1Si Naaman nga, na punong kawal ng hukbo ng hari sa Siria, ay dakilang lalake sa kaniyang panginoon, at marangal, sapagka't sa pamamagitan niya'y nagbigay ang Panginoon ng pagtatagumpay sa Siria: siya rin nama'y malakas na lalake na may tapang, nguni't may ketong.
1 Amma Naaman, Suriya bonkoono wonkoyo, boro bambata no a windi koyo jine, darzakoy mo no, kaŋ a do mo no Rabbi na Suriyancey no zaama, nga ya wongu wongaari mo no -- amma jiraykooni no.
2At ang mga taga Siria ay nagsilabas na mga pulupulutong, at nagdala ng bihag na mula sa lupain ng Israel na isang dalagita; at siya'y naglingkod sa asawa ni Naaman.
2 Suriyancey mo jin ka konda zurandi jama-da-jama. I na wandiyo kayna fo di ka fun d'a Israyla laabo ra. I kand'a, a go ga Naaman wande gaakasinay mo.
3At sinabi niya sa kaniyang babaing panginoon. Mano nawa ang aking panginoon ay humarap sa propeta na nasa Samaria! kung magkagayo'y pagagalingin niya siya sa kaniyang ketong.
3 A ne nga fu-nyaŋo se: «D'ay jine bora go annabo kaŋ go Samariya do, doŋ a ga jiraytara ban a gaa.»
4At pumasok ang isa, at isinaysay sa kaniyang panginoon, na sinasabi, Ganito't ganito ang sabi ng dalagita na nagmula sa lupain ng Israel.
4 Kala boro fo furo ka ci nga jine bora se ka ne: «Ni maa, ni maa! haŋ kaŋ wandiya kaŋ fun Israyla laabu go ga ci?»
5At sinabi ng hari sa Siria, Yumaon ka, yumaon ka, at ako'y magpapadala ng sulat sa hari sa Israel. At siya'y yumaon, at nagdala siya ng sangpung talentong pilak, at anim na libong putol na ginto, at sangpung pangpalit na bihisan.
5 Kala Suriyancey bonkoono ne: «Koy day. Ay mo ga tira samba Israyla bonkoono do.» A tun mo ka sambu nzarfu ton jare cine, nda nzarfu sekel* zambar iddu, da kwaay way.
6At kaniyang dinala ang sulat sa hari sa Israel, na sinasabi, At pagka nga dumating sa iyo ang sulat na ito, ay talastasin mo na aking sinugo si Naaman na aking lingkod sa iyo, upang iyong pagalingin siya sa kaniyang ketong.
6 A kande tira mo Israyla bonkoono do kaŋ ne: «Waati kaŋ tira woone to ni kambe ra, ay n'ay bannya Naaman donton zama ni m'a jiraytara yayandi.»
7At nangyari, nang mabasa ng hari sa Israel ang sulat, na kaniyang hinapak ang kaniyang suot at nagsabi, Ako ba'y Dios upang pumatay at bumuhay, na ang lalaking ito ay nagsugo sa akin upang pagalingin ito sa kaniyang ketong? nguni't talastasin mo, isinasamo ko sa iyo, at tingnan mo kung paanong siya'y humahanap ng dahilan laban sa akin.
7 A ciya, alwaato kaŋ Israyla bonkoono na tira caw, a na nga kwaayo tooru. A ne: « Ay ga ti Irikoy no, kaŋ ga wi ka funandi, hala nda boro wo ma donton ka ci ay se ya boro wo yayandi nga jiraytara gaa? Amma wa faham, ay g'araŋ ŋwaaray, araŋ ma di mate kaŋ cine a ga yanje ceeci nd'a ay gaa.»
8At nagkagayon, nang mabalitaan ni Eliseo na lalake ng Dios na hinapak ng hari sa Israel ang kaniyang suot, na siya'y nagsugo sa hari, na nagsabi: Bakit mo hinapak ang iyong mga kasuutan? paparituhin mo siya sa akin, at kaniyang malalaman na may isang propeta sa Israel.
8 A ciya mo, alwaato kaŋ Irikoy bora Iliyasu maa baaru kaŋ Israyla bonkoono na nga kwaayo tooru, kal a donton bonkoono do ka ne: «Ifo no kaŋ ni na ni kwaayo tooru? A ma kaa ay do sohõ, a ga bay kaŋ annabi go no Israyla ra.»
9Sa gayo'y naparoon si Naaman na dala ang kaniyang mga kabayo at ang kaniyang mga karo, at tumayo sa pintuan ng bahay ni Eliseo.
9 Naaman mo kaa, nga nda nga bariyey da nga torkey, ka kay Iliyasu windo me gaa.
10At si Eliseo ay nagsugo ng sugo sa kaniya, na nagsasabi, ikaw ay yumaon, at maligo sa Jordan na makapito, at ang iyong laman ay sasauli sa iyo, at ikaw ay magiging malinis.
10 Iliyasu mo na diya donton a gaa ka ne: «Ni ma koy ka nyumay Urdun isa ra sorro iyye. Ni hamo ga ye ka kaa ni gaa, ni ga hanan mo.»
11Nguni't si Naaman ay naginit, at umalis, at nagsabi, Narito, aking inakalang, walang pagsalang lalabasin niya ako, at tatayo, at tatawag sa pangalan ng Panginoon niyang Dios, at pagagalawgalawin ang kaniyang kamay sa kinaroroonan, at mapapawi ang ketong.
11 Amma Naaman futu, a dira mo. A goono ga ne: «Ay ya ne haciika no a ga fatta ka kaa ay do. A ma kay, a ma Rabbi nga Irikoyo maa ce, a ma nga kambe feeni ay jiraytaray dooro boŋ k'a yayandi.
12Hindi ba ang Abana at ang Pharphar, na mga ilog ng Damasco, ay mainam kay sa lahat ng tubig sa Israel? hindi ba ako makapaliligo sa mga yaon, at maging malinis? Sa gayo'y pumihit siya at umalis sa paginit.
12 Abana nda Farpar, Damaskos kwaara goorey, manti i bisa Israyla harey kulu booriyaŋ? Ay si nyumay i ra ka hanan no?» A bare mo ka koy; a go ga futu.
13At ang kaniyang mga lingkod ay nagsilapit, at nagsipagsalita sa kaniya, at nagsabi, Ama ko, kung ipinagawa sa iyo ng propeta ang anomang mahirap na bagay, hindi mo ba gagawin? gaano nga kung sabihin niya sa iyo, Ikaw ay maligo, at maging malinis?
13 Kal a zankey maan ka salaŋ a se. I ne a se: «Iri baaba, da annabo wo na ni lordi ka ne ni ma hari bambata fo te, manti ni g'a te no? Sanku fa binde sohõ kaŋ a ne ni se: ‹Ma nyumay ka hanan!› »
14Nang magkagayo'y lumusong siya at sumugbong makapito sa Jordan, ayon sa sabi ng lalake ng Dios: at ang kaniyang laman ay nagsauling gaya ng laman ng isang munting bata, at siya'y naging malinis.
14 Kal a zumbu. A miri sorro iyye Urdun ra, Irikoy bora ciyaŋo boŋ. A hamo ye ka kaa sanda hay-taji ham cine, kal a hanan.
15At siya'y bumalik sa lalake ng Dios, siya at ang buong pulutong niya, at naparoon, at tumayo sa harap niya: at siya'y nagsabi, Narito ngayon, aking talastas na walang Dios sa buong lupa, kundi sa Israel: isinasamo ko ngayon sa iyo na tanggapin mo ang kaloob ng iyong lingkod.
15 A ye ka kaa Irikoy bora do, nga nda nga jama kulu. A kaa ka kay a jine ka ne: «Guna, sohõ ay bay kaŋ Irikoy fo si no ndunnya kulu ra kala Israyla ra. Sohõ mo, ay ga ni ŋwaaray, ni ma albarka wo ta ay, ni bannya do.»
16Nguni't kaniyang sinabi, Buhay ang Panginoon, na nakatayo ako sa harap niya, wala akong tatanggapin. At ipinilit niya sa kaniyang kunin; nguni't siya'y tumanggi.
16 Amma Iliyasu ne: «Ay ze da Rabbi fundikoono, nga kaŋ jine ay go ga kay, ay si hay kulu ta.» Naaman n'a faali a ma ta, amma a wangu.
17At sinabi ni Naaman, Kung hindi, isinasamo ko pa sa iyo, na bigyan ko ang iyong lingkod ng lupang mapapasan ng dalawang mula; sapagka't ang iyong lingkod buhat ngayon ay hindi maghahandog ng handog na susunugin o hain man sa ibang mga dios, kundi sa Panginoon.
17 Naaman ne: «Da manti yaadin no, ay ga ni ŋwaaray, ni ma yadda i ma ay, ni bannya no laabu, alambaana hinka jaraw wane. Zama ne jine ay, ni bannya, ay si filla ka sargay kaŋ i ga ton wala sargay kulu te de-koy* fooyaŋ se koyne, kala Rabbi se.
18Sa bagay na ito'y patawarin nawa ng Panginoon ang iyong lingkod, pagka ang aking panginoon ay pumasok sa bahay ni Rimmon upang sumamba roon, at siya'y umagapay sa aking kamay, at ako'y yumukod sa bahay ni Rimmon, pagyukod ko sa bahay ni Rimmon, na patawarin nawa ng Panginoon ang iyong lingkod sa bagay na ito.
18 Hari woone wo hinne ra day, Rabbi ma ay, ni bannya yaafa, alwaati kaŋ ay jine bora ga furo Rimmon fuwo ra zama nga ma sombu a se nango din ra, a ga jeeri mo ay kamba gaa, ay mo y'ay boŋ sumbal Rimmon diina fuwo ra. Alwaati kaŋ ay n'ay boŋ sumbal Rimmon fuwo ra, Rabbi ma ay, ni bannya, yaafa haya din kulu ra.»
19At sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay yumaong payapa. Sa gayo'y nilisan niya siya ng may aguwat na kaunti.
19 Iliyasu ne a se: «Koy baani.» Kal a fay d'a, a mana baa mooru.
20Nguni't si Giezi, na lingkod ni Eliseo na lalake ng Dios, ay nagsabi, Narito, pinalagpas ng aking panginoon ang Naamang ito na taga Siria, sa di pagtanggap sa kaniyang mga kamay ng kaniyang dala; buhay ang Panginoon, tatakbuhin ko siya, at kukuha ako ng anoman sa kaniya.
20 Amma Irikoy bora Iliyasu zanka Gehazi ne: «Guna, ay jine bora dogonandi Naaman Suriyanca wo se. A mana ta hayey kaŋ a kande a do. Ay ze da Rabbi fundikoono, ay g'a gana nda zuray, ya hay fo ta a gaa.»
21Sa gayo'y sinundan ni Giezi si Naaman, at nang makita ni Naaman na isa'y humahabol sa kaniya, siya'y bumaba sa karo na sinalubong niya, at sinabi, Lahat ba'y mabuti?
21 Gehazi binde na Naaman gana. Alwaato kaŋ Naaman di boro fo go ga nga gana nda zuray, a zumbu nga torka boŋ zama nga m'a kubay. A ne: «D'a ta day, baani no?»
22At kaniyang sinabi, Lahat ay mabuti. Sinugo ako ng aking panginoon, na sinabi, Narito, dumating sa akin ngayon mula sa lupaing maburol ng Ephraim ang dalawang binata sa mga anak ng mga propeta: isinasamo ko sa iyo na bigyan mo sila ng isang talentong pilak, at dalawang pangpalit na bihisan.
22 Gehazi ne: «Baani samay. Ay windikoyo no k'ay donton. Zama sohõ-sohõ no Ifraymu tondey laabu alborayze hinka kaa ay do, annabi izeyaŋ no. Ay ga ni ŋwaaray, m'i no nzarfu kilo waytaaci cindi gu cine, da kwaay hinka.»
23At sinabi ni Naaman, Matuwa ka, kunin mo ang dalawang talento. At ipinilit niya sa kaniya, at ibinalot ang dalawang talentong pilak sa dalawang supot, sangpu ng dalawang pangpalit na bihisan, at mga ipinasan sa dalawa sa kaniyang mga bataan; at dinala nila sa unahan niya.
23 Naaman ne: «Haba? Ma sambu kilo wayga.» A n'a faali. A na nzarfu kilo wayga haw foolo hinka ra, da kwaay hinka, ka dake nga bannya hinka se. I n'i sambu ka furo jina nd'ey.
24At nang siya'y dumating sa burol, kinuha niya sa kanilang kamay, at itinago niya sa bahay: at pinayaon niya ang mga lalake, at sila'y nagsiyaon.
24 Alwaato kaŋ i to tudo boŋ, Gehazi n'i ta i kambey ra. A n'i jisi fu ra ka borey sallama, i dira.
25Nguni't siya'y pumasok at tumayo sa harap ng kaniyang panginoon. At sinabi ni Eliseo sa kaniya, Saan ka nanggaling Giezi? At kaniyang sinabi, Ang iyong lingkod ay walang pinaroonan.
25 Amma nga din furo ka kay nga windikoyo jine. Iliyasu ne a se: «Gehazi, man no ni fun?» A ne a se: «Ni zanka mana koy naŋ kulu.»
26At kaniyang sinabi, Hindi ba sumasa iyo ang aking puso nang ang lalake ay bumalik mula sa kaniyang karo na sinasalubong ka? panahon ba ng pagtanggap ng salapi, at pagtanggap ng bihisan, at ng mga olibohan, at ng mga ubasan, at ng mga tupa, at ng mga baka, at ng mga aliping lalake at babae?
26 Iliyasu ne a se: «Ay bina, manti ni banda no a go alwaato kaŋ bora bare nga torka ra zama nga ma ni kubay? Mate no, nooru tayaŋ alwaati no, wala bankaaray, wala zeytun* kali, wala reyzin* wane, wala feejiyaŋ wala hawyaŋ wala bannyayaŋ, wala koŋŋayaŋ?
27Ang ketong nga ni Naaman ay kakapit sa iyo, at sa iyong binhi magpakailan man. At siya'y umalis sa kaniyang harapan na may ketong na kasingputi ng niebe.
27 To. Naaman jiraytara wo ga naagu ni gaa kal a ma koy ni banda gaa hal abada.» Gehazi fun taray a jine mo da jiraytaray, a ga kwaaray wak, sanda neezu* cine.