1Nang magkagayo'y nagpatuloy si Jacob ng kaniyang paglalakbay, at napasa lupain ng mga anak ng silanganan.
1Potom sa zobral Jakob a išiel do zeme synov Východu.
2At siya'y tumingin, at nakakita ng isang balon sa parang, at narito, may tatlong kawan ng mga tupa na nagpapahinga sa tabi roon: sapagka't sa balong yaon pinaiinom ang mga kawan: at ang batong nasa ibabaw ng labi ng balon ay malaki.
2A keď pozrel, tu hľa videl studňu na poli. A hľa, boly tam tri stáda oviec, ktoré ležaly pri nej, lebo z tej studne napájali stáda, a kameň na vrchu studne bol veľký.
3At doon nagkakatipon ang lahat ng kawan: at kanilang iginugulong ang batong nasa ibabaw ng labi ng balon, at pinaiinom ang mga tupa, at muling inilalagay ang bato sa ibabaw ng labi ng balon, sa dako niyaon.
3A shromažďovávaly sa ta všetky stáda, a len potom odvaľovávali kameň s vrchu studne, a napojili stádo a zase privalili kameň na vrch studne, na jeho miesto.
4At sinabi sa kanila ni Jacob, Mga kapatid ko, taga saan kayo? At kanilang sinabi, Taga Haran kami.
4A Jakob sa ich opýtal: Moji bratia, odkiaľ ste? A povedali: Sme z Chárana.
5At sinabi niya sa kanila, Nakikilala ba ninyo si Laban na anak ni Nachor? At kanilang sinabi, Nakikilala namin siya.
5Vtedy im povedal: Či znáte Lábana, syna Náchorovho? A povedali: Známe.
6At sinabi niya sa kanila, Siya ba'y mabuti? At, kanilang sinabi, Siya'y mabuti: at, narito, si Raquel na kaniyang anak ay dumarating na dala ang mga tupa.
6A zase im povedal: Či sa má dobre? A oni odpovedali: Dobre, a hľa, tamto ide Rácheľ, jeho dcéra, so stádom.
7At sinabi niya, Narito, maaga pa, ni hindi oras tipunin ang mga hayop: painumin ninyo ang mga tupa, at inyo silang pasabsabin.
7Vtedy im povedal: Však ešte je ďaleko do večera, ešte nie je čas, aby sa sháňal dobytok; napojte ovce a iďte, paste.
8At kanilang sinabi, Hindi namin magagawa hanggang sa magkatipon ang lahat ng kawan, at igugulong ang bato mula sa labi ng balon; gayon nga aming pinaiinom ang mga tupa.
8Ale oni povedali: Nemôžeme, dokiaľ sa nesoženú všetky stáda; len vtedy odvalia kameň so studne, a napojíme ovce.
9Samantalang nakikipagusap pa siya sa kanila, ay dumating si Raquel na dala ang mga tupa ng kaniyang ama; sapagka't siya ang nagaalaga ng mga iyon.
9A kým ešte hovoril s nimi, prišla Rácheľ so stádom oviec a kôz, ktoré patrily jej otcovi lebo bola pastierkou.
10At nangyari, nang makita ni Jacob si Raquel na anak ni Laban, na kapatid ng kaniyang ina, at ang mga tupa ni Laban na kapatid ng kaniyang ina, na lumapit si Jacob at iginulong ang bato mula sa labi ng balon, at pinainom ang kawan ni Laban, na kapatid ng kaniyang ina.
10A stalo sa, keď videl Jakob Rácheľ, dcéru Lábana, brata svojej matky, a stádo Lábana, brata svojej matky, že pristúpil Jakob a odvalil kameň s otvoru studne a napojil stádo Lábana, brata svojej matky.
11At hinagkan ni Jacob si Raquel; at humiyaw ng malakas at umiyak.
11A Jakob bozkal Rácheľ a povýšil svoj hlas a plakal.
12At kay Raquel ay sinaysay ni Jacob na siya'y kapatid ni Laban, na kaniyang ama, at anak siya ni Rebeca: at siya'y tumakbo at isinaysay sa kaniyang ama.
12A Jakob oznámil Rácheli, že je bratom jej otca a že je synom Rebeky a ona bežala a oznámila to svojmu otcovi.
13At nangyari, nang marinig ni Laban ang mga balita tungkol kay Jacob, na anak ng kaniyang kapatid, ay tumakbo siya na kaniyang sinalubong, at kaniyang niyakap at kaniyang hinagkan, at kaniyang dinala sa kaniyang bahay. At isinaysay ni Jacob kay Laban ang lahat ng mga bagay na ito.
13A stalo sa, keď počul Lában zvesť o Jakobovi, synovi svojej sestry, že vyšiel a bežal mu oproti a objímuc ho bozkal ho a doviedol ho do svojho domu, a on porozprával Lábanovi všetko to, čo sa stalo.
14At sinabi sa kaniya ni Laban, Tunay na ikaw ay aking buto at aking laman. At dumoon sa kaniyang isang buwan.
14A Lában mu povedal: Tak je, si moja kosť a moje telo. A býval u neho jeden mesiac.
15At sinabi ni Laban kay Jacob, Sapagka't ikaw ay aking kapatid ay nararapat ka bang maglingkod sa akin ng walang bayad? sabihin mo sa akin kung ano ang magiging kaupahan mo.
15Potom povedal Lában Jakobovi: Či preto, že si môj brat, budeš mi darmo slúžiť? Povedz mi, čo bude tvoja mzda?
16At may dalawang anak na babae si Laban: ang pangalan ng panganay ay Lea, at ang pangalan ng bunso ay Raquel.
16A Lában mal dve dcéry, meno staršej bolo Lea, a meno mladšej bolo Rácheľ.
17At ang mga mata ni Lea ay mapupungay; datapuwa't si Raquel ay maganda at kahalihalina.
17Ale Lea mala chúlostivé oči, a Rácheľ bola peknej postavy a krásnej tvári.
18At sininta ni Jacob si Raquel; at kaniyang sinabi, Paglilingkuran kitang pitong taon dahil kay Raquel na iyong anak na bunso.
18A Jakob si zamiloval Rácheľ a povedal: Budem ti slúžiť sedem rokov za Rácheľ, tvoju mladšiu dcéru.
19At sinabi ni Laban, Magaling ang ibigay ko siya sa iyo, kay sa ibigay ko sa iba: matira ka sa akin.
19A Lában odpovedal: Lepšie je, aby som ju dal tebe, než ako by som ju mal dať inému mužovi. Bývaj u mňa.
20At naglingkod si Jacob dahil kay Raquel, na pitong taon; at sa kaniya'y naging parang ilang araw, dahil sa pagibig na taglay niya sa kaniya.
20A tak slúžil Jakob za Rácheľ sedem rokov, a bolo to v jeho očiach ako niekoľko dní, keďže ju mal rád.
21At sinabi ni Jacob kay Laban, Ibigay mo sa akin ang aking asawa, sapagka't naganap na ang aking mga araw upang ako'y sumiping sa kaniya.
21Potom povedal Jakob Lábanovi: Daj mi moju ženu, lebo sa vyplnily moje dni, aby som vošiel k nej.
22At pinisan ni Laban ang lahat ng tao roon at siya'y gumawa ng isang piging.
22Vtedy shromaždil Lában všetkých mužov toho miesta a urobil hostinu.
23At nangyari nang kinagabihan, na kaniyang kinuha si Lea na kaniyang anak at dinala niya kay Jacob, at siya'y sumiping sa kaniya.
23Ale večer stalo sa, že pojal Leu, svoju dcéru, a voviedol ju k nemu, a vošiel k nej
24At sa kaniyang anak na kay Lea ay ibinigay na pinaka alilang babae ang kaniyang alilang si Zilpa.
24A Lában jej dal Zilfu, svoju dievku, Lei, svojej dcére, za dievku.
25At nangyari, na sa kinaumagahan, narito't si Lea: at kaniyang sinabi kay Laban: Ano itong ginawa mo sa akin? Hindi ba kita pinaglingkuran dahil kay Raquel? Bakit mo nga ako dinaya?
25A keď bolo ráno, hľa, bola to Lea. A povedal Lábanovi: Čo si mi to urobil? Či som neslúžil u teba za Rácheľ? Prečo si ma tedy oklamal?
26At sinabi ni Laban, Hindi ginagawa ang ganyan dito sa aming dako, na ibinibigay ang bunso, bago ang panganay.
26A Lában povedal: Tu u nás sa nerobí tak, aby sa mladšia vydala prv ako staršia, prvorodená.
27Tapusin mo ang kaniyang sanglingo, at ibibigay rin naman namin sa iyo ang isa, dahil sa paglilingkod na gagawin mong pitong taon pa, sa akin.
27Vyplň týždeň tejto, a potom ti dáme i túto za službu, ktorú budeš slúžiť u mňa, ešte druhých sedem rokov.
28At gayon ang ginawa ni Jacob, at tinapos niya ang sanglingo nito, at ibinigay ni Laban sa kaniya si Raquel na kaniyang anak na maging asawa niya.
28A Jakob urobil tak a vyplnil jej týždeň, a tak mu dal Rácheľ, svoju dcéru, jemu za ženu.
29At sa kaniyang anak na kay Raquel ay ibinigay ni Laban na pinaka alilang babae ang kaniyang alilang si Bilha.
29A Lában dal Rácheli, svojej dcére, Bilhu, svoju dievku, jej za dievku.
30At sumiping din naman si Jacob kay Raquel, at kaniya namang inibig si Raquel ng higit kay Lea, at naglingkod siya kay Laban na pitong taon pa.
30A vošiel i k Rácheli a miloval i Rácheľ, viac ako Leu, a slúžil u neho ešte druhých sedem rokov.
31At nakita ng Panginoon na si Lea ay kinapopootan niya, at binuksan ang kaniyang bahay-bata; datapuwa't si Raquel ay baog.
31A keď videl Hospodin, že je Lea nenávidená, otvoril jej život a Rácheľ zostala neplodnou.
32At naglihi si Lea, at nanganak ng isang lalake, at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Ruben; sapagka't kaniyang sinabi, Sapagka't nilingap ng Panginoon ang aking kapighatian; dahil sa ngayo'y mamahalin ako ng aking asawa.
32A Lea počala a porodila syna a nazvala jeho nemo Rúben, lebo povedala: Hospodin istotne videl moje trápenie, lebo teraz ma už bude milovať môj muž.
33At naglihi uli, at nanganak ng isang lalake; at nagsabi, Sapagka't narinig ng Panginoon na ako'y kinapopootan ay ibinigay rin naman sa akin ito: at pinanganlan niyang Simeon.
33A opät počala a porodila syna a povedala: Hospodin istotne počul, že som nenávidená, a dal mi aj tohoto, preto nazvala jeho meno Šimon.
34At naglihi uli at nanganak ng isang lalake; at nagsabi, Ngayo'y masasama na sa akin ang aking asawa, sapagka't nagkaanak ako sa kaniya ng tatlong lalake: kaya't pinanganlan niyang Levi.
34A ešte počala a porodila syna a povedala: Teraz už, tento raz priľne môj muž ku mne, lebo som mu porodila troch synov a preto nazvali jeho meno Lévi.
35At muling naglihi at nanganak ng isang lalake, at nagsabi, Ngayo'y aking pupurihin ang Panginoon: kaya't pinanganlang Juda; at hindi na nanganak.
35A ešte počala a porodila syna a povedala: Tento raz budem chváliť Hospodina, preto nazvala jeho meno Júda. A prestala rodiť.