1At kaniyang sinabi kay Moises, Sumampa ka sa kinaroroonan ng Panginoon, ikaw, at si Aaron, si Nadab, at si Abiu, at pitong pu ng mga matanda sa Israel; at sumamba kayo mula sa malayo:
1Og til Moses sa han: Stig op til Herren, du og Aron, Nadab og Abihu og sytti av Israels eldste, og I skal tilbede på avstand.
2At si Moises lamang ang lalapit sa Panginoon; datapuwa't sila'y hindi lalapit; o ang bayan man ay sasampang kasama niya.
2Men Moses alene skal komme nær til Herren, de andre skal ikke gå nær til, og folket skal ikke stige op med ham.
3At lumapit si Moises at isinaysay sa bayan ang lahat ng mga salita ng Panginoon, at ang lahat ng mga palatuntunan. At ang buong bayan ay sumagot ng paminsan, at nagsabi, Lahat ng mga salita na sinalita ng Panginoon, ay aming gagawin.
3Så kom Moses og forkynte folket alle Herrens ord og alle lovene; og hele folket svarte med én røst: Alle de ord Herren har talt, vil vi holde oss efter.
4At sinulat ni Moises ang lahat ng mga salita ng Panginoon, at bumangon ng maaga sa kinaumagahan, at nagtayo ng isang dambana sa paanan ng bundok, at ng labing dalawang batong pinakaalaala, ayon sa labing dalawang lipi ng Israel.
4Så skrev Moses op alle Herrens ord, og han stod tidlig op om morgenen og bygget et alter nedenfor fjellet og tolv støtter for de tolv Israels stammer.
5At kaniyang sinugo ang mga binata ng mga anak ni Israel, na nagsipaghandog ng mga handog na susunugin at nagsipaghain sa Panginoon ng handog na baka tungkol sa kapayapaan.
5Siden sendte han nogen unge menn av Israels barn dit, og de bar frem brennoffer og ofret slaktoffer av okser til takkoffer for Herren.
6At kinuha ni Moises ang kalahati ng dugo, at inilagay sa mga tasa; at ang kalahati ng dugo ay iniwisik sa ibabaw ng dambana.
6Og Moses tok halvdelen av blodet og helte det ut i skåler, og halvdelen av blodet sprengte han på alteret.
7At kaniyang kinuha ang aklat ng tipan, at binasa sa pakinig ng bayan: at kanilang sinabi, Lahat ng sinalita ng Panginoon ay aming gagawin, at kami ay magmamasunurin.
7Så tok han paktens bok og leste den op for folket; og de sa: Alt det Herren har sagt, vil vi gjøre og lyde.
8At kinuha ni Moises ang dugo at iniwisik sa bayan, at sinabi, Narito ang dugo ng tipan, na ipinakipagtipan ng Panginoon sa inyo tungkol sa lahat ng mga salitang ito.
8Da tok Moses blodet og sprengte det på folket; og han sa: Se, dette er paktens blod, den pakt som Herren opretter med eder på alle disse ord.
9Nang magkagayo'y sumampa si Moises, at si Aaron, si Nadab, at si Abiu, at pitongpu ng mga matanda sa Israel:
9Så steg Moses og Aron, Nadab og Abihu og sytti av Israels eldste op.
10At kanilang nakita ang Dios ng Israel; at mayroon sa ilalim ng kaniyang mga paa na parang isang yaring lapag na batong zafiro, at paris din ng langit sa kaliwanagan.
10Og de så Israels Gud; under hans føtter var det likesom et gulv av gjennemsiktig safirsten og som himmelen selv i klarhet.
11At sa mga mahal na tao sa mga anak ni Israel ay hindi niya ipinatong ang kaniyang kamay: at sila'y tumingin sa Dios, at kumain at uminom.
11Og han løftet ikke sin hånd mot de ypperste av Israels barn, men de skuet Gud og åt og drakk.
12At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sampahin mo ako sa bundok, at dumoon ka: at ikaw ay bibigyan ko ng mga tapyas na bato, at ng kautusan, at ng utos na aking isinulat, upang iyong maituro sa kanila.
12Og Herren sa til Moses: Stig op til mig på fjellet og bli der! Så vil jeg gi dig stentavler og loven og budet, som jeg har skrevet op for å veilede dem.
13At tumindig si Moises, at si Josue na kaniyang tagapangasiwa: at si Moises ay sumampa sa bundok ng Dios.
13Da gikk Moses avsted med sin tjener Josva; og Moses gikk op på Guds berg.
14At kaniyang sinabi sa mga matanda, Hintayin ninyo kami rito hanggang sa kami ay bumalik sa inyo: at, narito si Aaron at si Hur ay kasama ninyo: sinomang magkaroon ng usap ay lumapit sa kanila.
14Og han sa til de eldste: Bli her til vi kommer tilbake til eder; Aron og Hur er jo hos eder; den som har en rettssak, kan gå til dem!
15At sumampa si Moises sa bundok at tinakpan ng ulap ang bundok.
15Så steg Moses op på fjellet, og skyen skjulte fjellet.
16At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nanahan sa ibabaw ng bundok ng Sinai, at tinakpan ng ulap na anim na araw: at sa ikapitong araw ay tinawag niya si Moises sa gitna ng ulap.
16Og Herrens herlighet hvilte på Sinai berg, og skyen skjulte det i seks dager; den syvende dag kalte han på Moses midt ut av skyen.
17At ang anyo ng kaluwalhatian ng Panginoon ay paris ng apoy na manunupok sa ibabaw ng taluktok ng bundok, sa harap ng mga mata ng mga anak ni Israel.
17Og Herrens herlighet var å se til for Israels barns øine som en fortærende ild på fjellets topp.
18At pumasok si Moises sa gitna ng ulap, at sumampa sa bundok: at si Moises ay natira sa bundok na apat na pung araw at apat na pung gabi.
18Og Moses gikk midt inn skyen og steg op på fjellet; og Moses var på fjellet i firti dager og firti netter.