1Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
1Y RESPONDIO Job, y dijo:
2Magpahanggang ngayo'y mapanghimagsik ang aking daing: ang bugbog sa akin ay lalong mabigat kaysa aking hibik.
2Hoy también hablaré con amargura; Que es más grave mi llaga que mi gemido.
3Oh mano nawang maalaman ko kung saan ko masusumpungan siya, upang ako'y dumating hanggang sa kaniyang likmuan!
3Quién me diera el saber dónde hallar á Dios! Yo iría hasta su silla.
4Aking aayusin ang aking usap sa harap niya, at pupunuin ko ang aking bibig ng mga pangangatuwiran.
4Ordenaría juicio delante de él, Y henchiría mi boca de argumentos.
5Aking malalaman ang mga salita na kaniyang isasagot sa akin, at matatalastas ko kung ano ang kaniyang sasabihin sa akin.
5Yo sabría lo que él me respondería, Y entendería lo que me dijese.
6Makikipagtalo ba siya sa akin sa kalakhan ng kaniyang kapangyarihan? Hindi; kundi pakikinggan niya ako.
6¿Pleitearía conmigo con grandeza de fuerza? No: antes él la pondría en mí.
7Doo'y makapangangatuwiran sa kaniya ang matuwid; sa gayo'y maliligtas ako magpakailan man sa aking hukom.
7Allí el justo razonaría con él: Y escaparía para siempre de mi juez.
8Narito, ako'y nagpapatuloy, nguni't wala siya; at sa dakong likuran, nguni't hindi ko siya mamataan:
8He aquí yo iré al oriente, y no lo hallaré; Y al occidente, y no lo percibiré:
9Sa kaliwa pagka siya'y gumagawa, nguni't hindi ko mamasdan siya: siya'y nagkukubli sa kanan, na hindi ko makita siya.
9Si al norte él obrare, yo no lo veré; Al mediodía se esconderá, y no lo veré.
10Nguni't nalalaman niya ang daang aking nilalakaran; pagka kaniyang nasubok ako ay lalabas akong parang ginto.
10Mas él conoció mi camino: Probaráme, y saldré como oro.
11Ang aking paa ay sumunod na lubos sa kaniyang mga hakbang. Ang kaniyang daan ay aking iningatan, at hindi ako lumiko.
11Mis pies tomaron su rastro; Guardé su camino, y no me aparté.
12Ako'y hindi humiwalay sa utos ng kaniyang mga labi; aking pinagyaman ang mga salita ng kaniyang bibig ng higit kay sa aking kailangang pagkain.
12Del mandamiento de sus labios nunca me separé; Guardé las palabras de su boca más que mi comida.
13Nguni't siya'y sa isang akala, at sinong makapagpapabalik sa kaniya? At kung ano ang ninanasa ng kaniyang kaluluwa siya nga niyang ginagawa.
13Empero si él se determina en una cosa, ¿quién lo apartará? Su alma deseó, é hizo.
14Sapagka't kaniyang isinasagawa ang itinakda sa akin: at maraming gayong mga bagay ang nasa kaniya.
14El pues acabará lo que ha determinado de mí: Y muchas cosas como estas hay en él.
15Kaya't ako'y nababagabag sa kaniyang harapan; pagka aking binubulay, ay natatakot ako sa kaniya.
15Por lo cual yo me espanto en su presencia: Consideraré, y temerélo.
16Dahil sa pinapanglupaypay ng Dios ang aking puso, at binagabag ako ng Makapangyarihan sa lahat:
16Dios ha enervado mi corazón, Y hame turbado el Omnipotente.
17Sapagka't hindi ako inihiwalay sa harap ng kadiliman, ni tinakpan man niya ang salimuot na kadiliman sa aking mukha.
17¿Por qué no fuí yo cortado delante de las tinieblas, Y cubrió con oscuridad mi rostro?