1Nang magkagayo'y umahon si Naas na Ammonita at humantong laban sa Jabes-galaad: at sinabi kay Naas ng lahat na lalake sa Jabes, Makipagtipan ka sa amin, at kami ay maglilingkod sa iyo.
1 Waato din cine no Nahas, Amon bora tun ka wongu nda Yabes-Jileyad. A na gata sinji i se. Yabes alborey kulu ne Nahas se: «Iri ma sappe, iri ga may ni se.»
2At sinabi ni Naas na Ammonita sa kanila, Sa ganitong paraan gagawin ko sa inyo, na ang lahat ninyong kanang mata ay dukitin; at aking ilalagay na pinakapintas sa buong Israel.
2 Amma Nahas, Amon bora ne i se: «Woone boŋ no ay g'a ta araŋ se: ay m'araŋ kamba ŋwaari moy kulu looti, ay mo ya naŋ woodin ma ciya wowi hari Israyla kulu se.»
3At sinabi ng mga matanda sa Jabes sa kaniya, Bigyan mo kami ng palugit na pitong araw upang kami ay makapagpasugo ng mga sugo sa lahat ng mga hangganan ng Israel; at kung wala ngang magliligtas sa amin, lalabasin ka namin.
3 Kala Yabes arkusey ne a se: «M'iri no jirbi iyye, zama iri ma diyayaŋ donton Israyla hirro kulu me. D'iri mana du faabako kulu, waato din gaa no iri ga fatta ka koy ni do.»
4Nang magkagayo'y pumaroon ang mga sugo sa Gabaa kay Saul at sinalita ang mga salitang ito sa mga pakinig ng bayan: at ang buong bayan ay naglakas ng tinig at umiyak.
4 Waato din gaa no diyey din kaa Jibeya, Sawulu wano. I na sanney wo dede borey hangey ra. Jama kulu binde na ngey jindey sambu ka hẽ.
5At, narito, sinusundan ni Saul ang mga baka sa bukid; at sinabi ni Saul, Anong mayroon ang bayan na sila'y umiiyak? At kanilang isinaysay ang mga salita ng mga lalake sa Jabes.
5 Sawulu binde go hawyaŋ banda ga kaa ka fun saajo ra. Sawulu ne: «Ifo no ka du borey kaŋ i goono ga hẽ?» I na sanno kaŋ Yabes borey kande dede Sawulu se.
6At ang Espiritu ng Dios ay makapangyarihan suma kay Saul nang kaniyang marinig ang mga salitang yaon, at ang kaniyang galit ay nagalab na mainam.
6 Kaŋ Sawulu maa sanney din, kala Irikoy Biya kaa a boŋ da hin, a bine tunyaŋo koroŋ gumo mo.
7At siya'y kumuha ng dalawang magkatuwang na baka, at kaniyang kinatay, at ipinadala niya sa lahat ng mga hangganan ng Israel sa pamamagitan ng kamay ng mga sugo, na sinasabi, Sinomang hindi lumabas na sumunod kay Saul at kay Samuel, ay ganyan ang gagawin sa kaniyang mga baka. At ang takot sa Panginoon ay nahulog sa bayan, at sila'y lumabas na parang iisang tao.
7 A na haw hinka sambu _k'i wi|_ k'i dumbu-dumbu, ka diyayaŋ donton i ma koy Israyla hirrey kulu me. A ne: «Boro kulu kaŋ mana fatta ka Sawulu nda Samuwila gana, ya-cine no i ga te a hawey se.» Kala Rabbi humburkumay kaa jama kulu gaa hal i fatta danga day boro folloŋ no.
8At binilang niya sila sa Bezec; at ang mga anak ni Israel, ay tatlong daang libo, at ang mga lalake ng Juda ay tatlong pung libo.
8 I n'i kabu Bezek ra. Israyla izey binde te boro zambar zangu hinza, Yahuda borey mo boro zambar waranza.
9At sinabi nila sa mga sugo na naparoon, Ganito ang inyong sasabihin sa mga lalake sa Jabes-galaad, Bukas sa kainitan ng araw, ay magtataglay kayo ng kaligtasan. At naparoon ang mga sugo at isinaysay sa mga lalake sa Jabes; at sila'y natuwa.
9 I ne diyey kaŋ yaŋ kaa se: «Ya-cine no ni ga ci Yabes-Jileyad borey se: ‹Suba hala wayna ga koroŋ, araŋ ga du faaba.› » Diyey mo ye ka kaa ka ci Yabes borey se, ngey mo farhã.
10Kaya't sinabi ng mga lalake sa Jabes, Bukas ay lalabasin namin kayo at inyong gagawin sa amin ang lahat na inyong inaakalang mabuti sa inyo.
10 Yabes borey binde ne Nahas borey se: «Suba iri ga fatta ka kaa araŋ do, araŋ ma te iri se haŋ kaŋ araŋ ga ba kulu.»
11At naging gayon sa kinabukasan, na inilagay ni Saul ang bayan ng tatlong pulutong; at sila'y pumasok sa gitna ng kampamento sa pagbabantay sa kinaumagahan at sinaktan ang mga Ammonita hanggang sa kainitan ng araw: at nangyari, na ang mga nalabi ay nangalat, na anopa't walang naiwang dalawang magkasama.
11 Suba binde, kala Sawulu na borey fay jama hinza. I kaa gata bindi ra za nda hinay, mo boyaŋ jina. I na Amonancey kar kal a koy ka to wayna dungay. A ciya binde, borey kaŋ yaŋ cindi kar ka say-say, kal i si di baa boro hinka nangu folloŋ ra.
12At sinabi ng bayan kay Samuel, Sino yaong nagsasabi, Maghahari ba si Saul sa amin? dalhin dito ang mga taong yaon upang aming patayin sila.
12 Kala jama ne Samuwila se: «Man bora kaŋ ne: ‹Sawulu no g'iri may?› I ma kande alborey din zama iri m'i wi.»
13At sinabi ni Saul, Walang taong papatayin sa araw na ito; sapagka't ngayo'y gumawa ang Panginoon ng pagliligtas sa Israel.
13 Amma a ne: «I si boro kulu wi zaari woone ra, zama hunkuna Rabbi no ka kande faaba Israyla se.»
14Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel sa bayan, Halikayo at tayo'y paroon sa Gilgal, at ating baguhin ang kaharian doon.
14 Gaa no Samuwila ne jama se: «Wa kaa, iri ma koy Jilgal. Iri ma koytara tajandi noodin.»
15At ang buong bayan ay naparoon sa Gilgal; at doo'y ginawa nilang hari sa Gilgal si Saul sa harap ng Panginoon; at doo'y naghain sila ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Panginoon; at si Saul at ang lahat ng mga lalake sa Israel ay nagalak na mainam doon.
15 Jama kulu binde koy Jilgal. Noodin no i na Sawulu didiji bonkooni Rabbi jine Jilgal ra. Noodin mo no i na saabuyaŋ sargayyaŋ no Rabbi jine. Sawulu nda Israyla alborey kulu farhã noodin mo gumo.