Tagalog 1905

Slovakian

1 Samuel

24

1At nangyari, nang si Saul ay bumalik na mula sa paghabol sa mga Filisteo, na nasaysay sa kaniya, na sinasabi, Narito, si David ay nasa ilang ng En-gaddi.
1A stalo sa, keď sa navrátil Saul od prenasledovania Filištínov, že mu oznámili a riekli: hľa, Dávid je na púšti Én-gedi.
2Nang magkagayo'y kumuha si Saul ng tatlong libong piling lalake sa buong Israel, at yumaong inusig si David at ang kaniyang mga lalake sa mga bundok ng maiilap na kambing.
2Vtedy pojal Saul so sebou tri tisíce mužov, vybraných z celého Izraela, a odišiel hľadať Dávida a jeho mužov na skalách kamzíkov.
3At siya'y naparoon sa mga kulungan ng kawan sa daan, na kinaroroonan ng isang yungib; at pumasok si Saul upang takpan ang kaniyang mga paa. Si David nga at ang kaniyang mga tao ay tumatahan sa pinakaloob na bahagi ng yungib.
3A prišiel k ovčím ohradám pri ceste, kde je jaskyňa, do ktorej vošiel Saul zakryť svoje nohy, kým Dávid a jeho mužovia sedeli v úzadí po stranách jaskyne.
4At sinabi ng mga tao ni David sa kaniya, Narito, ang araw na sinabi ng Panginoon sa iyo, Narito, aking ibibigay ang iyong kaaway sa iyong kamay, at iyong gagawin sa kaniya kung ano ang mabutihin mo. Nang magkagayo'y tumindig si David at pinutol na lihim ang laylayan ng balabal ni Saul.
4A mužovia Dávidovi povedali jemu, Dávidovi: Hľa, toto je deň, o ktorom ti riekol Hospodin: Hľa, ja dám tvojho nepriateľa do tvojej ruky, a učiníš mu to, čo bude dobré v tvojich očiach. A Dávid vstal a odrezal potichu krýdlo plášťa Saulovho.
5At nangyari pagkatapos, na nagdamdam ang puso ni David, sapagka't kaniyang pinutol ang laylayan ng balabal ni Saul.
5Lež potom bilo Dávida jeho srdce, pretože odrezal krýdlo plášťa Saulovho.
6At kaniyang sinabi sa kaniyang mga lalake, Huwag itulot ng Panginoon na ako'y gumawa ng ganitong bagay sa aking panginoon, na pinahiran ng langis ng Panginoon, na aking iunat ang aking kamay laban sa kaniya, yamang siya ang pinahiran ng langis ng Panginoon.
6A riekol svojim mužom: Nech ma Hospodin zachráni od toho, aby som to mal učiniť svojmu pánovi, pomazanému Hospodinovmu, vystrieť svoju ruku na neho, lebo je pomazaný Hospodinov.
7Sa gayo'y pinigilan ni David ang kaniyang mga tao ng mga salitang ito, at hindi niya sila binayaang bumangon laban kay Saul. At tumindig si Saul sa yungib at nagpatuloy ng kaniyang lakad.
7A tak zabránil Dávid svojim mužom tými slovami a nedal im, aby povstali proti Saulovi. A Saul vstal, vyšiel z jaskyne a išiel svojou cestou.
8Si David naman ay tumindig pagkatapos, at lumabas sa yungib, at hiniyawan si Saul, na sinasabi, Panginoon ko na hari. At nang lumingon si Saul ay iniyukod ni David ang kaniyang mukha sa lupa, at nagbigay galang.
8Potom vstal i Dávid a vyjdúc z jaskyne volal za Saulom a vravel: Môj pane, kráľu! A Saul sa ozrel zpät. A Dávid sa zohnul tvárou k zemi a poklonil sa.
9At sinabi ni David kay Saul, Bakit ka nakikinig sa mga salita ng mga tao, na nagsasabi, Narito, pinagsisikapan kang saktan ni David?
9A Dávid riekol Saulovi: Prečo počúvaš ľudské reči, keď ti hovoria, že hľa, Dávid hľadá tvoje zlé!?
10Narito, nakita ngayon ng iyong mga mata kung paanong ibinigay ka ngayon ng Panginoon sa aking kamay sa yungib: at sinabi sa akin ng iba na patayin kita: nguni't hindi kita inano; at aking sinabi, Hindi ko iuunat ang aking kamay laban sa aking panginoon; sapagka't siya ang pinahiran ng langis ng Panginoon.
10Hľa, dnes vidia tvoje oči, že ťa Hospodin bol dnes vydal do mojej ruky v jaskyni, a vraveli mi, aby som ťa zabil; ale moje oko sa zľutovalo nad tebou, a riekol som: Nevystriem svojej ruky na svojho pána, lebo je pomazaný Hospodinov.
11Bukod dito'y iyong tingnan, ama ko, oo, tingnan mo ang laylayan ng iyong balabal sa aking kamay: sapagka't sa pagputol ko ng laylayan ng iyong balabal ay hindi kita pinatay, talastasin mo at tingnan mo na wala kahit kasamaan o pagsalangsang man sa aking kamay, at hindi ako nagkasala laban sa iyo, bagaman iyong pinag-uusig ang aking kaluluwa upang kunin.
11A, môj otče, pozri aj pozri krýdlo svojho plášťa tu v mojej ruke, lebo že som odrezal krýdlo tvojho plášťa a nezabil som ťa, po tom poznaj a vidz, že nie je zlého v mojej ruke ani prestúpenia, ani som sa ničím neprehrešil proti tebe, a ty čiháš po mojej duši, aby si ju odňal.
12Hatulan tayo ng Panginoon, at ipanghiganti ako ng Panginoon sa iyo: nguni't ikaw ay hindi ko pagbubuhatan ng kamay.
12Hospodin nech súdi medzi mnou a medzi tebou, a Hospodin nech ma pomstí na tebe, ale moja ruka sa ťa nedotkne.
13Gaya ng sabi ng kawikaan ng mga matanda: Sa masama magmumula ang kasamaan: nguni't ikaw ay hindi ko pagbubuhatan ng kamay.
13Jako hovorí dávne porekadlo: Od bezbožných vychádza bezbožnosť. Ale, hovorím, moja ruka sa ťa nedotkne.
14Sinong nilabas ng hari ng Israel? sinong hinahabol mo? isang patay na aso, isang kuto.
14Veď za kýmže vyšiel kráľ Izraelov? Kohože honíš? Mŕtveho psa? Jednu blchu?
15Maging hukom nga ang Panginoon, at hatulan tayo, at tingnan, at ipagsanggalang ang aking usap, at iligtas ako sa iyong kamay.
15Ale Hospodin bude sudcom a bude súdiť medzi mnou a medzi tebou a nech pohliadne a rozsúdi moju pru a nech ma vysúdi z tvojej ruky.
16At nangyari, nang makatapos si David ng pagsasalita ng mga salitang ito kay Saul, ay sinabi ni Saul, Ito ba ang iyong tinig, anak kong David? At inilakas ni Saul ang kaniyang tinig, at umiyak.
16A stalo sa, keď dohovoril Dávid tie slová Saulovi, že povedal Saul: Či je to tvoj hlas, môj synu, Dávide? A Saul pozdvihnúc svoj hlas plakal
17At kaniyang sinabi kay David, Ikaw ay lalong matuwid kay sa akin: sapagka't ikaw ay gumanti sa akin ng mabuti, samantalang ikaw ay aking ginantihan ng kasamaan.
17a povedal Dávidovi: Spravedlivejší si ako ja, lebo ty si sa mi odplatil dobrým, a ja som sa ti odplatil zlým.
18At iyong ipinakilala sa araw na ito kung paanong gumawa ka sa akin ng mabuti, sapagka't nang ibigay ako ng Panginoon sa iyong kamay, ay hindi mo ako pinatay.
18Lebo ty si to dnes ukázal tým, že si mi urobil dobré, tým, že ma Hospodin bol vydal do tvojej ruky, a nezabil si ma.
19Sapagka't kung masumpungan ng isang tao ang kaniyang kaaway, pababayaan ba niyang yumaong mabuti? kaya't gantihan ka nawa ng Panginoon ng mabuti dahil sa iyong ginawa sa akin sa araw na ito.
19Lebo keď najde niekto svojho nepriateľa, či ho prepustí dobrou cestou? Ale Hospodin nech ti odplatí dobrým za to, čo si mi vykonal tohoto dňa!
20At ngayo'y narito, talastas ko na ikaw ay tunay na magiging hari, at ang kaharian ng Israel ay matatatag sa iyong kamay.
20A teraz hľa, viem, že istotne budeš kraľovať, a že v tvojej ruke bude stáť kráľovstvo Izraelovo.
21Isumpa mo nga ngayon sa akin sa pangalan ng Panginoon, na hindi mo puputulin ang aking binhi pagkamatay ko, at hindi mo papawiin ang aking pangalan sa sangbahayan ng aking magulang.
21Tak teraz mi prisahaj na Hospodina, že nevyplieniš môjho semena po mne a že nevyhladíš môjho mena z domu môjho otca.
22At sumumpa si David kay Saul. At si Saul ay umuwi; nguni't si David at ang kaniyang mga lalake ay umakyat sa katibayan.
22A Dávid prisahal Saulovi. Potom odišiel Saul do svojho domu, a Dávid a jeho mužovia odišli hore do pevnosti.