Tagalog 1905

Portuguese: Almeida Atualizada

Proverbs

14

1Bawa't pantas na babae ay nagtatayo ng kaniyang bahay: nguni't binubunot ng mangmang, ng kaniyang sariling mga kamay.
1Toda mulher sábia edifica a sua casa; a insensata, porém, derruba-a com as suas mãos.
2Siyang lumalakad sa kaniyang katuwiran ay natatakot sa Panginoon: nguni't siyang suwail sa kaniyang mga lakad ay humahamak sa kaniya.
2Quem anda na sua retidão teme ao Senhor; mas aquele que é perverso nos seus caminhos despreza-o.
3Sa bibig ng mangmang ay may tungkod ng kapalaluan: nguni't ang mga labi ng pantas ay mangagiingat ng mga yaon.
3Na boca do tolo está a vara da soberba, mas os lábios do sábio preservá-lo-ão.
4Kung saan walang baka, ang bangan ay malinis: nguni't ang karamihan ng bunga ay nasa kalakasan ng baka.
4Onde não há bois, a manjedoura está vazia; mas pela força do boi há abundância de colheitas.
5Ang tapat na saksi ay hindi magbubulaan: nguni't ang sinungaling na saksi ay nagbabadya ng mga kasinungalingan.
5A testemunha verdadeira não mentirá; a testemunha falsa, porém, se desboca em mentiras.
6Ang manglilibak ay humahanap ng karunungan at walang nasusumpungan: nguni't ang kaalaman ay madali sa kaniya na naguunawa.
6O escarnecedor busca sabedoria, e não a encontra; mas para o prudente o conhecimento é fácil.
7Paroon ka sa harapan ng taong mangmang, at hindi mo mamamalas sa kaniya ang mga labi ng kaalaman:
7Vai-te da presença do homem insensato, pois nele não acharás palavras de ciência.
8Ang karunungan ng mabait ay makaunawa ng kaniyang lakad: nguni't ang kamangmangan ng mga mangmang ay karayaan.
8A sabedoria do prudente é entender o seu caminho; porém a estultícia dos tolos é enganar.
9Ang mangmang ay tumutuya sa sala: nguni't sa matuwid ay may mabuting kalooban.
9A culpa zomba dos insensatos; mas os retos têm o favor de Deus.
10Nalalaman ng puso ang kaniyang sariling kapaitan; at ang tagaibang lupa ay hindi nakikialam ng kaniyang kagalakan.
10O coração conhece a sua própria amargura; e o estranho não participa da sua alegria.
11Ang bahay ng masama ay mababagsak: nguni't ang tolda ng matuwid ay mamumukadkad.
11A casa dos ímpios se desfará; porém a tenda dos retos florescerá.
12May daan na tila matuwid sa isang tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan.
12Há um caminho que ao homem parece direito, mas o fim dele conduz � morte.
13Maging sa pagtawa man ang puso ay nagiging mapanglaw; at ang wakas ng kasayahan ay kabigatan ng loob.
13Até no riso terá dor o coração; e o fim da alegria é tristeza.
14Ang tumatalikod ng kaniyang puso ay mabubusog ng kaniyang sariling mga lakad: at masisiyahang loob ang taong mabuti.
14Dos seus próprios caminhos se fartará o infiel de coração, como também o homem bom se contentará dos seus.
15Pinaniniwalaan ng musmos ang bawa't salita: nguni't ang mabait ay tumitinging mabuti sa kaniyang paglakad.
15O simples dá crédito a tudo; mas o prudente atenta para os seus passos.
16Ang pantas ay natatakot at humihiwalay sa kasamaan: nguni't ang mangmang ay nagpapakilalang palalo, at timawa.
16O sábio teme e desvia-se do mal, mas o tolo é arrogante e dá-se por seguro.
17Siyang nagagalit na madali ay gagawang may kamangmangan: at ang taong may masamang katha ay ipagtatanim.
17Quem facilmente se ira fará doidices; mas o homem discreto é paciente;
18Ang musmos ay nagmamana ng kamangmangan: nguni't ang mabait ay puputungan ng kaalaman.
18Os simples herdam a estultícia; mas os prudentes se coroam de conhecimento.
19Ang masama ay yumuyukod sa harap ng mabuti; at ang masama ay sa mga pintuang-daan ng matuwid.
19Os maus inclinam-se perante os bons; e os ímpios diante das portas dos justos.
20Ipinagtatanim ang dukha maging ng kaniyang kapuwa: nguni't ang mayaman ay maraming kaibigan.
20O pobre é odiado até pelo seu vizinho; mas os amigos dos ricos são muitos.
21Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay nagkakasala: nguni't siyang naaawa sa dukha ay mapalad siya.
21O que despreza ao seu vizinho peca; mas feliz é aquele que se compadece dos pobres.
22Hindi ba sila nagkakamali na kumakatha ng kasamaan? Nguni't kaawaan at katotohanan ay sasa kanila na nagsisikatha ng mabuti.
22Porventura não erram os que maquinam o mal? mas há beneficência e fidelidade para os que planejam o bem.
23Sa lahat ng gawain ay may pakinabang: nguni't ang tabil ng mga labi ay naghahatid sa karalitaan.
23Em todo trabalho há proveito; meras palavras, porém, só encaminham para a penúria.
24Ang putong ng mga pantas ay ang kanilang mga kayamanan: nguni't ang kamangmangan ng mga mangmang ay kamangmangan lamang.
24A coroa dos sábios é a sua riqueza; porém a estultícia dos tolos não passa de estultícia.
25Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng mga tao: nguni't siyang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay nagdaraya.
25A testemunha verdadeira livra as almas; mas o que fala mentiras é traidor.
26Sa pagkatakot sa Panginoon ay may matibay na pagkakatiwala: at ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng dakong kanlungan.
26No temor do Senhor há firme confiança; e os seus filhos terão um lugar de refúgio.
27Ang pagkatakot sa Panginoon ay bukal ng kabuhayan, upang humiwalay sa mga silo ng kamatayan.
27O temor do Senhor é uma fonte de vida, para o homem se desviar dos laços da morte.
28Nasa karamihan ng bayan ang kaluwalhatian ng hari: nguni't na sa pangangailangan ng bayan ang kapahamakan ng pangulo.
28Na multidão do povo está a glória do rei; mas na falta de povo está a ruína do príncipe.
29Siyang makupad sa pagkagalit ay may dakilang paguunawa: nguni't siyang madaling magalit ay nagbubunyi ng kamangmangan.
29Quem é tardio em irar-se é grande em entendimento; mas o que é de ânimo precipitado exalta a loucura.
30Ang tiwasay na puso ay buhay ng katawan: nguni't ang kapanaghilian ay kabulukan ng mga buto.
30O coração tranqüilo é a vida da carne; a inveja, porém, é a podridão dos ossos.
31Siyang pumipighati sa dukha ay humahamak sa Maylalang sa kaniya. Nguni't siyang naaawa sa mapagkailangan ay nagpaparangal sa kaniya.
31O que oprime ao pobre insulta ao seu Criador; mas honra-o aquele que se compadece do necessitado.
32Ang masama ay manahagis sa kaniyang masamang gawa: nguni't ang matuwid ay may kanlungan sa kaniyang kamatayan.
32O ímpio é derrubado pela sua malícia; mas o justo até na sua morte acha refúgio.
33Karunungan ay nagpapahinga sa puso niya na may paguunawa: nguni't ang nasa loob ng mga mangmang ay nalalaman.
33No coração do prudente repousa a sabedoria; mas no coração dos tolos não é conhecida.
34Ang katuwiran ay nagbubunyi ng bansa: nguni't ang kasalanan ay kakutyaan sa alinmang bayan.
34A justiça exalta as nações; mas o pecado é o opróbrio dos povos.
35Ang lingap ng hari ay sa lingkod na gumagawa na may kapantasan: nguni't ang kaniyang poot ay magiging laban sa nakahihiya.
35O favor do rei é concedido ao servo que procede sabiamente; mas sobre o que procede indignamente cairá o seu furor.