Tagalog 1905

Spanish: Reina Valera (1909)

Proverbs

18

1Ang humihiwalay ay humahanap ng sarili niyang nasa, at nakikipagtalo laban sa lahat na magaling na karunungan.
1SEGUN su antojo busca el que se desvía, Y se entremete en todo negocio.
2Ang mangmang ay walang kaluguran sa paguunawa, kundi maihayag lamang ang kaniyang puso.
2No toma placer el necio en la inteligencia, Sino en lo que su corazón se descubre.
3Pagka ang masama ay dumarating, dumarating din naman ang paghamak, at kasama ng kutya ang pagkaduwahagi.
3Cuando viene el impío, viene también el menosprecio, Y con el deshonrador la afrenta.
4Ang mga salita ng bibig ng tao ay parang malalim na tubig; ang bukal ng karunungan ay parang umaagos na batis.
4Aguas profundas son las palabras de la boca del hombre; Y arroyo revertiente, la fuente de la sabiduría.
5Igalang ang pagkatao ng masama ay hindi mabuti, ni iligaw man ang matuwid sa kahatulan.
5Tener respeto á la persona del impío, Para hacer caer al justo de su derecho, no es bueno.
6Ang mga labi ng mangmang ay nanasok sa pagkakaalit, at tinatawag ng kaniyang bibig ang mga hampas.
6Los labios del necio vienen con pleito; Y su boca á cuestiones llama.
7Ang bibig ng mangmang ay kaniyang kapahamakan, at ang kaniyang mga labi ay silo ng kaniyang kaluluwa.
7La boca del necio es quebrantamiento para sí, Y sus labios son lazos para su alma.
8Ang mga salita ng mga mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo, at nagsisibaba sa pinakaloob ng tiyan.
8Las palabras del chismoso parecen blandas, Y descienden hasta lo íntimo del vientre.
9Siya mang walang bahala sa kaniyang gawain ay kapatid siya ng maninira.
9También el que es negligente en su obra Es hermano del hombre disipador.
10Ang pangalan ng Panginoon ay matibay na moog: tinatakbuhan ng matuwid at naliligtas.
10Torre fuerte es el nombre de Jehová: A él correrá el justo, y será levantado.
11Ang yaman ng mayamang tao ay ang kaniyang matibay na bayan, at gaya ng matayog na kuta sa kaniyang sariling isip,
11Las riquezas del rico son la ciudad de su fortaleza, Y como un muro alto en su imaginación.
12Bago ang pagkapahamak ay pagmamalaki ng puso ng tao, at bago ang karangalan ang pagpapakumbaba.
12Antes del quebrantamiento se eleva el corazón del hombre, Y antes de la honra es el abatimiento.
13Ang sumasagot bago makinig, ay kamangmangan at kahihiyan sa kaniya.
13El que responde palabra antes de oir, Le es fatuidad y oprobio.
14Aalalayan ng diwa ng tao ang kaniyang sakit; nguni't ang bagbag na diwa sinong nakapagdadala?
14El ánimo del hombre soportará su enfermedad: Mas ¿quién soportará al ánimo angustiado?
15Ang puso ng mabait ay nagtatamo ng kaalaman; at ang pakinig ng pantas ay humahanap ng kaalaman.
15El corazón del entendido adquiere sabiduría; Y el oído de los sabios busca la ciencia.
16Ang kaloob ng tao ay nagbubukas ng daan sa kaniya, at dinadala siya sa harap ng mga dakilang tao.
16El presente del hombre le ensancha el camino, Y le lleva delante de los grandes.
17Ang nakikipaglaban ng kaniyang usap na una ay tila ganap; nguni't dumarating ang kaniyang kapuwa at sinisiyasat siya.
17El primero en su propia causa parece justo; Y su adversario viene, y le sondea.
18Ang pagsasapalaran ay nagpapatigil ng mga pagtatalo, at naghihiwalay sa gitna ng mga makapangyarihan.
18La suerte pone fin á los pleitos, Y desparte los fuertes.
19Ang kapatid na nasaktan sa kalooban ay mahirap mabawi kay sa matibay na bayan: at ang gayong mga pagtatalo ay parang mga halang ng isang kastilyo.
19El hermano ofendido es más tenaz que una ciudad fuerte: Y las contiendas de los hermanos son como cerrojos de alcázar.
20Ang tiyan ng tao ay mabubusog ng bunga ng kaniyang bibig; sa bunga ng kaniyang mga labi ay masisiyahan siya.
20Del fruto de la boca del hombre se hartará su vientre; Hartaráse del producto de sus labios.
21Kamatayan at buhay ay nasa kapangyarihan ng dila; at ang nagsisiibig sa kaniya ay magsisikain ng kaniyang bunga.
21La muerte y la vida están en poder de la lengua; Y el que la ama comerá de sus frutos.
22Sinomang lalaking nakakasumpong ng asawa ay nakasumpong ng mabuting bagay, at nagtatamo ng lingap ng Panginoon.
22El que halló esposa halló el bien, Y alcanzó la benevolencia de Jehová.
23Ang dukha ay gumagamit ng mga pamanhik: nguni't ang mayaman ay sumasagot na may kagilasan.
23El pobre habla con ruegos; Mas el rico responde durezas.
24Ang nagpaparami ng mga kaibigan ay sa kaniyang sariling kapahamakan: nguni't may kaibigan na mahigit kay sa isang kapatid.
24El hombre que tiene amigos, ha de mostrarse amigo: Y amigo hay más conjunto que el hermano.