1At ito ang basbas na ibinasbas ni Moises, tao ng Dios, sa mga anak ni Israel bago siya namatay.
1 Albarka kaŋ Irikoy bora Musa na Israyla izey albarkandi nd'a za a mana bu neeya:
2At kaniyang sinabi, Ang Panginoo'y nanggaling sa Sinai, At bumangon mula sa Seir na patungo sa kanila; Siya'y lumiwanag mula sa bundok ng Paran, At siya'y nanggaling sa laksa-laksa ng mga banal: Sa kaniyang kanan, ay may hawak na isang mahigpit na kautusan sa kanila.
2 A ne: «Rabbi fun Sinayi, A tun Seyir ka kaa i do, A kaari i gaa, kaaro fun Paran tondo ra. A fun hanante dubu-dubu bindo ra. A kambe ŋwaaro ra gonda asariya danjikoy i se.
3Oo't kaniyang iniibig ang bayan: Lahat ng kaniyang mga banal ay nasa iyong kamay: At sila'y umupo sa iyong paanan; Na bawa't isa'y tatanggap ng iyong mga salita.
3 Haciika a ga ba nga jama. Ni hanantey kulu go ni kambe ra. I na ni ce daarey gana. I afo kulu na ni sanney ta.
4Si Moises ay nagutos sa atin ng isang kautusan, Na mana sa kapisanan ng Jacob.
4 Musa na asariya lordi iri se, Tubu hari no Yakuba marga se.
5At siya'y hari sa Jeshurun, Nang magkatipon ang mga pangulo ng bayan, Sangpu ng lahat ng mga lipi ni Israel.
5 A ciya mo bonkooni Yesurun ra waato kaŋ jama jine borey margu, Ngey nda Israyla kundey care banda.
6Mabuhay nawa ang Ruben, at huwag mamatay; Gayon ma'y kumaunti nawa ang kaniyang mga tao.
6 Ruben ma funa, a ma si bu. A borey mo manti ciraariyaŋ no.»
7At ito ang basbas sa Juda; at kaniyang sinabi, Dinggin mo, Panginoon, ang tinig ng Juda, At padatnin mo sa kaniyang bayan: Sukat na sa kaniya ang kaniyang mga kamay; At ikaw ay maging tulong laban sa kaniyang mga kaalit.
7 Yahuda albarka mo neeya: «Ya Rabbi, ma maa Yahuda jinde, Ma kand'a mo nga dumo do. A kambey gaabo ma wasa a se. Ni ma ciya a se Gaako mo a yanjekaarey kulu gaa.»
8At tungkol sa Levi ay kaniyang sinabi, Ang iyong Thummim at ang iyong Urim ay sumaiyong banal, Na siyang iyong sinubok sa Massa, Na siya mong kinatunggali sa tubig ng Meriba;
8 Lawi boŋ mo a ne: «Ni Tummin da ni Urim* go ni hananta do. Nga kaŋ ni si Massa haray, Nga kaŋ ni kakaw d'a Meriba haro jarga,
9Na siyang nagsabi tungkol sa kaniyang ama, at tungkol sa kaniyang ina, Hindi ko siya nakita; Ni kinilala niya ang kaniyang mga kapatid, Ni kinilala niya ang kaniyang sariling mga anak; Sapagka't kanilang sinunod ang iyong salita, At ginaganap ang iyong tipan.
9 Boro kaŋ ne nga baabo nda nga nyaŋo boŋ: ay man'i saal. A mana nga nya-izey bayray seeda mo. Nga kaŋ na nga izey ze, Zama a ga ni sanno haggoy, Ka ni sappa mo gaay.
10Sila'y magtuturo sa Jacob ng iyong mga kahatulan, At ng iyong mga kautusan, sa Israel; Sila'y maglalagay ng kamangyan sa harap mo, At ng buong handog na susunugin sa ibabaw ng iyong dambana.
10 I ga ni farilley dondonandi Yakuba se, Ni asariya* mo Israyla se. I ga dugu ton ni jine, Nga nda sargay summaare, Kaŋ i ga ton ni sargay feema boŋ.
11Basbasan mo, Panginoon, ang kaniyang tinatangkilik, At tanggapin mo ang gawa ng kaniyang mga kamay; Saktan mo ang mga balakang niyaong nagsisibangon laban sa kaniya, At niyaong nangapopoot sa kaniya, upang sila'y huwag bumangon uli.
11 Ya Rabbi, ma Lawi mayray hari albarkandi, Ma yadda mo d'a kambe goyo. Borey kaŋ yaŋ ga tun ka gaaba nd'a mo, Ni m'i kar k'i kungursu bagu, A konnakoy mo yaadin, Hal i ma si ye ka tun koyne.»
12Tungkol sa Benjamin, ay kaniyang sinabi, Ang minamahal ng Panginoon ay tatahang ligtas sa siping niya; Siya'y kakanlungan niya buong araw, At siya'y mananahan sa pagitan ng kaniyang mga balikat.
12 Benyamin boŋ a ne: «Rabbi baakwa ga goro a jarga baani samay. Rabbi g'a windi k'a haggoy zaari me-a-me. A nangoray go Rabbi jasey game ra.»
13At tungkol sa Jose ay kaniyang sinabi, Pagpalain nawa ng Panginoon ang kaniyang lupain, Sa mga mahalagang bagay ng langit, sa hamog, At sa kalaliman na nasa ilalim niya,
13 Yusufu boŋ mo a ne: «A laabo gonda Rabbi albarka, A gonda beene albarka nda harandaŋ wane. A gonda wo kaŋ go ganda ga jisi wane.
14At sa mga mahalagang bagay na pinatubo ng araw, At sa mga mahalagang bagay na pinatubo ng buwan,
14 A gonda nafa kaŋ wayna ga hay arzakey, A gonda mo nafa kaŋ hando ga hay arzakey.
15At sa pinakamarikit na mga bagay ng matandang bundok, At sa mga mahalagang bagay ng mga burol na walang hanggan,
15 A gonda hari beeri yaŋ kaŋ yaŋ ga fun tondi beeri zeeney gaa. A gonda mo arzakey kaŋ ga fun tudey kaŋ ga duumi ra.
16At sa mga mahalagang bagay ng lupa at ng kapunuan niyaon, At ang mabuting kalooban niyaong tumahan sa mababang punong kahoy: Sumaulo nawa ni Jose ang kapalaran, At sa tuktok ng ulo niya na hiwalay sa kaniyang mga kapatid.
16 A gonda fari arzakey d'i baayaŋ kulu, Da wo kaŋ goro ganda tuuri ra gaakuro. Naŋ albarka ma kaa ka zumbu Yusufu boŋ. Oho, baa bora kaŋ i fay da nga nya-izey boŋ bindo ra.
17Ang panganay ng kaniyang baka, na may kamahalan; At ang mga sungay niyaon ay parang mga sungay ng mabangis na toro: Siya niyang ipantutulak sa mga bayan, lahat sa kanila, kahit na nasa mga hangganan ng lupa: At sila ang laksa-laksa ng Ephraim, At sila ang libolibo ng Manases.
17 Koytaray darza ya a wane no, Danga haw-nya hay-jine wano cine. A hilley go danga haw-bi hilliyaŋ cine, Nga no a ga dumey kulu nukum d'a, hala ndunnya me waney. Yaadin no Ifraymu zambar-zambarey, Yaadin mo no Manasse zambarey.»
18At tungkol sa Zabulon ay kaniyang sinabi, Magalak ka, Zabulon, sa iyong paglabas; At ikaw, Issachar, sa iyong mga tolda.
18 Zabluna boŋ mo a ne: «Ya Zabluna, wa farhã ni fattayaŋey ra. Nin mo, ya Isakar, ni kuuru-fuwey ra.
19Kanilang tatawagin ang mga bayan sa bundok; Doo'y maghahandog sila ng mga hain ng katuwiran: Sapagka't kanilang hihititin ang mga kasaganaan ng mga dagat, At ang natatagong kayamanan sa buhanginan.
19 A ga jama boobo ce i ma kaa tondi kuuko do. Noodin mo no i ga adilitaray sargayey salle, Zama i ga teekoy yulwa candi, Ngey nda jabo taasey arzaka tugantey.»
20At tungkol sa Gad, ay kaniyang sinabi, Pagpalain yaong magpalaki sa Gad: Siya'y tumatahan parang isang leona, At dudurog ng bisig, sangpu ng bao ng ulo.
20 Gad boŋ mo a ne: «Albarkante no boro kaŋ ga Gad tafandi. A ga goro danga muusu beeri way, A ga kambe da boŋ bindi kulu tooru-tooru.
21At kaniyang inagap ang unang bahagi para sa kaniya, Sapagka't doon natago ang bahagi ng gumagawa ng kautusan; At siya'y pumaroong kasama ng mga pangulo ng bayan, Kaniyang isinagawa ang katuwiran ng Panginoon, At ang kaniyang mga kahatulan sa Israel.
21 A ga baa hanno suuban nga boŋ se. Noodin no i na mayraykoy baa jisi. A kaa jama jine borey banda, A na Rabbi adilitaray goyey toonandi, Danga, a farilley kaŋ yaŋ a waadu Israyla se nooya.»
22At tungkol sa Dan ay kaniyang sinabi, Ang Dan ay anak ng leon, Na lumukso mula sa Basan.
22 Dan boŋ mo a ne: «Dan ga ti muusu beeri ize kaŋ ga sar ka fun Basan.»
23At tungkol sa Nephtali ay kaniyang sinabi, Oh Nephtali, busog ng lingap, At puspos ng pagpapala ng Panginoon: Ariin mo ang kalunuran at ang timugan.
23 Naftali boŋ mo a ne: «Ya Naftali, nin kaŋ kungu nda gomni, Nin kaŋ to da Rabbi albarka! Ni ga du wayna kaŋay da dandi kambe haray mayray.»
24At tungkol sa Aser ay kaniyang sinabi, Pagpalain nawa sa mga anak ang Aser, Mahalin nawa siya ng kaniyang mga kapatid, At ilubog ang kaniyang paa sa langis.
24 Aser boŋ mo a ne: «Albarkante no Aser wo ize arey game ra. A ma ciya gaakuri hari nga nya-izey do. A ma nga ce taamu sufu ji ra.
25Ang iyong mga halang ay magiging bakal at tanso; At kung paano ang iyong mga kaarawan ay magkagayon nawa ang iyong lakas.
25 Ni taamey ma ciya guuru-bi nda guuru-say wane yaŋ. Ni gaabo mo ma saba nda ni aloomaro kuuyaŋ.
26Walang gaya ng Dios, Oh Jeshurun, Na sumasakay sa langit dahil sa pagtulong sa iyo, At sa himpapawid dahil sa kaniyang karangalan.
26 Boro kulu si no danga Yesurun Irikoyo cine, Nga kaŋ ga kaaru beena boŋ ka kaa ka ni gaakasinay. A darza ra mo a ga kaa ni do ka fun beene batama ra.
27Ang walang hanggang Dios ay iyong dakong tahanan, At sa ibaba'y ang walang hanggang mga bisig: At kaniyang itinutulak sa harap mo ang kaaway, At sinabi, Lansagin mo.
27 Irikoy kaŋ sinda sintina hane, A bananta hane mo si no, Nga no ga ti ni nangora. A kambey kaŋ go no duumi, Ngey neeya ni cire ga ni gaay. A na ibare tuti ka hibandi ni jine. A ne a se: ‹Ni ma halaci!›
28At ang Israel ay tumatahang tiwala, Ang bukal ng Jacob na nagiisa, Sa isang lupain ng trigo at alak; Oo't, ang kaniyang mga langit ay nagbababa ng hamog.
28 Israyla ga goro baani samay. Yakuba hari-mwa go no, nga fo, Laabo kaŋ ga to da ntaaso nda reyzin hari taji ra. Oho, a beena goono ga harandaŋ zumandi.
29Maginhawa ka, Oh Israel: Sino ang gaya mo, bayang iniligtas ng Panginoon, Ng kalasag na iyong tulong, At siyang tabak ng iyong karangalan! At ang iyong mga kaaway ay susuko sa iyo: At ikaw ay tutungtong sa kanilang mga matataas na dako.
29 Ya Israyla, ni ya albarkante no! May no ga hima ni cine, jama kaŋ Rabbi faaba? Nga wo ni koray da ni gaako no, Ni koytaray darza takuba mo no. Ni ibarey ga sumbal ka ngey boŋ ye ni kambe ra, Ni mo g'i nangey kaŋ go beene taamu-taamu.»