Tagalog 1905

Zarma

Ezekiel

36

1At ikaw, anak ng tao, manghula ka laban sa mga bundok ng Israel, at sabihin mo, Kayong mga bundok ng Israel, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon.
1 Ni mo, boro izo, ma annabitaray te Israyla tondi kuukey se ka ne: Ya araŋ, Israyla tondi kuukey, wa maa Rabbi sanno.
2Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: sapagka't sinabi ng kaaway sa inyo, Aha! at, Ang dating mga mataas na dako ay aming pag-aari;
2 Yaa no Rabbi, Koy Beero ci: Za kaŋ ibare na fafaryaŋ sanni te araŋ se ka ne «Ahãa! waato tudey boŋ sududuyaŋ nangey din ciya iri mayray hari!»
3Kaya't manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't, sa makatuwid baga'y sapagka't kanilang ginawang sira kayo, at nadaig kayo sa lahat ng dako, upang kayo'y maging pag-aari ng nalabi sa mga bansa, at kayo'y nabanggit ng mga labi ng mga mangdadaldal, at masamang ulat ng bayan;
3 Ni binde, kala ni ma annabitaray te ka ne: Yaa no Rabbi, Koy Beero ci: Za kaŋ i n'araŋ naŋ kurmu, i n'araŋ tutubu parkatak kuray kulu, zama araŋ ma ciya mayray hari ndunnya dumi cindey se, sanni da mimanda hari mo borey se --
4Kaya't kayong mga bundok ng Israel, inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Dios: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol, sa mga daan ng tubig at sa mga libis, sa mga sirang dako at sa mga bayan na nangapabayaan, na mga naging samsam at kakutyaan na nalabi sa mga bansa na nangasa palibot;
4 woodin se binde, ya araŋ, Israyla tondi kuukey, wa maa haŋ kaŋ Rabbi, Koy Beero goono ga ci tondi kuukey da tudey, da hari zuru fondey, da goorey, da batama falulley, da galley kaŋ te kurmu din se, wo kaŋ yaŋ ciya wongu arzaka, dondayaŋ hari yaŋ no ndunnya dumi cindey borey se kaŋ go g'i windi --
5Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Tunay na sa silakbo ng aking paninibugho ay nagsalita ako laban sa nalabi sa mga bansa, at laban sa buong Edom, na nagtakda ng aking lupain sa kanilang sarili na pag-aari na may kagalakan ng buo nilang puso, na may sama ng loob, upang ihagis na pinakasamsam.
5 Yaa no Rabbi, Koy Beero ci: Haciika ay canse korna ra ay salaŋ ka gaaba nda dumi cindey, da Edom kulu mo, ngey kaŋ n'ay laabo di k'a ciya ngey mayray hari. I goono ga farhã ngey biney ra gumo, da donda-caray ngey biney ra, zama ngey m'a ciya wongu arzaka.
6Kaya't manghula ka tungkol sa lupain ng Israel, at sabihin mo sa mga bundok at sa mga burol, sa mga daan ng tubig at sa mga libis, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y nagsalita sa aking paninibugho at sa aking kapusukan, sapagka't inyong tinaglay ang kahihiyan ng mga bansa.
6 Ni binde ma annabitaray te Israyla laabo sanni boŋ ka ne tondi kuukey, da tudey, da hari zuru fondey, da goorey din se kaŋ yaadin no Rabbi, Koy Beero ci: A go, ay cansa nd'ay futay korna ra no ay salaŋ, zama araŋ di wowi dumi cindey kambe ra.
7Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Aking itinaas ang aking kamay, na aking sinasabi, Tunay na ang mga bansa na nangasa palibot ninyo, mangagtataglay sila ng malaking kahihiyan.
7 A binde, yaa no Rabbi, Koy Beero ci: Ay ze ka ne: Haciika, dumi cindey kaŋ goono g'araŋ windi ga ngey haawo jare.
8Nguni't, kayo, Oh mga bundok ng Israel, inyong isusupling ang inyong mga sanga, at magbubunga sa aking bayang Israel; sapagka't sila'y malapit nang dumating.
8 Amma araŋ, ya Israyla tondi kuukey, araŋ _boŋ tuuri-nyaŋey|_ ga te kambeyaŋ, araŋ ma nafa hay ay borey Israyla izey se, zama i kaayaŋ maan tak!
9Sapagka't, narito, ako'y sa inyo, at ako'y babalik sa inyo, at kayo'y mabubukid at mahahasikan;
9 Zama a go, araŋ do haray no ay go. Ay ga bare ka ye araŋ do haray, i g'araŋ hanse ka duma.
10At ako'y magpaparami ng mga tao sa inyo, buong sangbahayan ni Israel, sa makatuwid baga'y siyang lahat; at ang mga bayan ay tatahanan, at ang mga sirang dako ay mangatatayo;
10 Ay ga naŋ borey ma baa araŋ boŋ, Israyla dumo kulu nooya, oho, a kulu. Galley ga ye ka goro nda boroyaŋ ngey ra, i ga ye ka kurmu zeeney cina mo.
11At ako'y magpaparami sa inyo ng tao at hayop; at sila'y magsisidami at mangagkakaanak: at aking patatahanin kayo ayon sa inyong dating kalagayan, at gagawan ko kayo ng magaling kay sa una: at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
11 Ay ga ye ka naŋ boro nda alman ma baa araŋ se koyne, i ga izeyaŋ hay ka tonton mo. Ay ga naŋ mo i ma goro araŋ ra sanda waato jirbey misa cine, hala mo ya albarka te araŋ se kaŋ ga bisa sintina wano. Woodin gaa no araŋ ga bay kaŋ ay no ga ti Rabbi.
12Oo, aking palalakarin sa inyo ang mga tao, sa makatuwid baga'y ang aking bayang Israel; at kanilang aariin ka, at ikaw ay magiging kanilang mana, at hindi mo na sila wawalaan ng mga anak.
12 Oho, ay ga naŋ borey kaŋ ga ti ay jama Israyla m'araŋ taamu. Ni ga ciya i mayray hari, ni ga ciya i se tubu, ni si ye k'i mursandi da izeyaŋ mo koyne.
13Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't kanilang sinasabi sa iyo, Ikaw na lupain ay manglalamon nga ng mga tao, at naging mapagpahirap sa iyong bansa;
13 Yaa no Rabbi, Koy Beero ci: Za kaŋ i goono ga ne ni se: «Ni ya boro ŋwaari no, ni na ni laabo mursandi nda izeyaŋ,»
14Kaya't hindi ka na manglalamon pa ng mga tao o papatay pa man sa iyong bansa, sabi ng Panginoong Dios;
14 ni binde si ye ka borey ŋwa ka ban koyne. Ni si ye ka ni laabo mursandi nda izeyaŋ mo. Yaadin no Rabbi, Koy Beero ci.
15O iparirinig ko pa man sa iyo ang kahihiyan ng mga bansa, o magtataglay ka pa man ng kakutyaan ng mga bayan, o ititisod mo pa man ang iyong bansa, sabi ng Panginoong Dios.
15 Ay si yadda ni ma ye ka maa wowi sanney din koyne dumi cindey meyey ra. Ndunnya dumey si ye ka ni wow koyne, ni si ye ka ciya hartayaŋ daliili ni borey se koyne. Yaadin no Rabbi, Koy Beero ci.
16Bukod dito'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi,
16 Rabbi sanno kaa ay do koyne ka ne:
17Anak ng tao, nang tumatahan ang sangbahayan ni Israel sa kanilang sariling lupain, kanilang inihawa ng kanilang lakad at ng kanilang mga gawa: ang kanilang lakad sa harap ko ay naging parang karumihan ng babae sa kaniyang kapanahunan.
17 Boro izo, waato kaŋ Israyla dumo goro ngey laabo ra, i n'a ziibandi nda ngey muraadey da ngey goyey. Ay do i fonda ga hima sanda wayboro kaŋ di ziibi.
18Kaya't aking ibinugso ang aking kapusukan sa kanila dahil sa dugo na kanilang ibinubo sa lupain, at dahil sa kanilang nilapastangan ng kanilang mga diosdiosan;
18 Woodin se no ay n'ay futay korna gusam i boŋ, kuro kaŋ i mun laabo ra sabbay se, zama mo koyne i n'a ziibandi nda ngey toorey.
19At aking pinangalat sila sa mga bansa, at sila'y nagsipanabog sa mga lupain: ayon sa kanilang lakad at ayon sa kanilang mga gawa ay hinatulan ko sila.
19 Ay n'i say-say mo dumi cindey ra k'i duma ndunnya laabey ra. I muraadey d'i goyey boŋ no ay n'i ciiti.
20At nang sila'y dumating sa mga bansa, na kanilang pinaroonan, kanilang nilapastangan ang aking banal na pangalan; sa pagsasabi ng mga tao tungkol sa kanila, Ang mga ito ay bayan ng Panginoon, at nagsilabas sa kaniyang lupain.
20 Waato kaŋ i to dumi cindey do, nangey kaŋ yaŋ i koy, i n'ay maa hanna ziibandi, za kaŋ borey n'i ciine te ka ne: «Rabbi borey neeya, day i fatta a laabo ra.»
21Nguni't iginalang ko ang aking banal na pangalan, na nilapastangan ng sangbahayan ni Israel sa mga bansa na kanilang pinaroonan.
21 Amma ay wo, ay saal ay maa hanna darza, maa kaŋ Israyla dumo ziibandi dumi cindey game ra, nangey kaŋ i koy.
22Kaya't sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; Hindi ko ginawa ito dahil sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel, kundi dahil sa aking banal na pangalan, na inyong nilapastangan sa mga bansa na inyong pinaroonan.
22 Woodin sabbay se, kala ni ma ne Israyla dumo se: Yaawo no Rabbi, Koy Beero ci: Ya Israyla dumo, ay si woodin te araŋ sabbay se bo, amma ay maa hanna sabbay se, nga kaŋ araŋ ziibandi dumi cindey ra, nangey kaŋ araŋ koy.
23At aking babanalin ang aking dakilang pangalan, na nalapastangan sa mga bansa, na inyong nilapastangan sa gitna nila; at malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon, sabi ng Panginoong Dios, pagka ako'y aariing banal sa inyo sa harap ng kanilang mga mata.
23 Ay mo, kal ay m'ay maa beero fay waani, nga kaŋ i ziibandi dumi cindey ra, ay maa kaŋ araŋ ziibandi i bindo ra. Dumi cindey ga bay mo kaŋ ay no ga ti Rabbi, waati kaŋ ay hanan araŋ do i jine. Yaadin no Rabbi, Koy Beero ci.
24Sapagka't aking kukunin kayo sa mga bansa, at pipisanin ko kayo na mula sa lahat ng lupain, at dadalhin ko kayo sa inyong sariling lupain.
24 Zama ay g'araŋ margu k'araŋ kaa dumi cindey ra, da laabey kulu ra, ya araŋ sambu ka kande araŋ laabo ra.
25At ako'y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo, at kayo'y magiging malinis: sa buo ninyong karumihan, at sa lahat ninyong mga diosdiosan, lilinisin ko kayo.
25 Gaa no ay ga hari kaŋ ga hanan say-say araŋ gaa, araŋ ga hanan mo. Araŋ kazaamatarayey d'araŋ toorey kulu gaa no ay g'araŋ hanandi.
26Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman.
26 Bine taji mo no ay g'araŋ no, ay ga biya taji mo daŋ araŋ ra. Araŋ gaahamey ra mo ay ga tondi bina din sambu, ya araŋ no bine hanno, basi wane.
27At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa.
27 Ay g'ay Biya daŋ araŋ ra, ya araŋ candi ay hin sanney ra, araŋ g'ay farilley haggoy k'i goy te mo.
28At kayo'y magsisitahan sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang; at kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios.
28 Araŋ ga goro mo laabo kaŋ ay n'araŋ kaayey no din ra. Araŋ ga ciya ay jama, ay mo ga ciya araŋ Irikoyo.
29At lilinisin ko kayo sa lahat ninyong karumihan: at aking patutubuin ang trigo, at aking pararamihin, at hindi na ako magpaparating ng kagutom sa inyo.
29 Ay g'araŋ faaba mo k'araŋ kaa araŋ kazaamatarayey kulu ra. Ay ga ntaasu ce ka ne a ma baa, ay si haray candi ka kande araŋ gaa bo.
30At aking pararamihin ang bunga ng punong kahoy, at ang ani sa bukid, upang huwag na kayong tumanggap pa ng kadustaan ng kagutom sa mga bansa.
30 Ay ga naŋ tuuri-nya da fari nafa ma baa, araŋ ma si ye ka di kayna koyne dumi cindey ra haray sabbay se.
31Kung magkagayo'y inyong maaalaala ang inyong mga masamang lakad, at ang inyong mga gawa na hindi mabuti; at kayo'y mayayamot sa inyong sarili sa inyong paninging sarili, dahil sa inyong mga kasamaan at dahil sa inyong mga kasuklamsuklam.
31 Waato din gaa no araŋ ga fongu araŋ muraadu laaley, d'araŋ goyey kaŋ si boori. Araŋ g'araŋ boŋ fanta araŋ boŋ se, araŋ goy laaley d'araŋ fanta harey sabbay se.
32Hindi dahil sa inyo ginagawa ko ito, sabi ng Panginoong Dios, tantuin ninyo: kayo'y mangahiya at mangalito dahil sa inyong mga lakad, Oh sangbahayan ni Israel.
32 Araŋ ma bay kaŋ manti araŋ se no ay ga woodin te bo. Araŋ ma haaw, araŋ boŋ ma haaw mo araŋ muraadey sabbay se, ya Israyla dumo. Yaadin no Rabbi, Koy Beero ci.
33Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa araw na aking linisin kayo sa lahat ninyong kasamaan, aking patatahanan ang mga bayan, at ang mga gibang dako ay mangatatayo.
33 Yaa no Rabbi, Koy Beero goono ga ci: Han kaŋ hane ay n'araŋ hanandi araŋ taaley kulu gaa, ay ga naŋ galley ma goro nda boroyaŋ, i ma kurmey cina mo.
34At ang lupain na naging sira ay mabubukid, na naging sira sa paningin ng lahat na nangagdaraan.
34 Laabo kaŋ goro boro kulu si a ra, i g'a far. Nga kaŋ go kurmu waato, hala borey kaŋ ga bisa kulu go ga di a yaadin,
35At kanilang sasabihin, Ang lupaing ito na naging sira ay naging gaya ng halamanan ng Eden; at ang sira at giba at wasak na mga bayan ay nakukutaan at tinatahanan.
35 hiino i ga ne: «Laabu woone, kaŋ goro kurmu koonu, sohõ a ye ka ciya sanda Eden kalo cine. Galley mo kaŋ goro kurmu koonu, wo kaŋ yaŋ halaci, i du wongu cinari nda goroko yaŋ.»
36Kung magkagayo'y malalaman ng mga bansa na nalabi sa palibot ninyo na akong Panginoon ay nagtayo ng mga guhong dako, at tinamnan ko ang dakong sira: akong Panginoon ang nagsalita, at aking gagawin.
36 Woodin gaa no dumi cindey kaŋ cindi araŋ windanta ga bay kaŋ ay, Rabbi, ay na nangey kaŋ bagu yaŋ din cina. Ay no ka batama koono tilam. Ay, Rabbi no ka ci, ay g'a goy mo.
37Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Bukod dito pa'y pagsasanggunian ako ng sangbahayan ni Israel, upang gawin sa kanila; ako'y magpaparami sa kanila ng tao na parang kawan.
37 Yaa no Rabbi, Koy Beero ci: Ay yadda Israyla dumo ma woone ceeci ay do, ay mo g'a te i se: ay g'i borey baayaŋo tonton sanda kuru cine.
38Kung paano ang kawan na panghain, kung paano ang kawan ng Jerusalem sa kanilang mga takdang kapistahan, gayon mapupuno ang mga gibang bayan ng mga kawan ng mga tao: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
38 Sanda feeji kuru hanante cine, sargay wane, sanda feeji kuru Urusalima ra a zaari jisante batey ra, yaadin cine no gallu kurmey ga to da boroyaŋ, sanda feeji kuruyaŋ. Gaa no i ga bay kaŋ ay no ga ti Rabbi.