Tagalog 1905

Syriac: NT

1 John

5

1Ang sinomang nananampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay ipinanganak ng Dios: at ang bawa't umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon.
1ܟܠ ܕܡܗܝܡܢ ܕܝܫܘܥ ܐܝܬܘܗܝ ܡܫܝܚܐ ܡܢ ܐܠܗܐ ܝܠܝܕ ܘܟܠ ܕܡܚܒ ܠܝܠܘܕܐ ܡܚܒ ܐܦ ܠܗܘ ܕܐܬܝܠܕ ܡܢܗ ܀
2Dito'y ating nakikilala na tayo'y nagsisiibig sa mga anak ng Dios, pagka tayo'y nagsisiibig sa Dios at tinutupad natin ang kaniyang mga utos.
2ܘܒܗܕܐ ܝܕܥܝܢܢ ܕܡܚܒܝܢܢ ܠܒܢܘܗܝ ܕܐܠܗܐ ܡܐ ܕܠܐܠܗܐ ܡܚܒܝܢܢ ܘܥܒܕܝܢܢ ܦܘܩܕܢܘܗܝ ܀
3Sapagka't ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.
3ܗܢܐ ܗܘ ܓܝܪ ܚܘܒܗ ܕܐܠܗܐ ܕܢܛܪ ܦܘܩܕܢܘܗܝ ܘܦܘܩܕܢܘܗܝ ܠܐ ܝܩܝܪܝܢ ܀
4Sapagka't ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya.
4ܡܛܠ ܕܟܠ ܕܝܠܝܕ ܡܢ ܐܠܗܐ ܙܟܐ ܠܗ ܠܥܠܡܐ ܘܗܕܐ ܗܝ ܙܟܘܬܐ ܕܙܟܬܗ ܠܥܠܡܐ ܗܝܡܢܘܬܢ ܀
5At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang si Jesus ay anak ng Dios?
5ܡܢܘ ܓܝܪ ܕܙܟܐ ܠܗ ܠܥܠܡܐ ܐܠܐ ܗܘ ܕܡܗܝܡܢ ܕܝܫܘܥ ܒܪܗ ܗܘ ܕܐܠܗܐ ܀
6Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, sa makatuwid ay si Jesucristo; hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo.
6ܗܢܘ ܕܐܬܐ ܒܝܕ ܡܝܐ ܘܕܡܐ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܠܐ ܗܘܐ ܒܡܝܐ ܒܠܚܘܕ ܐܠܐ ܒܡܝܐ ܘܕܡܐ ܀
7At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka't ang Espiritu ay katotohanan.
7ܘܪܘܚܐ ܡܤܗܕܐ ܕܗܝ ܪܘܚܐ ܐܝܬܝܗ ܫܪܪܐ ܀
8Sapagka't may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo: at ang tatlo ay nagkakaisa.
8ܘܐܝܬܝܗܘܢ ܬܠܬܐ ܤܗܕܝܢ ܪܘܚܐ ܘܡܝܐ ܘܕܡܐ ܘܬܠܬܝܗܘܢ ܒܚܕ ܐܢܘܢ ܀
9Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, ay lalong dakila ang patotoo ng Dios, sapagka't ito ang patotoo ng Dios: sapagka't ito papatotoo tungkol sa kaniyang Anak.
9ܐܢ ܤܗܕܘܬܐ ܕܒܢܝܢܫܐ ܡܩܒܠܝܢܢ ܚܕ ܟܡܐ ܤܗܕܘܬܗ ܕܐܠܗܐ ܕܪܒܐ ܗܝ ܘܗܕܐ ܗܝ ܤܗܕܘܬܗ ܕܐܠܗܐ ܕܐܤܗܕ ܥܠ ܒܪܗ ܀
10Ang nananampalataya sa Anak ng Dios ay may patotoo sa kaniya: ang hindi nananampalataya sa Dios ay ginagawang isang sinungaling ang Dios: sapagka't hindi sumampalataya sa patotoo na ibinigay ng Dios tungkol sa kaniyang Anak.
10ܟܠܡܢ ܕܡܗܝܡܢ ܒܒܪܗ ܕܐܠܗܐ ܐܝܬ ܠܗ ܗܕܐ ܤܗܕܘܬܐ ܒܢܦܫܗ ܟܠ ܕܠܐ ܡܗܝܡܢ ܠܐܠܗܐ ܕܓܠܐ ܥܒܕܗ ܒܕܠܐ ܗܝܡܢ ܠܤܗܕܘܬܐ ܕܐܤܗܕ ܐܠܗܐ ܥܠ ܒܪܗ ܀
11At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak.
11ܘܗܕܐ ܗܝ ܤܗܕܘܬܐ ܕܚܝܐ ܕܠܥܠܡ ܝܗܒ ܠܢ ܐܠܗܐ ܘܗܢܘܢ ܚܝܐ ܒܒܪܗ ܐܝܬܝܗܘܢ ܀
12Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay.
12ܟܠ ܕܐܚܝܕ ܠܒܪܐ ܐܚܝܕ ܐܦ ܠܚܝܐ ܘܟܠ ܕܠܐ ܐܚܝܕ ܠܒܪܗ ܕܐܠܗܐ ܠܝܬ ܠܗ ܚܝܐ ܀
13Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios.
13ܗܠܝܢ ܟܬܒܬ ܠܟܘܢ ܕܬܕܥܘܢ ܕܚܝܐ ܕܠܥܠܡ ܐܝܬ ܠܟܘܢ ܠܐܝܠܝܢ ܕܗܝܡܢܬܘܢ ܒܫܡܗ ܕܒܪܗ ܕܐܠܗܐ ܀
14At ito ang nasa ating pagkakatiwala sa kaniya, na kung tayo'y humingi ng anomang bagay na ayon sa kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo niya:
14ܘܗܕܐ ܦܪܗܤܝܐ ܐܝܬ ܠܢ ܠܘܬܗ ܕܟܠ ܕܫܐܠܝܢܢ ܠܗ ܐܝܟ ܨܒܝܢܗ ܫܡܥ ܠܢ ܀
15At kung ating nalalaman na tayo'y dinidinig niya sa anomang ating hingin, ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa kaniya'y ating hiningi.
15ܘܐܢ ܡܦܤܝܢܢ ܕܫܡܥ ܠܢ ܥܠ ܡܕܡ ܕܫܐܠܝܢܢ ܡܢܗ ܬܟܝܠܝܢܢ ܕܩܒܠܢ ܡܢ ܟܕܘ ܫܐܠܬܢ ܕܫܐܠܢ ܡܢܗ ܀
16Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya.
16ܐܢ ܐܢܫ ܢܚܙܐ ܠܐܚܘܗܝ ܕܚܛܐ ܚܛܗܐ ܕܠܐ ܡܚܝܒ ܠܡܘܬܐ ܢܫܐܠ ܘܡܬܝܗܒܝܢ ܠܗ ܚܝܐ ܠܐܝܠܝܢ ܕܠܐ ܗܘܐ ܐܝܟ ܕܠܡܘܬܐ ܚܛܝܢ ܐܝܬ ܓܝܪ ܚܛܗܐ ܕܡܘܬܐ ܠܐ ܗܘܐ ܥܠ ܗܢܐ ܐܡܪ ܐܢܐ ܕܢܒܥܐ ܐܢܫ ܀
17Lahat ng kalikuan ay kasalanan: at may kasalanang hindi ikamamatay.
17ܟܠ ܥܘܠܐ ܓܝܪ ܚܛܝܬܐ ܗܘ ܘܐܝܬ ܚܛܗܐ ܕܠܐ ܗܘܐ ܕܡܘܬܐ ܗܘ ܀
18Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; datapuwa't ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama.
18ܘܝܕܥܝܢܢ ܕܟܠ ܕܝܠܝܕ ܡܢ ܐܠܗܐ ܠܐ ܚܛܐ ܗܘ ܓܝܪ ܕܝܠܝܕ ܡܢ ܐܠܗܐ ܢܛܪ ܢܦܫܗ ܘܒܝܫܐ ܠܐ ܡܬܩܪܒ ܠܗ ܀
19Nalalaman natin na tayo'y sa Dios at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama.
19ܝܕܥܝܢܢ ܕܡܢ ܐܠܗܐ ܚܢܢ ܘܥܠܡܐ ܟܠܗ ܒܒܝܫܐ ܗܘ ܤܝܡ ܀
20At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.
20ܘܝܕܥܝܢܢ ܕܒܪܗ ܕܐܠܗܐ ܐܬܐ ܘܝܗܒ ܠܢ ܡܕܥܐ ܕܢܕܥ ܠܫܪܝܪܐ ܘܢܗܘܐ ܒܗ ܒܫܪܝܪܐ ܒܒܪܗ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܗܢܐ ܗܘ ܐܠܗܐ ܫܪܝܪܐ ܘܚܝܐ ܕܠܥܠܡ ܀
21Mga anak ko, mangagingat kayo sa mga diosdiosan.
21ܒܢܝ ܛܪܘ ܢܦܫܟܘܢ ܡܢ ܕܚܠܬ ܦܬܟܪܐ ܀