Tagalog 1905

Russian 1876

Nahum

3

1Sa aba ng mabagsik na bayan! siya'y puspos na lubos ng kabulaanan at mga agaw; ang panghuhuli ay hindi tumitigil.
1Горе городу кровей! весь он полон обмана и убийства; не прекращается в нем грабительство.
2Ang higing ng panghagupit, at ang hugong ng pihit ng mga gulong, at ng mga madambang kabayo, at ng lukso ng mga karo,
2Слышны хлопанье бича и стук крутящихся колес, ржание коня и грохотскачущей колесницы.
3Ang sakay ng mga mangangabayo, at ang kinang ng tabak; at ang kislap ng sibat, at isang karamihan na patay, ay malaking bunton ng mga bangkay, at walang katapusang mga bangkay; sila'y nangatitisod sa kanilang mga bangkay;
3Несется конница, сверкает меч и блестят копья; убитых множество и груды трупов: нет конца трупам, спотыкаются отрупы их.
4Dahil sa karamihan ng pagpapatutot ng minagandang patutot, na panguna ng pangeenkanto, na nagbibili ng mga bansa sa pamamagitan ng kaniyang pagpapatutot, at ng mga angkan sa pamamagitan ng kaniyang mga pangeenkanto.
4Это – за многие блудодеяния развратницы приятной наружности, искусной в чародеянии, которая блудодеяниями своими продает народы и чарованиями своими – племена.
5Narito, ako'y laban sa iyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking ilililis ang iyong laylayan sa harap mo; at aking ipakikita sa mga bansa ang iyong kahubaran, at sa mga kaharian ang iyong kahihiyan.
5Вот, Я – на тебя! говорит Господь Саваоф. И подниму на лице твоекрая одежды твоей и покажу народам наготу твою и царствам срамоту твою.
6At aking ihahagis sa iyo ang kasuklamsuklam na karumihan, at gagawin kitang hamak, at ilalagay kitang pinakakutya.
6И забросаю тебя мерзостями, сделаю тебя презренною ивыставлю тебя на позор.
7At mangyayari, na ang lahat na mangakakakita sa iyo, ay iilag sa iyo, at mangagsasabi, Ang Ninive ay nahahandusay na sira: sinong mananaghoy sa kaniya? saan ako hahanap ng mga mangaaliw sa iyo?
7И будет то, что всякий, увидев тебя, побежит от тебя и скажет: „разорена Ниневия! Кто пожалеет о ней? где найду я утешителей для тебя?"
8Ikaw baga'y mabuti pa sa Noamon, na natatayo sa gitna ng mga ilog, na may tubig sa palibot niya; na ang katibaya'y ang dagat, at ang kaniyang kuta ay nasa dagat?
8Разве ты лучше Но-Аммона, находящегося между реками, окруженного водою, которого вал было море, и море служило стеною его?
9Etiopia at Egipto ang kaniyang mga naging katibayan, at walang hanggan; Phut at Lubim ang iyong mga naging katulong.
9Ефиопия и Египет с бесчисленным множеством других служили ему подкреплением; Копты и Ливийцы приходили на помощь тебе.
10Gayon ma'y siya'y nadala, siya'y pumasok sa pagkabihag; ang kaniyang mga anak naman ay pinagputolputol sa dulo ng lahat ng mga lansangan; at pinagsapalaran ang kaniyang mga marangal na tao, at ang lahat niyang mahal na tao ay nangasabiran ng mga tanikala.
10Но и он переселен, пошел в плен; даже и младенцы его разбиты на перекрестках всех улиц, а о знатных его бросали жребий, и все вельможи его окованы цепями.
11Ikaw naman ay malalango; ikaw ay matatago; ikaw rin naman ay hahanap ng katibayan dahil sa kaaway.
11Так и ты – опьянеешь и скроешься; так и ты будешь искать защиты от неприятеля.
12Lahat ng iyong kuta ay magiging parang puno ng igos, na may unang hinog na mga igos: kung mga ugugin, nangalalaglag sa bibig ng kumakain.
12Все укрепления твои подобны смоковнице со спелыми плодами: если тряхнуть их, то они упадут прямо в рот желающего есть.
13Narito, ang iyong mga tao sa gitna mo ay mga babae; ang mga pintuang-bayan ng iyong lupain ay nangabubukas ng maluwang sa iyong mga kaaway: nilamon ng apoy ang iyong mga halang.
13Вот, и народ твой, как женщины у тебя: врагам твоим настежь отворятся ворота земли твоей, огонь пожрет запоры твои.
14Umigib ka ng tubig sa pagkakubkob; tibayan mo ang iyong mga katibayan; pumasok ka sa putikan, at yapakan mo ang argamasa, tibayan mo ang hurno ng ladrillo.
14Начерпай воды на время осады; укрепляй крепости твои; пойди в грязь, топчи глину, исправь печь для обжигания кирпичей.
15Doon ka sasakmalin ng apoy; ihihiwalay ka ng tabak; sasakmalin kang parang uod: magpakarami kang gaya ng uod: magpakarami kang gaya ng balang.
15Там пожрет тебя огонь, посечет тебя меч, поест тебя как гусеница, хотя бы ты умножился как гусеница, умножился как саранча.
16Iyong pinarami ang iyong mga mangangalakal kay sa mga bituin sa langit: ang uod ay sumasamsam, at lumilipad.
16Купцов у тебя стало более, нежели звезд на небе; но эта саранча рассеется и улетит.
17Ang iyong mga prinsipe ay parang mga balang, at ang iyong mga pinuno ay parang kawan ng lukton, na nagsisihimpil sa mga bakod sa araw na malamig, nguni't pagka ang araw ay sumikat sila'y nagsisilipad, at ang kanilang dako ay hindi alam kung saan sila nangandoon.
17Князья твои – как саранча, и военачальники твои – как рои мошек, которые во время холода гнездятся в щелях стен , и когда взойдет солнце, то разлетаются, и не узнаешь места, где они были.
18Ang iyong mga pastor ay nangatutulog, Oh hari sa Asiria; ang iyong mga bayani ay nangagpapahinga; ang iyong bayan ay nangangalat sa mga bundok, at walang magpisan sa kanila.
18Спят пастыри твои, царь Ассирийский, покоятся вельможи твои; народ твой рассеялся по горам, и некому собрать его.
19Walang kagamutan sa iyong sakit: ang iyong sugat ay malubha: lahat na makabalita sa iyo ay nagsisipakpak ng kamay dahil sa iyo; sapagka't sinong hindi nadaanan ng iyong kasamaan?
19Нет врачевства для раны твоей, болезненна язва твоя. Все, услышавшие весть о тебе, будут рукоплескать о тебе, ибо на кого не простиралась беспрестанно злоба твоя?