1Kaya nga nalalaman ninyo rin, mga kapatid, na ang aming pagkapasok sa inyo, ay hindi nawalan ng kabuluhan:
1ܘܐܢܬܘܢ ܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܐܚܝ ܕܡܥܠܢܢ ܕܠܘܬܟܘܢ ܠܐ ܗܘܐ ܤܪܝܩܐܝܬ ܗܘܐ ܀
2Kundi palibhasa'y nagsipagbata kami nang una at inalipusta, gaya ng inyong nalalaman, sa Filipos, ay nangagkaroon kami ng kalakasan ng loob dahil sa ating Dios upang salitain sa inyo ang evangelio ng Dios sa gitna ng maraming kaligaligan.
2ܐܠܐ ܠܘܩܕܡ ܚܫܢܢ ܘܐܨܛܥܪܢܢ ܐܝܟ ܕܝܕܥܝܬܘܢ ܒܦܝܠܝܦܘܤ ܘܗܝܕܝܢ ܒܐܓܘܢܐ ܪܒܐ ܡܠܠܢ ܥܡܟܘܢ ܒܦܪܗܤܝܐ ܕܐܠܗܢ ܤܒܪܬܗ ܕܡܫܝܚܐ ܀
3Sapagka't ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian, ni sa karumihan, ni sa pagdaraya.
3ܒܘܝܐܢ ܓܝܪ ܠܐ ܗܘܐ ܡܢ ܛܥܝܘܬܐ ܐܦܠܐ ܡܢ ܛܢܦܘܬܐ ܐܦܠܐ ܒܢܟܠܐ ܀
4Kundi kung paanong kami'y minarapat ng Dios upang pagkatiwalaan kami ng evangelio, ay gayon namin sinasalita; hindi gaya ng nangagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa Dios na sumusubok ng aming mga puso.
4ܐܠܐ ܐܝܟ ܡܐ ܕܒܩܝܢܢ ܠܐܠܗܐ ܕܬܬܗܝܡܢ ܤܒܪܬܗ ܗܟܢܐ ܡܡܠܠܝܢܢ ܠܐ ܐܝܟ ܕܠܒܢܝ ܐܢܫܐ ܢܫܦܪ ܐܠܐ ܠܐܠܗܐ ܗܘ ܕܒܩܐ ܠܒܘܬܢ ܀
5Sapagka't hindi kami nasusumpungang nagsisigamit kailan man ng mga salitang paimbabaw, gaya ng nalalaman ninyo, ni ng balabal man ng kasakiman, saksi ang Dios;
5ܐܦܠܐ ܓܝܪ ܡܡܬܘܡ ܐܬܚܫܚܢ ܒܡܡܠܠܐ ܫܕܠܐ ܐܝܟ ܕܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܘܠܐ ܒܥܠܬܐ ܕܝܥܢܘܬܐ ܐܠܗܐ ܤܗܕ ܀
6Ni nagsihanap man sa mga tao ng kapurihan, ni sa inyo man, ni sa mga iba man, nang maaaring magsigamit kami ng kapamahalaan gaya ng mga apostol ni Cristo.
6ܘܠܐ ܒܥܝܢ ܫܘܒܚܐ ܡܢ ܒܢܝܢܫܐ ܠܐ ܡܢܟܘܢ ܘܠܐ ܡܢ ܐܚܪܢܐ ܟܕ ܡܫܟܚܝܢ ܗܘܝܢ ܝܩܝܪܐ ܠܡܗܘܐ ܐܝܟ ܫܠܝܚܐ ܕܡܫܝܚܐ ܀
7Kundi kami ay nangagpapakalumanay sa gitna ninyo, na gaya ng isang sisiwa pagka inaamoamo ang kaniyang sariling mga anak:
7ܐܠܐ ܗܘܝܢ ܒܝܢܬܟܘܢ ܡܟܝܟܐ ܘܐܝܟ ܡܪܒܝܢܝܬܐ ܕܡܚܒܒܐ ܒܢܝܗ ܀
8Gayon din kami, palibhasa'y may magiliw na pagibig sa inyo, ay kinalugdan naming kayo'y bahaginan, hindi lamang ng evangelio ng Dios, kundi naman ng aming sariling mga kaluluwa, sapagka't kayo'y naging lalong mahal sa amin.
8ܗܟܢܐ ܐܦ ܚܢܢ ܡܚܒܒܝܢܢ ܘܡܤܘܚܝܢܢ ܠܡܬܠ ܠܟܘܢ ܠܐ ܒܠܚܘܕ ܤܒܪܬܗ ܕܐܠܗܐ ܐܠܐ ܐܦ ܢܦܫܢ ܡܛܠ ܕܚܒܝܒܝܢ ܐܢܬܘܢ ܀
9Sapagka't inaalaala ninyo, mga kapatid, ang aming pagpapagal at pagdaramdam: amin ngang ipinangaral ang evangelio ng Dios na kami ay gumagawa gabi't araw, upang huwag kaming maging isang pasanin sa kanino man sa inyo.
9ܥܗܕܝܢ ܐܢܬܘܢ ܓܝܪ ܐܚܝܢ ܕܠܐܝܢ ܗܘܝܢ ܘܥܡܠܝܢ ܒܥܒܕ ܐܝܕܝܢ ܒܠܠܝܐ ܘܒܐܝܡܡܐ ܕܥܠ ܚܕ ܡܢܟܘܢ ܠܐ ܢܐܩܪ ܀
10Kayo'y mga saksi, at ang Dios man, kung gaanong pagkabanal at pagkamatuwid at pagkawalang kapintasan ang inugali namin sa inyong nagsisisampalataya:
10ܐܢܬܘܢ ܤܗܕܝܢ ܘܐܠܗܐ ܐܝܟܢܐ ܐܟܪܙܢ ܠܟܘܢ ܤܒܪܬܗ ܕܐܠܗܐ ܕܟܝܐܝܬ ܘܟܐܢܐܝܬ ܘܕܠܐ ܪܫܝܢ ܗܘܝܢ ܠܘܬ ܟܠܗܘܢ ܡܗܝܡܢܐ ܀
11Gaya ng inyong nalalaman kung ano ang inugali namin sa bawa't isa sa inyo, na gaya ng isang ama sa kaniyang sariling mga anak, na kayo'y inaaralan, at pinalalakas ang loob ninyo, at nagpapatotoo,
11ܐܝܟܢܐ ܕܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܡܢ ܚܕ ܚܕ ܡܢܟܘܢ ܐܝܟ ܐܒܐ ܡܢ ܒܢܘܗܝ ܒܥܝܢ ܗܘܝܢ ܘܡܠܝܢ ܗܘܝܢ ܒܠܒܟܘܢ ܘܡܤܗܕܝܢܢ ܠܟܘܢ ܀
12Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Dios, na siyang tumawag sa inyo sa kaniyang sariling kaharian at kaluwalhatian.
12ܕܬܗܠܟܘܢ ܐܝܟ ܕܝܐܐ ܠܐܠܗܐ ܗܘ ܕܩܪܟܘܢ ܠܡܠܟܘܬܗ ܘܠܫܘܒܚܗ ܀
13At dahil naman dito kami ay nangagpapasalamat na walang patid sa Dios, na nang inyong tanggapin sa amin ang salita na ipinangaral, sa makatuwid baga'y ang salita ng Dios, ay inyong tinanggap na hindi gaya ng salita ng mga tao, kundi, ayon sa katotohanan, na salita ng Dios, na gumagawa naman sa inyo na nagsisisampalataya.
13ܡܛܠ ܗܢܐ ܐܦ ܚܢܢ ܡܘܕܝܢܢ ܐܡܝܢܐܝܬ ܠܐܠܗܐ ܕܡܠܬܐ ܕܐܠܗܐ ܕܩܒܠܬܘܢ ܡܢܢ ܠܐ ܗܘܐ ܐܝܟ ܡܠܬܐ ܕܒܢܝܢܫܐ ܩܒܠܬܘܢܗ ܐܠܐ ܐܝܟܢܐ ܕܐܝܬܝܗ ܫܪܝܪܐܝܬ ܡܠܬܐ ܕܐܠܗܐ ܘܗܝ ܒܥܒܕܐ ܡܤܬܥܪܐ ܒܟܘܢ ܒܐܝܠܝܢ ܕܡܗܝܡܢܝܢ ܀
14Sapagka't kayo, mga kapatid, ay nagsitulad sa mga iglesia ng Dios na nasa Judea kay Cristo Jesus: sapagka't nagsipagbata naman kayo sa inyong sariling mga kababayan, gaya naman nila sa mga Judio;
14ܐܢܬܘܢ ܕܝܢ ܐܚܝ ܐܬܕܡܝܬܘܢ ܠܥܕܬܐ ܕܐܠܗܐ ܕܒܝܗܘܕ ܗܠܝܢ ܕܒܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܕܗܟܢ ܤܝܒܪܬܘܢ ܐܦ ܐܢܬܘܢ ܡܢ ܒܢܝ ܫܪܒܬܟܘܢ ܐܝܟܢܐ ܕܐܦ ܗܢܘܢ ܡܢ ܝܗܘܕܝܐ ܀
15Na nagsipatay sa Panginoong Jesus, at gayon din sa mga propeta, at kami ay kanilang pinalayas, at di nangagbibigay lugod sa Dios, at laban sa lahat ng mga tao;
15ܗܢܘܢ ܕܠܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܩܛܠܘ ܘܠܢܒܝܐ ܕܡܢܗܘܢ ܘܠܢ ܪܕܦܘ ܘܠܐܠܗܐ ܠܐ ܫܦܪܝܢ ܘܥܒܝܕܝܢ ܤܩܘܒܠܐ ܠܟܠܗܘܢ ܒܢܝ ܐܢܫܐ ܀
16Na pinagbabawalan kaming makipagusap sa mga Gentil upang mangaligtas ang mga ito; upang kanilang paramihing lagi ang kanilang mga kasalanan: nguni't dumating sa kanila ang kagalitan, hanggang sa katapusan.
16ܕܟܠܝܢ ܠܢ ܕܢܡܠܠ ܥܡ ܥܡܡܐ ܕܢܚܘܢ ܠܡܫܠܡܘ ܚܛܗܝܗܘܢ ܒܟܠܙܒܢ ܡܛܝ ܕܝܢ ܥܠܝܗܘܢ ܪܘܓܙܐ ܥܕܡܐ ܠܚܪܬܐ ܀
17Nguni't kami, mga kapatid, na nangahiwalay sa inyong sangdaling panahon, sa katawan hindi sa puso, ay nangagsisikap na lubha, upang makita ang inyong mukha na may dakilang pagnanais:
17ܚܢܢ ܕܝܢ ܐܚܝܢ ܗܘܝܢ ܝܬܡܐ ܡܢܟܘܢ ܙܒܢܐ ܕܫܥܬܐ ܒܐܦܝܢ ܘܠܐ ܒܠܒܢ ܘܝܬܝܪܐܝܬ ܐܬܚܦܛܢ ܠܡܚܙܐ ܐܦܝܟܘܢ ܒܚܘܒܐ ܤܓܝܐܐ ܀
18Sapagka't nangagnasa kaming pumariyan sa inyo, akong si Pablo, na minsan at muli; at hinadlangan kami ni Satanas.
18ܘܨܒܝܢ ܕܢܐܬܐ ܠܘܬܟܘܢ ܐܢܐ ܦܘܠܘܤ ܚܕܐ ܙܒܢ ܘܬܪܬܝܢ ܘܥܘܟܢܝ ܤܛܢܐ ܀
19Sapagka't ano ang aming pagasa, o katuwaan, o putong, na ipinagmamapuri? Hindi baga kayo rin sa harapan ng ating Panginoong Jesucristo sa kaniyang pagparito?
19ܐܝܢܘ ܓܝܪ ܤܒܪܢ ܘܚܕܘܬܢ ܘܟܠܝܠܐ ܕܫܘܒܗܪܢ ܐܠܐ ܐܢ ܐܢܬܘܢ ܩܕܡ ܡܪܢ ܝܫܘܥ ܒܡܐܬܝܬܗ ܀
20Sapagka't kayo ang aming kaluwalhatian at aming katuwaan.
20ܐܢܬܘܢ ܐܢܘܢ ܓܝܪ ܬܫܒܘܚܬܢ ܘܚܕܘܬܢ ܀