1At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka.
1A keď bolo Abramovi deväťdesiatdeväť rokov, ukázal sa mu Hospodin a riekol mu: Ja som El-šaddaj. Choď predo mnou a buď dokonalý!
2At ako'y makikipagtipan sa iyo at ikaw ay aking pararamihing mainam.
2A dám svoju smluvu, aby bola medzi mnou a medzi tebou, a rozmnožím ťa prenáramne.
3At nagpatirapa si Abram: at ang Dios ay nakipagusap sa kaniya, na sinasabi,
3Vtedy padol Abram na svoju tvár, a Bôh hovoril s ním a riekol:
4Tungkol sa akin, narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa.
4Ja som, hľa, moja smluva je s tebou, a budeš otcom mnohých národov.
5At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram, kundi Abraham ang magiging iyong pangalan; sapagka't ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa.
5Ani sa už viacej nebude volať tvoje meno Abram, ale tvoje meno bude Abrahám, lebo som ťa učinil otcom mnohých národov.
6At ikaw ay aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin ko sa iyo ang mga bansa; at magbubuhat sa iyo ang mga hari.
6Učiním to, aby si sa náramne rozplodil a učiním ťa v národy a kráľovia vyjdú z teba.
7At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo.
7A postavím svoju smluvu medzi sebou a medzi tebou a medzi tvojím semenom po tebe, po ich pokoleniach, za večnú smluvu, aby som ti bol Bohom i tvojmu semenu po tebe.
8At ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi, pagkamatay mo, ang lupaing iyong mga pinaglakbayan, ang buong lupain ng Canaan, na pag-aaring walang hanggan at ako ang magiging Dios nila.
8A dám tebe i tvojmu semenu po tebe zem tvojho pohostínstva, celú zem Kanaánovu za večné državie, a budem im Bohom.
9At sinabi pa ng Dios kay Abraham, At tungkol sa iyo, iingatan mo ang aking tipan, iingatan mo at ng iyong binhi pagkamatay mo, sa buong kalahian nila.
9A potom riekol Bôh Abrahámovi: A ty budeš zachovávať moju smluvu, ty i tvoje semeno po tebe, po svojich pokoleniach.
10Ito ang aking tipan na inyong iingatan sa akin at sa inyo, at ng iyong binhi, pagkamatay mo; tutuliin ang bawa't lalake sa inyo.
10Toto je moja smluva, ktorú budete zachovávať, medzi mnou a medzi sebou a medzi tvojím semenom po tebe: Obrezať sa vám má každý mužského pohlavia.
11At kayo'y tutuliin sa laman ng inyong balat ng masama; at ito ang magiging tanda ng aking tipan sa inyo.
11Obrežete telo svojej neobrezanosti, a to bude znamením smluvy medzi mnou a medzi vami.
12At ang may walong araw ay tutuliin sa inyo, ang bawa't lalake sa buong kalahian ninyo; ang ipinanganak sa bahay, o ang binili ng salapi sa sinomang taga ibang lupa na hindi sa iyong lahi.
12A keď mu bude osem dní, bude vám obrezaný každý mužského pohlavia po všetkých vašich pokoleniach ako narodený doma, tak i kúpený za striebro od ktoréhokoľvek cudzozemca, ktorý nie je z tvojho semena;
13Ang ipinanganak sa bahay at ang binili ng iyong salapi, ay dapat tuliin: at ang aking tipan ay sasa iyong laman na pinakatipang walang hanggan.
13istotne bude obrezaný jako narodený v tvojom dome, tak i kúpený za striebro, a moja smluva na vašom tele bude večnou smluvou.
14At ang lalaking hindi tuli, na hindi tinuli ang laman ng kaniyang balat ng masama, ang taong yaon ay mahihiwalay sa kaniyang bayan; sinira niya ang aking tipan.
14Ale neobrezaný mužského pohlavia, ktorý by neobrezal tela svojej neobrezanosti, tá duša bude vyťatá zo svojho ľudu, zrušil moju smluvu.
15At sinabi ng Dios kay Abraham, Tungkol kay Sarai na iyong asawa, ay huwag mo nang tatawagin ang kaniyang pangalang Sarai, kundi Sara ang magiging kaniyang pangalan.
15A ešte riekol Bôh Abrahámovi: Čo sa týka Sáraje, tvojej ženy, nebudeš viacej nazývať jej meno: Sáraj, lebo jej meno je Sára.
16At akin siyang pagpapalain, at saka sa kaniya'y bibigyan kita ng anak: oo, siya'y aking pagpapalain, at magiging ina ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kaniya.
16A požehnám ju a tiež ti dám z nej samej syna, a požehnám ju, a bude rozmnožená v národy; kráľovia národov povstanú z nej.
17Nang magkagayo'y nagpatirapa si Abraham, at nagtawa, at nasabi sa kaniyang sarili, Magkakaanak kaya siya na may isang daang taon na? at manganak pa kaya si Sara na may siyam na pung taon na?
17Vtedy padol Abrahám na svoju tvár a smial sa a povedal vo svojom srdci: Či azda storočnému sa narodí dieťa? A či Sára, ktorá má deväťdesiat rokov, porodí?
18At sinabi ni Abraham sa Dios, Kahimanawari, si Ismael ay mabuhay sa harapan mo!
18A Abrahám povedal Bohu: Ó, keby len Izmael žil pred tebou!
19At sinabi ng Dios, Hindi, kundi ang iyong asawang si Sara ay magkakaanak sa iyo; at tatawagin mo ang kaniyang ngalang Isaac; at aking pagtitibayin ang aking tipan sa kaniya ng pinakatipang walang hanggan, sa kaniyang lahi pagkamatay niya.
19A Bôh riekol: Áno, Sára, tvoja žena, ti porodí syna, a nazveš jeho meno Izák. A postavím svoju smluvu s ním za večnú smluvu, a tak i jeho semeno po ňom.
20At tungkol kay Ismael, ay dininig din kita. Narito't aking pinagpala siya, at siya'y aking papagaanakin ng marami, at siya'y aking pararamihin ng di kawasa; labing dalawang prinsipe ang kaniyang magiging anak, at siya'y gagawin kong malaking bansa.
20Aj o Izmaela som Ťa vyslyšal. Hľa, požehnám a rozplodím ho a rozmnožím ho prenáramne. Dvanástoro kniežat splodí, a učiním ho veľkým národom.
21Nguni't ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw, sa taong darating.
21Ale svoju smluvu postavím s Izákom, ktorého ti porodí Sára o tomto čase budúceho roku.
22At nang matapos na makipagusap sa kaniya, ay napaitaas ang Dios mula sa piling ni Abraham.
22A keď dohovoril s ním, vystúpil Bôh od Abraháma hore do neba.
23At ipinagsama ni Abraham si Ismael, na kaniyang anak, at ang lahat na ipinanganak sa kaniyang bahay, at ang lahat ng binili niya ng kaniyang salapi, ang lahat ng lalake sa mga lalaking kasangbahay ni Abraham, at tinuli ang laman ng kanilang balat ng masama ng araw ding yaon, ayon sa sinabi ng Dios sa kaniya.
23A Abrahám vzal Izmaela, svojho syna, i všetkých, ktorí sa narodili v jeho dome, jako i všetkých tých, ktorých bol nadobudol za svoje striebro, všetkých mužského pohlavia medzi mužmi domu Abrahámovho, a obrezal telo ich neobriezky hneď toho istého dňa, tak ako s ním o tom hovoril Bôh.
24At si Abraham ay may siyam na pu't siyam na taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama.
24A Abrahámovi bolo deväťdesiatdeväť rokov, keď si obrezal telo svojej neobriezky.
25At si Ismael ay may labing tatlong taon, nang tuliin ang laman ng kaniyang balat ng masama.
25A Izmaelovi, jeho synovi, bolo trinásť rokov, keď si obrezal telo svojej neobriezky.
26Nang araw ding yaon tinuli si Abraham, at si Ismael na kaniyang anak.
26Hneď toho istého dňa bol obrezaný Abrahám aj Izmael, jeho syn.
27At lahat ng lalaking kasangbahay niya, maging ang mga ipinanganak sa bahay, at ang mga binili ng salapi sa taga ibang lupain, ay pinagtuling kasama niya.
27A tak i všetci mužovia jeho domu, jako narodení v dome, tak i nadobudnutý za striebro od cudzozemca, boli obrezaní razom s ním.