Tagalog 1905

Persian

Luke

23

1At nagsitindig ang buong kapulungan nila, at dinala siya sa harap ni Pilato.
1 سپس تمام حاضران در مجلس برخاستند و او را به حضور پیلاطس آوردند
2At nangagpasimula silang isumbong siya, na sinasabi, Nasumpungan namin ang taong ito na pinasasama ang aming bansa, at ipinagbabawal na bumuwis kay Cesar, at sinasabi na siya rin nga ang Cristo, ang hari.
2 و علیه او شكایت خود را این‌طور شروع كردند: «ما این شخص را در حالی دیدیم كه به منحرف كردن ملّت ما مشغول بود. او با پرداخت مالیات به قیصر مخالفت می‌كرد و ادّعا می‌کند كه مسیح یعنی پادشاه است.»
3At tinanong siya ni Pilato, na nagsasabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At sumagot siya at sinabi, Ikaw ang nagsasabi.
3 پیلاطس از او پرسید: «آیا تو پادشاه یهودیان هستی؟» عیسی جواب داد: «تو می‌گویی.»
4At sinabi ni Pilato sa mga pangulong saserdote at sa mga karamihan, Wala akong masumpungang kasalanan sa taong ito.
4 پیلاطس سپس به سران كاهنان و جماعت گفت: «من در این مرد هیچ تقصیری نمی‌بینم.»
5Datapuwa't sila'y lalong nangagpipilit na sinasabi, Ginugulo niya ang bayan, na nagtuturo sa buong Judea, magbuhat sa Galilea hanggang sa dakong ito.
5 امّا آنان پافشاری می‌کردند و می‌گفتند: «او مردم را در سراسر یهودیه با تعالیم خود می‌شوراند. از جلیل شروع كرد و به اینجا رسیده است.»
6Datapuwa't nang ito'y marinig ni Pilato, ay itinanong niya kung ang taong yaon ay Galileo.
6 هنگامی‌که پیلاطس این را شنید پرسید كه آیا این مرد جلیلی است.
7At nang maunawa na siya'y nasasakop ni Herodes, ay ipinadala niya siya kay Herodes, na nang mga araw na yaon ay nasa Jerusalem din naman.
7 وقتی آگاه شد كه به قلمرو هیرودیس تعلّق دارد او را پیش هیرودیس كه در آن موقع در اورشلیم بود فرستاد.
8Nang makita nga ni Herodes si Jesus, ay nagalak siyang lubha: sapagka't malaon nang hinahangad niya na makita siya, sapagka't siya'y nakabalita tungkol sa kaniya; at siya'y naghihintay na makakita ng ilang himalang gawa niya.
8 وقتی هیرودیس عیسی را دید بسیار خوشحال شد، زیرا دربارهٔ او مطالبی شنیده بود و مدّتها بود می‌خواست او را ببیند و امید داشت كه شاهد معجزاتی از دست او باشد.
9At tinanong niya siya ng maraming salita; datapuwa't siya'y hindi sumagot ng anoman.
9 از او سؤالات فراوانی كرد امّا عیسی هیچ جوابی نداد.
10At ang mga pangulong saserdote at mga eskriba ay nagsitindig, na isinusumbong siyang mainam.
10 سران كاهنان و علما جلو آمدند و اتّهامات شدیدی به او وارد كردند.
11At si Herodes na kasama ang kaniyang mga kawal ay inalimura siya, at siya'y nilibak, at sinuutan siya ng maringal na damit, at ipinabalik siya kay Pilato.
11 پس هیرودیس و سربازانش به عیسی اهانت كرده، او را مسخره نمودند و ردای پُر زَرق و بَرقی به او پوشانیده، او را پیش پیلاطس پس فرستاد.
12At nang araw ding yaon ay naging magkaibigan si Herodes at si Pilato: sapagka't dating sila'y nagkakagalit.
12 در همان روز هیرودیس و پیلاطس آشتی كردند، زیرا دشمنی دیرینه‌ای تا آن زمان بین آن دو وجود داشت.
13At tinipon ni Pilato ang mga pangulong saserdote, at ang mga pinuno at ang bayan,
13 پیلاطس در این موقع سران كاهنان، رهبران قوم و مردم را احضار كرد
14At sinabi sa kanila, Dinala ninyo sa akin ang taong ito na gaya ng isang nagpapasama sa bayan: at narito, nang aking siyasatin siya sa harapan ninyo, ay wala akong nasumpungang anomang sala sa taong ito, tungkol sa mga bagay na isinusumbong ninyo laban sa kaniya;
14 و به آنان گفت: «شما این مرد را به اتّهام اخلالگری پیش من آوردید. امّا چنانكه می‌دانید خود من در حضور شما از او بازپرسی كردم و در او چیزی كه اتّهامات شما را تأیید كند نیافتم.
15Wala, kahit si Herodes man; sapagka't siya'y ipinabalik niyang muli sa atin; at narito, walang anomang karapatdapat sa kamatayan na ginawa niya.
15 هیرودیس هم دلیلی پیدا نكرد، چون او را پیش ما برگردانیده است. واضح است كه او كاری نكرده است كه مستوجب مرگ باشد.
16Siya nga'y aking parurusahan, at siya'y pawawalan.
16 بنابراین او را پس از تازیانه زدن آزاد می‌كنم.» [
17Kinakailangan nga niyang sa kanila'y magpakawala ng isang bilanggo sa kapistahan.
17 زیرا لازم بود كه هر عیدی یک نفر زندانی را برای آنها آزاد كند.]
18Datapuwa't silang lahat ay nagsisigawang paminsan, na nangagsabi, Alisin mo ang taong ito, at pawalan mo sa amin si Barrabas:
18 امّا همه با صدای بلند گفتند: «اعدامش كن! برای ما باراباس را آزاد كن.»
19Isa na ibinilanggo dahil sa isang paghihimagsik na ginawa sa bayan, at sa pagpatay.
19 (این شخص به‌خاطر شورشی كه در شهر اتّفاق افتاده بود و به علّت آدمكشی زندانی شده بود.)
20At si Pilato'y nagsalitang muli sa kanila, sa pagnanais na pawalan si Jesus;
20 چون پیلاطس مایل بود عیسی را آزاد سازد بار دیگر سخن خود را به‌ گوش جماعت رسانید
21Datapuwa't sila'y nagsigawan, na sinasabi, Ipako sa krus, ipako siya sa krus.
21 امّا آنها فریاد كردند: «مصلوبش كن، مصلوبش كن!»
22At kaniyang sinabi sa kanila, na bilang ikatlo, Bakit, anong masama ang ginawa ng taong ito? Wala akong nasumpungang anomang kadahilanang ipatay sa kaniya: parurusahan ko nga siya, at siya'y pawawalan.
22 برای سومین بار به ایشان گفت: «چرا؟ مرتكب چه جنایتی شده است؟ من او را در هیچ مورد، مستوجب اعدام ندیدم. بنابراین او را پس از تازیانه زدن آزاد می‌کنم.»
23Datapuwa't pinipilit nilang hingin sa malalakas na tinig, na siya'y ipako sa krus. At nanaig ang kanilang mga tinig.
23 امّا آنان در تقاضای خود پافشاری كردند و فریاد می‌زدند كه عیسی باید به صلیب میخكوب شود. فریادهای ایشان غالب آمد
24At hinatulan ni Pilato na gawin ang kanilang hinihingi,
24 و پیلاطس حكمی را كه آنان می‌خواستند صادر كرد.
25At pinawalan niya yaong ibinilanggo dahil sa paghihimagsik at sa pagpatay, na siyang kanilang hiningi; datapuwa't ibinigay si Jesus sa kalooban nila.
25 بنابر درخواست ایشان، مردی را كه به‌خاطر یاغی‌گری و آدمكشی به زندان افتاده بود آزاد كرد و عیسی را در اختیار آنان گذاشت.
26At nang siya'y kanilang dalhin ay kanilang pinigil ang isang Simong taga Cirene, na nanggaling sa bukid, at ipinasan sa kaniya ang krus, upang dalhin sa likuran ni Jesus.
26 هنگامی‌كه او را برای اعدام می‌بردند مردی را به ‌نام شمعون كه اهل قیروان بود و از صحرا به شهر می‌آمد گرفتند. صلیب را روی دوش او گذاشتند و او را مجبور كردند كه آن را به دنبال عیسی ببرد.
27At siya'y sinusundan ng isang makapal na karamihan sa bayan, at ng mga babaing nagiiyakan at nananambitan dahil sa kaniya.
27 جمعیّت بزرگی از جمله زنانی كه به‌خاطر عیسی به سینهٔ خود می‌زدند و عزاداری می‌کردند از عقب او می‌آمدند.
28Datapuwa't paglingon sa kanila ni Jesus ay sinabi, Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag ninyo akong tangisan, kundi tangisan ninyo ang inyong sarili, at ang inyong mga anak.
28 عیسی روبه آنان كرد و فرمود: «ای دختران اورشلیم، برای من اشک نریزید، برای خودتان و فرزندانتان گریه كنید!
29Sapagka't narito, darating ang mga araw, na kanilang sasabihin, Mapapalad ang mga baog, at ang mga tiyang kailan ma'y hindi nangagdalang-tao, at ang mga dibdib na kailan man ay hindi nangagpapasuso.
29 بدانید روزهایی خواهد آمد كه خواهند گفت: 'خوشا به حال نازایان و رحم‌هایی كه بچّه نیاوردند و پستانهایی كه شیر ندادند'
30Kung magkagayon ay magpapasimulang sabihin nila sa mga bundok, mangahulog kayo sa ibabaw namin; at sa mga burol, Takpan ninyo kami.
30 آن ‌وقت به کوهها خواهند گفت: 'به روی ما بیفتید' به تپّه‌ها خواهند گفت: 'ما را بپوشانید.'
31Sapagka't kung ginagawa ang mga bagay na ito sa punong kahoy na sariwa, ano kaya ang gagawin sa tuyo?
31 اگر با چوب‌‌تر چنین كنند با چوب خشک چه خواهند كرد؟»
32At dinala rin naman na kasama niya, ang dalawang tampalasan, upang patayin.
32 دو جنایتكار هم برای اعدام با او بودند
33At nang dumating sa dakong tinatawag na Bungo, ay kanilang ipinako roon siya sa krus, at ang mga tampalasan, isa sa kanan at isa sa kaliwa.
33 و وقتی به محلی موسوم به «كاسهٔ‌‌سر» رسیدند، او را در آنجا به صلیب میخكوب كردند. آن جنایتكاران را هم با او مصلوب نمودند، یكی را در سمت راست و دیگری را در سمت چپ او.
34At sinabi ni Jesus, Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. At sa pagbabahabahagi nila ng kaniyang mga suot ay kanilang pinagsapalaranan.
34 عیسی گفت: «ای پدر، اینان را ببخش زیرا نمی‌دانند چه می‌كنند.» لباس‌های او را به قید قرعه میان خود تقسیم كردند.
35At nakatayong nanonood ang bayan. At tinutuya naman siya ng mga pinuno, na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; iligtas niya ang kaniyang sarili, kung ito ang Cristo ng Dios, ang hinirang niya.
35 مردم ایستاده تماشا می‌كردند و رهبران آنان با طعنه می‌گفتند: «دیگران را نجات داد. اگر این مرد مسیح و برگزیدهٔ خداست، حالا خودش را نجات دهد.»
36At nililibak rin naman siya ng mga kawal, na nagsisilapit sa kaniya, na dinudulutan siya ng suka,
36 سربازان هم او را مسخره كردند و جلو آمده، شراب تُرشیده به او تعارف كردند
37At sinabi, Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.
37 و گفتند: «اگر تو پادشاه یهودیان هستی خود را نجات بده.»
38At mayroon naman sa itaas niya na isang pamagat, ITO'Y ANG HARI NG MGA JUDIO.
38 در بالای سر او نوشته شده بود: «پادشاه یهودیان.»
39At siya'y inalipusta ng isa sa mga tampalasang nabibitin, na sinasabi, Hindi baga ikaw ang Cristo? iligtas mo ang iyong sarili at kami.
39 یكی از آن جنایتكاران كه به صلیب آویخته شده بود با طعنه به او می‌گفت: «مگر تو مسیح نیستی؟ خودت و ما را نجات بده.»
40Datapuwa't sumagot ang isa, at pagsaway sa kaniya'y sinabi, Hindi ka pa baga natatakot sa Dios, yamang ikaw ay nasa gayon ding kaparusahan?
40 امّا آن دیگری با سرزنش به اولی جواب داد: «از خدا نمی‌ترسی؟ تو و او یكسان محكوم شده‌اید.
41At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran; sapagka't tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa; datapuwa't ang taong ito'y hindi gumagawa ng anomang masama.
41 در مورد ما منصفانه عمل شده، چون ما به سزای کارهای خود می‌رسیم، امّا این مرد هیچ خطایی نكرده است.»
42At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.
42 و گفت: «ای عیسی، وقتی به سلطنت خود رسیدی مرا به‌یاد داشته باش.»
43At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso.
43 عیسی جواب داد: «خاطر جمع باش، امروز با من در فردوس خواهی بود.»
44At nang may oras na ikaanim na, ay nagdilim sa ibabaw ng buong lupa, hanggang sa oras na ikasiyam,
44 تقریباً ظهر بود، كه تاریكی تمام آن سرزمین را فراگرفت و تا ساعت سه بعد از ظهر آفتاب گرفته بود
45At nagdilim ang araw: at nahapak sa gitna ang tabing ng templo.
45 و پردهٔ معبد بزرگ دو تکه شد.
46At si Jesus, na sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga.
46 عیسی با فریادی بلند گفت: «ای پدر، روح خود را به تو تسلیم می‌كنم.» این را گفت و جان داد.
47At nang makita ng senturion ang nangyari, ay niluwalhati niya ang Dios na nagsasabi, Tunay na ito'y isang taong matuwid.
47 وقتی افسری كه مأمور نگهبانی بود، این جریان را دید خدا را حمد كرد و گفت: «در واقع این مرد بی‌گناه بود.»
48At ang lahat ng mga karamihang nangagkatipon sa panonood nito, pagkakita nila sa mga bagay na nangyari ay nangagsiuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib.
48 جمعیّتی كه برای تماشا گرد آمده بودند وقتی ماجرا را دیدند، سینه‌زنان به خانه‌های خود برگشتند.
49At ang lahat ng mga kakilala niya at ang mga babaing sa kaniya'y nagsisunod buhat sa Galilea, at nangasa malayo na pinagmamasdan ang mga bagay na ito.
49 آشنایان عیسی با زنانی كه از جلیل همراه او آمده بودند، همگی در فاصلهٔ دوری ایستاده بودند و جریان را می‌دیدند.
50At narito ang isang lalaking nagngangalang Jose, na isang kasangguni, isang lalaking mabuti at matuwid:
50 در آنجا مردی به ‌نام یوسف حضور داشت كه یكی از اعضای شورای یهود بود. او مردی نیکنام و درستكار بود.
51(Siya'y hindi umayon sa kanilang payo at gawa), isang lalaking taga Arimatea, bayan ng mga Judio, na naghihintay ng kaharian ng Dios;
51 یوسف به تصمیم شورا و كاری كه در پیش گرفته بودند رأی مخالف داده بود. او از اهالی یک شهر یهودی به ‌نام رامه بود و از ‌آن كسانی بود كه در انتظار پادشاهی خدا به سر می‌بردند.
52Ang taong ito'y naparoon kay Pilato: at hiningi ang bangkay ni Jesus.
52 این مرد در این ‌موقع پیش پیلاطس رفت و جنازهٔ عیسی را خواست.
53At ito'y ibinababa niya, at binalot ng isang kayong lino, at inilagay sa isang libingang hinukay sa bato, na doo'y wala pang nalilibing.
53 سپس آن را پایین آورد و در كتان لطیف پیچید و در مقبره‌ای كه از سنگ تراشیده شده بود و پیش از آن كسی را در آن نگذاشته بودند قرار داد.
54At noo'y araw ng Paghahanda, at nalalapit na ang sabbath.
54 آن روز، روز تدارک بود و روز سبت از آن ساعت شروع می‌شد.
55At ang mga babae, na nagsisama sa kaniya mula sa Galilea, ay nagsisunod, at tiningnan ang libingan, at kung paano ang pagkalagay ng kaniyang bangkay.
55 زنانی كه از جلیل همراه عیسی ‌آمده بودند به‌ دنبال یوسف رفتند. آنها مقبره و طرز تدفین او را دیدند. سپس به خانه رفتند و حنوط و عطریّات تهیّه كردند و در روز سبت طبق دستور شریعت استراحت نمودند.
56At sila'y nagsiuwi, at nangaghanda ng mga pabango at mga unguento. At nang araw ng sabbath sila'y nangagpahinga ayon sa utos.
56 سپس به خانه رفتند و حنوط و عطریّات تهیّه كردند و در روز سبت طبق دستور شریعت استراحت نمودند.