Tagalog 1905

Slovakian

Jeremiah

40

1Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, pagkatapos na mapayaon siya mula sa Rama ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay, nang dalhin siya na siya'y natatanikalaan sa gitna ng lahat na bihag sa Jerusalem at sa Juda, na nadalang bihag sa Babilonia.
1Slovo, ktoré sa stalo od Hospodina k Jeremiášovi, keď ho bol prepustil Nebuzaradán, veliteľ kráľovskej stráže, z Rámy, keď ho bol vzal, keď ešte bol sviazaný reťazami medzi všetkými prestehovanými Jeruzalema a Júdu, ktorých stehovali zajatých do Babylona.
2At kinuha si Jeremias ng kapitan ng bantay, at nagsabi sa kaniya, Ang Panginoon mong Dios ay nagbadya ng kasamaang ito sa dakong ito;
2Vtedy vzal veliteľ kráľovskej stráže Jeremiáša a povedal mu: Hospodin, tvoj Bôh, hovoril toto zlé proti tomuto mestu
3At pinapangyari, at ginawa ng Panginoon ayon sa kaniyang sinalita: sapagka't kayo'y nangagkasala laban sa Panginoon, at hindi nagsitalima ng kaniyang tinig, kaya't ang bagay na ito ay dumating sa inyo.
3a Hospodin to uviedol a učinil tak, ako hovoril. Lebo ste hrešili proti Hospodinovi a nepočúvali ste na jeho hlas, a preto sa vám stala táto vec.
4At ngayon, narito, aking kinakalagan ka sa araw na ito ng mga tanikala na nangasa iyong kamay. Kung inaakala mong mabuti na sumama sa akin sa Babilonia, halina, at lilingapin kitang mabuti; nguni't kung inaakala mong masama na sumama sa akin sa Babilonia, tanggihan mo; narito, ang buong lupain ay nasa harap mo, kung saan inaakala mong mabuti at marapat sa iyo na pumaroon, doon ka pumaroon.
4A tak teraz hľa, rozväzujem ťa dnes a prepúšťam z reťazí, ktoré sú na tvojich rukách; ak sa ti ľúbi prijsť so mnou do Babylona, prijdi, a obrátim svoje oko na teba; a jestli sa ti neľúbi prijsť so mnou do Babylona, nechaj tak. Vidz, celá zem je pred tebou; kde sa ti vidí za dobré a kde za slušné ísť, iď ta.
5Samantala ngang hindi pa siya bumabalik. Bumalik ka nga, sabi niya, kay Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan, na ginawang tagapamahala ng hari sa Babilonia sa mga bayan ng Juda, at tumahang kasama niya sa gitna ng bayan, o pumaroon ka kung saan mo inaakalang mabuting pumaroon. Sa gayo'y binigyan siya ng kapitan ng bantay ng pagkain at kaloob, at pinayaon siya.
5A keď sa ešte na to nebol nikam obrátil, riekol mu: Tak sa obráť ku Gedaliášovi, synovi Achikáma, syna Šafánovho, ktorého ustanovil babylonský kráľ nad mestami Júdovými, a bývaj s ním medzi ľudom, alebo už kamkoľvek sa ti vidí za dobré ísť, idi. A veliteľ kráľovskej stráže mu dal potravy na cestu a dar a prepustil ho.
6Nang magkagayo'y naparoon si Jeremias kay Gedalias na anak ni Ahicam sa Mizpa, at tumahang kasama niya sa gitna ng bayan na naiwan sa lupain.
6A tak prišiel Jeremiáš ku Gedaliášovi, synovi Achikámovmu, do Micpy a býval s ním medzi ľudom, ktorý pozostal v zemi.
7Nang mabalitaan nga ng lahat ng kapitan sa mga kawal na nangasa mga parang, sa makatuwid baga'y nila, at ng kanilang mga lalake na ginawang tagapamahala ng hari sa Babilonia si Gedalias na anak ni Ahicam sa lupain, at ipinagbilin sa kaniya ang mga lalake, at ang mga babae, at ang mga bata, at ang mga pinakadukha sa lupain, yaong hindi nangadalang bihag sa Babilonia;
7A keď počuli všetci velitelia vojsk, ktorí sa boli ukryli na poli, aj ich mužovia, že babylonský kráľ ustanovil Gedaliáša, syna Achikámovho, nad zemou a že dal pod jeho správu mužov, ženy a deti a z chudobného ľudu zeme, z tých, ktorí neboli prestehovaní do Babylona,
8Nagsiparoon nga sila kay Gedalias sa Mizpa, sa makatuwid baga'y si Ismael na anak ni Nethanias at si Johanan at si Jonathan na mga anak ni Carea, at si Seraias na anak ni Tanhumeth, at ang mga anak ni Ephi na Netophatita, at si Jezanias na anak ng Maachatita, sila, at ang kanilang mga lalake.
8prišli ku Gedaliášovi do Micpy, a to Izmael, syn Netaniášov, a Jochanán a Jonatán, synovia Kareachovi, a Seraiáš, syn Tanchumetov, a synovia Efaja Netofatského, a Jezaniáš, syn Maachatského, oni aj ich mužovia.
9At si Gedalias na anak ni Ahicam na anak ni Saphan, ay sumumpa sa kanila at sa kanilang mga lalake, na sinasabi, Huwag kayong mangatakot na magsipaglingkod sa mga Caldeo; kayo'y magsitahan sa lupain, at magsipaglingkod sa hari sa Babilonia, at ikabubuti ninyo.
9A Gedaliáš, syn Achikáma, syna Šafánovho, im prisahal aj ich mužom a povedal: Nebojte sa slúžiť Chaldejom, bývajte v zemi a slúžte babylonskému kráľovi, a bude vám dobre.
10Tungkol sa akin, narito, ako'y tatahan sa Mizpa, upang tumayo sa harap ng mga Caldeo, na paririto sa atin: nguni't kayo, mangagpisan kayo ng alak at ng mga bunga sa taginit at ng langis, at inyong ilagay sa inyong mga sisidlan, at kayo'y magsitahan sa inyong mga bayan na inyong sinakop.
10A ja, hľa, bývam v Micpe, aby som stál pred Chaldejmi, ktorí kedy prijdú k nám, a vy spratávajte víno, letné ovocie a olej a dávajte do svojich nádob a bývajte vo svojich mestách, ktoré ste zaujali.
11Gayon din nang mabalitaan ng lahat ng Judio na nangasa Moab, at sa gitna ng mga anak ni Ammon, at sa Edom, at ng nangasa lahat ng lupain, na ang hari sa Babilonia ay nagiwan ng labi sa Juda, at inilagay niya sa kanila si Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan:
11A počuli aj všetci Židia, ktorí boli v Moábsku a medzi synmi Ammonovými a v Edomsku a ktorí boli vo všetkých tých krajinách, že babylonský kráľ dal Júdovi zbytok a že ustanovil nad nimi Gedaliáša, syna Achikáma, syna Šafánovho.
12Lahat ng Judio nga ay nagsibalik na mula sa lahat ng dakong kinatabuyan sa kanila, at naparoon sa lupain ng Juda kay Gedalias, sa Mizpa, at nagpisan ng alak at ng mga bunga sa taginit na totoong marami.
12A tak sa navrátili všetci tí Židia zo všetkých miest, kde boli zahnaní, a prišli do zeme Júdovej ku Gedaliášovi do Micpy a naspratávali vína a letného ovocia veľmi mnoho.
13Bukod dito'y si Johanan na anak ni Carea, at lahat na kapitan ng mga kawal na nangasa mga parang, ay nagsiparoon kay Gedalias sa Mizpa,
13Ale Jochanán, syn Kareachov a všetci velitelia vojsk, ktorí boli na poli, prišli ku Gedaliášovi do Micpy,
14At nangagsabi sa kaniya, Nalalaman mo baga na sinugo ni Baalis na hari ng mga anak ni Ammon si Ismael na anak ni Nethanias upang kunin ang iyong buhay? Nguni't si Gedalias na anak ni Ahicam ay hindi naniwala.
14a povedali mu: Či vieš naozaj, že Baalis, kráľ synov Ammonových, poslal Izmaela, syn Netaniášovho, aby ťa zabil? Ale Gedaliáš, syn Achikámov, im neveril.
15Nang magkagayo'y si Johanan na anak ni Carea ay nagsalita ng lihim kay Gedalias sa Mizpa, na sinabi, Isinasamo ko sa iyo, na payaunin mo ako, at aking papatayin si Ismael na anak ni Nethanias, at walang lalaking makakaalam: bakit niya kikitilin ang iyong buhay, upang ang lahat na Judio na napipisan sa iyo ay mangalat, at malipol ang nalabi sa Juda?
15A Jochanán, syn Kareachov, povedal Gedaliášovi tajne v Micpe: Dovoľ, aby som odišiel, a zabil Izmaela, syna Netaniášovho, a nezvie nikto o tom. Načo ťa má zabiť, a načo majú byť rozptýlení všetci Židia, ktorí sa shromaždili k tebe, aby tak zahynul zbytok Júdov?
16Nguni't sinabi ni Gedalias na anak ni Ahicam kay Johanan na anak ni Carea, Huwag mong gagawin ang bagay na ito; sapagka't ikaw ay nagsasalita ng kasinungalingan tungkol kay Israel.
16Ale Gedaliáš, syn Achikámov, povedal Jochanánovi, synovi Kareachovmu: Neurob tej veci, lebo hovoríš nepravdu proti Izmaelovi.