Tagalog 1905

Slovakian

Habakkuk

3

1Panalangin ni Habacuc na propeta, itinugma sa Sigionoth.
1Modlitba proroka Habakuka na šigjonót.
2Oh Panginoon, aking narinig ang kagitingan mo, at ako'y natatakot: Oh Panginoon, buhayin mo ang iyong gawa sa gitna ng mga taon; Sa gitna ng mga taon ay iyong ipabatid; Sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan.
2Hospodine, počul som tvoju povesť, bojím sa, Hospodine, tvoje dielo, oživ ho prostred rokov! Prostred rokov ho oznámiš! V zúrivom hneve budeš pamätať zľutovať sa!
3Ang Dios ay nanggaling mula sa Tema, At ang Banal ay mula sa bundok ng Paran. (Selah) Ang kaniyang kaluwalhatia'y tumakip sa langit. At ang lupa'y napuno ng kaniyang kapurihan.
3Keď išiel Bôh a blížil sa od Témana a Svätý od vrchu Fárana, sélah, jeho sláva pokryla nebesia, a zem bola plná jeho chvály.
4At ang kaniyang ningning ay parang liwanag; Siya'y may mga sinag na nagbubuhat sa kaniyang kamay; At doo'y nakukubli ang kaniyang kapangyarihan.
4A blesk bol ako svetlo, papršleky mu vychádzaly z jeho ruky, a tam bol úkryt jeho sily.
5Sa unahan niya'y nagpapauna ang salot, At nagniningas na baga ang lumalabas sa kaniyang mga paa.
5Pred jeho tvárou išiel mor, a v jeho zápätí vychádzal páľčivý neduh.
6Siya'y tumayo, at sinukat ang lupa; Siya'y tumingin, at pinaghiwalay ang mga bansa; At ang mga walang hanggang bundok ay nangalat; Ang mga burol na walang hanggan ay nagsiyukod; Ang kaniyang mga lakad ay gaya noong araw.
6Postál a zaklátil zemou, videl a zatriasal národami, a rozpadávaly sa večné vrchy, sklonily sa brehy večnosti; má večné cesty.
7Nakita ko ang mga tolda sa Cushan sa pagdadalamhati; Ang mga tabing ng lupain ng Madian ay nanginig.
7Pod trápením som videl stány Kúšana, triasly sa koberce zeme Madiana.
8Kinasasamaan baga ng loob ng Panginoon ang mga ilog? Ang iyo bagang galit ay laban sa mga ilog, O ang iyo bagang poot ay laban sa dagat, Na ikaw ay sumakay sa iyong mga kabayo, Sa iyong mga karo ng kaligasan?
8Či na rieky, ó, Hospodine, či azda na rieky bude horieť tvoj hnev, či tvoja prchlivosť proti moru? keď jazdíš na svojich koňoch, vezieš sa na svojich vozoch spasenia?
9Ang iyong busog ay nahubarang lubos; Ang mga panunumpa sa mga lipi ay tunay na salita. (Selah) Iyong pinuwangan ng mga ilog ang lupa.
9Obnažiť obnažené je tvoje lučište, splniť prísahy pokolení, dané slovo, sélah. Riekami si rozdelil zem.
10Ang mga bundok ay nangakakita sa iyo, at nangatakot; Ang unos ng tubig ay dumaan: Inilakas ng kalaliman ang kaniyang tinig, At itinaas ang kaniyang mga kamay sa itaas.
10Videly ťa, svíjaly sa vrchy; lejak prešiel ako povodeň; priepasť vydala svoj hlas, do výše pozdvihla svojej ruky.
11Ang araw at buwan ay tumigil sa kanilang tahanan, Sa liwanag ng iyong mga pana habang sila'y nagsisiyaon, Sa kislap ng iyong makinang na sibat.
11Slnce i mesiac zastály utiahnuc sa do svojho obydlia, na svetlo svojich šípov ta pošly, na jas blesku tvojej kopije.
12Ikaw ay lumakad sa mga lupain sa pagkagalit; Iyong giniik ang mga bansa sa galit.
12V zúrivom hneve si kráčal po zemi, v hneve si mlátil národy.
13Ikaw ay lumabas sa ikaliligtas ng iyong bayan, Sa ikaliligtas ng iyong pinahiran ng langis; Iyong sinugatan ang pangulo ng bahay ng masama, Na inililitaw ang patibayan hanggang sa leeg. (Selah)
13Vyšiel si na záchranu svojho ľudu, na záchranu svojho pomazaného; srazil si hlavu z domu bezbožníka obnažiac všetko od základu až po hrdlo. Sélah.
14Iyong mga pinalagpasan ng kaniyang sariling mga sibat ang ulo ng kaniyang mga mangdidigma: Sila'y nagsiparitong parang ipoipo upang pangalatin ako; Ang kanilang kagalakan ay sakmaling lihim ang dukha.
14Jeho vlastnými palicami si prebodol hlavu jeho bojovníkov, dohrmeli jako víchrica, aby ma rozptýlili; plesali, jako keby boli išli zožrať chudobného v kryte.
15Ikaw ay nagdaan sa dagat sa iyong mga kabayo. Sa bunton ng makapangyarihang tubig.
15Šliapal si svojimi koňmi po mori, po hromade mnohých vôd.
16Aking narinig, at ang aking katawan ay nanginginig, Ang aking mga labi ay nangatal sa tinig; kabuluka'y pumapasok sa aking mga buto, at ako'y nanginginig sa aking dako; Sapagka't ako'y kailangang magtiis sa kaarawan ng kabagabagan, Sa pagsampa ng bayan na lumulusob sa atin.
16Počul som, a zatriaslo sa moje lono, na ten hlas sa chvely moje rty; hniloba vošla do mojich kostí, a triasol som sa na mieste, kde som stál, že sa mám upokojiť na deň súženia, na deň, keď prijde hore proti ľudu ten, ktorý ho bude hubiť.
17Sapagka't bagama't ang puno ng igos ay hindi namumulaklak, Ni magkakaroon man ng bunga sa mga puno ng ubas; Ang bunga ng olibo ay maglilikat. At ang mga bukid ay hindi magbibigay ng pagkain; Ang kawan ay mahihiwalay sa kulungan, At hindi na magkakaroon ng bakahan sa mga silungan:
17Keby hneď aj nekvitol fík, a nebolo by úrody na viničoch; keby sklamalo dielo olivy, a polia by nedorobily potravy; keby drobné stádo bolo odrezané od košiara, a nebolo by hoväda v stájach,
18Gayon ma'y magagalak ako sa Panginoon, Ako'y magagalak sa Dios ng aking kaligtasan.
18ja sa jednako budem veseliť v Hospodinovi, budem plesať v Bohu svojho spasenia.
19Si Jehova, na Panginoon, siyang aking lakas; At ginagawa niya ang aking mga paa na gaya ng sa mga usa. At ako'y palalakarin niya sa aking mga mataas na dako. Sa Pangulong Manunugtog, sa aking mga panugtog na kawad.
19Hospodin, Pán je mojou silou a robí moje nohy jako nohy jeleníc a dáva mi kráčať po mojich výšinách. - Náčelníkovi speváckeho sboru na moje neginóty.