1Ipaalala mo sa kanilang pasakop sa mga pinuno, sa mga may kapangyarihan, na mangagmasunurin, na humanda sa bawa't gawang mabuti,
1Minn dem om å underordne sig under myndigheter og øvrigheter, å være lydige, rede til all god gjerning,
2Na huwag magsalita ng masama tungkol sa kanino man, na huwag makipagtalo, kundi mapakahinhin, at magpakahinahon sa lahat ng mga tao.
2ikke å spotte nogen, ikke å være stridslystne, men milde, og vise all saktmodighet mot alle mennesker.
3Sapagka't tayo rin naman nang unang panahon ay mga mangmang, mga suwail, mga nadaya, na nagsisipaglingkod sa sarisaring masamang pita at kalayawan, na nangamumuhay sa masasamang akala at kapanaghilian, mga napopoot, at tayo'y nangagkakapootan.
3For også vi var engang uforstandige, ulydige, villfarende, træler av mangehånde begjæringer og lyster, vi levde i ondskap og avind, vi var forhatt og hatet hverandre;
4Nguni't nang mahayag na ang kagandahang-loob ng Dios na ating Tagapagligtas, at ang kaniyang pagibig sa tao,
4men da Guds, vår frelsers godhet og kjærlighet til menneskene blev åpenbaret,
5Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo,
5frelste han oss, ikke for rettferdige gjerningers skyld som vi hadde gjort, men efter sin miskunn, ved badet til gjenfødelse og fornyelse ved den Hellige Ånd,
6Na kaniyang ibinuhos ng sagana sa atin, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Tagapagligtas;
6som han rikelig har utøst over oss ved Jesus Kristus, vår frelser.
7Upang, sa pagkaaring-ganap sa atin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya, ay maging tagapagmana tayo ayon sa pagasa sa buhay na walang hanggan.
7forat vi, rettferdiggjort ved hans nåde, efter håpet skulde bli arvinger til det evige liv.
8Tapat ang pasabi, at tungkol sa mga bagay na ito ay ninanasa kong patotohanan mong may pagkakatiwala, upang ang mga nagsisipanampalataya sa Dios ay maging maingat na papanatilihin ang mabubuting gawa. Ang mga bagay na ito ay pawang mabubuti at mapapakinabangan ng mga tao:
8Det er et troverdig ord, og dette vil jeg at du skal innprente, forat de som tror på Gud, må legge vinn på å gjøre gode gjerninger. Dette er godt og nyttig for menneskene;
9Nguni't ilagan mo ang mga hangal na usapan, at ang mga pagsasalaysay ng lahi, at ang mga pagtatalo, at pagtataltalan tungkol sa kautusan; sapagka't ang mga ito ay di pinakikinabangan at walang kabuluhan.
9men dårlige stridsspørsmål og ættetavler og kiv og trette om loven skal du holde dig fra; for de er unyttige og gagnløse.
10Ang taong may maling pananampalataya pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo;
10Et menneske som gir sig av med vranglære, skal du vise fra dig, efterat du har formant ham én gang og én gang til,
11Yamang nalalaman mo na ang gayon ay napahamak, at nagkakasala at siya'y hinahatulan ng kaniyang sarili.
11for du vet at han er forvendt og synder, dømt av sig selv.
12Pagka susuguin ko sa iyo si Artemas, o si Tiquico, ay magsikap kang pumarini sa akin sa Nicopolis: sapagka't pinasiyahan kong doon matira sa taginaw.
12Når jeg sender Artemas eller Tykikus til dig, da gjør dig umak for å komme til mig i Nikopolis; for der har jeg tenkt å bli vinteren over.
13Suguin mong may sikap si Zenas na tagapagtanggol ng kautusan at si Apolos sa kanilang paglalakbay, upang sila'y huwag kulangin ng ano man.
13Zenas, den lovkyndige, og Apollos skal du med omhu hjelpe på vei, forat intet skal fattes dem.
14At pagaralan din naman ng ating mga tao na manatili sa mabubuting gawa sa kagamitang kailangan, upang huwag mawalan ng bunga.
14Også våre må lære å gjøre gode gjerninger, alt efter som det er trang til, forat de ikke skal være uten frukt.
15Binabati ka ng lahat ng mga kasama ko. Batiin mo ang mga nagsisiibig sa atin sa pananampalataya. Biyaya ang sumainyo nawang lahat.
15Alle som er hos mig, hilser dig. Hils dem som elsker oss i troen! Nåden være med eder alle!