1Datapuwa't nang unang araw ng sanglinggo pagkaumagang-umaga, ay nagsiparoon sila sa libingan, na may dalang mga pabango na kanilang inihanda.
1Men på den første dag i uken, tidlig i dagningen, kom de til graven, og hadde med sig de velluktende urter som de hadde tilberedt.
2At nasumpungan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan.
2Men de fant stenen veltet fra graven,
3At sila'y nagsipasok, at hindi nila nangasumpungan ang bangkay ng Panginoong Jesus.
3og da de gikk inn i den, fant de ikke den Herre Jesu legeme.
4At nangyari, na samantalang sila'y nangatitilihan dahil dito, narito, tumayo sa tabi nila ang dalawang lalake na nakasisilaw ang mga damit:
4Og det skjedde mens de stod rådville ved dette, se, da stod to menn hos dem i skinnende klædebon;
5At nang sila'y nangatatakot at nangakatungo ang kanilang mga mukha sa lupa ay sinabi nila sa kanila, Bakit hinahanap ninyo ang buhay sa gitna ng mga patay?
5og da de blev forferdet og bøide sitt ansikt mot jorden, sa de til dem: Hvorfor søker I den levende blandt de døde?
6Wala siya rito, datapuwa't nagbangon: alalahanin ninyo ang salita niya sa inyo nang siya'y nasa Galilea pa,
6Han er ikke her, han er opstanden; kom i hu hvorledes han talte til eder mens han ennu var i Galilea, da han sa
7Na sinasabi, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay ibigay sa mga kamay ng mga taong makasalanan, at ipako sa krus, at magbangong muli sa ikatlong araw.
7at Menneskesønnen skulde overgis i syndige menneskers hender og korsfestes og opstå på den tredje dag!
8At naalaala nila ang kaniyang mga salita,
8Da kom de hans ord i hu.
9At nagsibalik mula sa libingan, at ibinalita ang lahat ng mga bagay na ito sa labingisa, at sa lahat ng mga iba pa.
9Og de vendte tilbake fra graven, og fortalte alt dette til de elleve og til alle de andre.
10Sila nga'y si Maria Magdalena, si Juana, at si Mariang ina ni Santiago: at iba pang mga babaing kasama nila ang nangagbalita ng mga bagay na ito sa mga apostol.
10Det var Maria Magdalena og Johanna og Maria, Jakobs mor, og de andre kvinner med dem. De sa dette til apostlene,
11At ang mga salitang ito'y inakala nilang walang kabuluhan; at hindi nila pinaniwalaan.
11og deres ord syntes dem å være løs tale, og de trodde dem ikke.
12Datapuwa't nagtindig si Pedro, at tumakbo sa libingan; at nang siya'y tumungo pagtingin niya sa loob, ay nakita niya ang mga kayong lino na nangasa isang tabi; at umuwi siya sa kaniyang bahay na nanggigilalas sa nangyaring yaon.
12Men Peter stod op og løp til graven, og da han bøide sig ned, så han bare liksvøpet; og han gikk hjem og undret sig over det som var skjedd.
13At narito, dalawa sa kanila ay naparoroon nang araw ding yaon sa isang nayong ngala'y Emaus, na may anim na pung estadio ang layo sa Jerusalem.
13Og se, to av dem gikk samme dag til en by som ligger seksti stadier fra Jerusalem, og som heter Emmaus,
14At kanilang pinaguusapan ang lahat ng mga bagay na nangyari.
14og de talte med hverandre om alt dette som hadde hendt.
15At nangyari, na samantalang sila'y naguusap at nagtatanongan, na si Jesus din ay lumapit, at nakisabay sa kanila.
15Og det skjedde mens de talte sammen og spurte hverandre, da kom Jesus selv nær til dem og vandret sammen med dem;
16Datapuwa't sa mga mata nila'y may nakatatakip upang siya'y huwag nilang makilala.
16men deres øine blev holdt igjen, så de ikke kjente ham.
17At sinabi niya sa kanila, Ano ang mga salitaan ninyong ito sa inyong paglalakad? At sila'y nagsitigil, na nangalulumbay ang mga mukha.
17Han sa til dem: Hvad er dette for tale som I fører med hverandre på veien? Og de stod stille med sorgfullt åsyn.
18At isa sa kanila, na nagngangalang Cleopas, sa pagsagot ay sinabi sa kaniya, Ikaw baga'y nakikipamayan lamang sa Jerusalem, at hindi nakaalam ng mga bagay na doo'y nangyari nang mga araw na ito?
18Men en av dem, som hette Kleopas, tok til orde og sa til ham: Er du alene fremmed i Jerusalem og vet ikke det som er skjedd der i disse dager?
19At sinabi niya sa kanila, Anong mga bagay? At sinabi nila sa kaniya, Ang mga bagay tungkol kay Jesus na Nazareno, na isang propetang makapangyarihan sa gawa at sa salita sa harap ng Dios at ng buong bayan:
19Han sa til dem: Hvad da? Og de sa til ham: Det med Jesus fra Nasaret, som var en profet, mektig i gjerning og ord for Gud og alt folket,
20At kung paano ang pagkabigay sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga pinuno upang hatulan sa kamatayan, at siya'y ipako sa krus.
20og hvorledes våre yppersteprester og rådsherrer har overgitt ham til dødsdom og korsfestet ham.
21Datapuwa't hinihintay naming siya ang tutubos sa Israel. Oo at bukod sa lahat ng mga ito ay ngayon ang ikatlong araw buhat nang mangyari ang mga bagay na ito.
21Men vi håpet at han var den som skulde forløse Israel. Og dog - med alt dette er det idag den tredje dag siden dette skjedde.
22Bukod sa rito iba sa mga babaing kasamahan namin na nagsiparoong maaga sa libingan, ay nakapagtaka sa amin;
22Men så har og nogen av våre kvinner forferdet oss; de kom tidlig imorges til graven,
23At nang hindi mangasumpungan ang kaniyang bangkay, ay nangagbalik sila, na nangagsabing sila nama'y nakakita ng isang pangitain ng mga anghel, na nangagsabing siya'y buhay.
23og da de ikke fant hans legeme, kom de og sa at de hadde sett et syn av engler, som sa at han lever;
24At nagsiparoon sa libingan ang ilang kasama namin, at nasumpungan nila alinsunod sa sinabi ng mga babae: datapuwa't siya'y hindi nila nakita.
24og nogen av dem som var med oss, gikk bort til graven og fant det så som kvinnene hadde sagt; men ham så de ikke.
25At sinabi niya sa kanila, Oh mga taong haling, at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta!
25Da sa han til dem: I dårer og senhjertede til å tro alt det profetene har talt!
26Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga bagay na ito, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian?
26Måtte ikke Messias lide dette og så gå inn til sin herlighet?
27At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan.
27Og han begynte fra Moses og fra alle profetene og utla for dem i alle skriftene det som er skrevet om ham.
28At sila'y malapit na sa nayong kanilang paroroonan: at naganyo siyang wari may paroroonang lalo pang malayo.
28Og de var nær ved byen som de gikk til, og han lot som han vilde gå videre.
29At siya'y kanilang pinigil, na sinasabi, tumuloy ka sa amin, sapagka't gumagabi na, at kumikiling na ang araw. At pumasok siya upang tumuloy sa kanila.
29Da nødde de ham og sa: Bli hos oss; for det stunder til aften, og dagen heller! Og han gikk inn og blev hos dem.
30At nangyari, nang siya'y nakaupo na kasalo nila sa dulang ng pagkain, ay kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan; at ito'y pinagputolputol, at ibinigay sa kanila.
30Og det skjedde da han satt til bords med dem, da tok han brødet og velsignet det, og brøt det og gav dem;
31At nangabuksan ang kanilang mga mata, at siya'y nakilala nila; at siya'y nawala sa kanilang mga paningin.
31da blev deres øine åpnet, og de kjente ham; og han blev usynlig for dem.
32At sila-sila'y nangagsabihan, Hindi baga nagaalab ang ating puso sa loob natin, habang tayo'y kinakausap niya sa daan, samantalang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan?
32Og de sa til hverandre: Brente ikke vårt hjerte i oss da han talte til oss på veien og oplot skriftene for oss?
33At sila'y nagsitindig sa oras ding yaon, at nangagbalik sa Jerusalem, at naratnang nangagkakatipon ang labingisa, at ang kanilang mga kasama.
33Og de stod op i samme stund og vendte tilbake til Jerusalem, og de fant de elleve samlet, og dem som var med dem, og disse sa:
34Na nangagsasabi, Tunay na nagbangong muli ang Panginoon, at napakita kay Simon,
34Herren er sannelig opstanden, og er sett av Simon!
35At isinaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan, at kung paanong siya'y nakilala nila nang pagputolputulin ang tinapay.
35Og de fortalte hvad som var skjedd på veien, og hvorledes han blev kjent av dem da han brøt brødet.
36At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila'y nagsabi, Kapayapaa'y suma inyo.
36Mens de talte om dette, stod han selv midt iblandt dem og sa til dem: Fred være med eder!
37Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu.
37Men de blev forferdet og fulle av frykt, og trodde at de så en ånd.
38At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso?
38Og han sa til dem: Hvorfor er I forferdet, og hvorfor opstiger tvilende tanker i eders hjerte?
39Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.
39Se mine hender og mine føtter, og se at det er mig selv! Kjenn på mig og se! En ånd har jo ikke kjøtt og ben, som I ser at jeg har.
40At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa.
40Og da han hadde sagt dette, viste han dem sine hender og sine føtter.
41At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain?
41Men da de ennu ikke trodde for glede, og undret sig, sa han til dem: Har I her noget å ete?
42At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw.
42Da gav de ham et stykke av en stekt fisk og noget av en honningkake,
43At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila.
43og han tok det og åt for deres øine.
44At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit.
44Og han sa til dem: Dette er mine ord som jeg talte til eder mens jeg ennu var hos eder, at alt det måtte opfylles som er skrevet i Mose lov og profetene og salmene om mig.
45Nang magkagayo'y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan;
45Da oplot han deres forstand, så de kunde forstå skriftene.
46At sinabi niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw;
46Og han sa til dem: Så står skrevet, at Messias skal lide og opstå fra de døde på den tredje dag,
47At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem.
47og at i hans navn skal omvendelse og syndenes forlatelse forkynnes for alle folkeslag, fra Jerusalem av.
48Kayo'y mga saksi ng mga bagay na ito.
48I er vidner om dette.
49At narito, ipadadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama, datapuwa't magsipanatili kayo sa bayan, hanggang sa kayo'y masangkapan ng kapangyarihang galing sa itaas.
49Og jeg sender over eder det som min Fader har lovt; men I skal bli i byen inntil I blir iklædd kraft fra det høie.
50At kaniyang dinala sila sa labas hanggang sa tapat ng Betania: at itinaas niya ang kaniyang mga kamay, at sila'y binasbasan.
50Og han førte dem ut imot Betania, og han løftet op sine hender og velsignet dem;
51At nangyari, na samantalang sila'y binabasbasan niya, ay iniwan niya sila; at dinala siya sa itaas sa langit.
51og det skjedde da han velsignet dem, at han skiltes fra dem og blev optatt til himmelen.
52At siya'y sinamba nila, at nagsibalik sila sa Jerusalem na may malaking galak:
52Og de tilbad ham og vendte tilbake til Jerusalem med stor glede,
53At palaging sila'y nasa templo, na nangagpupuri sa Dios.
53Og de var alltid i templet og lovet og priste Gud.