1Ang salita na dumating kay Jeremias mula sa Panginoon, na nagsasabi,
1Dette er det ord som kom til Jeremias fra Herren:
2Ikaw ay bumangon, at bumaba sa bahay ng magpapalyok, at aking iparirinig sa iyo ang aking mga salita roon.
2Stå op og gå ned til pottemakerens hus, og der vil jeg la dig høre mine ord.
3Nang magkagayo'y bumaba ako sa bahay ng magpapalyok, at, narito, siya'y gumagawa ng kaniyang gawa sa pamamagitan ng mga gulong.
3Og jeg gikk ned til pottemakerens hus, og se, han gjorde sitt arbeid på skiven;
4At nang mabasag sa kamay ng magpapalyok ang sisidlang putik na kaniyang ginagawa, ay gumawa siya uli ng ibang sisidlan, na minagaling na gawin ng magpapalyok.
4og når det kar han gjorde, blev mislykket, som det kan gå med leret i pottemakerens hånd, så gjorde han det om igjen til et annet kar, slik som han vilde ha det.
5Nang magkagayo'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi,
5Og Herrens ord kom til mig, og det lød så:
6Oh sangbahayan ni Israel, hindi baga ako makagagawa sa inyo na gaya ng paggawa ng magpapalyok na ito? sabi ng Panginoon. Narito, kung paano ang putik sa kamay ng magpapalyok, gayon kayo sa kamay ko, Oh sangbahayan ni Israel.
6Skulde jeg ikke kunne gjøre med eder, Israels hus, som denne pottemaker? sier Herren; se, som leret er i pottemakerens hånd, således er I i min hånd, Israels hus!
7Sa anomang sandali ay magsasalita ako ng tungkol sa isang bansa, at tungkol sa isang kaharian, upang bunutin at upang ibagsak at upang lipulin;
7En gang taler jeg om et folk og et rike, at jeg vil rykke op og rive ned og ødelegge;
8Kung ang bansang yaon, na aking pinagsalitaan, ay humiwalay sa kanilang kasamaan, ako'y magsisisi sa kasamaan na aking inisip gawin sa kanila.
8men dersom det folk som jeg har talt om, vender om fra sin ondskap, da angrer jeg det onde som jeg hadde tenkt å gjøre mot det.
9At sa anomang sangdali ay magsasalita ako ng tungkol sa isang bansa, at tungkol sa isang kaharian, upang itayo at upang itatag;
9Og en annen gang taler jeg om et folk og om et rike, at jeg vil bygge og plante;
10Kung gumawa ng kasamaan sa aking paningin, na hindi sundin ang aking tinig, ay pagsisisihan ko nga ang kabutihan, na aking ipinagsabing pakikinabangan nila.
10men gjør det da det som er ondt i mine øine, så det ikke hører på min røst, da angrer jeg det gode som jeg hadde tenkt å ville gjøre mot det.
11Ngayon nga, salitain mo sa mga tao sa Juda, at sa mga nananahan sa Jerusalem, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y humahaka ng kasamaan laban sa inyo, at kumatha ng katha-katha laban sa inyo: manumbalik bawa't isa sa inyo mula sa kanikaniyang masamang lakad, at inyong pabutihin ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa.
11Og si nu til Judas menn og til Jerusalems innbyggere: Så sier Herren: Se, jeg emner på en ulykke for eder og uttenker et ondt råd mot eder; vend om, hver fra sin onde vei, og bedre eders veier og eders gjerninger!
12Nguni't kanilang sinabi, Walang pagasa; sapagka't kami ay magsisisunod sa aming sariling mga katha-katha, at magsisigawa bawa't isa sa amin ng ayon sa katigasan ng kanikaniyang masamang puso.
12Men de sier: Du taler forgjeves! Våre egne tanker vil vi følge, og enhver av oss vil følge sitt onde, hårde hjerte.
13Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Inyong itanong nga sa mga bansa, kung sinong nakarinig ng ganiyang mga bagay? ang dalaga ng Israel ay gumawa ng totoong kakilakilabot na bagay.
13Derfor sier Herren så: Spør blandt hedningefolkene: Hvem har hørt slikt? Grufulle ting har jomfruen Israel gjort.
14Magkukulang baga ng niebe sa Lebano sa bato sa parang? ang malamig na tubig na umaagos mula sa malayo ay matutuyo baga?
14Mon Libanons sne går bort på det høie fjell? Eller uttørkes de fremmede, kjølige, rinnende vann?
15Sapagka't kinalimutan ako ng aking bayan, sila'y nangagsunog ng kamangyan sa mga diosdiosan; at sila'y nangatisod sa kanilang mga lakad, sa mga dating landas, at pinalalakad sa mga lana, sa daan na hindi patag;
15Men mitt folk har glemt mig, det brenner røkelse for de falske guder; og de førte dem til fall på deres veier, de gamle veier, så de gikk på stier, på uryddede veier,
16Upang gawin ang kanilang lupain na isang katigilan, at walang hanggang kasutsutan; lahat na nangagdadaan doon ay mangatitigilan, at mangaggagalaw ng ulo.
16og således gjorde de sitt land til en forferdelse, til en evig spott; hver den som går forbi, skal forferdes og ryste på hodet.
17Aking pangangalatin sila na parang hanging silanganan sa harap ng kaaway; tatalikuran ko sila, at hindi ko haharapin, sa kaarawan ng kanilang kasakunaan,
17Som østenvinden vil jeg adsprede dem for fiendens åsyn; med nakken og ikke med ansiktet vil jeg se på dem på deres ulykkes dag.
18Nang magkagayo'y sinabi nila, Kayo'y magsiparito, at tayo'y magsikatha ng mga katha-katha laban kay Jeremias; sapagka't ang kautusan ay hindi mawawala sa saserdote, o ang payo man sa pantas, o ang salita man sa propeta. Kayo'y magsiparito, at ating saktan siya ng dila, at huwag nating pansinin ang kaniyang mga salita.
18Da sa de: Kom og la oss uttenke onde råd mot Jeremias! For presten har jo loven, den vise har råd, og profeten har ord fra Gud. Kom, la oss slå ham med tungen og ikke akte på noget av hans ord!
19Pakinggan mo ako, Oh Panginoon, at ulinigin mo ang tinig nila na nakikipagtalo sa akin.
19Akt på mig, Herre, og hør hvorledes de strider mot mig!
20Igaganti baga'y kasamaan sa kabutihan? sapagka't sila'y nagsihukay ng hukay para sa akin. Iyong alalahanin kung paanong ako'y tumayo sa harap mo, upang magsalita ng mabuti para sa kanila, upang ihiwalay ang iyong kapusukan sa kanila.
20Skal en gjengjelde godt med ondt? For de har gravd en grav for mitt liv. Kom i hu at jeg stod for ditt åsyn og talte godt for dem for å vende din vrede bort fra dem!
21Kaya't ibigay mo ang kanilang mga anak sa kagutom, at ibigay mo sila sa kapangyarihan ng tabak; at ang kanilang mga asawa ay mawalan ng anak, at mga bao; at ang kanilang mga lalake ay mangapatay sa patayan, at ang kanilang mga binata ay masugatan ng tabak sa pagbabaka.
21Gi derfor deres barn til hungeren, og overgi dem selv i sverdets vold, og la deres hustruer bli barnløse og enker, og deres menn bli drept av pesten, deres ungdom bli slått ihjel av sverdet i krigen!
22Makarinig nawa ng daing mula sa kanilang mga bahay, pagka ikaw ay biglang magdadala ng hukbo sa kanila; sapagka't sila'y nagsihukay ng hukay upang hulihin ako, at ipinagkubli ng mga silo ang aking mga paa.
22La skrik bli hørt fra deres hus, når du lar en fiendeskare komme brått over dem! For de har gravd en grav for å fange mig og lagt skjulte snarer for mine føtter.
23Gayon man, Panginoon, iyong talastas ang lahat nilang payo laban sa akin upang patayin ako; huwag mong ipatawad ang kanilang kasamaan, o pawiin mo man ang kanilang kasalanan sa iyong paningin; kundi sila'y mangatisod sa harap mo; parusahan mo sila sa kaarawan ng iyong galit.
23Men du, Herre, kjenner alle deres onde råd mot mitt liv; forlat dem ikke deres misgjerning og utslett ikke deres synd for ditt åsyn, men styrt dem ned for ditt åsyn! Straff dem på din vredes tid!