1Si Sarai nga na asawa ni Abram ay hindi nagkaanak sa kaniya; at siya'y may isang alilang babae na taga Egipto, na nagngangalang Agar.
1Sarai, Abrams hustru, fødte ham ikke barn; men hun hadde en egyptisk trælkvinne, som hette Hagar.
2At sinabi ni Sarai kay Abram, Narito, ngayon, ako'y hinadlangan ng Panginoon na ako'y magkaanak; ipinamamanhik ko sa iyong sumiping ka sa aking alilang babae; marahil ay magkakaanak ako sa pamamagitan niya. At dininig ni Abram ang sabi ni Sarai.
2Og Sarai sa til Abram: Se, Herren har nektet mig barn; gå derfor inn til min trælkvinne! Kanskje jeg kunde få et barn ved henne. Og Abram lød Sarais råd.
3At kinuha ni Sarai na asawa ni Abram, si Agar na taga Egipto, na kaniyang alila, pagkaraan ng sangpung taon na makatahan si Abram sa lupain ng Canaan, at ibinigay kay Abram na kaniyang asawa upang maging asawa niya.
3Så tok Sarai, Abrams hustru, og lot Abram, sin mann, få egypterkvinnen Hagar, som var hennes trælkvinne, til hustru; da var det ti år siden Abram hadde bosatt sig i Kana'ans land.
4At siya'y sumiping kay Agar, at naglihi: at nang makita niyang siya'y naglihi, ay niwalang halaga niya ang kaniyang panginoong babae sa kaniyang paningin.
4Og han gikk inn til Hagar, og hun blev fruktsommelig; men da hun så at hun var blitt fruktsommelig, ringeaktet hun sin frue.
5At sinabi ni Sarai kay Abram, Ang aking pagkaapi ay sumaiyo: idinulot ko ang aking alila sa iyong sinapupunan; at nang makita niyang siya'y naglihi, ay niwalan akong kabuluhan sa kaniyang paningin: ang Panginoon ang humatol sa akin at sa iyo.
5Da sa Sarai til Abram: Den urett jeg lider, er du skyld i; jeg har selv gitt min trælkvinne i din favn; men nu, da hun ser at hun er fruktsommelig, ringeakter hun mig; Herren skal dømme mellem mig og dig.
6Datapuwa't sinabi ni Abram kay Sarai, Narito, ang iyong alila ay nasa iyong kamay; gawin mo sa kaniya ang iyong minamagaling sa iyong paningin. At dinuwahagi siya ni Sarai, at si Agar ay tumakas mula sa kaniyang harap.
6Da sa Abram til Sarai: Se, din trælkvinne råder du selv over; gjør med henne som du synes. Og Sarai var hård mot henne, og hun rømte fra henne.
7At nasumpungan siya ng anghel ng Panginoon sa tabi ng isang bukal ng tubig sa ilang, sa bukal na nasa daang patungo sa Shur.
7Men Herrens engel fant henne ved vannkilden i ørkenen, ved kilden på veien til Sur.
8At sinabi, Agar, alila ni Sarai, saan ka nanggaling? at saan ka paroroon? at kaniyang sinabi, Ako'y tumatakas mula sa harap ni Sarai na aking panginoon.
8Og han sa: Hagar, Sarais trælkvinne, hvor kommer du fra, og hvor akter du dig hen? Hun svarte: Jeg har flyktet fra min frue Sarai.
9At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Magbalik ka sa iyong panginoon, at pahinuhod ka sa kaniyang mga kamay.
9Da sa Herrens engel til henne: Gå tilbake til din frue, og bøi dig under henne!
10At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Pararamihin kong mainam ang iyong binhi, na hindi mabibilang dahil sa karamihan.
10Og Herrens engel sa til henne: Jeg vil gjøre din ætt så tallrik at den ikke skal kunne telles for mengde.
11At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Narito't ikaw ay nagdadalang-tao at ikaw ay manganganak ng isang lalake; at ang itatawag mo sa kaniyang ngalan ay Ismael, sapagka't diningig ng Panginoon ang iyong kadalamhatian.
11Og Herrens engel sa videre til henne: Se, du er fruktsommelig og skal føde en sønn, og du skal kalle ham Ismael*; for Herren har hørt din nød. / {* Gud hører.}
12At siya'y magiging parang asnong bundok sa gitna ng mga tao; ang kaniyang kamay ay magiging laban sa lahat, at ang kamay ng lahat ay laban sa kaniya; at siya'y tatahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid.
12Og han skal bli et vill-asen av et menneske; hans hånd skal være mot alle, og alles hånd mot ham; og han skal bo østenfor alle sine brødre.
13At kaniyang tinawagan ang ngalan ng Panginoon na nagsalita sa kaniya, Ikaw ay Dios na nakakakita: sapagka't sinabi niya, Namasdan ko rin ba rito ang likuran niyaong nakakakita sa akin?
13Og hun gav Herren, som hadde talt med henne, navnet "Du er Gud, den som ser". For hun sa: Har jeg virkelig fått se ham som ser mig?
14Kaya't nginalanan ang balong yaon Balon ng Nabubuhay na nakakakita sa akin; narito't ito'y nasa pagitan ng Cades at Bered.
14Derfor kaller de brønnen Lakai Ro'is brønn*; den ligger mellem Kades og Bered. / {* d.e. den levendes brønn som ser mig.}
15At nanganak si Agar ng isang lalake kay Abram at ang itinawag ni Abram, na pangalan sa kaniyang anak na ipinanganak ni Agar, ay Ismael.
15Og Hagar fødte Abram en sønn; og Abram kalte den sønn som Hagar hadde født ham, Ismael.
16At si Abram ay may walong pu't anim na taon nang ipanganak si Ismael ni Agar kay Abram.
16Abram var seks og åtti år gammel da Hagar fødte ham Ismael.