwalhatia'y napakita sa ating amang si Abraham, nang siya'y nasa Mesapotamia, bago siya tumahan sa Haran,
2Han svarte: Brødre og fedre! Hør på mig: Herlighetens Gud åpenbarte sig for vår far Abraham mens han var i Mesopotamia, før han hadde bosatt sig i Karan,
3At sinabi sa kaniya, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong kamaganakan, at pumaroon ka sa lupaing ituturo ko sa iyo.
3og sa til ham: Dra ut fra ditt land og fra din slekt, og gå til det land som jeg vil vise dig!
4Nang magkagayo'y umalis siya sa lupain ng mga Caldeo, at tumahan sa Haran: at buhat doon, pagkamatay ng kaniyang ama, ay inilipat siya ng Dios sa lupaing ito, na inyong tinatahanan ngayon:
4Så drog han ut fra kaldeernes land og bosatte sig i Karan. Og derfra lot Gud ham efter farens død flytte til dette land som I nu bor i;
5At hindi siya pinamanahan ng anoman doon, kahit mayapakan ng kaniyang paa: at siya'y nangakong yao'y ibibigay na pinakaari sa kaniya, at sa kaniyang binhi pagkatapos niya, nang wala pa siyang anak.
5men han gav ham ikke arvelodd der, enn ikke en fotsbredd; og han lovte å gi ham det til eie, og hans ætt efter ham, enda han ikke hadde barn.
6At ganito ang sinalita ng Dios, na ang kaniyang binhi ay makikipamayan sa ibang lupain, at kanilang dadalhin sila sa pagkaalipin, at sila'y pahihirapang apat na raang taon.
6Og Gud talte således: Hans ætt skal bo i utlendighet i et fremmed land, og de skal holde den i trældom og mishandle den i fire hundre år;
7At ang bansang sa kanila'y aalipin ay aking hahatulan, sabi ng Dios: at pagkatapos nito'y magsisialis sila, at paglilingkuran nila ako sa dakong ito.
7og det folk som de skal træle under, vil jeg dømme, sa Gud, og derefter skal de dra ut derfra og tjene mig på dette sted.
8At ibinigay niya sa kaniya ang tipan ng pagtutuli: at sa ganito'y naging anak ni Abraham si Isaac, at ito'y tinuli nang ikawalong araw; at naging anak ni Isaac si Jacob, at naging mga anak ni Jacob ang labingdalawang patriarka.
8Og han gav ham omskjærelsens pakt; og så fikk han sønnen Isak, og omskar ham på den åttende dag, og Isak fikk sønnen Jakob, og Jakob blev far til de tolv patriarker.
9At ang mga patriarka sa udyok ng kainggitan kay Jose, ay ipinagbili siya, upang dalhin sa Egipto; at ang Dios ay sumasa kaniya,
9Og patriarkene bar avind mot Josef og solgte ham til Egypten; og Gud var med ham
10At siya'y iniligtas sa lahat ng kaniyang kapighatian, at siya'y binigyan ng ikalulugod at karunungan sa harapan ni Faraon na hari sa Egipto; at siya'y ginawang gobernador sa Egipto at sa buong bahay niya.
10og fridde ham ut av alle hans trengsler, og gav ham nåde og visdom for Faraos, egypterkongens øine; og han satte ham til høvding over Egypten og hele sitt hus.
11Dumating nga ang kagutom sa buong Egipto at sa Canaan, at nagkaroon ng malaking kapighatian: at walang nasumpungang pagkain ang ating mga magulang.
11Så kom det hungersnød over hele Egyptens land og Kana'an, og stor trengsel, og våre fedre fant ikke føde.
12Datapuwa't nang marinig ni Jacob na may trigo sa Egipto, ay sinugo niyang una ang ating mga magulang.
12Men da Jakob fikk høre at det var korn i Egypten, sendte han våre fedre dit første gang;
13At sa ikalawa'y napakilala si Jose sa kaniyang mga kapatid; at nahayag kay Faraon ang lahi ni Jose.
13og annen gang blev Josef gjenkjent av sine brødre, og Josefs byrd kom til Faraos kunnskap.
14At nagsugo si Jose, at pinaparoon sa kaniya si Jacob, na kaniyang ama, at ang lahat niyang kamaganakan, na pitongpu't limang tao.
14Da sendte Josef bud og kalte til sig sin far Jakob og hele sin slekt, fem og sytti sjeler.
15At lumusong si Jacob sa Egipto; at namatay siya, at ang ating mga magulang.
15Så drog Jakob ned til Egypten, og han døde, han og våre fedre,
16At sila'y inilipat sa Siquem, at inilagay sila sa libingang binili ni Abraham sa mga anak ni Hamor sa Siquem, sa halaga ng pilak.
16og de blev ført til Sikem og lagt i den grav som Abraham kjøpte for en kjøpesum i sølv av Hemors barn i Sikem.
17Datapuwa't nang nalalapit na ang panahon ng pangako, na ginawa ng Dios kay Abraham, ang bayan ay kumapal at dumami sa Egipto,
17Efter som nu tiden nærmet sig da det løfte skulde opfylles som Gud hadde gitt Abraham, tok folket til og blev mannsterkt i Egypten,
18Hanggang sa lumitaw ang ibang hari sa Egipto na hindi nakakikilala kay Jose.
18inntil det fremstod en annen konge over Egypten, som ikke kjente Josef;
19Ito rin ay gumamit ng lalang sa ating lahi, at pinahirapan ang ating mga magulang, na ipinatapon ang kani-kanilang mga sanggol upang huwag mangabuhay.
19han fór med svik mot vårt folk, og ved mishandling tvang han våre fedre til å sette sine nyfødte barn ut, så de ikke skulde holdes i live.
20Nang panahong yaon, ay ipinanganak si Moises, at siya'y totoong maganda; at siya'y inalagaang tatlong buwan sa bahay ng kaniyang ama:
20På den tid blev Moses født, og han var fager for Gud; han blev i tre måneder fostret i sin fars hus,
21At nang siya'y matapon, ay pinulot siya ng anak na babae ni Faraon, at siya'y inalagaang gaya ng sariling anak niya.
21og da han var blitt utsatt, tok Faraos datter ham op, og fostret ham og tok ham i sønns sted.
22At tinuruan si Moises sa lahat ng karunungan ng mga Egipcio: at siya ay makapangyarihan sa kaniyang mga salita at mga gawa.
22Og Moses blev oplært i all egypternes visdom, og han var mektig i ord og gjerninger.
23Datapuwa't nang siya'y magaapat na pung taong gulang na, ay tumugtog sa kaniyang puso na dalawin ang kaniyang mga kapatid na mga anak ni Israel.
23Men da han var blitt firti år gammel, fikk han i sinne å se til sine brødre, Israels barn,
24At nang makita niya ang isa sa kanila na inaalipusta, ay kaniyang ipinagsanggalang siya, at ipinaghiganti ang pinipighati, at pinatay ang Egipcio:
24og da han så en lide urett, kom han ham til hjelp og hevnet den som blev mishandlet, og slo egypteren ihjel.
25At ang isip niya'y napagunawa ng kaniyang mga kapatid na ibinigay ng Dios sa kanila ang kaligtasan sa pamamagitan ng kamay niya: datapuwa't hindi nila napagunawa.
25Han tenkte da at hans brødre skulde forstå at Gud gav dem frelse ved hans hånd; men de forstod det ikke.
26At nang kinabukasan ay napakita siya sa kanila samantalang sila'y nagaaway, at sila'y ibig sana niyang payapain, na sinasabi, mga Ginoo, kayo'y magkapatid; bakit kayo'y nagaalipustaan?
26Den næste dag kom han til dem mens de trettet, og han formante dem til å holde fred, han sa: I menn! I er brødre; hvorfor gjør I hverandre urett?
27Datapuwa't itinulak siya ng umalipusta sa kaniyang kapuwa tao, na sinasabi, Sino ang naglagay sa iyo na puno at hukom sa amin?
27Men han som gjorde sin næste urett, støtte ham fra sig og sa: Hvem har satt dig til høvding og dommer over oss?
28Ibig mo bagang ako'y patayin mo, na gaya ng pagkapatay mo kahapon sa Egipcio?
28Vil du kanskje slå mig ihjel, som du igår slo ihjel egypteren?
29At sa salitang ito'y tumakas si Moises, at nakipamayan sa lupain ng Midian, na doo'y nagkaanak siya ng dalawang lalake.
29Men Moses flyktet for dette ords skyld, og blev en utlending i Midians land og fikk der to sønner.
30At nang maganap ang apat na pung taon, ay napakita sa kaniya ang isang anghel sa ilang ng bundok ng Sinai, sa ningas ng apoy sa isang mababang punong kahoy.
30Og da firti år var til ende, åpenbarte en engel sig for ham i berget Sinais ørken i en brennende tornebusk.
31At nang makita ito ni Moises, ay nanggilalas sa tanawin; at nang siya'y lumapit upang pagmasdan, ay dumating ang isang tinig ng Panginoon,
31Da Moses så det, undret han sig over synet; men da han gikk bort for å se på det, kom en røst fra Herren:
32Ako ang Dios ng iyong mga magulang, ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob. At si Moises ay nanginig at hindi nangahas tumingin.
32Jeg er dine fedres Gud, Abrahams og Isaks og Jakobs Gud. Men Moses skalv av redsel, og vågde ikke å se på det.
33At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Alisin mo ang mga pangyapak sa iyong mga paa: sapagka't ang dakong kinatatayuan mo ay lupang banal.
33Og Herren sa til ham: Løs skoene av dine føtter! for det sted du står på, er hellig jord.
34Totoong nakita ko ang kapighatian ng aking bayang nasa Egipto, at narinig ko ang kanilang hibik, at ako'y bumaba upang sila'y iligtas: at ngayo'y halika, susuguin kita sa Egipto.
34Jeg har grant sett hvor mitt folk blir mishandlet i Egypten, og deres sukk har jeg hørt, og jeg er steget ned for å utfri dem. Og nu, kom, la mig sende dig til Egypten!
35Ang Moises na ito na kanilang itinakuwil, na sinasabi, Sino ang sa iyo'y naglagay na puno at hukom? ay siyang sinugo ng Dios na maging puno at tagapagligtas sa pamamagitan ng kamay ng anghel na sa kaniya'y napakita sa mababang punong kahoy.
35Denne Moses som de fornektet, idet de sa: Hvem har satt dig til høvding og dommer? ham sendte Gud til å være både høvding og redningsmann ved den engels hånd som åpenbarte sig for ham i tornebusken.
36Pinatnugutan sila ng taong ito, pagkagawa ng mga kababalaghan at mga tanda sa Egipto, at sa dagat na Pula, at sa ilang sa loob ng apat na pung taon.
36Han var den som førte dem ut, idet han gjorde undergjerninger og tegn i Egyptens land og i det Røde Hav og i ørkenen i firti år.
37Ito'y yaong Moises, na nagsabi sa mga anak ni Israel, Palilitawin ng Dios sa inyo ang isang propeta na gaya ko, mula sa inyong mga kapatid.
37Han er den Moses som sa til Israels barn: En profet, likesom mig, skal Gud opreise eder av eders brødre.
38Ito'y yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama ang anghel na nagsalita sa kaniya sa bundok ng Sinai, at kasama ang ating mga magulang: na siyang nagsitanggap ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin:
38Han er den som i menigheten i ørkenen var med den engel som talte til ham på Sinai berg, og med våre fedre, han som mottok levende ord for å gi oss dem.
39Sa kaniya'y ayaw magsitalima ang ating mga magulang, kundi siya'y kanilang itinakuwil, at sa kanilang mga puso'y nangagbalik sa Egipto,
39Ham vilde våre fedre ikke være lydige, de støtte ham fra sig, og vendte sig i sitt hjerte til Egypten, og de sa til Aron:
40Na sinasabi kay Aaron, Igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin: sapagka't tungkol dito kay Moises, na naglabas sa amin sa lupain ng Egipto, ay hindi namin nalalaman kung ano ang nangyari sa kaniya.
40Gjør oss guder som kan dra foran oss! for denne Moses som førte oss ut av Egyptens land vi vet ikke hvad det er blitt av ham.
41At nagsigawa sila nang mga araw na yaon ng isang guyang baka, at nagsipaghandog ng hain sa diosdiosang yaon, at nangatuwa sa mga gawa ng kanilang mga kamay.
41Og de gjorde en kalv i hine dager og bar frem offer til avgudsbilledet, og de gledet sig over sine henders verk.
42Datapuwa't tumalikod ang Dios, at sila'y pinabayaang magsisamba sa hukbo ng langit; gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta, Hinandugan baga ninyo ako ng mga hayop na pinatay at mga hain Na apat na pung taon sa ilang, Oh angkan ni Israel?
42Men Gud vendte sig bort, og overgav dem til å dyrke himmelens hær, som skrevet er i profetenes bok: Israels hus! gav I mig vel slaktoffer og andre offer i firti år i ørkenen?
43At dinala ninyo ang tabernakulo ni Moloc, At ang bituin ng dios Refan, Ang mga larawang ginawa ninyo upang inyong sambahin: At dadalhin ko kayo sa dako pa roon ng Babilonia.
43Nei, I bar med eder Moloks telt og guden Remfans stjerne, de billeder som I gjorde for å tilbede dem, og jeg vil flytte eder bort hinsides Babylon.
44Sumaating mga magulang sa ilang ang tabernakulo ng patotoo, ayon sa itinakda ng nagsalita kay Moises, na kaniyang gawin yaon alinsunod sa anyong kaniyang nakita.
44Våre fedre hadde i ørkenen vidnesbyrdets telt, således som den som talte til Moses, bød ham å gjøre det efter det forbillede han hadde sett;
45Na yao'y ipinasok din ng ating mga magulang sa kapanahunang ukol, na kasama ni Josue nang sila'y magsipasok sa inaari ng mga bansa, na pinalayas ng Dios sa harapan ng ating magulang, hanggang sa mga araw ni David;
45dette tok våre fedre i arv, og førte det med Josva inn i de hedningers eiendomsland som Gud drev bort for våre fedre, inntil Davids dager.
46Na nakasumpong ng biyaya sa paningin ng Dios, at huminging makasumpong ng isang tahanang ukol sa Dios ni Jacob.
46Han fant nåde hos Gud, og bad om at han måtte finne et bosted for Jakobs Gud.
47Datapuwa't iginawa siya ni Salomon ng isang bahay.
47Men Salomo bygget ham et hus.
48Bagama't ang Kataastaasa'y hindi tumatahan sa mga bahay na gawa ng mga kamay; gaya ng sinasabi ng propeta,
48Men den Høieste bor ikke i hus som er gjort med hender, således som profeten sier:
49Ang langit ay ang aking luklukan, At ang lupa ang tungtungan ng aking mga paa: Anong anyo ng bahay ang itatayo ninyo sa akin? sabi ng Panginoon: O anong dako ang aking pahingahan?
49Himmelen er min trone, og jorden en skammel for mine føtter; hvad hus vil I bygge mig, sier Herren, eller hvor er det sted jeg skal hvile på?
50Hindi baga ginawa ng aking kamay ang lahat ng mga bagay na ito?
50Har ikke min hånd gjort alt dette?
51Kayong matitigas ang ulo, at di tuli ang puso't mga tainga, kayo'y laging nagsisisalangsang sa Espiritu Santo: kung ano ang ginawa ng inyong mga magulang, ay gayon din naman ang ginagawa ninyo.
51I hårde halser og uomskårne på hjerte og ører! I står alltid den Hellige Ånd imot, som eders fedre, således også I.
52Alin sa mga propeta ang hindi pinagusig ng inyong mga magulang? at kanilang pinatay ang nangagpahayag ng una ng pagdating ng Matuwid na Ito; na sa kaniya'y kayo ngayon ay nangaging mga tagapagkanulo at mamamatay-tao;
52Hvem av profetene forfulgte ikke eders fedre? De drepte dem som forut forkynte at den rettferdige skulde komme, han som I nu har forrådt og myrdet,
53Kayo na nagsitanggap ng kautusan ayon sa pangangasiwa ng mga anghel, at hindi ninyo ginanap.
53I som mottok loven gitt ved engler og ikke har holdt den!
54Nang marinig nga nila ang mga bagay na ito, ay nangasugatan sila sa puso, at siya'y pinagngalitan nila ng kanilang mga ngipin.
54Men da de hørte dette, stakk det dem i deres hjerter, og de skar tenner mot ham.
55Datapuwa't siya, palibhasa'y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig sa kanan ng Dios,
55Men han var full av den Hellige Ånd og skuet ufravendt op mot himmelen, og han så Guds herlighet, og Jesus stå ved Guds høire hånd,
56At nagsabi, Narito, nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Dios.
56og han sa: Nu ser jeg himlene åpne, og Menneskesønnen stå ved Guds høire hånd!
57Datapuwa't sila'y nagsigawan ng malakas na tinig, at nangagtakip ng kanilang mga tainga, at nangagkaisang siya'y dinaluhong;
57Da skrek de med høi røst og holdt for sine ører, og stormet alle som en inn på ham
58At siya'y kanilang itinapon sa labas ng bayan, at binato: at inilagay ng mga saksi ang kanilang mga damit sa mga paanan ng isang binata na nagngangalang Saulo.
58og drev ham ut av byen og stenet ham; og vidnene la sine klær av sig ved en ung manns føtter som hette Saulus.
59At kanilang pinagbatuhanan si Esteban, na tumatawag sa Panginoon at nagsasabi, Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu.
59Og de stenet Stefanus, mens han bad og sa: Herre Jesus, ta imot min ånd!
60At siya'y nanikluhod, at sumigaw ng malakas na tinig, Panginoon, huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito. At pagkasabi niya nito, ay nakatulog siya.
60Og han falt på kne og ropte med høi røst: Herre, tilregn dem ikke denne synd! Og som han hadde sagt dette, sov han inn.