Tagalog 1905

Polish

1 Timothy

1

1Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas, at ni Cristo Jesus na ating pagasa;
1Paweł, Apostoł Jezusa Chrystusa podług rozrządzenia Boga, zbawiciela naszego, i Pana Jezusa Chrystusa, który jest nadzieja nasza,
2Kay Timoteo na aking tunay na anak sa pananampalataya: Biyaya, kahabagan, at kapayapaan nawang mula sa Dios na Ama at kay Jesucristo na Panginoon natin.
2Tymoteuszowi, własnemu synowi w wierze, niech będzie łaska, miłosierdzie, pokój od Boga, Ojca naszego, i Chrystusa Jezusa, Pana naszego.
3Kung paanong ipinamanhik ko sa iyo na ikaw ay matira sa Efeso, nang pumaparoon ako sa Macedonia, upang maipagbilin mo sa ilang tao na huwag magsipagturo ng ibang aral,
3Jakom cię prosił, abyś został w Efezie, gdym szedł do Macedonii, patrzże, abyś rozkazał niektórym, żeby inaczej nie uczyli.
4Ni huwag makinig sa mga katha at sa mga kasaysayan ng mga lahi na walang katapusan, na pinanggagalingan ng pagtatalo, at hindi ng pagkakatiwalang mula sa Dios na nasa pananampalataya; ay gayon din ang ipinamamanhik ko ngayon.
4I nie bawili się baśniami i wywodami nieskoóczonemi rodzaju, które więcej sporów przynoszą, niż zbudowania Bożego, które w wierze zależy.
5Nguni't ang kinauuwian ng bilin ay ang pagibig na nagbubuhat sa malinis na puso at sa mabuting budhi at sa pananampalatayang hindi paimbabaw:
5Lecz koniec przykazania jest miłość z czystego serca i z sumienia dobrego, i z wiary nieobłudnej.
6Na pagkasinsay ng iba sa mga bagay na ito ay nagsibaling sa walang kabuluhang pananalita;
6Czego niektórzy jako celu uchybiwszy, obrócili się ku próżnomówności.
7Na nagsisipagnasang maging mga guro ng kautusan, bagaman di nila natatalastas kahit ang kanilang sinasabi, kahit ang kanilang buong tiwalang pinatutunayan.
7Chcąc być nauczycielami zakonu, nie rozumieją ani tego, co mówią, ani co za pewne twierdzą.
8Datapuwa't nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti, kung ginagamit ng tao sa matuwid,
8A wiemy, że dobry jest zakon, jeźliby go kto przystojnie używał,
9Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid, kundi sa mga walang kautusan at manggugulo, dahil sa masasama at mga makasalanan, dahil sa mga di banal at mapaglapastangan, dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina, dahil sa mga mamamatay-tao,
9Wiedząc to, że sprawiedliwemu nie jest zakon postanowiony, ale niesprawiedliwym i niepoddanym, niepobożnym i grzesznikom, złośliwym i nieczystym, ojcomordercom i matkomordercom, mężobójcom,
10Dahil sa mga nakikiapid, dahil sa mga mapakiapid sa kapuwa lalake, dahil sa mga nagnanakaw ng tao, dahil sa mga bulaan, dahil sa mga mapagsumpa ng kabulaanan, at kung mayroon pang ibang bagay laban sa mabuting aral;
10Wszetecznikom, samcołożnikom, ludokradcom, kłamcom, krzywoprzysiężcom, i jeźli co innego jest przeciwnego zdrowej nauce.
11Ayon sa evangelio ng kaluwalhatian ng mapagpalang Dios, na ipinagkatiwala sa akin.
11Według chwalebnej Ewangielii błogosławionego Boga, która mi jest zwierzona.
12Nagpapasalamat ako sa kaniya na nagpapalakas sa akin, kay Cristo Jesus na Panginoon natin, sapagka't ako'y inari niyang tapat, na ako'y inilagay sa paglilingkod sa kaniya;
12Przetoż dziękuję temu, który mię umocnił, Chrystusowi Jezusowi, Panu naszemu, iż mię za wiernego osądził, na usługiwanie postanowiwszy mię.
13Bagaman nang una ako'y naging mamumusong, at manguusig; at mangaalipusta: gayon ma'y kinahabagan ako, sapagka't yao'y ginawa ko sa di pagkaalam sa kawalan ng pananampalataya;
13Którym pierwej był bluźniercą i prześladowcą, i gwałtownikiem; alem miłosierdzia dostąpił, bom to z niewiadomości czynił, będąc w niewierze.
14At totoong sumagana ang biyaya ng ating Panginoon na nasa pananampalataya at pagibig na pawang kay Cristo Jesus.
14Lecz nader obfitowała łaska Pana naszego z wiarą i z miłością, która jest w Chrystusie Jezusie.
15Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito;
15Wierna jest ta mowa i wszelkiego przyjęcia godna, iż Chrystus Jezus przyszedł na świat, aby grzeszników zbawił, z których jam jest pierwszy.
16Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan.
16Alem dlatego miłosierdzia dostąpił, aby na mnie pierwszym okazał Jezus Chrystus wszelką cierpliwość na przykład tym, którzy weó uwierzyć mają ku żywotowi wiecznemu.
17Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.
17Przetoż królowi wieków nieśmiertelnemu, niewidzialnemu samemu mądremu Bogu, niech będzie cześć i chwała na wieki wieków. Amen.
18Ang biling ito ay ipinagtatagubilin ko sa iyo, Timoteo na aking anak, ayon sa mga hula na nangauna tungkol sa iyo, upang sa pamamagitan ng mga ito ay makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka;
18Toć rozkazanie zalecam, synu Tymoteuszu! abyś według proroctw, które uprzedziły o tobie, bojował w nich on dobry bój,
19Na ingatan mo ang pananampalataya at ang mabuting budhi; na nang ito'y itakuwil ng iba sa kanila ay nangabagbag tungkol sa pananampalataya:
19Mając wiarę i dobre sumienie, które niektórzy odrzuciwszy, szkodę podjęli w wierze;
20Na sa mga ito'y si Himeneo at si Alejandro; na sila'y aking ibinigay kay Satanas, upang sila'y maturuang huwag mamusong.
20Z których jest Hymeneusz i Aleksander, którychem oddał szatanowi, aby pokarani będąc, nauczyli się nie bluźnić.