1At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Hanggang kailan pananangisan mo si Saul yamang aking itinakuwil siya na maging hari sa Israel? Punuin mo ng langis ang iyong sungay, at ikaw ay yumaon, susuguin kita kay Isai na Bethlehemita: sapagka't ako'y naglaan sa kaniyang mga anak ng isang hari.
1In GOSPOD reče Samuelu: Doklej boš žaloval nad Savlom, ker sem ga jaz zavrgel, da ne bo kralj Izraelu? Napolni rog svoj z oljem in pojdi, pošljem te k Jeseju Betlehemskemu; zakaj med njegovimi sinovi sem si ugledal kralja.
2At sinabi ni Samuel, Paanong ako'y paroroon? Kung mabalitaan ni Saul, ay kaniyang papatayin ako. At sinabi ng Panginoon, Magdala ka ng isang dumalagang baka, at iyong sabihin, Ako'y naparito upang maghain sa Panginoon.
2Samuel pa reče: Kako naj grem? Ako zve Savel, me umori. GOSPOD veli: Vzemi junico s seboj in reci: Prišel sem darovat GOSPODU!
3At tawagin mo si Isai sa paghahain at aking ituturo sa iyo kung ano ang iyong gagawin; at iyong papahiran sa akin yaong sa iyo'y aking sabihin.
3In povabi Jeseja k daritvi, in pokažem ti, kaj naj storiš; in pomazili mi njega, za katerega ti bom velel.
4At ginawa ni Samuel ang sinalita ng Panginoon at naparoon sa Bethlehem. At ang mga matanda sa bayan ay naparoon upang salubungin siya na nagsisipanginig, at nagsabi, Naparirito ka bang may kapayapaan?
4Samuel torej stori, kar je rekel GOSPOD, in pride v Betlehem. In mestni starejšine mu pridejo s trepetom naproti in reko: Je li tvoj prihod miren?
5At kaniyang sinabi, May kapayapaan: ako'y naparito upang maghain sa Panginoon: magpakabanal kayo at sumama kayo sa akin sa paghahain. At pinapagbanal niya si Isai at ang kaniyang mga anak, at tinawag niya sila sa paghahain.
5On odgovori: Miren; prišel sem darovat GOSPODU. Posvetite se in pridite z menoj k daritvi. In posvetil je Jeseja in sinove njegove ter jih povabil k daritvi.
6At nangyari, nang sila'y dumating na siya'y tumingin kay Eliab, at nagsabi, Tunay na ang pinahiran ng Panginoon ay nasa harap niya.
6In ko pridejo noter, pogleda Eliaba in reče: Gotovo je maziljenec GOSPODOV pred Njim.
7Nguni't sinabi ng Panginoon kay Samuel, Huwag mong tingnan ang kaniyang mukha, o ang taas ng kaniyang kataasan; sapagka't aking itinakuwil siya: sapagka't hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao: sapagka't ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni't ang Panginoon ay tumitingin sa puso.
7GOSPOD pa veli Samuelu: Ne glej lica njegovega, ne visokosti njegove postave, ker sem ga zavrgel: zakaj ne gledam, kar gleda človek. Človek namreč gleda, kar je pred očmi, GOSPOD pa gleda v srce.
8Nang magkagayo'y tinawag ni Isai si Abinadab, at pinaraan niya sa harap ni Samuel. At kaniyang sinabi, Kahit ito man, ay hindi pinili ng Panginoon.
8Nato pokliče Jesej Abinadaba in mu veli iti pred Samuela. In on reče: Tega tudi ni GOSPOD izvolil.
9Nang magkagayo'y pinaraan ni Isai si Samma. At kaniyang sinabi, Kahit ito man, ay hindi pinili ng Panginoon.
9In Jesej veli, naj pristopi Sama. A on reče: Tega tudi ni GOSPOD izbral.
10At pinaraan ni Isai ang pito sa kaniyang mga anak sa harap ni Samuel. At sinabi ni Samuel kay Isai, Hindi pinili ng Panginoon ang mga ito.
10Tako je velel Jesej sedmerim sinovom svojim iti pred Samuela. A Samuel reče: GOSPOD ni izvolil nobenega izmed teh.
11At sinabi ni Samuel kay Isai, Narito ba ang iyong lahat na anak? At kaniyang sinabi, Natitira pa ang bunso, at, narito, siya'y nag-aalaga sa mga tupa. At sinabi ni Samuel kay Isai, Ipasundo mo siya; sapagka't hindi tayo uupo hanggang sa siya'y dumating dito.
11Nato vpraša Samuel Jeseja: So li že dečki vsi? On odvrne: Še eden je, najmlajši, in glej, pase ovce! In Samuel veli Jeseju: Pošlji tja in ga pripelji, zakaj ne sedemo za mizo, dokler ne pride sem.
12At siya'y nagsugo, at sinundo siya roon. Siya nga'y may mapulang pisngi, may magandang bikas, at mabuting anyo. At sinabi ng Panginoon, Tumindig ka: pahiran mo siya ng langis, sapagka't ito nga.
12Pošlje torej, in ga privede noter. In bil je rdečkast in lepega obličja in zale postave. In GOSPOD veli: Vstani in ga pomazili, zakaj ta je.
13Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sungay ng langis, at pinahiran siya sa gitna ng kaniyang mga kapatid: at ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang suma kay David mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin. Gayon bumangon si Samuel at napasa Rama.
13Tedaj vzame Samuel rog z oljem in ga pomazili sredi bratov njegovih. In Duh GOSPODOV je prišel z močjo nad Davida od tega dne in poslej. In Samuel je vstal in šel v Ramo.
14Ang Espiritu nga ng Panginoon ay humiwalay kay Saul, at isang masamang espiritu na mula sa Panginoon ay bumagabag sa kaniya.
14Duh GOSPODOV pa je šel od Savla, in hud duh od GOSPODA ga je vznemirjal.
15At sinabi ng mga bataan ni Saul sa kaniya, Narito ngayon, isang masamang espiritu na mula sa Dios ay bumabagabag sa iyo.
15In Savlovi služabniki mu reko: Glej, prosim, hud duh od Boga te vznemirja.
16Iutos ngayon ng aming panginoon sa iyong mga bataan na nasa harap mo na humanap ng isang lalake na bihasang manunugtog ng alpa; at mangyayari, pagka ang masamang espiritu na mula sa Dios ay nasa iyo na siya'y tutugtog ng kaniyang kamay at ikaw ay bubuti.
16Ukaži, gospod naš, služabnikom svojim, ki so pred teboj, naj ti poiščejo moža, ki zna dobro igrati na harfo; in kadar pride nate hudi duh od Boga, bo igral mož z roko svojo, in bolje ti bode.
17At sinabi ni Saul sa kaniyang mga bataan, Ipaghanda ninyo ako ngayon ng isang lalake na makatutugtog na mabuti, at dalhin ninyo sa akin siya.
17In Savel veli služabnikom svojim: Ozrite se mi torej po možu, ki dobro zna na strune, ter mi ga pripeljite.
18Nang magkagayo'y sumagot ang isa sa mga bataan, at nagsabi, Narito, aking nakita ang isang anak ni Isai na Bethlehemita, na bihasa sa panunugtog, at makapangyarihang lalake na may tapang, at lalaking mangdidigma, at matalino sa pananalita, at makisig na lalake, at ang Panginoon ay sumasa kaniya.
18Nato odgovori eden iz mladeničev in reče: Glej, videl sem sina Jeseja Betlehemskega, ta zna dobro na strune in je hraber junak in vojščak ter pameten v govoru in lepe postave mož, in GOSPOD je ž njim.
19Kaya't nagsugo si Saul ng mga sugo kay Isai, at sinabi, Suguin mo sa akin si David na iyong anak, na nasa kawan ng mga tupa.
19Zato pošlje Savel sle k Jeseju in sporoči: Pošlji mi Davida, sina svojega, ki je pri ovcah.
20At kumuha si Isai ng isang asno na may pasang tinapay, at isang balat ng alak, at isang anak ng kambing, at ipinadala kay Saul sa pamamagitan ni David na kaniyang anak.
20Tedaj vzame Jesej osla in mu naloži kruha in meh vina in kozliča, in pošlje to Savlu po svojem sinu Davidu.
21At dumating si David kay Saul at tumayo sa harap niya: at minahal niya siyang mainam; at siya'y naging tagadala ng sandata niya.
21Tako je prišel David k Savlu, in stal je v službo pred njim, in silno se mu je priljubil in je postal njegov oproda.
22At nagpasabi si Saul kay Isai, Isinasamo ko sa iyo na bayaang tumayo si David sa harapan ko, sapagka't siya'y nakasumpong ng biyaya sa aking paningin.
22In Savel pošlje k Jeseju in sporoči: Prosim, naj ostane David pred mano, zakaj našel je milost v mojih očeh.In bilo je, kadar je tisti duh od Boga prišel nad Savla, da je David vzel harfo in udarjal z roko na strune, in Savlu se je polajšalo in mu je bilo bolje, in hudi duh je šel od njega.
23At nangyari, pagka ang masamang espiritu na mula sa Dios ay sumasa kay Saul, ay kinukuha ni David ang alpa, at tinutugtog ng kaniyang kamay: gayon nagiginhawahan si Saul, at bumubuti, at ang masamang espiritu ay nahihiwalay sa kaniya.
23In bilo je, kadar je tisti duh od Boga prišel nad Savla, da je David vzel harfo in udarjal z roko na strune, in Savlu se je polajšalo in mu je bilo bolje, in hudi duh je šel od njega.