Tagalog 1905

Spanish: Reina Valera (1909)

Nehemiah

11

1At ang mga prinsipe ng bayan ay nagsitahan sa Jerusalem: ang nalabi naman sa bayan ay nangagsapalaran upang mangagdala ng isa sa bawa't sangpu na magsisitahan sa Jerusalem na bayang banal, at siyam na bahagi sa ibang mga bayan.
1Y HABITARON los príncipes del pueblo en Jerusalem; mas el resto del pueblo echó suertes para traer uno de diez que morase en Jerusalem, ciudad santa, y las nueve partes en las otras ciudades.
2At pinagpala ng bayan ang lahat na lalake na nagsihandog na kusa na magsisitahan sa Jerusalem.
2Y bendijo el pueblo á todos los varones que voluntariamente se ofrecieron á morar en Jerusalem.
3Ang mga ito nga ang mga pinuno sa lalawigan na nagsitahan sa Jerusalem: nguni't sa bayan ng Juda ay tumahan bawa't isa sa kaniyang pag-aari sa kanilang mga bayan, sa makatuwid baga'y ang Israel, ang mga saserdote, at ang mga Levita, at ang mga Nethineo, at ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon.
3Y estos son los principales de la provincia que moraron en Jerusalem; mas en las ciudades de Judá habitaron cada uno en su posesión en sus ciudades, de Israel, de los sacerdotes, y Levitas, y Nethineos, y de los hijos de los siervos de Salomón.
4At sa Jerusalem ay nagsitahan ang ilan sa mga anak ni Juda, at sa mga anak ni Benjamin. Sa mga anak ni Juda: si Athaias na anak ni Uzzias, na anak ni Zacarias, na anak ni Amarias, na anak ni Sephatias na anak ni Mahalaleel, sa mga anak ni Phares.
4En Jerusalem pues habitaron de los hijos de Judá, y de los hijos de Benjamín. De los hijos de Judá: Athaías, hijo de Uzzías, hijo de Zacarías, hijo de Amarías, hijo de Sephatías, hijo de Mahalaleel, de los hijos de Phares;
5At si Maasias na anak ni Baruch, na anak ni Col-hoze, na anak ni Hazaias, na anak ni Adaias, na anak ni Joiarib, na anak ni Zacarias, na anak ng Silonita.
5Y Maasías hijo de Baruch, hijo de Colhoze, hijo de Hazaías, hijo de Adaías, hijo de Joiarib, hijo de Zacarías, hijo de Siloni.
6Ang lahat ng mga anak ni Phares na nagsitahan sa Jerusalem, ay apat na raan at anim na pu't walo na mga matapang na lalake.
6Todos los hijos de Phares que moraron en Jerusalem, fueron cuatrocientos setenta y ocho hombres fuertes.
7At ang mga ito ang mga anak ni Benjamin: si Salu na anak ni Mesullam, na anak ni Joed, na anak ni Pedaias, na anak ni Colaias, na anak ni Maaseias, na anak ni Ithiel, na anak ni Jesaia.
7Y estos son los hijos de Benjamín: Salú hijo de Mesullam, hijo de Joed, hijo de Pedaías, hijo de Colaías, hijo de Maaseías, hijo de Ithiel, hijo de Jesaía.
8At sumusunod sa kaniya, si Gabbai, si Sallai, na siyam na raan at dalawang pu't walo.
8Y tras él, Gabbai, Sallai, novecientos veinte y ocho.
9At si Joel na anak ni Zichri ay kanilang tagapamahala: at si Jehudas na anak ni Senua ay ikalawa sa bayan.
9Y Joel hijo de Zichri, era prefecto de ellos, y Jehudas hijo de Senua, el segundo de la ciudad.
10Sa mga saserdote: si Jedaias na anak ni Joiarib, si Jachin,
10De los sacerdotes: Jedaías hijo de Joiarib, Jachîn,
11Si Seraias na anak ni Hilcias, na anak ni Mesullam, na anak ni Sadoc, na anak ni Meraioth, na anak ni Ahitub, na pinuno sa bahay ng Dios,
11Seraías hijo de Hilcías, hijo de Mesullam, hijo de Sadoc, hijo de Meraioth, hijo de Ahitub, príncipe de la casa de Dios,
12At ang kanilang mga kapatid na nagsigawa ng gawain sa bahay, walong daan at dalawang pu't dalawa: at si Adaias na anak ni Jeroham, na anak ni Pelalias, na anak ni Amsi, na anak ni Zacarias, na anak ni Pashur, na anak ni Malchias,
12Y sus hermanos los que hacían la obra de la casa, ochocientos veintidós: y Adaías hijo de Jeroham, hijo de Pelalías, hijo de Amsi, hijo de Zacarías, hijo de Pashur, hijo de Malachías,
13At ang kaniyang mga kapatid, na mga pinuno sa mga sangbahayan ng mga magulang, dalawang daan at apat na pu't dalawa: at si Amasai na anak ni Azarael, na anak ni Azai, na anak ni Mesillemoth, na anak ni Imer.
13Y sus hermanos, príncipes de familias, doscientos cuarenta y dos: y Amasai hijo de Azarael, hijo de Azai, hijo de Mesillemoth, hijo de Immer,
14At ang kanilang mga kapatid, na mga makapangyarihang lalake na matatapang, isang daan at dalawang pu't walo: at ang kanilang tagapamahala ay si Zabdiel na anak ni Gedolim.
14Y sus hermanos, hombres de grande vigor, ciento veintiocho: jefe de los cuales era Zabdiel, hijo de Gedolim.
15At sa mga Levita; si Semaias na anak ni Hassub, na anak ni Azricam, na anak ni Hasabias, na anak ni Buni;
15Y de los Levitas: Semaías hijo de Hassub, hijo de Azricam, hijo de Hasabías, hijo de Buni;
16At si Sabethai at si Jozabad, sa mga pinuno ng mga Levita, na siyang nagsipamahala sa mga gawain sa labas sa bahay ng Dios;
16Y Sabethai y Jozabad, de los principales de los Levitas, sobrestantes de la obra exterior de la casa de Dios;
17At si Mattanias, na anak ni Micha, na anak ni Zabdi, na anak ni Asaph, na siyang pinuno upang magpasimula na magpasalamat sa panalangin, at si Bacbucias, sa ikalawa sa kaniyang mga kapatid; at si Abda na anak ni Samua, na anak ni Galal, na anak ni Jeduthun.
17Y Mattanías hijo de Michâ, hijo de Zabdi, hijo de Asaph, el principal, el que empezaba las alabanzas y acción de gracias al tiempo de la oración; y Bacbucías el segundo de entre sus hermanos; y Abda hijo de Samua, hijo de Galal, hijo de Jeduthún.
18Lahat na Levita sa bayang banal, dalawang daan at walong pu't apat.
18Todos los Levitas en la santa ciudad fueron doscientos ochenta y cuatro.
19Bukod dito'y ang mga tagatanod-pinto, na si Accub, si Talmon, at ang kanilang mga kapatid, na nangagbabantay sa mga pintuang-bayan, ay isang daan at pitong pu't dalawa.
19Y los porteros, Accub, Talmón, y sus hermanos, guardas en las puertas, ciento setenta y dos.
20At ang nalabi sa Israel, sa mga saserdote, sa mga Levita, ay nangasa lahat na bayan ng Juda, bawa't isa'y sa kaniyang mana.
20Y el resto de Israel, de los sacerdotes, de los Levitas, en todas las ciudades de Judá, cada uno en su heredad.
21Nguni't ang mga Nethineo ay nagsitahan sa Ophel: at si Siha at si Gispa ay nasa mga Nethineo.
21Y los Nethineos habitaban en Ophel; y Siha y Gispa eran sobre los Nethineos.
22Ang tagapamahala naman sa mga Levita sa Jerusalem ay si Uzzi na anak ni Bani, na anak ni Hasabias, na anak ni Mattanias, na anak ni Micha, sa mga anak ni Asaph, na mga mangaawit, na nasa mga gawain sa bahay ng Dios.
22Y el prepósito de los Levitas en Jerusalem era Uzzi hijo de Bani, hijo de Hasabías, hijo de Mattanías, hijo de Michâ de los cantores los hijos de Asaph, sobre la obra de la casa de Dios.
23Sapagka't may utos na mula sa hari tungkol sa kanila, at takdang pagkain na ukol sa mga mangaawit, ayon sa kailangan sa bawa't araw.
23Porque había mandamiento del rey acerca de ellos, y determinación acerca de los cantores para cada día.
24At si Pethahias na anak ni Mesezabel, sa mga anak ni Zerah, na anak ni Juda, ay nasa kapangyarihan ng hari sa lahat ng bagay na tungkol sa bayan.
24Y Pethahías hijo de Mesezabel, de los hijos de Zerah hijo de Judá, estaba á la mano del rey en todo negocio del pueblo.
25At tungkol sa mga nayon, pati ng kanilang mga bukid, ang ilan sa mga anak ni Juda ay nagsitahan sa Chiriat-arba at sa mga nayon niyaon, at sa Dibon at sa mga nayon niyaon, at sa Jecabzeel at sa mga nayon niyaon;
25Y tocante á las aldeas y sus tierras, algunos de los hijos de Judá habitaron en Chîriat-arba y sus aldeas, y en Dibón y sus aldeas, y en Jecabseel y sus aldeas;
26At sa Jesua, at sa Moladah, at sa Beth-pelet;
26Y en Jesuá, Moladah, y en Beth-pelet;
27At sa Hasar-sual, at sa Beerseba at sa mga nayon niyaon;
27Y en Hasar-sual, y en Beer-seba, y en sus aldeas;
28At sa Siclag, at sa Mechona at sa mga nayon niyaon;
28Y en Siclag, y en Mechôna, y en sus aldeas;
29At sa En-rimmon, at sa Soreah, at sa Jarmuth;
29Y en En-rimmón, y en Soreah y en Jarmuth;
30Sa Zanoah, sa Adullam, at sa mga nayon niyaon, sa Lachis, at sa mga parang niyaon, sa Azeca at sa mga nayon niyaon. Gayon sila nagsihantong mula sa Beer-seba hanggang sa libis ni Hinnom.
30Zanoah, Adullam, y en sus aldeas; en Lachîs y sus tierras, Azeca y sus aldeas. Y habitaron desde Beer-seba hasta el valle de Hinnom.
31Ang mga anak ni Benjamin naman ay nagsitahan mula sa Geba, hanggang sa Michmas at sa Aia, at sa Beth-el at sa mga nayon niyaon;
31Y los hijos de Benjamín desde Geba habitaron en Michmas, y Aía, y en Beth-el y sus aldeas;
32At sa Anathoth, sa Nob, sa Ananiah;
32En Anathoth, Nob, Ananiah;
33Sa Hasor, sa Rama, sa Gitthaim;
33Hasor, Rama, Gitthaim;
34Sa Hadid, sa Seboim, sa Neballath;
34Hadid, Seboim, Neballath;
35Sa Lod, at sa Ono, na libis ng mga manggagawa.
35Lod, y Ono, valle de los artífices.
36At sa mga Levita ay ang ibang mga bahagi sa Juda na pumisan sa Benjamin.
36Y algunos de los Levitas, en los repartimientos de Judá y de Benjamín.