1Nang magkagayo'y pinisan ni Salomon ang mga matanda ng Israel at ang lahat na pangulo sa mga lipi, ang mga prinsipe sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel, sa haring Salomon sa Jerusalem, upang iahon ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa bayan ni David na siyang Sion.
1Vtedy shromaždil Šalamún starších Izraelových a všetky hlavy jeho pokolení, kniežatá otcov synov Izraelových k sebe, ku kráľovi Šalamúnovi, do Jeruzalema, aby preniesli truhlu smluvy Hospodinovej hore, z mesta Dávidovho, ktorý je Sion.
2At ang lahat na lalake sa Israel ay nagpisan kay haring Salomon sa kapistahan, sa buwan ng Ethanim, na siyang ikapitong buwan.
2A tak sa shromaždili ku kráľovi Šalamúnovi všetci mužovia Izraelovi v mesiaci Etaním, na deň slávnosti, a to je siedmy mesiac.
3At ang lahat na matanda sa Israel ay naparoon, at binuhat ng mga saserdote ang kaban.
3A keď prišli všetci starší Izraelovi, vzali kňazi truhlu
4At kanilang iniahon ang kaban ng Panginoon, at ang tabernakulo ng kapisanan, at ang lahat na banal na kasangkapan na nasa Tolda; iniahon nga ang mga ito ng mga saserdote at ng mga Levita.
4a preniesli truhlu Hospodinovu hore i stán shromaždenia i všetko náradie svätyne, ktoré bolo v stáne a preniesli to hore kňazi a Levitovia.
5At ang haring Salomon at ang buong kapulungan ng Israel na nangagpisan sa kaniya, ay mga kasama niya sa harap ng kaban, na naghahain ng mga tupa at mga baka, na di masasaysay o mabibilang man dahil sa karamihan.
5A kráľ Šalamún i celá obec Izraelova, všetci, ktorí sa sišli k nemu, stáli s ním pred truhlou, a obetovali drobný dobytok a voly, ktoré sa ani nezapisovaly ani nepočítaly pre množstvo.
6At ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ng Panginoon sa karoroonan, sa loob ng sanggunian ng bahay, sa kabanalbanalang dako, sa ilalim ng mga pakpak ng mga querubin.
6A kňazi vniesli truhlu smluvy Hospodinovej na jej miesto do svätyne domu, do svätyne svätých, pod krýdla cherubov.
7Sapagka't nangakabuka ang mga pakpak ng mga querubin sa dako ng kaban, at ang mga querubin ay nagbibigay kanlong sa kaban at sa mga pingga niyaon sa ibabaw.
7Lebo cherubi mali roztiahnuté krýdla nad miestom truhly a tak prikrývali cherubíni truhlu i jej sochory shora.
8At ang mga pingga ay nangapakahaba, na ang mga dulo ng mga pingga ay nakikita mula sa dakong banal sa harap ng sanggunian; nguni't hindi nangakikita sa labas: at nandoon hanggang sa araw na ito.
8A sochory vyčnievaly, takže bolo vidieť konce sochorov zo svätyne vo svätyni svätých, ale von ich nebolo vidieť. A sú tam až do tohoto dňa.
9Walang anomang bagay sa kaban liban sa dalawang tapyas na bato na inilagay ni Moises doon sa Horeb, nang ang Panginoon ay makipagtipan sa mga anak ni Israel, nang sila'y lumabas sa lupain ng Egipto.
9Nebolo v truhle ničoho, iba dvoje kamenných dosiek, ktoré tam položil Mojžiš na Chórebe, keď učinil Hospodin smluvu so synmi Izraelovými vtedy, keď vyšli z Egyptskej zeme.
10At nangyari, nang ang mga saserdote ay magsilabas sa dakong banal, na napuno ng ulap ang bahay ng Panginoon.
10A stalo sa, keď vyšli kňazi zo svätyne, že oblak naplnil dom Hospodinov,
11Na anopa't ang mga saserdote ay hindi makatayo upang mangasiwa dahil sa ulap: sapagka't napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon.
11takže nemohli kňazi obstáť a slúžiť pre oblak, lebo sláva Hospodinova naplnila dom Hospodinov.
12Nang magkagayo'y nagsalita si Salomon, Ang Panginoo'y nagsabi na siya'y tatahan sa salimuot na kadiliman.
12Vtedy povedal Šalamún: Hospodin riekol, že chce bývať v mrákave.
13Tunay na ipinagtayo kita ng isang bahay na tahanan, ng isang dako upang iyong tahanan magpakailan man.
13No, naozaj som vystavil dom príbytku pre teba, stále miesto na to, aby si tam býval na veky.
14At ipinihit ng hari ang kaniyang mukha, at binasbasan ang buong kapisanan ng Israel: at ang buong kapisanan ng Israel ay tumayo.
14A kráľ obrátiac svoju tvár žehnal celému shromaždeniu Izraelovmu, a celé shromaždenie Izraelovo stálo.
15At kaniyang sinabi, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na nagsalita ng kaniyang bibig kay David na aking ama, at tinupad ng kaniyang kamay, na sinasabi,
15A riekol: Požehnaný Hospodin, Bôh Izraelov, ktorý hovoril svojimi ústami s Dávidom, s mojím otcom, a svojou rukou to naplnil povediac:
16Mula nang araw na aking ilabas ang aking bayang Israel sa Egipto, hindi ako pumili ng bayan sa lahat ng mga lipi ng Israel upang magtayo ng bahay, upang ang aking pangalan ay dumoon; nguni't aking pinili si David upang maging pangulo sa aking bayang Israel.
16Po celý čas od toho dňa, ktorého som vyviedol svoj ľud Izraela z Egypta, nevyvolil som si niktorého mesta z niktorého pokolenia Izraelovho vystaviť dom, aby tam bolo moje meno, ale som si vyvolil Dávida, aby bol nad mojím ľudom Izraelom.
17Nasa puso nga ni David na aking ama ang ipagtayo ng isang bahay ang pangalan ng Panginoon, ang Dios ng Israel.
17A bolo to v srdci Dávida, môjho otca, vystaviť dom menu Hospodina, Boha Izraelovho.
18Nguni't sinabi ng Panginoon kay David na aking ama, Sa paraang nasa iyong puso ang ipagtayo ng isang bahay ang aking pangalan, mabuti ang iyong ginawa na inakala mo sa iyong puso;
18Ale Hospodin riekol Dávidovi, môjmu otcovi: Že to bolo v tvojom srdci vystaviť môjmu menu dom, dobre si učinil, že to bolo v tvojom srdci.
19Gayon ma'y hindi mo itatayo ang bahay; kundi ang iyong anak na lalabas sa iyong mga balakang, siyang magtatayo ng bahay na ukol sa aking pangalan.
19Len že ty nebudeš staväť ten dom, ale tvoj syn, ktorý vyjde z tvojich bedier, ten vystaví môjmu menu dom.
20At pinagtibay ng Panginoon ang kaniyang salita na kaniyang sinalita: sapagka't ako'y bumangon na kahalili ni David na aking ama, at nakaupo sa luklukan ng Israel, gaya ng ipinangako ng Panginoon, at nagtayo ako ng bahay na ukol sa pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
20A Hospodin postavil svoje slovo, ktoré hovoril. Lebo som nastúpil na miesto Dávida, svojho otca, a sedím na tróne Izraelovom, tak ako hovoril Hospodin, a vystavil som dom menu Hospodina, Boha Izraelovho.
21At doo'y aking ipinaghanda ng isang dako ang kaban, na kinaroroonan ng tipan ng Panginoon na kaniyang ginawa sa ating mga magulang, nang kaniyang ilabas sila sa lupain ng Egipto.
21A ustanovil som tam miesto truhle, v ktorej je smluva Hospodinova, ktorú učinil s našimi otcami vtedy, keď ich vyviedol z Egyptskej zeme.
22At si Salomon ay tumayo sa harap ng dambana ng Panginoon, sa harapan ng buong kapisanan ng Israel, at iginawad ang kaniyang mga kamay sa dakong langit:
22A Šalamún sa postavil pred oltár Hospodinov pred celým shromaždením Izraelovým a rozprestrúc svoje ruky k nebesiam
23At kaniyang sinabi, Oh Panginoong Dios ng Israel, walang Dios na gaya mo, sa langit sa itaas, o sa lupa sa ibaba; na siyang nagiingat ng tipan at ng kaawaan sa iyong mga lingkod, na lumalakad sa harap mo ng kanilang buong puso.
23riekol: Hospodine, Bože Izraelov, niet tebe podobného Boha ani na nebi hore ani na zemi dole, ktorý ostríhaš smluvu a milosrdenstvo svojim služobníkom, ktorí chodia pred tebou celým svojím srdcom,
24Na siyang nagingat sa iyong lingkod na kay David na aking ama ng iyong ipinangako sa kaniya: oo, ikaw ay nagsalita ng iyong bibig, at ginanap mo ng iyong kamay, gaya sa araw na ito.
24ty, ktorý si zachoval svojmu služobníkovi Dávidovi, môjmu otcovi, to, čo si mu hovoril; a hovoril si svojimi ústami a svojou rukou si to naplnil, ako je tomu dnes.
25Ngayon nga, Oh Panginoon, na Dios ng Israel, tuparin mo sa iyong lingkod na kay David na aking ama ang iyong ipinangako sa kaniya, na iyong sinasabi, Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa aking paningin, na uupo sa luklukan ng Israel, kung ang iyong mga anak lamang ay magsisipagingat ng kanilang lakad, na magsisilakad sa harap ko na gaya ng inilakad mo sa harap ko.
25A tak teraz, Hospodine, Bože Izraelov, zachovaj svojmu služobníkovi Dávidovi, môjmu otcovi, to, čo si mu hovoril, povediac: Nebude ti vyhladený muž zpred tvojej tvári, ktorý by sedel na tróne Izraelovom, ak len budú ostríhať tvoji synovia svoju cestu, aby chodili predo mnou, jako si ty chodil predo mnou.
26Ngayon nga, Oh Dios ng Israel, idinadalangin ko sa iyo na papangyarihin mo ang iyong salita na iyong sinalita sa iyong lingkod na kay David na aking ama.
26Tak teraz, Bože Izraelov, prosím, nech stojí pevne tvoje slovo, ktoré si hovoril svojmu služobníkovi Dávidovi, môjmu otcovi.
27Nguni't katotohanan bang tatahan ang Dios sa lupa? Narito, sa langit at sa langit ng mga langit ay hindi ka magkasiya; gaano pa sa bahay na ito na aking itinayo!
27Lebo či vskutku bude Bôh bývať na zemi?! Veď hľa, nebesia a nebesia nebies ťa neobsiahnu, a čo potom tento dom, ktorý som vystavil!
28Gayon ma'y iyong pakundanganan ang dalangin ng iyong lingkod at ang kaniyang pamanhik, Oh Panginoon kong Dios, na dinggin ang daing at dalangin na idinadalangin ng iyong lingkod sa harap mo sa araw na ito:
28Ale však pohliadni na modlitbu svojho služobníka a na jeho pokornú prosbu, Hospodine, môj Bože, počuj radostné pokrikovanie a modlitbu, ktorú sa dnes modlí tvoj služobník pred tebou,
29Na anopa't ang iyong mga mata ay idilat sa dako ng bahay na ito gabi at araw, sa dakong iyong sinabi, Ang aking pangalan ay doroon; upang dinggin ang panalangin na idadalangin ng iyong lingkod sa dakong ito.
29aby boly tvoje oči otvorené na tento dom noc i deň, na miesto, o ktorom si povedal: Nechže je moje meno tam, aby si vyslýchal modlitbu, ktorú sa bude modliť tvoj služobník na tomto mieste.
30At dinggin mo ang pamanhik ng iyong lingkod, at ng iyong bayang Israel, pagka sila'y mananalangin sa dakong ito: oo, dinggin mo sa langit na iyong tahanang dako; at pagka iyong narinig patawarin mo.
30A budeš počúvať na pokornú prosbu svojho služobníka a svojho ľudu Izraela, ktorú sa bude modliť na tomto mieste, a tak ty vypočuješ na mieste svojho bývania, na nebesiach, a vyslyšíš a odpustíš.
31Kung ang isang tao ay magkasala laban sa kaniyang kapuwa, at papanumpain siya upang siya'y sumumpa, at siya'y pumarito at manumpa sa harap ng iyong dambana sa bahay na ito:
31Keby zhrešil človek proti svojmu blížnemu, a naložia mu prísahu, aby prisahal, a keď prijde prísaha pred tvoj oltár do tohoto domu,
32Dinggin mo nga sa langit, at iyong gawin, at hatulan mo ang iyong mga lingkod, na iyong parusahan ang masama, upang iyong dalhin ang kaniyang lakad sa kaniyang sariling ulo; at ariing-ganap ang matuwid, upang bigyan siya ng ayon sa kaniyang katuwiran.
32ty vypočuj na nebesiach a učiň a rozsúď svojich služobníkov odsúdiac bezbožného dajúc mu jeho cestu na jeho hlavu a ospravedlniac spravedlivého dajúc mu podľa jeho spravedlivosti.-
33Pagka ang iyong bayang Israel ay nasaktan sa harap ng kaaway, dahil sa sila'y nagkasala laban sa iyo; kung sila'y bumalik sa iyo, at ipahayag ang iyong pangalan, at dumalangin at pumanhik sa iyo sa bahay na ito:
33Keby bol porazený tvoj ľud Izrael pred nepriateľom, pretože zhrešil proti tebe, a keď sa navrátia k tebe a budú oslavovať tvoje meno a budú sa ti modliť a pokorne ťa prosiť v tomto dome,
34Dinggin mo nga sa langit, at ipatawad mo ang sala ng iyong bayang Israel, at dalhin mo sila uli sa lupain na iyong ibinigay sa kanilang mga magulang.
34ty vyslyš na nebesiach a odpusti hriech svojho ľudu Izraela a navráť ich do zeme, ktorú si dal ich otcom.
35Pagka ang langit ay nasarhan, at walang ulan, dahil sa sila'y nagkasala laban sa iyo; kung sila'y dumalangin sa dakong ito, at ipahayag ang iyong pangalan, at talikdan ang kanilang kasalanan, pagka iyong pinighati sila:
35Keby boly zavrené nebesia, a nebolo by dažďa, pretože zhrešili proti tebe, a keby sa modlili na tomto mieste a oslavovali by tvoje meno a odvrátili by sa od svojho hriechu, pretože si ich zohnul,
36Dinggin mo nga sa langit, at ipatawad mo ang sala ng iyong mga lingkod, at ng iyong bayang Israel, pagka iyong tuturuan sila ng mabuting daan na kanilang dapat lakaran; at paulanan mo ang iyong lupain na iyong ibinigay sa iyong bayan na pinakamana.
36ty vyslyš na nebesiach a odpusti hriech svojich služobníkov a svojho ľudu Izraela, ktorých si zohnul, preto, že ich učíš dobrej ceste, ktorou majú ísť, a daj zase dážď na svoju zem, ktorú si dal svojmu ľudu za dedičstvo.
37Kung magkaroon ng kagutom sa lupain, kung magkaroon ng salot, kung magkaroon ng pagkakatuyot, o amag, balang o tipaklong, kung kulungin sila ng kanilang kaaway sa lupain ng kanilang mga bayan; anomang salot, anomang sakit na magkaroon,
37Keby bol hlad v zemi, keby bol mor, sucho, ruda; kobylky, chrústy keby boly; keby ho sovrel jeho nepriateľ v zemi jeho brán, keby ho stihla jakákoľvek rana, jakákoľvek nemoc:
38Anomang dalangin at pamanhik na gawin ng sinomang tao, o ng iyong buong bayang Israel, na makikilala ng bawa't tao ang salot sa kaniyang sariling puso, at iuunat ang kaniyang mga kamay sa dako ng bahay na ito:
38každú modlitbu, každú pokornú prosbu, ktorú by mal ktorýkoľvek človek, všetok tvoj ľud Izrael, ktorí by poznali, každý ranu svojho srdca a rozprestrel by svoje ruky k tomuto domu,
39Dinggin mo nga sa langit na iyong tahanang dako, at ikaw ay magpatawad at gumawa, at gumanti ka sa bawa't tao ayon sa lahat niyang mga lakad na ang puso ay iyong natataho; (sapagka't ikaw, ikaw lamang ang nakakataho ng mga puso ng lahat ng mga anak ng mga tao;)
39ty vyslyš na nebesiach, na pevnom mieste svojho bývania a odpusť a učiň a daj každému podľa všetkých jeho ciest, ktorý znáš jeho srdce - lebo len ty sám znáš srdce všetkých synov človeka -,
40Upang sila'y matakot sa iyo sa lahat ng kaarawan na kanilang ikabubuhay sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga magulang.
40aby sa ťa báli po všetky dni, ktoré budú žiť na tvári zeme, ktorú si dal našim otcom.
41Bukod dito'y tungkol sa taga ibang lupa, na hindi sa iyong bayang Israel, pagka siya'y magbubuhat sa isang malayong lupain dahil sa iyong pangalan;
41Áno, i cudzinca, ktorý nie je z tvojho ľudu Izraela, keby prišiel z ďalekej zeme pre tvoje meno,
42(Sapagka't kanilang mababalitaan ang iyong dakilang pangalan, at ang iyong makapangyarihang kamay, at ang iyong unat na bisig:) pagka siya'y paririto at dadalangin sa dako ng bahay na ito;
42pretože počujú o tvojom veľkom mene a o tvojej mocnej ruke a o tvojom vystretom ramene - tedy keby prišiel a modlil by sa v tomto dome,
43Dinggin mo nga sa langit na iyong tahanang dako, at gawin mo ang ayon sa lahat na idalangin sa iyo ng taga ibang lupa; upang makilala ng lahat ng mga bayan sa lupa ang iyong pangalan, upang matakot sa iyo, gaya ng iyong bayang Israel, at upang kanilang makilala na ang bahay na ito na aking itinayo ay tinatawag sa pamamagitan ng iyong pangalan.
43ty vyslyš na nebesiach, na pevnom mieste svojho bývania, a učiň všetko, o čo bude volať k tebe, cudzinec, aby poznaly všetky národy zeme tvoje meno, aby sa ťa bály jako tvoj ľud Izrael, a aby vedely, že je tvoje meno menované nad týmto domom, ktorý som vystavil.
44Kung ang iyong bayan ay lumabas sa pakikipagbaka laban sa kaniyang mga kaaway, saan mo man sila suguin, at manalangin sa Panginoon sa dako ng bayan na iyong pinili, at sa dako ng bahay na aking itinayo na ukol sa iyong pangalan:
44Keby vyšiel tvoj ľud do boja proti svojmu nepriateľovi, cestou, ktorou by si ich poslal, a keď sa budú modliť Hospodinovi, obrátení smerom k mestu, ktoré si si vyvolil, a k domu, ktorý som vystavil tvojmu menu,
45Dinggin mo nga sa langit ang kanilang dalangin at ang kanilang pamanhik, at alalayan mo ang kanilang usap.
45vyslyš na nebesiach ich modlitbu a ich pokornú prosbu a učiň ich súd.
46Kung sila'y magkasala laban sa iyo, (sapagka't walang tao na di nagkakasala,) at ikaw ay magalit sa kanila, at ibigay mo sila sa kaaway, na anopa't sila'y dalhing bihag sa lupain ng kaaway sa malayo o sa malapit;
46Keby zhrešili proti tebe (lebo veď nieto človeka, ktorý by nehrešil), a rozhneval by si sa na nich a vydal by si ich nepriateľovi, a ich jatci by ich zajali do zeme nepriateľa, už či ďalekej a či blízkej,
47Gayon ma'y kung sila'y magbulay sa kanilang sarili sa lupain na pagdadalhang bihag sa kanila, at magbalik-loob, at mamanhik sa iyo sa lupaing pinagdalhan sa kanila na bihag, na magsabi, Kami ay nagkasala, at kami ay gumawa ng kalikuan, kami ay gumawa ng kasamaan;
47a keby vstúpili do seba v zemi, do ktorej by boli zajatí, a obrátili by sa a pokorne by prosili volajúc k tebe v zemi tých, ktorí ich zajali, a vraveli by: Zhrešili sme, činili sme prevrátene a páchali sme bezbožnosť,
48Kung sila'y bumalik sa iyo ng buong puso nila at ng buong kaluluwa nila sa lupain ng kanilang mga kaaway, na nagdala sa kanilang bihag, at manalangin sa iyo sa dako ng kanilang lupain, na iyong ibinigay sa kanilang mga magulang, na bayang pinili mo, at bahay na aking itinayo na ukol sa iyong pangalan:
48a tedy keby sa navrátili k tebe celým svojím srdcom a celou svojou dušou v zemi svojich nepriateľov, ktorí ich zajali, a keby sa ti modlili, obrátení smerom k svojej zemi, ktorú si dal ich otcom, smerom k mestu, ktoré si vyvolil, a k domu, ktorý som vystavil tvojmu menu:
49Dinggin mo nga ang kanilang dalangin at ang kanilang pamanhik sa langit na iyong tahanang dako, at alalayan mo ang kanilang usap;
49vyslyš na nebesiach, na pevnom mieste svojho bývania, ich modlitbu a ich pokornú prosbu a učiň ich súd
50At patawarin mo ang iyong bayan, na nagkasala laban sa iyo, at ang lahat nilang pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa iyo; at mahabag ka sa kanila sa harap niyaong mga nagdalang bihag sa kanila, upang sila'y mahabag sa kanila:
50a odpusti svojmu ľudu, čo zhrešil proti tebe, i všetky ich prestúpenia, ktorými prestúpili proti tebe, a daj ich v zľutovanie pred tými, ktorí ich zajali, aby sa zľutovali nad nimi,
51(Sapagka't sila'y iyong bayan at iyong mana, na iyong inilabas sa Egipto sa gitna ng hurnong bakal):
51lebo sú tvojím ľudom a tvojím dedičstvom, ktorých si vyviedol z Egypta, zprostred železnej pece,
52Upang ang iyong mga mata'y madilat sa dalangin ng iyong lingkod, at sa dalangin ng iyong bayang Israel, upang iyong dinggin sila sa anomang panahong kanilang idaing sa iyo.
52a tak nech sú tvoje oči otvorené na pokornú prosbu tvojho služobníka a na pokornú prosbu tvojho ľudu Izraela, aby si počul na nich vo všetkom ich volaní k tebe.
53Sapagka't iyong inihiwalay sila sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa upang maging iyong mana, gaya ng iyong sinalita sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod nang iyong ilabas ang aming mga magulang sa Egipto, Oh Panginoong Dios.
53Lebo ty si ich oddelil sebe za dedičstvo zpomedzi všetkých národov zeme, jako si hovoril skrze Mojžiša, svojho služobníka, keď vyviedol našich otcov z Egypta, Panovníku Hospodine!
54At nangyari, na pagkatapos ni Salomon na makapanalangin nitong lahat na dalangin at pamanhik sa Panginoon, siya'y tumindig mula sa harap ng dambana ng Panginoon, sa pagkaluhod ng kaniyang mga tuhod na ang kaniyang mga kamay ay nakagawad sa dakong langit.
54A stalo sa, keď sa prestal Šalamún modliť Hospodinovi všetku túto modlitbu a pokornú prosbu, že povstal zpred oltára Hospodinovho s kľačania na svojich kolenách spustiac svoje ruky, rozprestreté k nebesiam,
55At siya'y tumayo, at binasbasan ang buong kapisanan ng Israel ng malakas na tinig, na sinasabi,
55a stojac žehnal celé shromaždenie Izraelovo velikým hlasom hovoriac:
56Purihin ang Panginoon na nagbigay kapahingahan sa kaniyang bayang Israel, ayon sa lahat na kaniyang ipinangako: walang nagkulang na isang salita sa lahat niyang mabuting pangako, na kaniyang ipinangako sa pamamagitan ni Moises na kaniyang lingkod.
56Požehnaný Hospodin, ktorý dal odpočinutie svojmu ľudu Izraelovi, všetko tak, ako hovoril. Nepadlo ani jediné slovo zo všetkých tých jeho dobrých slov, ktoré hovoril skrze Mojžiša, svojho služobníka.
57Sumaatin nawa ang Panginoon nating Dios, kung paanong siya'y sumaating mga magulang: huwag niya tayong iwan o pabayaan man;
57Nech je Hospodin, náš Bôh, s nami, jako bol s našimi otcami, nech nás neopustí a nech nás neodmietne,
58Upang kaniyang ihilig ang ating mga puso sa kaniya, upang magsilakad sa lahat ng kaniyang mga daan, at ingatan ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, na kaniyang iniutos sa ating mga magulang.
58aby naklonil naše srdce k sebe, aby sme chodili po všetkých jeho cestách a ostríhali jeho prikázania, jeho ustanovenia a jeho súdy, ktoré prikázal našim otcom.
59At ang mga salitang ito na aking idinalangin sa harap ng Panginoon ay malapit nawa sa Panginoon nating Dios sa araw at gabi, na kaniyang alalayan ang usap ng kaniyang lingkod, at ang usap ng kaniyang bayang Israel, ayon sa kailangan sa araw araw;
59A nech sú tieto moje slová, ktorými som pokorne prosil pred Hospodinom, blízke Hospodinovi, nášmu Bohu, vodne i vnoci, aby činil súd svojho služobníka a súd svojho ľudu Izraela, vždy v ten istý deň to, čo na ktorý pripadne,
60Upang maalaman ng lahat na bayan sa lupa, na ang Panginoon ay siyang Dios: walang iba.
60aby poznaly všetky národy zeme, že Hospodin je Bôh, a že niet iného.
61Kaya't maging sakdal nawa ang inyong puso sa Panginoon nating Dios, na magsilakad sa kaniyang mga palatuntunan, at ingatan ang kaniyang mga utos, gaya sa araw na ito.
61A tak nech je celé vaše srdce s Hospodinom, naším Bohom, aby ste chodili v jeho ustanoveniach a aby ste ostríhali jeho prikázania jako tohoto dňa.
62At ang hari, at ang buong Israel na kasama niya, ay naghandog ng hain sa harap ng Panginoon.
62A kráľ a všetok Izrael s ním obetovali bitnú obeť pred Hospodinom.
63At naghandog si Salomon ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan ng kaniyang inihandog sa Panginoon, na dalawang pu't dalawang libong baka, at isang daan at dalawang pung libong tupa. Ganito itinalaga ng hari at ng lahat ng mga anak ni Israel ang bahay ng Panginoon.
63A Šalamún obetoval bitnú obeť pokojnú, ktorú obetoval Hospodinovi dvadsaťdva tisíc volov, a drobného stáda sto dvadsať tisíc, a tak posvätili dom Hospodinov kráľ i všetci synovia Izraelovi.
64Nang araw ding yaon ay pinapaging banal ng hari ang gitna ng looban na nasa harap ng bahay ng Panginoon: sapagka't doon niya inihandog ang handog na susunugin, at ang handog na harina, at ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan, sapagka't ang tansong dambana na nasa harap ng Panginoon ay totoong maliit na hindi magkasya roon ang handog na susunugin, at ang handog na harina, at ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan.
64Toho dňa posvätil kráľ prostredok dvora, ktorý je pred domom Hospodinovým, lebo tam obetoval zápalnú obeť aj obetný dar obilný i tuky pokojných obetí, lebo medený oltár, ktorý bol pred Hospodinom, bol malý na to, aby bol mohol pojať takú zápalnú obeť a taký obetný dar obilný i tie tuky pokojných obetí.
65Sa gayo'y ipinagdiwang ni Salomon ang kapistahan nang panahong yaon at ang buong Israel na kasama niya, isang malaking kapisanan na mula sa pasukan sa Hamath hanggang sa batis ng Egipto sa harap ng Panginoon nating Dios, na pitong araw, at pitong araw, sa makatuwid baga'y labing apat na araw.
65A tedy slávil Šalamún toho času slávnosť a celý Izrael s ním, veľké shromaždenie, sídené z celej zeme, odtiaľ, ako sa ide do Chamatu, až po Egyptský potok, pred Hospodinom, naším Bohom, sedem dní a sedem dní, štrnásť dní.
66Nang ikawalong araw, ay kaniyang pinapagpaalam ang bayan: at kanilang pinuri ang hari, at naparoon sa kanilang mga tolda na galak at may masayang puso dahil sa lahat na kabutihan na ipinakita ng Panginoon kay David na kaniyang lingkod, at sa Israel na kaniyang bayan.
66Potom ôsmeho dňa prepustil ľud. A oni požehnajúc kráľa odišli do svojich stánov radujúci sa a veselého srdca pre všetko to dobré, ktoré učinil Hospodin Dávidovi, svojmu služobníkovi, a Izraelovi, svojmu ľudu.