1At sinalita ng Panginoon kay Moises, Pasukin mo si Faraon at sabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Tulutan mong yumaon ang aking bayan, upang ako'y mapaglingkuran nila.
1A Hospodin riekol Mojžišovi: Vojdi k faraonovi a povieš mu: Takto hovorí Hospodin: Prepusti môj ľud, aby mi slúžili!
2At kung ayaw mo silang payaunin, ay narito, aking sasalutin ng mga palaka ang inyong buong lupain:
2Ak ho nebudeš chcieť prepustiť, hľa, raním všetky tvoje kraje žabami,
3At ang ilog ay mapupuno ng mga palaka, na magsisiahon at magsisipasok sa iyong bahay, at sa iyong tulugan, at sa iyong higaan, at sa bahay ng iyong mga lingkod, at sa iyong bayan, at sa iyong mga hurno, at sa iyong mga masa ng tinapay.
3takže sa rieka bude hemžiť žabami, a vyjdú z nej a vojdú do tvojho domu i do tvojej ložnice, vylezú na tvoju posteľ a polezú do domov tvojich služobníkov a na tvoj ľud i do tvojich pecí i do tvojich korýt.
4At kapuwa aakyatin ng mga palaka ikaw at ang iyong bayan, at lahat ng iyong mga lingkod.
4I na teba i na tvoj ľud i na všetkých tvojich služobníkov polezú žaby.
5At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo kay Aaron, Iunat mo ang iyong kamay pati ng iyong tungkod sa mga ilog, sa mga bangbang, at sa mga lawa, at magpaahon ka ng mga palaka sa lupain ng Egipto.
5A Hospodin riekol Mojžišovi: Povedz Áronovi: Vystri svoju ruku so svojou palicou na rieky, na potoky a na jazerá a vyveď žaby na Egyptskú zem.
6At iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay sa tubig sa Egipto; at ang mga palaka ay nagsiahon, at tinakpan ang lupain ng Egipto.
6Vtedy vystrel Áron svoju ruku na egyptské vody, a vyšly žaby a pokryly Egyptskú zem.
7At ang mga mahiko ay gumawa ng gayon din sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto, at nagpaahon ng mga palaka sa lupain ng Egipto.
7A to isté urobili aj vedomci svojimi kúzly a vyviedli žaby na Egyptskú zem.
8Nang magkagayo'y tinawag ni Faraon si Moises at si Aaron, at sinabi, Manalangin kayo sa Panginoon, na alisin ang mga palaka sa akin, at sa aking bayan; at aking tutulutang yumaon, ang bayan upang sila'y makapaghain sa Panginoon.
8A faraon povolal Mojžiša a Árona a povedal: Modlite sa Hospodinovi, aby odstránil žaby odo mňa i od môjho ľudu, a prepustím ľud, aby obetoval Hospodinovi.
9At sinabi ni Moises kay Faraon, Magkaroon ka ng kaluwalhatiang ito sa akin: anong oras isasamo kita, at ang iyong mga lingkod, at ang iyong bayan, upang ang mga palaka ay malipol sa iyo at sa iyong mga bahay, at mangatira na lamang sa ilog?
9A Mojžiš povedal faraonovi: Maj u mňa tú česť: povedz mi, kedy sa mám modliť za teba, za tvojich služobníkov a za tvoj ľud, aby boly vyhladené žaby od teba a z tvojich domov? Zostanú iba v rieke.
10At kaniyang sinabi, Sa kinabukasan. At sinabi ni Moises, Mangyayari ayon sa iyong salita: upang iyong maalaman na walang gaya ng Panginoon naming Dios.
10A povedal: Zajtra. A Mojžiš riekol: Podľa tvojho slova. Aby si vedel, že nieto nikoho takého, jako je Hospodin, náš Bôh.
11At ang mga palaka ay magsisialis sa iyo, at sa iyong bahay, at sa iyong mga lingkod, at sa iyong bayan; mangatitira na lamang sa ilog.
11Tak tedy ujdú žaby od teba, z tvojich domov, od tvojich služobníkov a od tvojho ľudu. Zostanú iba v rieke.
12At si Moises at si Aaron ay umalis sa harap ni Faraon: at si Moises ay dumaing sa Panginoon tungkol sa mga palaka na kaniyang dinala kay Faraon.
12Vtedy vyšiel Mojžiš a Áron od faraona. A Mojžiš kričal k Hospodinovi o žaby, ktoré bol dopustil na faraona.
13At ginawa ng Panginoon ayon sa salita ni Moises, at ang mga palaka ay namatay sa mga bahay, sa mga looban at sa mga parang.
13A Hospodin učinil podľa slova Mojžišovho, a vymrely žaby z domov, zo dvorov a z polí.
14At kanilang pinagpisan sa buntonbunton: at ang lupa ay bumaho.
14Vtedy ich zhŕňali na hromady, a nasmradila sa zem.
15Nguni't nang makita ni Faraon na may pahinga ay pinapagmatigas ang kaniyang puso, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon.
15Ale keď videl faraon, že sa mu dostalo oddychu, zatvrdil svoje srdce a neposlúchol ich, tak ako povedal Hospodin.
16At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo kay Aaron: Iunat mo ang iyong tungkod, at paluin mo ang alabok ng lupa, upang maging mga kuto sa lupaing Egipto.
16A Hospodin riekol Mojžišovi: Povedz Áronovi: Vystri svoju palicu a uder prach zeme, a premení sa na vši v celej zemi Egyptskej.
17At kaniyang ginawang gayon; at iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay pati ng kaniyang tungkod, at pinalo ang alabok ng lupa, at nagkakuto sa tao at sa hayop; lahat ng alabok ng lupa ay naging mga kuto sa buong lupain ng Egipto.
17A učinili tak. Áron vystrel svoju ruku so svojou palicou a uderil prach zeme, a boly z neho vši na ľuďoch i na hovädách; všetok prach zeme sa obrátil na vši po celej zemi Egyptskej.
18At ang mga mahiko ay gumawa ng gayon sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto, upang maglabas ng mga kuto, nguni't hindi nila nagawa: at nagkakuto sa tao at sa hayop.
18A urobili tak i vedomci svojimi kúzly, aby vyviedli vši, ale nemohli. A boly vši na ľuďoch i na hovädách.
19Nang magkagayo'y sinabi ng mga mahiko kay Faraon, Ito'y daliri ng Dios: at ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon.
19Vtedy riekli vedomci faraonovi: Je to prst Boží. Ale srdce faraonovo sa posilnilo, a neposlúchol ich, tak ako povedal Hospodin.
20At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumangon kang maaga sa kinaumagahan, at tumayo ka sa harap ni Faraon; narito, siya'y pasasa tubig, at sabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon: Payaunin mo ang aking bayan upang sila'y makapaglingkod sa akin.
20A Hospodin riekol Mojžišovi: Vstaň skoro ráno, a postav sa pred faraona, hľa, vyjde k vode. A povieš mu: Takto hovorí Hospodin: Prepusti môj ľud, aby mi slúžili!
21Saka kung hindi mo payayaunin ang aking bayan ay magsusugo ako ng pulupulutong na langaw sa iyo, at sa iyong mga lingkod, at sa iyong bayan, at sa loob ng iyong mga bahay: at ang mga bahay ng mga Egipcio ay mapupuno ng pulupulutong na langaw, at gayon din ang lupa na kinaroroonan nila.
21Lebo ak neprepustíš môjho ľudu, hľa, pošlem na teba a na tvojich služobníkov, na tvoj ľud i na tvoje domy smesicu hmyzu, a domy Egypťanov budú plné smesice, ba ešte i tá zem, na ktorej sú.
22At aking ihihiwalay sa araw na yaon ang lupain ng Gosen, na kinatatahanan ng aking bayan, upang huwag magkaroon doon ng pulupulutong na langaw: ng iyong maalaman na ako ang Panginoon sa gitna ng lupa.
22A toho dňa učiním zvláštnu vec so zemou Gózen, na ktorej stojí môj ľud, že tam nebude smesice hmyzu, aby si zvedel, že ja Hospodin som prostred zeme.
23At aking paghihiwalayin ang aking bayan at ang iyong bayan: sa kinabukasan mangyayari ang tandang ito.
23A učiním rozdiel medzi svojím ľudom a medzi tvojím ľudom. Zajtra bude toto znamenie.
24At ginawang gayon ng Panginoon, at nagsipasok ang mga makapal na pulupulutong na langaw sa bahay ni Faraon, at sa bahay ng kaniyang mga lingkod: at sa buong lupain ng Egipto ay nasisira ang lupa dahil sa mga pulupulutong na langaw.
24A Hospodin učinil tak, lebo prišla ťažká smesica hmyzu na dom faraonov a na dom jeho služobníkov i na celú zem Egyptskú, takže sa nakazila zem od smesice hmyzu.
25At tinawag ni Faraon si Moises at si Aaron, at sinabi, Yumaon kayo, maghain kayo sa inyong Dios sa lupain.
25A faraon volal na Mojžiša a na Árona a povedal: Iďte, obetujte svojmu Bohu tu v zemi.
26At sinabi ni Moises, Hindi marapat na aming gawing ganyan; sapagka't aming ihahain ang mga kasuklamsuklam ng mga Egipcio, sa Panginoon naming Dios: narito, ihahain ba namin ang kasuklamsuklam ng mga Egipcio sa harap ng kanilang mga mata at di ba nila kami babatuhin?
26Ale Mojžiš odpovedal: Nebolo by správne urobiť tak, lebo by to bolo ohavnosťou Egypťanom, keby sme obetovali Hospodinovi, svojmu Bohu, bitné obeti. A keby sme zabíjajúc obetovali to, čo je ohavnosťou Egypťanom, pred ich očami, či by nás neukameňovali?
27Kami ay yayaong tatlong araw na maglalakbay sa ilang, at maghahain sa Panginoon naming Dios, ayon sa kaniyang iniutos sa amin.
27Pojdeme cesty troch dní na púšť a tam budeme obetovať bitné obeti Hospodinovi, svojmu Bohu, tak ako nám hovoril.
28At sinabi ni Faraon, Aking payayaunin kayo upang kayo'y makapaghain sa Panginoon ninyong Dios sa ilang; huwag lamang kayong pakakalayo: tuloy idaing ninyo ako.
28A faraon povedal: Ja vás prepustím, aby ste obetovali Hospodinovi, svojmu Bohu, na púšti, len neodchádzajte ďaleko. Modlite sa za mňa.
29At sinabi ni Moises, Narito iiwan kita, at aking idadalangin sa Panginoon, na ang mga pulupulutong na langaw ay magsialis bukas kay Faraon, sa kaniyang mga lingkod, at sa kaniyang bayan: nguni't huwag nang magdaya pa si Faraon, na huwag na di payaunin ang bayan, upang maghain sa Panginoon.
29A Mojžiš povedal: Hneď ako vyjdem od teba, budem sa modliť Hospodinovi, a odíde smesica hmyzu od faraona, od jeho sluhov a od jeho ľudu, zajtra, len nech viacej neoklame faraon, takže by neprepustil ľudu, aby obetoval Hospodinovi.
30At iniwan ni Moises si Faraon, at nanalangin sa Panginoon.
30Vtedy vyšiel Mojžiš od faraona a modlil sa Hospodinovi.
31At ginawa ng Panginoon ang ayon sa salita ni Moises; at inialis niya ang mga pulupulutong na langaw kay Faraon, sa kaniyang mga lingkod, at sa kaniyang bayan; na walang natira kahit isa.
31A Hospodin učinil podľa slova Mojžišovho a odstránil smesicu hmyzu od faraona, od jeho služobníkov a od jeho ľudu; nezostalo ani jedného.
32At pinapagmatigas ding muli ni Faraon ang kaniyang puso at hindi pinayaon ang bayan.
32Ale faraon zatvrdil svoje srdce i tento raz a neprepustil ľudu.