1Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid:
1ܒܢܝ ܗܠܝܢ ܟܬܒ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܠܐ ܬܚܛܘܢ ܘܐܢ ܐܢܫ ܢܚܛܐ ܐܝܬ ܠܢ ܦܪܩܠܛܐ ܠܘܬ ܐܒܐ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܙܕܝܩܐ ܀
2At siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan din naman.
2ܗܘܝܘ ܓܝܪ ܚܘܤܝܐ ܕܥܠ ܐܦܝ ܚܛܗܝܢ ܘܠܘ ܚܠܦܝܢ ܕܝܠܢ ܒܠܚܘܕ ܐܠܐ ܐܦ ܚܠܦ ܟܠܗ ܥܠܡܐ ܀
3At sa ganito'y nalalaman natin na siya'y ating nakikilala, kung tinutupad natin ang kaniyang mga utos.
3ܘܒܗܕܐ ܡܪܓܫܝܢܢ ܕܝܕܥܢܝܗܝ ܐܢ ܢܛܪܝܢܢ ܦܘܩܕܢܘܗܝ ܀
4Ang nagsasabing, Nakikilala ko siya, at hindi tumutupad ng kaniyang mga utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kaniya;
4ܗܘ ܓܝܪ ܕܐܡܪ ܕܝܕܥܬܗ ܘܦܘܩܕܢܘܗܝ ܠܐ ܢܛܪ ܕܓܠܐ ܗܘ ܘܫܪܪܐ ܠܝܬ ܒܗ ܀
5Datapuwa't ang sinomang tumutupad ng kaniyang salita, tunay na sa kaniya ay naging sakdal ang pagibig ng Dios. Dahil dito'y nalalaman nating tayo'y nasa kaniya:
5ܗܘ ܕܝܢ ܕܢܛܪ ܡܠܬܗ ܒܗܢܐ ܡܫܠܡ ܫܪܝܪܐܝܬ ܚܘܒܗ ܕܐܠܗܐ ܒܗܕܐ ܓܝܪ ܝܕܥܝܢܢ ܕܒܗ ܚܢܢ ܀
6Ang nagsasabing siya'y nananahan sa kaniya ay nararapat din namang lumakad na gaya ng inilakad niya.
6ܗܘ ܕܐܡܪ ܕܒܗ ܐܝܬܝ ܘܠܐ ܠܗ ܕܐܝܟ ܗܠܟܬܗ ܕܝܠܗ ܢܗܠܟ ܀
7Mga minamahal, wala akong isinusulat sa inyo na anomang bagong utos, kundi ang dating utos na nasa inyo buhat nang pasimula; ang dating utos ay ang salita na inyong narinig.
7ܚܒܝܒܝ ܠܘ ܦܘܩܕܢܐ ܚܕܬܐ ܟܬܒ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܐܠܐ ܦܘܩܕܢܐ ܥܬܝܩܐ ܗܘ ܕܐܝܬ ܗܘܐ ܠܟܘܢ ܡܢ ܒܪܫܝܬ ܦܘܩܕܢܐ ܕܝܢ ܥܬܝܩܐ ܐܝܬܘܗܝ ܡܠܬܐ ܗܝ ܕܫܡܥܬܘܢ ܀
8Muli, isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo, bagay na tunay sa kaniya at sa inyo; sapagka't ang kadiliman ay lumilipas, at ang tunay na ilaw ay lumiliwanag na.
8ܬܘܒ ܦܘܩܕܢܐ ܚܕܬܐ ܟܬܒ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܗܘ ܕܐܝܬܘܗܝ ܫܪܝܪܐ ܒܗ ܘܒܟܘܢ ܕܚܫܘܟܐ ܥܒܪ ܠܗ ܘܢܘܗܪܐ ܫܪܝܪܐ ܫܪܝ ܡܬܚܙܐ ܀
9Ang nagsasabing siya'y nasa liwanag at napopoot sa kaniyang kapatid, ay nasa kadiliman pa hanggang ngayon.
9ܡܢ ܕܐܡܪ ܗܟܝܠ ܕܐܝܬܘܗܝ ܒܢܘܗܪܐ ܘܤܢܐ ܠܐܚܘܗܝ ܒܚܫܘܟܐ ܐܝܬܘܗܝ ܥܕܡܐ ܠܗܫܐ ܀
10Ang umiibig sa kaniyang kapatid ay nananahan sa liwanag, at sa kaniya'y walang anomang kadahilanang ikatitisod.
10ܗܘ ܕܝܢ ܕܡܚܒ ܠܐܚܘܗܝ ܒܢܘܗܪܐ ܡܟܬܪ ܘܟܫܠܐ ܠܝܬ ܒܗ ܀
11Nguni't ang napopoot sa kaniyang kapatid ay nasa kadiliman, at lumalakad sa kadiliman, at hindi niya nalalaman kung saan siya naparoroon, sapagka't ang kaniyang mga mata ay binulag ng kadiliman.
11ܗܘ ܕܝܢ ܕܤܢܐ ܠܐܚܘܗܝ ܒܚܫܘܟܐ ܐܝܬܘܗܝ ܘܒܚܫܘܟܐ ܡܗܠܟ ܘܠܐ ܝܕܥ ܠܐܝܟܐ ܐܙܠ ܡܛܠ ܕܚܫܘܟܐ ܤܡܝ ܐܢܝܢ ܥܝܢܘܗܝ ܀
12Kayo'y sinusulatan ko, mumunti kong mga anak, sapagka't ipinatawad sa inyo ang inyong mga kasalanan dahil sa kaniyang pangalan.
12ܟܬܒ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܒܢܝܐ ܕܐܫܬܒܩܘ ܠܟܘܢ ܚܛܗܝܟܘܢ ܡܛܠ ܫܡܗ ܀
13Kayo'y sinusulatan ko, mga ama, sapagka't inyong nakikilala yaong buhat pa nang pasimula ay siya na. Kayo'y sinusulatan ko, mga binata, sapagka't inyong dinaig ang masama. Kayo'y aking sinulatan, mumunting mga anak, sapagka't inyong nakikilala ang Ama.
13ܟܬܒ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܐܒܗܐ ܕܝܕܥܬܘܢܝܗܝ ܠܗܘ ܕܐܝܬܘܗܝ ܗܘܐ ܡܢ ܒܪܫܝܬ ܟܬܒ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܥܠܝܡܐ ܕܙܟܝܬܘܢܝܗܝ ܠܒܝܫܐ ܟܬܒܬ ܠܟܘܢ ܛܠܝܐ ܕܝܕܥܬܘܢ ܠܐܒܐ ܀
14Kayo'y aking sinulatan, mga ama, sapagka't inyong nakikilala yaong buhat pa nang pasimula ay siya na. Kayo'y aking sinulatan, mga binata, sapagka't kayo'y malalakas, at ang salita ng Dios ay nananahan sa inyo, at inyong dinaig ang masama.
14ܟܬܒܬ ܠܟܘܢ ܐܒܗܐ ܕܝܕܥܬܘܢ ܠܗܘ ܕܡܢ ܒܪܫܝܬ ܟܬܒܬ ܠܟܘܢ ܥܠܝܡܐ ܕܚܝܠܬܢܐ ܐܢܬܘܢ ܘܡܠܬܗ ܕܐܠܗܐ ܫܪܝܐ ܒܟܘܢ ܘܙܟܝܬܘܢܝܗܝ ܠܒܝܫܐ ܀
15Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama.
15ܠܐ ܬܪܚܡܘܢ ܠܥܠܡܐ ܘܠܐ ܠܡܕܡ ܕܐܝܬ ܒܗ ܡܢ ܓܝܪ ܕܪܚܡ ܠܥܠܡܐ ܚܘܒܗ ܕܐܒܐ ܠܝܬ ܒܗ ܀
16Sapagka't ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan.
16ܟܠ ܡܕܡ ܓܝܪ ܕܐܝܬ ܒܗ ܒܥܠܡܐ ܪܓܬܐ ܗܘ ܕܦܓܪܐ ܘܪܓܬܐ ܕܥܝܢܐ ܘܫܘܒܗܪܐ ܕܥܠܡܐ ܗܠܝܢ ܕܠܐ ܗܘܝ ܡܢ ܐܒܐ ܐܠܐ ܡܢܗ ܐܢܝܢ ܡܢ ܥܠܡܐ ܀
17At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa't ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man.
17ܘܥܒܪ ܥܠܡܐ ܗܘ ܘܪܓܬܗ ܗܘ ܕܝܢ ܕܥܒܕ ܨܒܝܢܗ ܕܐܠܗܐ ܡܩܘܐ ܠܥܠܡ ܀
18Mumunting mga anak, ito ang huling oras: at gaya ng inyong narinig na darating ang anticristo, kahit ngayon ay lumitaw ang marami nang anticristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras.
18ܒܢܝ ܙܒܢܐ ܗܘ ܐܚܪܝܐ ܘܐܝܟ ܡܕܡ ܕܫܡܥܬܘܢ ܕܐܬܐ ܡܫܝܚܐ ܕܓܠܐ ܘܗܫܐ ܗܘܘ ܠܗܘܢ ܤܓܝܐܐ ܡܫܝܚܐ ܕܓܠܐ ܘܡܢ ܗܕܐ ܝܕܥܝܢܢ ܕܙܒܢܐ ܗܘ ܐܚܪܝܐ ܀
19Sila'y nangagsilabas sa atin, nguni't sila'y hindi sa atin; sapagka't kung sila'y sa atin ay nagsipanatili sana sa atin: nguni't nangagsilabas, upang sila'y mahayag na silang lahat ay hindi sa atin.
19ܡܢܢ ܢܦܩܘ ܐܠܐ ܠܘ ܡܢܢ ܗܘܘ ܐܠܘ ܓܝܪ ܡܢܢ ܗܘܘ ܠܘܬܢ ܡܟܬܪܝܢ ܗܘܘ ܐܠܐ ܢܦܩܘ ܡܢܢ ܕܬܬܝܕܥ ܕܠܘ ܡܢܢ ܗܘܘ ܀
20At kayo'y may pahid ng Banal, at nalalaman ninyo ang lahat ng mga bagay.
20ܘܐܢܬܘܢ ܡܫܝܚܘܬܐ ܐܝܬ ܠܟܘܢ ܡܢ ܩܕܝܫܐ ܘܦܪܫܝܢ ܐܢܬܘܢ ܗܘ ܠܟܠ ܐܢܫ ܀
21Hindi ko kayo sinulatan ng dahil sa hindi ninyo nalalaman ang katotohanan, kundi dahil sa inyong nalalaman, at sapagka't alin mang kasinungalingan ay hindi sa katotohanan.
21ܠܐ ܟܬܒܬ ܠܟܘܢ ܕܠܐ ܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܗ ܠܫܪܪܐ ܐܠܐ ܕܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܗ ܘܕܟܠܗ ܕܓܠܘܬܐ ܠܐ ܗܘܬ ܡܢܗ ܡܢ ܫܪܪܐ ܀
22Sino ang sinungaling kundi ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo? Ito ang anticristo, sa makatuwid ay ang tumatanggi sa Ama at sa Anak.
22ܡܢܘ ܕܓܠܐ ܐܠܐ ܐܢ ܐܝܢܐ ܕܟܦܪ ܕܝܫܘܥ ܠܐ ܗܘܐ ܡܫܝܚܐ ܗܢܐ ܗܘ ܡܫܝܚܐ ܕܓܠܐ ܗܘ ܕܟܦܪ ܒܐܒܐ ܟܦܪ ܐܦ ܒܒܪܐ ܀
23Ang sinomang tumatanggi sa Anak, ay hindi sumasa kaniya ang Ama: ang nagpapahayag sa Anak ay sumasa kaniya naman ang Ama.
23ܘܗܘ ܕܟܦܪ ܒܒܪܐ ܐܦܠܐ ܒܐܒܐ ܡܗܝܡܢ ܡܢ ܕܡܘܕܐ ܒܒܪܐ ܐܦ ܒܐܒܐ ܡܘܕܐ ܀
24Tungkol sa inyo, ay manahan sa inyo ang inyong narinig buhat nang pasimula. Kung manahan sa inyo yaong buhat nang pasimula ay inyong narinig, kayo naman ay mananahan sa Anak, at sa Ama.
24ܘܐܢܬܘܢ ܡܕܡ ܕܫܡܥܬܘܢ ܡܢ ܩܕܝܡ ܢܩܘܐ ܠܘܬܟܘܢ ܐܢ ܓܝܪ ܡܩܘܐ ܠܘܬܟܘܢ ܡܕܡ ܕܫܡܥܬܘܢ ܡܢ ܩܕܝܡ ܐܦ ܐܢܬܘܢ ܡܩܘܝܢ ܐܢܬܘܢ ܒܐܒܐ ܘܒܒܪܐ ܀
25At ito ang pangakong kaniyang ipinangako sa atin, ang buhay na walang hanggan.
25ܘܗܢܘ ܫܘܘܕܝܐ ܕܐܫܬܘܕܝ ܠܢ ܚܝܐ ܕܠܥܠܡ ܀
26Isinulat ko sa inyo ang mga bagay na ito tungkol sa mga may ibig na magligaw sa inyo.
26ܗܠܝܢ ܕܝܢ ܟܬܒܬ ܠܟܘܢ ܡܛܠ ܐܝܠܝܢ ܕܡܛܥܝܢ ܠܟܘܢ ܀
27At tungkol sa inyo, ang pagkapahid na sa kaniya'y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo, at hindi ninyo kailangang kayo'y turuan ng sinoman; nguni't kung paanong kayo'y tinuturuan ng kaniyang pahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang totoo, at hindi kasinungalingan, at kung paanong kayo'y tinuruan nito, ay gayon kayong nananahan sa kaniya.
27ܘܐܦ ܐܢܬܘܢ ܐܢ ܬܩܘܐ ܠܘܬܟܘܢ ܡܫܝܚܘܬܐ ܕܩܒܠܬܘܢ ܡܢܗ ܠܐ ܤܢܝܩܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܐܢܫ ܢܠܦܟܘܢ ܐܠܐ ܐܝܟ ܡܫܝܚܘܬܐ ܕܐܝܬܝܗ ܡܢ ܐܠܗܐ ܗܝ ܡܠܦܐ ܠܟܘܢ ܥܠ ܟܠܡܕܡ ܘܫܪܝܪܐ ܗܝ ܘܠܝܬ ܒܗ ܕܓܠܘܬܐ ܘܐܝܟ ܕܐܠܦܟܘܢ ܩܘܘ ܒܗ ܀
28At ngayon, mumunti kong mga anak, manahan kayo sa kaniya; upang, kung siya'y mahayag, ay magkaroon kayo ng pagkakatiwala, at huwag tayong mangapahiya sa harapan niya sa kaniyang pagparito.
28ܘܗܫܐ ܒܢܝ ܩܘܘ ܒܗ ܕܡܐ ܕܡܬܓܠܐ ܠܐ ܢܒܗܬ ܡܢܗ ܐܠܐ ܬܗܘܐ ܠܢ ܓܠܝܘܬ ܐܦܐ ܒܡܐܬܝܬܗ ܀
29Kung nalalaman ninyong siya'y matuwid, nalalaman naman ninyo na ang bawa't gumagawa ng katuwiran ay ipinanganak niya.
29ܐܢ ܝܕܥܬܘܢ ܕܙܕܝܩ ܗܘ ܕܥܘ ܕܐܦ ܟܠ ܕܥܒܕ ܙܕܝܩܘܬܐ ܡܢܗ ܐܝܬܘܗܝ ܀