1At nakisama sa kanila ang mga Fariseo, at ilan sa mga eskriba, na nagsipanggaling sa Jerusalem,
1Og fariseerne og nogen av de skriftlærde, som var kommet fra Jerusalem, samlet sig om ham.
2At kanilang nangakita ang ilan sa kaniyang mga alagad na nagsisikain ng kanilang tinapay ng mga kamay na marurumi, sa makatuwid baga'y mga kamay na hindi hinugasan.
2Og de fikk se at nogen av hans disipler åt med vanhellige, det er uvaskede, hender;
3(Sapagka't ang mga Fariseo, at ang lahat ng mga Judio, ay hindi nagsisikain, kundi muna mangaghugas na maingat ng mga kamay, na pinanghahawakan ang mga sali't-saling sabi ng matatanda;
3fariseerne og alle jøder eter ikke uten at de først omhyggelig har vasket hendene, for de holder fast ved de gamles vedtekt,
4At kung nagsisipanggaling sila sa pamilihan, kung hindi muna mangaghugas, ay hindi sila nagsisikain; at may iba pang maraming bagay na kanilang minana, upang ganapin; gaya ng mga paghuhugas ng mga inuman, at ng mga saro, at ng mga inumang tanso.)
4og når de kommer fra torvet, eter de ikke før de har vasket sig, og det er meget annet som de har vedtatt å holde: vaskninger av beger og krus og kobberkar og benker.
5At siya'y tinanong ng mga Fariseo at ng mga eskriba, Bakit ang iyong mga alagad ay hindi nagsisilakad ng ayon sa sali't-saling sabi ng matatanda, kundi nagsisikain sila ng kanilang tinapay ng mga kamay na karumaldumal?
5Og fariseerne og de skriftlærde spurte ham: Hvorfor følger ikke dine disipler de gamles vedtekt, men eter med vanhellige hender?
6At sinabi niya sa kanila, Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, ayon sa nasusulat, Ang bayang ito'y iginagalang ako ng kaniyang mga labi, Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin.
6Men han sa til dem: Rett spådde Esaias om eder, I hyklere, således som skrevet er: Dette folk ærer mig med lebene, men deres hjerte er langt borte fra mig;
7Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.
7men de dyrker mig forgjeves, idet de lærer lærdommer som er menneskebud.
8Nilisan ninyo ang utos ng Dios, at inyong pinanghahawakan ang sali't-saling sabi ng mga tao.
8I forlater Guds bud og holder fast ved menneskers vedtekt.
9At sinabi niya sa kanila, Totoong itinatakuwil ninyo ang utos ng Dios, upang mangaganap ninyo ang inyong mga sali't-saling sabi.
9Og han sa til dem: Det er riktig vakkert at I gjør Guds bud til intet for å holde eders vedtekt.
10Sapagka't sinabi ni Moises, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Ang manungayaw sa ama o sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala:
10For Moses har sagt: Hedre din far og din mor, og: Den som banner far eller mor, skal visselig dø;
11Datapuwa't sinasabi ninyo, Kung sabihin ng isang tao sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay Corban, sa makatuwid baga'y, hain sa Dios;
11men I sier: Om et menneske sier til far eller mor: Det du skulde ha hatt til hjelp av mig, det skal være en korban, det er en gave til templet,
12Hindi na ninyo siya pinabayaang gumawa ng anoman na ukol sa kaniyang ama o sa kaniyang ina;
12så lar I ham ikke lenger få lov til å gjøre noget for far eller mor,
13Na niwawalang kabuluhan ang salita ng Dios ng inyong sali't-saling sabi, na inyong itinuro: at nagsisigawa kayo ng iba pang maraming bagay na kawangis nito.
13og således gjør I Guds ord til intet ved eders vedtekt, som I har pålagt menneskene. Og meget av samme slag gjør I.
14At muling pinalapit niya sa kaniya ang karamihan, at sinabi sa kanila, Pakinggan ninyong lahat ako, at inyong unawain:
14Og han kalte atter folket til sig og sa til dem: Hør på mig alle, og forstå hvad jeg sier!
15Walang anomang nasa labas ng katawan ng tao, na pagpasok sa kaniya ay makakahawa sa kaniya; datapuwa't ang mga bagay na nagsisilabas sa tao yaon ang nangakakahawa sa tao.
15Det er intet utenfor mennesket som kan gjøre ham uren når det kommer inn i ham; men det som går ut av mennesket, det er det som gjør mennesket urent.
16Kung ang sinoman ay may pakinig na ipakikinig ay makinig.
16Om nogen har ører å høre med, han høre!
17At nang pumasok siya sa bahay na mula sa karamihan, ay itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad ang talinghaga.
17Og da han var kommet inn i et hus, bort fra folket, spurte hans disipler ham om denne lignelse.
18At sinabi niya sa kanila, Kayo baga naman ay wala ring pagiisip? Hindi pa baga ninyo nalalaman, na anomang nasa labas na pumapasok sa tao, ay hindi nakakahawa sa kaniya;
18Og han sa til dem: Er da også I så uforstandige? Skjønner I ikke at intet som kommer inn i mennesket utenfra, kan gjøre ham uren?
19Sapagka't hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito'y nililinis niya ang lahat ng pagkain.
19Det kommer jo ikke inn i hans hjerte, mere bare i hans buk, og går ut den naturlige vei, hvorved all mat blir renset.
20At sinabi niya, Ang lumalabas sa tao, yaon ang nakakahawa sa tao.
20Men han sa: Det som går ut av mennesket, det er det som gjør mennesket urent.
21Sapagka't mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao, ang mga pangangalunya,
21For innenfra, fra menneskenes hjerte, kommer de onde tanker: utukt, tyveri, mord,
22Ang mga kasakiman, ang mga kasamaan, ang pagdaraya, ang kalibugan, ang matang masama, ang kapusungan, ang kapalaluan, ang kamangmangan:
22hor, havesyke, ondskap, svik, skamløshet, ondt øie, bespottelse, overmot, uforstand.
23Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob nagsisipanggaling, at nangakakahawa sa tao.
23Alle disse onde ting kommer ut innenfra og gjør mennesket urent.
24At nagtindig siya doon, at napasa mga hangganan ng Tiro at ng Sidon. At pumasok siya sa isang bahay, at ibig niya na sinomang tao'y huwag sanang makaalam; at hindi siya nakapagtago.
24Og han stod op og gikk bort derfra til Tyrus' og Sidons landemerker. Og han gikk inn i et hus, og vilde ikke at nogen skulde få vite det, og det kunde dog ikke holdes skjult;
25Nguni't ang isang babae na ang kaniyang munting anak na babae ay may isang karumaldumal na espiritu, pagdaka'y nang mabalitaan siya, ay lumapit at nagpatirapa sa kaniyang paanan.
25men en kvinne hvis datter hadde en uren ånd, hadde fått høre om ham, og kom straks og falt ned for hans føtter.
26Ang babae nga ay isang Griega, isang Sirofenisa, ayon sa lahi. At ipinamamanhik niya sa kaniya na palabasin sa kaniyang anak ang demonio.
26Men kvinnen var en hedensk kvinne, syrofønikisk av ætt; og hun bad ham at han vilde drive den onde ånd ut av hennes datter.
27At sinabi niya sa kaniya, Pabayaan mo munang mangabusog ang mga anak: sapagka't hindi marapat na kunin ang tinapay ng mga anak at itapon sa mga aso.
27Og han sa til henne: La først barna bli mette! for det er ikke vakkert å ta brødet fra barna og kaste det for de små hunder.
28Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi sa kaniya, Oo, Panginoon; kahit ang mga aso sa ilalim ng dulang ay nagsisikain ng mga mumo ng mga anak.
28Men hun svarte ham: Det er sant, Herre! de små hunder eter jo under bordet av barnas smuler.
29At sinabi niya sa kaniya, Dahil sa sabing ito humayo ka; nakaalis na ang demonio sa iyong anak.
29Og han sa til henne: For dette ords skyld sier jeg dig: Gå bort! Den onde ånd er faret ut av din datter.
30At umuwi siya sa kaniyang bahay, at naratnan ang anak na nakahiga sa higaan, at nakaalis na ang demonio.
30Og hun gikk bort til sitt hus og fant at barnet lå på sengen, og at den onde ånd var faret ut.
31At siya'y muling umalis sa mga hangganan ng Tiro, at napasa Sidon hanggang sa dagat ng Galilea, na kaniyang tinahak ang mga hangganan ng Decapolis.
31Og da han gikk ut igjen fra Tyrus' landemerker, kom han gjennem Sidon til den Galileiske Sjø, midt igjennem Dekapolis-landet.
32At dinala nila sa kaniya ang isang bingi at utal; at ipinamanhik nila sa kaniya na kaniyang ipatong ang kaniyang kamay sa kaniya.
32Og de førte til ham en mann som var døv og hadde ondt for å tale, og de bad ham legge sin hånd på ham.
33At siya'y inihiwalay niya ng bukod sa karamihan, at isinuot ang kaniyang mga daliri sa mga tainga niya, at siya'y lumura, at hinipo ang kaniyang dila;
33Og han tok ham avsides fra folket, og stakk sine fingrer i hans ører og spyttet og rørte ved hans tunge,
34At pagkatingala sa langit, ay siya'y nagbuntong-hininga, at sinabi sa kaniya, Ephatha, sa makatuwid baga'y, Mabuksan.
34og så op mot himmelen, sukket og sa til ham: Effata! det er: lat dig op!
35At nangabuksan ang kaniyang mga pakinig, at nakalag ang tali ng kaniyang dila, at siya'y nakapagsalitang malinaw.
35Og straks blev hans ører oplatt, og hans tunges bånd blev løst, og han talte rent.
36At ipinagbilin niya sa kanila na kanino mang tao ay huwag nilang sabihin: nguni't kung kailan lalong ipinagbabawal niya sa kanila, ay lalo namang kanilang ibinabantog.
36Og han forbød dem å si det til nogen; men jo mere han forbød dem det, dess mere kunngjorde de det.
37At sila'y nangagtataka ng di kawasa, na nangagsasabi, Mabuti ang pagkagawa niya sa lahat ng mga bagay; kaniyang binibigyang pakinig pati ng mga bingi, at pinapagsasalita ang mga pipi.
37Og de var overvettes forundret og sa: Han har gjort alle ting vel; både gjør han at de døve hører, og at de målløse taler.