Tagalog 1905

Spanish: Reina Valera (1909)

Job

8

1Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi,
1Y RESPONDIO Bildad Suhita, y dijo:
2Hanggang kailan magsasalita ka ng mga bagay na ito? At hanggang kailan magiging gaya ng makapangyarihang hangin ang mga salita ng iyong bibig?
2¿Hasta cuándo hablarás tales cosas, Y las palabras de tu boca serán como un viento fuerte?
3Nagliliko ba ng kahatulan ang Dios? O nagliliko ba ang Makapangyarihan sa lahat ng kaganapan?
3¿Acaso pervertirá Dios el derecho, O el Todopoderoso pervertirá la justicia?
4Kung ang iyong mga anak ay nangagkasala laban sa kaniya, at kaniyang ibinigay sila sa kamay ng kanilang pagkasalangsang:
4Si tus hijos pecaron contra él, El los echó en el lugar de su pecado.
5Kung hanapin mong mainam ang Dios, at iyong pamanhikan ang Makapangyarihan sa lahat;
5Si tú de mañana buscares á Dios, Y rogares al Todopoderoso;
6Kung ikaw ay malinis at matuwid; walang pagsalang ngayo'y gigising siya dahil sa iyo. At pasasaganain ang tahanan ng iyong katuwiran.
6Si fueres limpio y derecho, Cierto luego se despertará sobre ti, Y hará próspera la morada de tu justicia.
7At bagaman ang iyong pasimula ay maliit, gayon ma'y ang iyong huling wakas ay lalaking mainam.
7Y tu principio habrá sido pequeño, Y tu postrimería acrecerá en gran manera.
8Sapagka't ikaw ay magsisiyasat, isinasamo ko sa iyo, sa unang panahon, at pasiyahan mo ang sinaliksik ng kanilang mga magulang:
8Porque pregunta ahora á la edad pasada, Y disponte para inquirir de sus padres de ellos;
9(Sapagka't tayo'y kahapon lamang, at walang nalalaman, sapagka't ang ating mga kaarawan sa lupa ay anino:)
9Pues nosotros somos de ayer, y no sabemos, Siendo nuestros días sobre la tierra como sombra.
10Hindi ka ba nila tuturuan, at sasaysayin sa iyo, at mangagsasalita ng mga salita mula sa kanilang puso?
10¿No te enseñarán ellos, te dirán, Y de su corazón sacarán palabras?
11Makatataas ba ang yantok ng walang putik? Tutubo ba ang tambo ng walang tubig?
11¿Crece el junco sin lodo? ¿Crece el prado sin agua?
12Samantalang nasa kasariwaan, at hindi pinuputol, natutuyong una kay sa alin mang damo.
12Aun él en su verdor no será cortado, Y antes de toda hierba se secará.
13Gayon ang mga landas ng lahat na nagsisilimot sa Dios; at ang pagasa ng di banal ay mawawala:
13Tales son los caminos de todos los que olvidan á Dios: Y la esperanza del impío perecerá:
14Na ang kaniyang pagtitiwala ay mapaparam, at ang kaniyang tiwala ay isang bahay gagamba.
14Porque su esperanza será cortada, Y su confianza es casa de araña.
15Siya'y sasandal sa kaniyang bahay, nguni't hindi tatayo; siya'y pipigil na mahigpit dito, nguni't hindi makapagmamatigas.
15Apoyaráse él sobre su casa, mas no permanecerá en pie; Atendráse á ella, mas no se afirmará.
16Siya'y sariwa sa harap ng araw, at ang kaniyang mga suwi ay sumisibol sa kaniyang halamanan.
16A manera de un árbol, está verde delante del sol, Y sus renuevos salen sobre su huerto;
17Ang kaniyang mga ugat ay nagkakapitan sa palibot ng bunton, kaniyang minamasdan ang dako ng mga bato.
17Vanse entretejiendo sus raíces junto á una fuente, Y enlazándose hasta un lugar pedregoso.
18Kung siya'y magiba sa kaniyang dako, kung magkagayo'y itatakuwil niya siya, na sinasabi: Hindi kita nakita.
18Si le arrancaren de su lugar, Este negarále entonces, diciendo: Nunca te vi.
19Narito, ito ang kagalakan ng kaniyang lakad, at mula sa lupa ay sisibol ang mga iba.
19Ciertamente éste será el gozo de su camino; Y de la tierra de donde se traspusiere, nacerán otros.
20Narito, hindi itatakuwil ng Dios ang sakdal na tao, ni aalalayan man niya ang mga manggagawa ng kasamaan.
20He aquí, Dios no aborrece al perfecto, Ni toma la mano de los malignos.
21Kaniya namang pupunuin ang iyong bibig ng pagtawa, at ang iyong mga labi ng paghiyaw.
21Aun henchirá tu boca de risa, Y tus labios de júbilo.
22Silang nangapopoot sa iyo ay mabibihisan ng pagkahiya; at ang tolda ng masama ay mawawala.
22Los que te aborrecen, serán vestidos de confusión; Y la habitación de los impíos perecerá.