1Oh ikaw sana'y naging aking kapatid, na humitit ng mga suso ng aking ina! Pagka nasumpungan kita sa labas, hahagkan kita; Oo, at walang hahamak sa akin.
1OH quién te me diese como hermano Que mamó los pechos de mi madre; De modo que te halle yo fuera, y te bese, Y no me menosprecien!
2Aking papatnubayan ka, at dadalhin kita sa bahay ng aking ina, na magtuturo sa akin; aking paiinumin ka ng hinaluang alak, ng katas ng aking granada.
2Yo te llevaría, te metiera en casa de mi madre: Tú me enseñarías, Y yo te hiciera beber vino Adobado del mosto de mis granadas.
3Ang kaniyang kaliwang kamay ay malalagay sa ilalim ng aking ulo, at ang kaniyang kanang kamay ay yayakap sa akin.
3Su izquierda esté debajo de mi cabeza, Y su derecha me abrace.
4Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang sinta ko, hanggang sa ibigin niya.
4Conjúroos, oh doncellas de Jerusalem, Que no despertéis, ni hagáis velar al amor, Hasta que quiera.
5Sino itong umaahong mula sa ilang, na humihilig sa kaniyang sinisinta? Sa ilalim ng punong mansanas ay ginising kita: doon nagdamdam sa iyo ang iyong ina, doon nagdamdam yaong nanganak sa iyo.
5¿Quién es ésta que sube del desierto, Recostada sobre su amado? Debajo de un manzano te desperté: Allí tuvo tu madre dolores, Allí tuvo dolores la que te parió.
6Ilagay mo akong pinakatatak sa iyong puso, pinakatatak sa iyong bisig: sapagka't ang pagsinta ay malakas na parang kamatayan, panibugho ay mabagsik na parang Sheol: ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy, isang pinaka liyab ng Panginoon.
6Ponme como un sello sobre tu corazón, como una marca sobre tu brazo: Porque fuerte es como la muerte el amor; Duro como el sepulcro el celo: Sus brasas, brasas de fuego, Fuerte llama.
7Ang maraming tubig ay hindi makapapatay sa pagsinta, ni mapauurong man ng mga baha; kung ibigay ng lalake ang lahat na laman ng kaniyang bahay dahil sa pagsinta, siya'y lubos na kukutyain.
7Las muchas aguas no podrán apagar el amor, Ni lo ahogarán los ríos. Si diese el hombre toda la hacienda de su casa por este amor, De cierto lo menospreciaran.
8Tayo'y may isang munting kapatid na babae, at siya'y walang mga suso: ano ang ating gagawin sa ating kapatid na babae sa araw na siya'y ipakikiusap?
8Tenemos una pequeña hermana, Que no tiene pechos: ¿Qué haremos á nuestra hermana Cuando de ella se hablare?
9Kung siya'y maging isang kuta, pagtatayuan natin siya ng moog na pilak: at kung siya'y maging isang pintuan, ating tatakpan ng mga tablang sedro.
9Si ella es muro, Edificaremos sobre él un palacio de plata: Y si fuere puerta, La guarneceremos con tablas de cedro.
10Ako'y isang kuta, at ang aking mga suso ay parang mga moog niyaon: ako nga'y naging sa harap ng kaniyang mga mata ay parang nakakasumpong ng kapayapaan.
10Yo soy muro, y mis pechos como torres, Desde que fuí en sus ojos como la que halla paz.
11Si Salomon ay may ubasan sa Baal-hamon; kaniyang pinaupahan ang ubasan sa mga tagapamahala; bawa't isa'y nagdadala dahil sa bunga niyaon ng isang libong putol na pilak.
11Salomón tuvo una viña en Baal-hamón, La cual entregó á guardas, Cada uno de los cuales debía traer mil monedas de plata por su fruto.
12Ang aking ubasan na akin ay nasa harap ko; ikaw, Oh Salomon, ay magkakaroon ng libo, at ang nangagiingat ng bunga niyaon ay dalawang daan.
12Mi viña, que es mía, está delante de mí: Las mil serán tuyas, oh Salomón, Y doscientas, de los que guardan su fruto.
13Ikaw na tumatahan sa mga halamanan, ang mga kasama ay nangakikinig ng iyong tinig: iparinig mo sa akin.
13Oh tú la que moras en los huertos, Los compañeros escuchan tu voz: Házmela oir.
14Ikaw ay magmadali, sinisinta ko, at ikaw ay maging parang usa o batang usa sa mga bundok ng mga especia.
14Huye, amado mío; Y sé semejante al gamo, ó al cervatillo, Sobre las montañas de los aromas.