1Nang panahong yao'y narinig ni Herodes na tetrarka ang balita tungkol kay Jesus,
1В то время Ирод четвертовластник услышал молву об Иисусе
2At sinabi sa kaniyang mga tagapaglingkod, Ito'y si Juan Bautista; siya'y muling nagbangon sa mga patay; kaya't ang mga kapangyarihang ito ay nagsisigawa sa kaniya.
2и сказал служащим при нем: это Иоанн Креститель; онвоскрес из мертвых, и потому чудеса делаются им.
3Sapagka't hinuli ni Herodes si Juan, at siya'y iginapos, at inilagay sa bilangguan dahil kay Herodias, na asawa ni Felipe na kaniyang kapatid.
3Ибо Ирод, взяв Иоанна, связал его и посадил в темницу за Иродиаду, жену Филиппа, брата своего,
4Sapagka't sinabi ni Juan sa kaniya, Hindi matuwid sa iyo na aariin mo siya.
4потому что Иоанн говорил ему: не должно тебе иметь ее.
5At nang ibig niyang ipapatay siya, ay natakot siya sa karamihan, sapagka't siya'y kanilang ibinibilang na propeta.
5И хотел убить его, но боялся народа, потому что его почитали за пророка.
6Datapuwa't nang dumating ang araw na kapanganakan kay Herodes, ay sumayaw sa gitna ang anak na babae ni Herodias, at kinalugdan ni Herodes.
6Во время же празднования дня рождения Ирода дочьИродиады плясала перед собранием и угодила Ироду,
7Dahil dito'y kaniyang ipinangakong may sumpa na sa kaniya'y ibibigay ang anomang hingin niya.
7посему он с клятвою обещал ей дать, чего она ни попросит.
8At siya, na inudyukan ng kaniyang ina, ay nagsabi, Ibigay mo sa akin dito na nasa isang pinggan ang ulo ni Juan Bautista.
8Она же, по наущению матери своей, сказала: дай мне здесь на блюде голову Иоанна Крестителя.
9At namanglaw ang hari; datapuwa't dahil sa kaniyang mga sumpa, at sa nangakaupong kasalo niya sa dulang, ay ipinagutos niyang ibigay na sa kaniya;
9И опечалился царь, но, ради клятвы и возлежащих с ним, повелел дать ей,
10At nagutos siya at pinugutan ng ulo si Juan sa bilangguan.
10и послал отсечь Иоанну голову в темнице.
11At dinala ang kaniyang ulo na nasa isang pinggan, at ibinigay sa dalaga: at dinala nito sa kaniyang ina.
11И принесли голову его на блюде и дали девице, а она отнесла матери своей.
12At ang kaniyang mga alagad ay nagsiparoon, at kanilang binuhat ang bangkay, at kanilang inilibing; at sila'y nagsialis at isinaysay kay Jesus.
12Ученики же его, придя, взяли тело его и погребли его; и пошли, возвестили Иисусу.
13Nang marinig nga ito ni Jesus, ay lumigpit sila mula roon, sa isang daong na nasa isang dakong ilang na bukod: at nang mabalitaan ito ng mga karamihan, ay nangaglakad sila na sumunod sa kaniya mula sa mga bayan.
13И, услышав, Иисус удалился оттуда на лодке в пустынное место один; а народ, услышав о том, пошел за Ним из городов пешком.
14At siya'y lumabas, at nakita ang isang malaking karamihan, at nahabag siya sa kanila, at pinagaling niya ang sa kanila'y mga may sakit.
14И, выйдя, Иисус увидел множество людей и сжалился над ними, и исцелил больных их.
15At nang nagtatakipsilim na, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Ilang ang dakong ito, at lampas na sa panahon; paalisin mo na ang mga karamihan, upang sila'y magsiparoon sa mga nayon, at sila'y mangakabili ng kanilang makakain.
15Когда же настал вечер, приступили к Нему ученики Егои сказали: место здесь пустынное и время уже позднее; отпусти народ, чтобы они пошли в селения и купили себе пищи.
16Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi kailangang sila'y magsialis; bigyan ninyo sila ng makakain.
16Но Иисус сказал им: не нужно им идти, вы дайте им есть.
17At sinasabi nila sa kaniya, Wala tayo rito kundi limang tinapay at dalawang isda.
17Они же говорят Ему: у нас здесь только пять хлебов и две рыбы.
18At sinabi niya, Dalhin ninyo rito sa akin.
18Он сказал: принесите их Мне сюда.
19At ipinagutos niya sa mga karamihan na sila'y magsiupo sa damuhan; at kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda, at pagtingala sa langit, ay kaniyang pinagpala, at pinagputolputol at ibinigay ang mga tinapay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga karamihan.
19И велел народу возлечь на траву и, взяв пять хлебов и две рыбы, воззрел на небо, благословил и, преломив, дал хлебы ученикам, а ученикинароду.
20At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at kanilang pinulot ang lumabis na pinagputolputol, na labingdalawang bakol na puno.
20И ели все и насытились; и набралиоставшихся кусков двенадцать коробов полных;
21At ang mga nagsikain ay may limang libong lalake, bukod pa ang mga babae at ang mga bata.
21а евших было около пяти тысяч человек, кроме женщин и детей.
22At pagdaka'y pinapagmadali niya ang kaniyang mga alagad na magsilulan sa daong, at magsiuna sa kaniya sa kabilang ibayo, hanggang pinayayaon niya ang mga karamihan.
22И тотчас понудил Иисус учеников Своих войти в лодку и отправиться прежде Его на другую сторону, пока Он отпустит народ.
23At pagkatapos na mapayaon niya ang mga karamihan, ay umahon siyang bukod sa bundok upang manalangin: at nang gumabi na, ay siya'y nagiisa doon.
23И, отпустив народ, Он взошел на гору помолиться наедине; и вечером оставался там один.
24Datapuwa't ang daong ay nasa gitna na ng dagat, na hinahampas ng mga alon; sapagka't pasalungat sa hangin.
24А лодка была уже на средине моря, и ее било волнами, потому что ветер был противный.
25At sa ikaapat na pagpupuyat ng gabi ay naparoon siya sa kanila, na lumalakad sa ibabaw ng dagat.
25В четвертую же стражу ночи пошел к ним Иисус, идя по морю.
26At nang makita siya ng mga alagad na lumalakad sa ibabaw ng dagat, ay nangagulumihanan sila, na nangagsasabi, Multo! at sila'y nagsisigaw dahil sa takot.
26И ученики, увидев Его идущего по морю, встревожились и говорили: это призрак; и от страхавскричали.
27Datapuwa't pagdaka'y nagsalita sa kanila si Jesus, na nagsasabi, Laksan ninyo ang inyong loob; ako nga: huwag kayong mangatakot.
27Но Иисус тотчас заговорил с ними и сказал: ободритесь; это Я, не бойтесь.
28At sumagot sa kaniya si Pedro, at nagsabi, Panginoon, kung ikaw nga, ay papariyanin mo ako sa iyo sa ibabaw ng tubig.
28Петр сказал Ему в ответ: Господи! если это Ты, повели мне придти к Тебе по воде.
29At sinabi niya, Halika. At lumunsad si Pedro sa daong, at lumakad sa ibabaw ng tubig upang pumaroon kay Jesus.
29Он же сказал: иди. И, выйдя из лодки, Петр пошел по воде, чтобы подойти к Иисусу,
30Datapuwa't pagkakita niyang malakas ang hangin, ay natakot siya, at nang siya'y malulubog, ay sumigaw, na nagsasabi, Panginoon, iligtas mo ako.
30но, видя сильный ветер, испугался и, начав утопать, закричал: Господи! спаси меня.
31At pagdaka'y iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya, at sa kaniya'y sinabi, Oh ikaw na kakaunti ang pananampalataya, bakit ka nagalinglangan?
31Иисус тотчас простер руку, поддержал его и говорит ему: маловерный! зачем ты усомнился?
32At pagkalulan nila sa daong, ay humimpil ang hangin.
32И, когда вошли они в лодку, ветер утих.
33At ang mga nasa daong ay nagsisamba sa kaniya, na nangagsasabi, Tunay na ikaw ang Anak ng Dios.
33Бывшие же в лодке подошли, поклонились Ему и сказали: истинно Ты Сын Божий.
34At nang makatawid na sila, ay narating nila ang lupa ng Genezaret.
34И, переправившись, прибыли в землю Геннисаретскую.
35At nang siya'y makilala ng mga tao sa dakong yaon, ay nangagpabalita sila sa palibotlibot ng buong lupaing yaon, at sa kaniya'y dinala ang lahat ng mga may sakit;
35Жители того места, узнав Его, послали во всю окрестность ту и принесли к Нему всех больных,
36At ipinamamanhik nila sa kaniya na ipahipo man lamang sa kanila ang laylayan ng kaniyang damit: at ang lahat ng nangagsihipo ay pawang nagsigaling.
36и просили Его, чтобы только прикоснуться к краю одежды Его; и которые прикасались, исцелялись.