1Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan,
1ܡܘܕܥ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܝܢ ܐܚܝ ܐܘܢܓܠܝܘܢ ܕܤܒܪܬܟܘܢ ܘܩܒܠܬܘܢܝܗܝ ܘܩܡܬܘܢ ܒܗ ܀
2Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.
2ܘܒܗ ܚܐܝܢ ܐܢܬܘܢ ܒܐܝܕܐ ܡܠܬܐ ܤܒܪܬܟܘܢ ܐܢ ܥܗܕܝܢ ܐܢܬܘܢ ܐܢ ܠܐ ܗܘܐ ܤܪܝܩܐܝܬ ܗܝܡܢܬܘܢ ܀
3Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan,
3ܐܫܠܡܬ ܠܟܘܢ ܓܝܪ ܡܢ ܠܘܩܕܡ ܐܝܟ ܡܕܡ ܕܩܒܠܬ ܕܡܫܝܚܐ ܡܝܬ ܥܠ ܐܦܝ ܚܛܗܝܢ ܐܝܟܢܐ ܕܟܬܝܒ ܀
4At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan;
4ܘܕܐܬܩܒܪ ܘܩܡ ܠܬܠܬܐ ܝܘܡܝܢ ܐܝܟ ܕܟܬܝܒ ܀
5At siya'y napakita kay Cefas, at saka sa labingdalawa;
5ܘܐܬܚܙܝ ܠܟܐܦܐ ܘܒܬܪܗ ܠܬܪܥܤܪ ܀
6Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan, na ang karamihan sa mga ito'y nangabubuhay hanggang ngayon, datapuwa't ang mga iba'y nangatulog na;
6ܘܒܬܪܟܢ ܐܬܚܙܝ ܠܝܬܝܪ ܡܢ ܚܡܫܡܐܐ ܐܚܝܢ ܐܟܚܕܐ ܕܤܓܝܐܐ ܡܢܗܘܢ ܩܝܡܝܢ ܐܢܘܢ ܥܕܡܐ ܠܗܫܐ ܘܡܢܗܘܢ ܕܡܟܘ ܀
7Saka napakita kay Santiago; at saka sa lahat ng mga apostol;
7ܘܡܢ ܒܬܪ ܗܠܝܢ ܐܬܚܙܝ ܠܝܥܩܘܒ ܘܒܬܪܗ ܠܫܠܝܚܐ ܟܠܗܘܢ ܀
8At sa kahulihulihan, tulad sa isang ipinanganak sa di kapanahunan, ay napakita naman siya sa akin.
8ܠܚܪܬܐ ܕܝܢ ܕܟܠܗܘܢ ܐܝܟ ܕܠܝܚܛܐ ܐܬܚܙܝ ܐܦ ܠܝ ܀
9Ako nga ang pinakamaliit sa mga apostol, at hindi ako karapatdapat na tawaging apostol, sapagka't pinagusig ko ang iglesia ng Dios.
9ܐܢܐ ܐܢܐ ܓܝܪ ܙܥܘܪܗܘܢ ܕܫܠܝܚܐ ܘܠܐ ܫܘܐ ܐܢܐ ܕܐܬܩܪܐ ܫܠܝܚܐ ܡܛܠ ܕܪܕܦܬ ܥܕܬܗ ܕܐܠܗܐ ܀
10Datapuwa't sa pamamagitan ng biyaya ng Dios, ako nga'y ako; at ang kaniyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan; bagkus ako'y malabis na nagpagal kay sa kanilang lahat: bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Dios na sumasa akin.
10ܒܛܝܒܘܬܗ ܕܝܢ ܕܐܠܗܐ ܐܝܬܝ ܡܕܡ ܕܐܝܬܝ ܘܛܝܒܘܬܗ ܕܒܝ ܠܐ ܗܘܬ ܤܪܝܩܐ ܐܠܐ ܝܬܝܪ ܡܢ ܟܠܗܘܢ ܠܐܝܬ ܠܐ ܐܢܐ ܐܠܐ ܛܝܒܘܬܗ ܕܥܡܝ ܀
11Maging ako nga o sila, ay gayon ang aming ipinangangaral, at gayon ang inyong sinampalatayanan.
11ܐܢ ܐܢܐ ܗܟܝܠ ܘܐܢ ܗܢܘܢ ܗܟܢܐ ܡܟܪܙܝܢܢ ܘܗܟܢܐ ܗܝܡܢܬܘܢ ܀
12Kung si Cristo nga'y ipinangangaral na siya'y muling binuhay sa mga patay, bakit ang ilan sa inyo ay nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli ng mga patay?
12ܐܢ ܕܝܢ ܡܫܝܚܐ ܡܬܟܪܙ ܕܩܡ ܡܢ ܒܝܬ ܡܝܬܐ ܐܝܟܢܐ ܐܝܬ ܒܟܘܢ ܐܢܫܐ ܕܐܡܪܝܢ ܠܝܬ ܚܝܬ ܡܝܬܐ ܀
13Datapuwa't kung walang pagkabuhay na maguli ng mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo:
13ܘܐܢ ܚܝܬ ܡܝܬܐ ܠܝܬ ܐܦܠܐ ܡܫܝܚܐ ܩܡ ܀
14At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral, wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya.
14ܘܐܢ ܡܫܝܚܐ ܠܐ ܩܡ ܤܪܝܩܐ ܗܝ ܟܪܘܙܘܬܢ ܤܪܝܩܐ ܐܦ ܗܝܡܢܘܬܟܘܢ ܀
15Oo, at kami ay nasusumpungang mga saksing bulaan tungkol sa Dios; sapagka't aming sinasaksihan tungkol sa Dios, na kaniyang muling binuhay si Cristo; na hindi siyang muling nabuhay, kung tunay nga ang mga patay ay hindi muling binubuhay.
15ܡܫܬܟܚܝܢ ܚܢܢ ܕܝܢ ܐܦ ܤܗܕܐ ܕܓܠܐ ܕܐܠܗܐ ܕܐܤܗܕܢ ܥܠ ܐܠܗܐ ܕܐܩܝܡ ܠܡܫܝܚܐ ܟܕ ܠܐ ܐܩܝܡ ܀
16Sapagka't kung hindi muling binubuhay ang mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo:
16ܐܢ ܡܝܬܐ ܓܝܪ ܠܐ ܩܝܡܝܢ ܐܦܠܐ ܡܫܝܚܐ ܩܡ ܀
17At kung si Cristo ay hindi muling binuhay, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan kayo'y nasa inyong mga kasalanan pa.
17ܘܐܢ ܡܫܝܚܐ ܠܐ ܩܡ ܒܛܠܐ ܗܝ ܗܝܡܢܘܬܟܘܢ ܘܥܕܟܝܠ ܒܚܛܗܝܟܘܢ ܐܢܬܘܢ ܀
18Kung gayon nga, ang mga nangatutulog din naman kay Cristo ay pawang nangapahamak.
18ܘܟܒܪ ܐܦ ܐܝܠܝܢ ܕܕܡܟܘ ܒܡܫܝܚܐ ܐܒܕܘ ܠܗܘܢ ܀
19Kung sa buhay lamang na ito tayo nagsisiasa kay Cristo, ay tayo sa lahat ng mga tao ang lalong kahabaghabag.
19ܘܐܢ ܒܗܠܝܢ ܗܘ ܚܝܐ ܒܠܚܘܕ ܡܤܒܪܝܢܢ ܒܡܫܝܚܐ ܕܘܝܢܢ ܗܘ ܡܢ ܟܠܗܘܢ ܒܢܝܢܫܐ ܀
20Datapuwa't si Cristo nga'y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging pangunahing bunga ng nangatutulog.
20ܗܫܐ ܕܝܢ ܡܫܝܚܐ ܩܡ ܡܢ ܒܝܬ ܡܝܬܐ ܘܗܘܐ ܪܫܝܬܐ ܕܕܡܟܐ ܀
21Sapagka't yamang sa pamamagitan ng tao'y dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din naman ng tao'y dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay.
21ܘܐܝܟܢܐ ܕܒܝܕ ܒܪܢܫܐ ܗܘܐ ܡܘܬܐ ܗܟܢܐ ܐܦ ܒܝܕ ܒܪܢܫܐ ܗܘܝܐ ܚܝܬ ܡܝܬܐ ܀
22Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.
22ܐܝܟܢܐ ܓܝܪ ܕܒܐܕܡ ܟܠܗܘܢ ܒܢܝܢܫܐ ܡܝܬܝܢ ܗܟܢܐ ܐܦ ܒܡܫܝܚܐ ܟܠܗܘܢ ܚܐܝܢ ܀
23Datapuwa't ang bawa't isa'y sa kaniyang sariling katayuan; si Cristo ang pangunahing bunga; pagkatapos ay ang mga kay Cristo, sa kaniyang pagparito.
23ܐܢܫ ܐܢܫ ܒܛܟܤܗ ܪܫܝܬܐ ܗܘܐ ܡܫܝܚܐ ܒܬܪܟܢ ܐܝܠܝܢ ܕܕܡܫܝܚܐ ܐܢܘܢ ܒܡܐܬܝܬܗ ܀
24Kung magkagayo'y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios, sa makatuwid baga'y sa Ama; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan.
24ܘܗܝܕܝܢ ܬܗܘܐ ܚܪܬܐ ܡܐ ܕܡܫܠܡ ܡܠܟܘܬܐ ܠܐܠܗܐ ܐܒܐ ܡܐ ܕܒܛܠ ܟܠ ܪܝܫ ܘܟܠ ܫܘܠܛܢ ܘܟܠ ܚܝܠܝܢ ܀
25Sapagka't kinakailangang siya'y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway.
25ܥܬܝܕ ܗܘ ܓܝܪ ܕܢܡܠܟ ܥܕܡܐ ܕܢܤܝܡ ܒܥܠܕܒܒܘܗܝ ܟܠܗܘܢ ܬܚܝܬ ܪܓܠܘܗܝ ܀
26Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan.
26ܘܐܚܪܝܐ ܒܥܠܕܒܒܐ ܡܬܒܛܠ ܡܘܬܐ ܀
27Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi, ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya.
27ܟܠ ܓܝܪ ܫܥܒܕ ܬܚܝܬ ܪܓܠܘܗܝ ܡܐ ܕܐܡܪ ܕܝܢ ܕܟܠܡܕܡ ܡܫܬܥܒܕ ܠܗ ܝܕܝܥܐ ܕܤܛܪ ܡܢ ܗܘ ܕܫܥܒܕ ܠܗ ܟܠ ܀
28At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.
28ܘܡܐ ܕܐܫܬܥܒܕ ܠܗ ܟܠ ܗܝܕܝܢ ܗܘ ܒܪܐ ܢܫܬܥܒܕ ܠܗܘ ܕܫܥܒܕ ܠܗ ܟܠ ܕܢܗܘܐ ܐܠܗܐ ܟܠ ܒܟܠ ܀
29Sa ibang paraan, anong gagawin ng mga binabautismuhan dahil sa mga patay? Kung ang mga patay ay tunay na hindi muling binubuhay, bakit nga sila'y binabautismuhan dahil sa kanila?
29ܘܐܠܐ ܡܢܐ ܢܥܒܕܘܢ ܗܢܘܢ ܕܥܡܕܝܢ ܚܠܦ ܡܝܬܐ ܐܢ ܡܝܬܐ ܠܐ ܩܝܡܝܢ ܡܢܐ ܥܡܕܝܢ ܚܠܦ ܡܝܬܐ ܀
30Bakit baga naman tayo'y nanganganib bawa't oras?
30ܘܠܡܢܐ ܐܦ ܚܢܢ ܒܟܠ ܫܥܐ ܒܩܢܕܝܢܘܤ ܩܝܡܝܢܢ ܀
31Ipinahahayag ko alangalang sa ikaluluwalhati ninyo, mga kapatid, na taglay ko kay Cristo Jesus na Panginoon natin na araw-araw ay nasa panganib ng kamatayan ako.
31ܝܡܐ ܐܢܐ ܒܫܘܒܗܪܟܘܢ ܐܚܝ ܕܐܝܬ ܠܝ ܒܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܕܟܠܝܘܡ ܡܐܬ ܐܢܐ ܀
32Kung ako'y nakipagbaka sa Efeso laban sa mga ganid, ayon sa kaugalian ng tao, ano ang pakikinabangin ko? Kung ang mga patay ay hindi muling binubuhay, magsikain at magsiinom tayo yamang bukas tayo'y mangamamatay.
32ܐܢ ܐܝܟ ܕܒܝܬ ܒܢܝܢܫܐ ܐܫܬܕܝܬ ܠܚܝܘܬܐ ܒܐܦܤܘܤ ܡܢܐ ܐܬܗܢܝܬ ܐܢ ܡܝܬܐ ܠܐ ܩܝܡܝܢ ܢܐܟܘܠ ܘܢܫܬܐ ܡܚܪ ܓܝܪ ܡܝܬܝܢܢ ܀
33Huwag kayong padaya: Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali.
33ܠܐ ܬܛܥܘܢ ܡܚܒܠܢ ܪܥܝܢܐ ܒܤܝܡܐ ܫܘܥܝܬܐ ܒܝܫܬܐ ܀
34Gumising kayo ng ayon sa katuwiran, at huwag mangagkasala; sapagka't may mga ibang walang pagkakilala sa Dios: sinasabi ko ito upang kayo'y kilusin sa kahihiyan.
34ܐܥܝܪܘ ܠܒܟܘܢ ܙܕܝܩܐܝܬ ܘܠܐ ܬܚܛܘܢ ܐܝܬ ܓܝܪ ܐܢܫܐ ܕܝܕܥܬܐ ܕܐܠܗܐ ܠܝܬ ܒܗܘܢ ܠܒܗܬܬܟܘܢ ܗܘ ܐܡܪ ܐܢܐ ܀
35Datapuwa't sasabihin ng iba, Paanong muling bubuhayin ang mga patay? at anong anyo ng katawan ang iparirito nila?
35ܢܐܡܪ ܐܢܫ ܡܢܟܘܢ ܕܐܝܟܢܐ ܩܝܡܝܢ ܡܝܬܐ ܘܒܐܝܢܐ ܦܓܪܐ ܐܬܝܢ ܀
36Ikaw na mangmang, ang inyong inihahasik ay hindi binubuhay maliban na kung mamatay:
36ܤܟܠܐ ܙܪܥܐ ܕܙܪܥ ܐܢܬ ܐܢ ܠܐ ܡܐܬ ܠܐ ܚܝܐ ܀
37At ang iyong inihahasik ay hindi mo inihahasik ang katawang lilitaw, kundi ang butil lamang, na marahil ay trigo, o ibang bagay;
37ܘܗܘ ܡܕܡ ܕܙܪܥ ܐܢܬ ܠܐ ܗܘܐ ܗܘ ܦܓܪܐ ܕܥܬܝܕ ܠܡܗܘܐ ܙܪܥ ܐܢܬ ܐܠܐ ܦܪܕܬܐ ܥܪܛܠܝܬܐ ܕܚܛܐ ܐܘ ܕܤܥܪܐ ܐܘ ܕܫܪܟܐ ܕܙܪܥܘܢܐ ܀
38Datapuwa't ang Dios ay nagbibigay ng katawan dito ayon sa kaniyang minagaling, at sa bawa't binhi ay ang sariling katawan.
38ܐܠܗܐ ܕܝܢ ܝܗܒ ܠܗ ܦܓܪܐ ܐܝܟܢܐ ܕܨܒܐ ܘܠܚܕ ܚܕ ܡܢ ܙܪܥܘܢܐ ܦܓܪܐ ܕܟܝܢܗ ܀
39Hindi ang lahat ng laman ay magkasing-isang laman: kundi may laman sa mga tao, at ibang laman sa mga hayop, at ibang laman sa mga ibon, at ibang laman sa mga isda.
39ܠܐ ܗܘܐ ܕܝܢ ܟܠ ܦܓܪ ܫܘܐ ܐܚܪܝܢ ܗܘ ܓܝܪ ܦܓܪܐ ܕܒܪ ܐܢܫܐ ܘܐܚܪܝܢ ܕܒܥܝܪܐ ܘܐܚܪܝܢ ܕܦܪܚܬܐ ܘܐܚܪܝܢ ܕܢܘܢܐ ܀
40Mayroon namang mga katawang ukol sa langit, at mga katawang ukol sa lupa: datapuwa't iba ang kaluwalhatian ng ukol sa langit, at iba ang ukol sa lupa.
40ܘܐܝܬ ܦܓܪܐ ܫܡܝܢܐ ܘܐܝܬ ܦܓܪܐ ܐܪܥܢܝܐ ܐܠܐ ܐܚܪܝܢ ܗܘ ܫܘܒܚܐ ܕܫܡܝܢܐ ܘܐܚܪܝܢ ܕܐܪܥܢܝܐ ܀
41Iba ang kaluwalhatian ng araw, at iba ang kaluwalhatian ng buwan, at iba ang kaluwalhatian ng mga bituin; sapagka't ang isang bituin ay naiiba sa ibang bituin sa kaluwalhatian.
41ܘܐܚܪܝܢ ܗܘ ܫܘܒܚܐ ܕܫܡܫܐ ܘܐܚܪܝܢ ܫܘܒܚܐ ܕܤܗܪܐ ܘܐܚܪܝܢ ܫܘܒܚܐ ܕܟܘܟܒܐ ܘܟܘܟܒܐ ܡܢ ܟܘܟܒܐ ܡܝܬܪ ܗܘ ܒܫܘܒܚܐ ܀
42Gayon din naman ang pagkabuhay na maguli ng mga patay. Itinatanim na may kasiraan; binubuhay na maguli na walang kasiraan;
42ܗܟܢܐ ܐܦ ܚܝܬ ܡܝܬܐ ܡܙܕܪܥܝܢ ܒܚܒܠܐ ܩܝܡܝܢ ܕܠܐ ܚܒܠܐ ܀
43Itinatanim na may pagkasiphayo; binubuhay na maguli na may kaluwalhatian: itinatanim na may kahinaan; binubuhay na maguli na may kapangyarihan:
43ܡܙܕܪܥܝܢ ܒܨܥܪܐ ܩܝܡܝܢ ܒܫܘܒܚܐ ܡܙܕܪܥܝܢ ܒܟܪܝܗܘܬܐ ܩܝܡܝܢ ܒܚܝܠܐ ܀
44Itinatanim na may katawang ukol sa lupa; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu. Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman.
44ܡܙܕܪܥܝܢ ܦܓܪܐ ܢܦܫܢܝܐ ܩܐܡ ܦܓܪܐ ܪܘܚܢܝܐ ܐܝܬ ܓܝܪ ܦܓܪܐ ܕܢܦܫ ܘܐܝܬ ܦܓܪܐ ܕܪܘܚ ܀
45Gayon din naman nasusulat, Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay. Ang huling Adam ay naging espiritung nagbibigay buhay.
45ܗܟܢܐ ܐܦ ܟܬܝܒ ܗܘܐ ܐܕܡ ܒܪܢܫܐ ܩܕܡܝܐ ܠܢܦܫ ܚܝܐ ܘܐܕܡ ܐܚܪܝܐ ܠܪܘܚܐ ܡܚܝܢܝܬܐ ܀
46Bagaman ang ukol sa espiritu ay hindi siyang una, kundi ang ukol sa lupa: pagkatapos ang ukol sa espiritu.
46ܐܠܐ ܠܐ ܗܘܐ ܠܘܩܕܡ ܪܘܚܢܝܐ ܐܠܐ ܢܦܫܢܝܐ ܘܗܝܕܝܢ ܪܘܚܢܝܐ ܀
47Ang unang tao ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang tao ay taga langit.
47ܒܪܢܫܐ ܩܕܡܝܐ ܥܦܪܢܐ ܕܡܢ ܐܪܥܐ ܒܪܢܫܐ ܕܬܪܝܢ ܡܪܝܐ ܡܢ ܫܡܝܐ ܀
48Kung ano ang ukol sa lupa, ay gayon din naman silang mga taga lupa: at kung ano ang ukol sa langit ay gayon din naman silang taga langit.
48ܐܝܟܢܐ ܕܐܝܬܘܗܝ ܗܘ ܥܦܪܢܐ ܗܟܢܐ ܐܦ ܥܦܪܢܐ ܘܐܝܟܢܐ ܕܐܝܬܘܗܝ ܗܘ ܕܡܢ ܫܡܝܐ ܗܟܢܐ ܐܦ ܫܡܝܢܐ ܀
49At kung paanong tinaglay natin ang larawang ukol sa lupa, ay tataglayin din naman natin ang larawang ukol sa langit.
49ܘܐܝܟ ܕܠܒܫܢ ܕܡܘܬܐ ܕܗܘ ܕܡܢ ܥܦܪܐ ܗܟܢܐ ܢܠܒܫ ܕܡܘܬܐ ܕܗܘ ܕܡܢ ܫܡܝܐ ܀
50Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan.
50ܗܕܐ ܕܝܢ ܐܡܪ ܐܢܐ ܐܚܝ ܕܒܤܪܐ ܘܕܡܐ ܡܠܟܘܬܐ ܕܫܡܝܐ ܠܡܐܪܬ ܠܐ ܡܫܟܚܝܢ ܘܠܐ ܚܒܠܐ ܝܪܬ ܠܐ ܡܬܚܒܠܢܘܬܐ ܀
51Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, nguni't tayong lahat ay babaguhin,
51ܗܐ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܐܪܙܐ ܠܘ ܟܠܢ ܢܕܡܟ ܟܠܢ ܕܝܢ ܢܬܚܠܦ ܀
52Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin.
52ܚܪܝܦܐܝܬ ܐܝܟ ܪܦܦ ܥܝܢܐ ܒܩܪܢܐ ܐܚܪܝܬܐ ܟܕ ܬܩܪܐ ܘܢܩܘܡܘܢ ܡܝܬܐ ܕܠܐ ܚܒܠܐ ܘܚܢܢ ܢܬܚܠܦ ܀
53Sapagka't kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.
53ܥܬܝܕ ܗܘ ܓܝܪ ܗܢܐ ܕܡܬܚܒܠ ܕܢܠܒܫ ܠܐ ܡܬܚܒܠܢܘܬܐ ܘܗܢܐ ܕܡܐܬ ܕܢܠܒܫ ܠܐ ܡܝܘܬܘܬܐ ܀
54Datapuwa't pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.
54ܡܐ ܕܠܒܫ ܕܝܢ ܗܢܐ ܕܡܬܚܒܠ ܠܐ ܡܬܚܒܠܢܘܬܐ ܘܗܢܐ ܕܡܐܬ ܠܐ ܡܝܘܬܘܬܐ ܗܝܕܝܢ ܬܗܘܐ ܡܠܬܐ ܗܝ ܕܟܬܝܒܐ ܕܐܬܒܠܥ ܡܘܬܐ ܒܙܟܘܬܐ ܀
55Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong tibo?
55ܐܝܟܘ ܥܘܩܤܟ ܡܘܬܐ ܐܘ ܐܝܟܐ ܗܝ ܙܟܘܬܟܝ ܫܝܘܠ ܀
56Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan; at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan:
56ܥܘܩܤܗ ܕܝܢ ܕܡܘܬܐ ܚܛܝܬܐ ܗܝ ܘܚܝܠܐ ܕܚܛܝܬܐ ܢܡܘܤܐ ܗܘ ܀
57Datapuwa't salamat sa Dios, na nagbibigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo.
57ܛܝܒܘ ܕܝܢ ܠܐܠܗܐ ܕܝܗܒ ܠܢ ܙܟܘܬܐ ܒܝܕ ܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
58Kaya nga, mga kapatid kong minamahal, kayo'y magsitatag, huwag makilos, na laging sumasagana sa gawa ng Panginoon, yamang nalalaman ninyo na hindi walang kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon.
58ܡܟܝܠ ܐܚܝ ܘܚܒܝܒܝ ܗܘܘ ܡܫܪܪܝܢ ܘܠܐ ܬܗܘܘܢ ܡܬܙܝܥܝܢ ܐܠܐ ܗܘܘ ܡܬܝܬܪܝܢ ܒܟܠܙܒܢ ܒܥܒܕܗ ܕܡܪܝܐ ܟܕ ܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܥܡܠܟܘܢ ܠܐ ܗܘܐ ܤܪܝܩ ܒܡܪܝܐ ܀