1At sinalita ni David ang mga salita ng awit na ito sa Panginoon nang araw na iligtas ng Panginoon siya sa kamay ng lahat ng kaniyang mga kaaway, at sa kamay ni Saul.
1In David je govoril GOSPODU besede te pesmi v dan, ko ga je GOSPOD otel iz roke vseh sovražnikov njegovih in iz roke Savlove,
2At kaniyang sinabi, Ang Panginoo'y aking malaking bato at aking katibayan, at tagapagligtas sa akin, sa makatuwid baga'y akin;
2in dejal je: GOSPOD je skala moja in visok grad moj in rešitelj moj, prav moj.
3Ang Dios, ang aking malaking bato, na sa kaniya ako'y manganganlong: Aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog at ampunan sa akin; Tagapagligtas sa akin, ikaw ang nagliligtas sa akin sa karahasan.
3Bog skale moje, v njem mi bode zavetje, ščit moj in rešenja mojega rog, visoka trdnjava moja in moje pribežališče. Moj rešitelj, ti me rešuješ nasilstva!
4Ako'y tatawag sa Panginoon na karapatdapat purihin: Sa ganya'y maliligtas ako sa aking mga kaaway.
4Hvale vrednega GOSPODA bom klical in tako se rešim sovražnikov svojih.
5Sapagka't ang mga alon ng kamatayan ay kumulong sa akin; Ang mga baha ng kalikuan ay tumakot sa akin.
5Kajti valovi smrti so me zagrnili, hudourniki Belijalovi so me prestrašili.
6Ang mga panali ng Sheol ay lumibid sa akin: Ang mga silo ng kamatayan ay nagsisapit sa akin.
6Peklenske vezi [Hebr. vezi šeola.] so me opele, smrtne zanke so me zajele.
7Sa aking pagkahapis ay tumawag ako sa Panginoon; Oo, ako'y tumawag sa aking Dios: At kaniyang dininig ang aking tinig mula sa kaniyang templo, At ang aking daing ay sumapit sa kaniyang mga pakinig.
7V stiski svoji sem klical GOSPODA, da, klical sem k Bogu svojemu, in začul je glas moj iz svetišča svojega in vpitje moje je prišlo do ušes njegovih.
8Nang magkagayo'y umuga ang lupa at nayanig. Ang mga pinagtitibayan ng langit ay nangakilos. At nangauga, sapagka't siya'y nagalit.
8Tu se je zgenila in stresla zemlja, podstave nebes so se gibale in majale, ker se je srdil.
9Umilanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong, At apoy na mula sa kaniyang bibig ay nanupok: Mga baga ay nagalab sa pamamagitan niyaon.
9Dim se je valil iz nosnic njegovih, in ogenj iz ust njegovih je požiral, žerjavica je prhala od njega.
10Kaniyang pinayukod din naman ang langit at bumaba: At salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa.
10Nagnil je nebo ter stopil doli, in oblačna temota mu je bila pod nogami.
11At siya'y sumakay sa isang querubin at lumipad: Oo, siya'y nakita sa mga pakpak ng hangin.
11In sedeč na kerubu, je letel, in videti ga je bilo na vetra perotih.
12At ang kadiliman ay kaniyang ginawang mga kulandong sa palibot niya. Na nagpisan ng tubig, ng masisinsing alapaap sa langit.
12In temo si je napravil za šatore okoli sebe, grmade vodá, roje oblakov.
13Sa kaningningan sa harap niya Mga bagang apoy ay nagsipagalab.
13Od svita pred njim se je vnela žerjavica ognjena.
14Ang Panginoo'y kumulog sa langit, At ang Kataastaasan ay nagbigkas ng tinig niya.
14Na nebesih je grmel GOSPOD, in Najvišji je dal slišati svoj glas.
15At nagpahilagpos ng mga palaso, at pinangalat niya sila; Kumidlat, at nangatulig sila.
15In izstrelil je pšice ter sovražnike razkropil, strelo, in jih je zbegal.
16Nang magkagayo'y ang mga kalaliman sa dagat ay nangalitaw, Ang mga pinagtibayan ng sanglibutan ay nangakita. Dahil sa saway ng Panginoon, Sa hihip ng hinga ng kaniyang mga butas ng ilong.
16Tedaj so se prikazale struge morja, podstave zemlje so se odgrnile po svarilu GOSPODOVEM, od sape jeze njegove.
17Siya'y nagsugo mula sa itaas, kaniyang kinuha ako; kaniyang kinuha ako sa maraming tubig;
17Iz višine je posegel in me prijel, potegnil me je iz mnogih vodá.
18Kaniyang iniligtas ako sa aking malakas na kaaway, Sa nangagtatanim sa akin; sapagka't sila'y totoong malakas kay sa akin.
18Rešil me je močnega neprijatelja mojega, sovražilcev mojih, ker so mi bili premočni.
19Sila'y nagsidating sa akin sa kaarawan ng sakuna ko: Nguni't ang Panginoon ay siyang alalay sa akin.
19Naskočili so me ob dnevu nesreče moje, a GOSPOD mi je bil podpora
20Kaniyang dinala din ako sa maluwang na dako: Kaniyang iniligtas ako, sapagka't kaniyang kinalugdan ako.
20in me je izpeljal na plano, rešil me je, ker me je ljubil.
21Ginanti ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran: Ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay kaniyang ginanti ako.
21Podelil mi je GOSPOD po pravičnosti moji, po čistosti mojih rok mi je povrnil.
22Sapagka't aking iningatan ang mga daan ng Panginoon, At hindi ako humiwalay na may kasamaan sa aking Dios.
22Kajti držal sem se poti GOSPODOVIH ter se nisem zlobno odvrnil od Boga svojega.
23Sapagka't ang lahat niyang kahatulan ay nasa harap ko: At tungkol sa kaniyang mga palatuntunan ay hindi ko hiniwalayan.
23Zakaj vse sodbe njegove so bile pred mojimi očmi, in od postav njegovih nisem odstopil.
24Ako rin nama'y sakdal sa harap niya, At iningatan ko ang aking sarili mula sa kasamaan.
24In popolnoma sem mu bil vdan ter sem se varoval, da ne ravnam krivično.
25Kaya't ginanti ng Panginoon ako ayon sa aking katuwiran; Ayon sa aking kalinisan sa kaniyang paningin.
25In povrnil mi je GOSPOD po pravičnosti moji, po čistosti moji pred njegovimi očmi.
26Sa maawain ay magpapakamaawain ka; Sa sakdal ay magpapakasakdal ka;
26Milosrčnemu se izkazuješ milosrčnega, popolnoma vdanemu se izkazuješ popolnega;
27Sa dalisay ay magpapakadalisay ka; At sa mga walang payo ay magwawalang payo ka.
27kdor je čist, njemu se kažeš čistega, a popačenemu nasprotnega.
28At ang nagdadalamhating bayan ay iyong ililigtas: Nguni't ang iyong mga mata ay nasa mga mapagmataas, upang iyong papagpakumbabain.
28In ljudstvo ubogo otimlješ, proti prevzetnim pa so tvoje oči, da jih ponižaš.
29Sapagka't ikaw ang aking ilawan, Oh Panginoon: At liliwanagan ng Panginoon ang aking kadiliman.
29Kajti ti si svetilnica moja, o GOSPOD! GOSPOD razjasnjuje tmine moje.
30Sapagka't sa pamamagitan mo ay aking tatakbuhin ang pulutong: Sa pamamagitan ng aking Dios ay aking luluksuhin ang kuta.
30Kajti s teboj prodiram skozi krdelo, z Bogom svojim preskakujem zid.
31Tungkol sa Dios, ang kaniyang lakad ay sakdal; Ang salita ng Panginoon ay subok; Siya'y kalasag sa lahat ng sa kaniya'y kumakanlong.
31Tega Boga mogočnega pot je brezmadežna; govor GOSPODOV je prečiščen; ščit je vsem, ki pribegajo k njemu.
32Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang malaking bato liban sa ating Dios?
32Kajti kdo je Bog mogočni razen GOSPODA? in kdo skala razen našega Boga?
33Ang Dios ay aking matibay na katibayan: At pinapatnubayan niya ang sakdal sa kaniyang lakad.
33Bog mogočni je močna trdnjava moja in vodi v popolnosti mojo pot.
34Kaniyang ginagawa ang mga paa niya na gaya ng sa mga usa; At inilalagay niya ako sa aking matataas na dako.
34Stori noge moje enake jelenjim in me stavi na višine moje.
35Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay ng pakikidigma. Na anopa't binabaluktok ng aking mga kamay ang busog na tanso.
35Vadi za boj roke moje, da napnem z ramo svojo lok bronasti.
36Binigyan mo rin ako ng kalasag mong pangligtas: At pinadakila ako ng iyong kaamuan.
36Dal si mi tudi zveličanja svojega ščit, in ljubeznivost tvoja me je poveličala.
37Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa tinutungtungan ko, At ang aking mga paa ay hindi nadulas.
37Razširil si prostor korakom mojim pod mano, in členki mojih nog niso omagovali.
38Aking hinabol ang aking mga kaaway at akin silang pinapagpapatay; Ni hindi ako bumalik uli hanggang sa sila'y nalipol.
38Zasledoval sem sovražnike svoje in jih zatiral, in nisem se vrnil, dokler niso bili pokončani.
39At aking pinaglilipol, at aking pinagsasaktan sila, na anopa't sila'y hindi nangakabangon: Oo, sila'y nangabuwal sa paanan ko.
39Pokončal sem jih in zdrobil, da ne morejo vstati, da, padli so mi pod noge.
40Sapagka't ako'y binigkisan mo ng kalakasan sa pagbabaka: Iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin.
40Ker ti si me opasal z močjo za boj, upognil si podme nje, ki so se vzpenjali zoper mene.
41Iyo ring pinatalikod sa akin ang aking mga kaaway, Upang aking mangaihiwalay ang nangagtatanim sa akin.
41In zapodil si v beg sovražnike moje, da jih ugonobim, ki me sovražijo.
42Sila'y nagsitingin, nguni't walang mangagligtas: Sa Panginoon, nguni't hindi niya sinagot sila.
42Ozirali so se, a ni ga bilo, ki bi jih rešil – h GOSPODU, a ni jih uslišal.
43Nang magkagayo'y pinagbabayo ko sila na gaya ng alabok sa lupa; Aking pinagyurakan sila na gaya ng putik sa mga lansangan, at akin silang pinapangalat.
43Tedaj sem jih strl kakor prah zemlje, pogazil in razteptal sem jih kakor blato na ulicah.
44Iniligtas mo rin ako sa mga pakikipagtalo sa aking bayan: Iningatan mo ako na maging pangulo sa mga bansa; Ang bayan na hindi ko nakilala ay maglilingkod sa akin.
44Ti si me tudi otel iz prepirov ljudstva mojega in si me ohranil, da bodem narodom za glavo; ljudstvo, ki ga nisem poznal, mi bo služilo.
45Ang mga taga ibang lupa ay magsisisuko sa akin. Pagkarinig nila tungkol sa akin, sila'y magsisitalima sa akin.
45Tujci se mi bodo vdajali z laskanjem; komaj začujejo o meni, se mi bodo pokorili.
46Ang mga taga ibang lupa ay manganglulupaypay, At magsisilabas na nanganginginig sa kanilang mga kublihan.
46Tujci bodo koprneli in pritrepetavali iz gradov svojih.
47Ang Panginoon ay buhay; at purihin nawa ang aking malaking bato; At itanghal nawa ang Dios na malaking bato ng aking kaligtasan,
47Živ je GOSPOD; in hvaljena bodi skala moja in naj se povišuje Bog, skala rešenja mojega,
48Sa makatuwid baga'y ang Dios na ipinanghihiganti ako. At pinangangayupapa sa akin ang mga bayan,
48ta Bog mogočni, ki mi daje maščevanje in spravlja ljudstva podme
49At inilalabas ako sa aking mga kaaway: Oo, iyong pinapangingibabaw ako sa kanila na nagsisibangon laban sa akin: Inililigtas mo ako sa marahas na lalake.
49in me izpeljava izsredi sovražnikov mojih. Da, ti me povzdiguješ nadnje, ki vstajajo zoper mene, siloviteža me otimlješ.
50Kaya't pasasalamat ako sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bansa, At aawit ako ng mga pagpuri sa iyong pangalan.
50Zato te bom hvalil, o GOSPOD, med narodi in psalme prepeval imenu tvojemu.Veliko in obilo rešenje daje kralju svojemu in milost izkazuje maziljencu svojemu, Davidu, in semenu njegovemu na veke.
51Dakilang pagliligtas ang ibinibigay niya sa kaniyang hari: At nagmamagandang loob sa kaniyang pinahiran ng langis, Kay David at sa kaniyang binhi magpakailan man.
51Veliko in obilo rešenje daje kralju svojemu in milost izkazuje maziljencu svojemu, Davidu, in semenu njegovemu na veke.