Tagalog 1905

Zarma

Matthew

24

1At lumabas si Jesus sa templo, at payaon sa kaniyang lakad; at nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang sa kaniya'y ipamalas ang mga gusali ng templo.
1 Yesu fun Irikoy windo ra. A goono ga dira, kal a talibey kaa a do. I go ga windo cinarey cabe a se.
2Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito'y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak.
2 A tu ka ne i se: «Araŋ di cinarey wo kulu? Haciika ay ga ne araŋ se: tondi fo si cindi tondi fo boŋ kaŋ i s'a zeeri.»
3At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?
3 A goono ga goro Zeytun tondo boŋ kal a talibey kaa a do ngey hinne. I ne: «Ma ci iri se, waatifo no hayey din ga te? Ifo no ga ti ni kaayaŋ alaama, da zamana wo bananta wano?»
4At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman.
4 Yesu tu ka ne i se: «Wa haggoy boro kulu ma si araŋ darandi.
5Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.
5 Zama boro boobo ga kaa k'ay maa sambu ka ne ngey no ga ti Almasihu. I ga boro boobo darandi mo.
6At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas.
6 Araŋ ga maa wongu baaru da wongu ruubuyaŋ mo. Araŋ ma haggoy araŋ laakal ma si tun zama tilas no kala hayey din ma jin ka te, amma bananta mana to jina.
7Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako.
7 Zama dumi ga tun dumi gaa, mayray mo ga tun mayray gaa. Haray da laabu zinjiyaŋ ga te nangu waani-waani ra.
8Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.
8 Amma woodin yaŋ kulu taabi sintin yaŋ no jina.
9Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan.
9 Saaya din ra i g'araŋ nooyandi gurzugay se, i g'araŋ wi, zaati. Araŋ ga ciya konnari hariyaŋ mo ndunnya dumey kulu se ay maa sabbay se.
10At kung magkagayo'y maraming mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa't isa, at mangagkakapootan ang isa't isa.
10 Waati din no boro boobo ga mulay, i ga care nooyandi ka konna care mo.
11At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami.
11 Tangari annabi boobo mo ga tun ka boro boobo darandi.
12At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.
12 Zama izefututaray no ga tonton, borey baayaŋ baakasina mo ga ye da banda.
13Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.
13 Amma boro kaŋ ga hin suuru hala bananta, nga no ga du faaba.
14At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.
14 I ga koytara Baaru Hanna waazu mo ndunnya kulu ra, a ma ciya seeda dumey kulu se. Gaa no bananta ga te.
15Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa),
15 Woodin se binde, waati kaŋ araŋ ga di ‹fanta hari laala kaŋ ga kazaamandi,› wo kaŋ annabi Daniyel ci, goono ga kay Nangu Hananta ra (cawkwa ma faham),
16Kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:
16 waato gaa borey kaŋ yaŋ go Yahudiya ra ma zuru ka koy tondey kuukey ra.
17Ang nasa bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob ng kaniyang bahay:
17 Boro kaŋ go fu boŋ ma si zumbu ka hay fo sambu nga fuwo ra.
18At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal.
18 Boro kaŋ go fari mo ma si ye banda ka nga taafa sambu.
19Datapuwa't sa aba ng nangagdadalang-tao at nangagpapasuso sa mga araw na yaon!
19 Amma kaari ngey kaŋ gonda gunde, da ngey mo kaŋ go ga naanandi jirbey din ra!
20At magsipanalangin kayo na huwag mangyari ang pagtakas ninyo sa panahong taginaw, o sa sabbath man:
20 Araŋ ma te adduwa araŋ zura ma si ciya jaw waate, wala asibti* hane.
21Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.
21 Zama alwaato din ra i ga gurzugay bambata te kaŋ dumi mana bay ka te ce fo za ndunnya sinjiyaŋ ka kaa hunkuna, a si ye ka te mo abada.
22At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamang makaliligtas: datapuwa't dahil sa mga hirang ay paiikliin ang mga araw na yaon.
22 Da manti kaŋ i na jirbey din dunguriyandi, doŋ fundikooni si no kaŋ ga du faaba. Amma suubanantey sabbay se no i g'i gazandi.
23Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan.
23 Alwaato din da boro fo ga ne araŋ se: ‹Wa guna, Almasihu neeya!› wala, ‹Nga nooya yongo!› araŋ ma s'a cimandi.
24Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.
24 Zama almasihu, tangari wane yaŋ, da tangari annabiyaŋ, ga tun ka alaama bambata yaŋ da dambara hariyaŋ cabe, hala nda haŋ kaŋ ga hin ka te no, doŋ i ga baa suubanantey darandi.
25Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo.
25 Wa guna fa, ay jin ka ci araŋ se.
26Kaya nga kung sa inyo'y kanilang sasabihin, Narito, siya'y nasa ilang; huwag kayong magsilabas: Narito, siya'y nasa mga silid; huwag ninyong paniwalaan.
26 D'i ga ne araŋ se: ‹Wa guna, a go saajo ra!› wa si koy. Da mo i ne: ‹Wa guna, a go lokoto-lokotey ra!› wa si ta.
27Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
27 Zama mate kaŋ cine beene maliyaŋ ga fun wayna funay haray, i ga di a kala wayna kaŋay haray mo, yaadin cine no Boro Izo kaayaŋo ga te d'a.
28Saan man naroon ang bangkay, ay doon mangagkakatipon ang mga uwak.
28 Nangu kulu kaŋ jifa go, noodin no gaadagey mo ga margu.
29Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit:
29 Amma sahãadin-sahãadin kankami jirbey din banda, ‹wayna ga te kubay, hando si kaari koyne, handariyayzey ga fun beena gaa ka kaŋ, beene dabarey mo ga zinji.›
30At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.
30 Gaa no Boro Izo alaama mo ga bangay beena ra. Saaya din no ndunnya dumey kulu ga te bine saray. I ga di Boro Izo go kaa beene burey boŋ da dabari da darza bambata.
31At susuguin ang kaniyang mga anghel na may matinding pakakak, at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila.
31 A ga nga malaykey donton da hilli hẽeni bambata, ngey mo g'a suubanantey margu i ma fun ndunnya haw taaca do haray za beena me fo gaa kal a me fa gaa.
32Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw;
32 Jeejay nya gaa araŋ ma misa wo dondon. Waati kaŋ a kambey jin ka zay, a goono ga kobto kaa mo, araŋ ga bay day kaŋ kaydiya maan nooya.
33Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.
33 Yaadin no araŋ mo: waati kaŋ araŋ ga di hayey din kulu, araŋ ma bay kaŋ Boro Izo maanu, hal a to fu meyo gaa zaati.
34Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.
34 Haciika ay ga ne araŋ se: dumo wo si ban kala day hayey din kulu ma te.
35Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.
35 Beene nda ganda ga tuusu, amma ay sanney wo si tuusu.
36Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.
36 Amma zaaro din, wala saaya din sanno, boro kulu s'a bay, baa beene malaykey, wala Izo mo, kala Baabo hinne.
37At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
37 Amma mate kaŋ Nuhu jirbey te d'a, yaadin no Boro* Izo bangayyaŋo mo ga te d'a.
38Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong,
38 Zama mate kaŋ cine a go jirbey din ra, za tunfaana* haro mana kaa, i goono ga ŋwa, i goono ga haŋ, i goono ga hiiji, i ga hiijandi, kala hano kaŋ hane Nuhu furo hiyo ra,
39At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
39 jirsi boŋ mo tunfaana haro kaa ka ikulu ŋwa. Yaadin cine no Boro Izo bangayyaŋo ga ciya d'a.
40Kung magkagayo'y sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan:
40 Saaya din ra boro hinka ga bara fari. I g'afo sambu k'afa naŋ.
41Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan.
41 Wayboro hinka ga bara fufuyaŋ do. I g'afo sambu k'afa naŋ.
42Mangagpuyat nga kayo: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.
42 Araŋ ma batu fa, zama araŋ si bay zaari kaŋ ra no araŋ Rabbo ga kaa.
43Datapuwa't ito'y talastasin ninyo, na kung nalalaman ng puno ng sangbahayan kung anong panahon darating ang magnanakaw, ay siya'y magpupuyat, at hindi niya pababayaang tibagin ang kaniyang bahay.
43 Amma ma woone bay: da windikoy ga bay saaya kaŋ no zay ga kaa, doŋ a ga batu, a si naŋ i ma nga fuwo fun.
44Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.
44 Araŋ binde ma goro soolanteyaŋ, zama saaya kaŋ ra araŋ mana tammahã no Boro Izo ga kaa.
45Sino nga baga ang aliping tapat at matalino, na pinagkatiwalaan ng kaniyang panginoon sa kaniyang sangbahayan, upang sila'y bigyan ng pagkain sa kapanahunan?
45 May no tamo wo kaŋ gonda naanay da laakal, kaŋ a koyo n'a daŋ nga windo almayaaley boŋ, zama a m'i no ŋwaari alwaati kaŋ ga hagu ra?
46Mapalad yaong aliping kung dumating ang kaniyang panginoon, ay maratnan siyang gayon ang kaniyang ginagawa.
46 Tamo wo ya albarkante no d'a koyo kaa ka gar a goono ga te yaadin.
47Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na sa kaniya'y ipagkakatiwala ang lahat niyang pag-aari.
47 Haciika ay ga ne araŋ se: a g'a daŋ a ma nga jinayey kulu dabari.
48Datapuwa't kung ang masamang aliping yaon ay magsabi sa kaniyang puso, Magtatagal ang aking panginoon;
48 Amma da tam laala din ga ne nga bina ra: ‹Ay koyo ga gay hal a ga kaa,›
49At magsimulang bugbugin ang kaniyang mga kapuwa alipin, at makipagkainan at makipaginuman sa mga lasing;
49 hal a ma sintin ka nga tamtaray hangasiney kar, a ma ŋwa, a ma haŋ bugantey banda,
50Darating ang panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya hinihintay, at oras na hindi niya nalalaman,
50 kala tamo din koyo ga kaa zaaro kaŋ a mana tammahã din ra, da saaya kaŋ a si bay ra.
51At siya'y babaakin, at isasama ang kaniyang bahagi sa mga mapagpaimbabaw: doon na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.
51 A ga tamo barzu k'a gaahamo kulu bagu-bagu. A g'a baa daŋ munaficey banda. Noodin no i ga hẽ ka hinjey kanji.