1Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,
1ܪܘܚܐ ܕܝܢ ܦܫܝܩܐܝܬ ܐܡܪܐ ܕܒܙܒܢܐ ܐܚܪܝܐ ܢܦܪܩܘܢ ܐܢܫ ܐܢܫ ܡܢ ܗܝܡܢܘܬܐ ܘܢܐܙܠܘܢ ܒܬܪ ܪܘܚܐ ܛܥܝܬܐ ܘܒܬܪ ܝܘܠܦܢܐ ܕܫܐܕܐ ܀
2Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga;
2ܗܠܝܢ ܕܒܐܤܟܡܐ ܕܓܠܐ ܡܛܥܝܢ ܘܡܡܠܠܝܢ ܟܕܒܘܬܐ ܘܟܘܝܢ ܒܬܐܪܬܗܘܢ ܀
3Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.
3ܘܟܠܝܢ ܠܡܙܕܘܓܘ ܘܡܦܪܩܝܢ ܡܢ ܡܐܟܠܬܐ ܐܝܠܝܢ ܕܐܠܗܐ ܒܪܐ ܐܢܝܢ ܠܚܘܫܚܐ ܘܠܬܘܕܝܬܐ ܠܐܝܠܝܢ ܕܡܗܝܡܢܝܢ ܘܝܕܥܝܢ ܫܪܪܐ ܀
4Sapagka't ang bawa't nilalang ng Dios ay mabuti, at walang anomang nararapat na itakuwil, kung tinatanggap na may pagpapasalamat:
4ܡܛܠ ܕܟܠ ܕܒܪܐ ܠܐܠܗܐ ܫܦܝܪ ܗܘ ܘܠܝܬ ܡܕܡ ܕܡܤܠܝ ܐܢ ܒܬܘܕܝܬܐ ܢܬܢܤܒ ܀
5Sapagka't pinakababanal sa pamamagitan ng salita ng Dios at ng pananalangin.
5ܡܬܩܕܫ ܓܝܪ ܒܡܠܬܐ ܕܐܠܗܐ ܘܒܨܠܘܬܐ ܀
6Kung ipaalaala mo sa mga kapatid ang mga bagay na ito, ikaw ay magiging isang mabuting ministro ni Cristo Jesus, na kinandili sa mga salita ng pananampalataya at ng mabuting aral na sinusunod mo hanggang ngayon:
6ܗܠܝܢ ܐܢ ܬܗܘܐ ܡܠܦ ܠܐܚܝܟ ܡܫܡܫܢܐ ܛܒܐ ܬܗܘܐ ܕܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܟܕ ܡܬܪܒܐ ܐܢܬ ܒܡܠܐ ܕܗܝܡܢܘܬܐ ܘܒܝܘܠܦܢܐ ܛܒܐ ܕܝܠܝܦ ܐܢܬ ܀
7Datapuwa't itakuwil mo ang mga kathang masasama at walang kabuluhan. At magsanay ka sa kabanalan:
7ܡܢ ܫܘܥܝܬܐ ܕܝܢ ܦܟܝܗܬܐ ܕܤܒܬܐ ܐܫܬܐܠ ܘܕܪܫ ܢܦܫܟ ܒܟܐܢܘܬܐ ܀
8Sapagka't sa pagsasanay ng katawan ay may kaunting pakinabang, nguni't ang kabanalang sa lahat ng mga bagay ay pinakikinabangan, na may pangako sa buhay na ito, at sa darating.
8ܕܘܪܫܐ ܓܝܪ ܕܦܓܪܐ ܙܒܢܐ ܗܘ ܙܥܘܪܐ ܡܘܬܪ ܟܐܢܘܬܐ ܕܝܢ ܒܟܠ ܡܕܡ ܡܘܬܪܐ ܘܐܝܬ ܠܗ ܫܘܘܕܝܐ ܕܚܝܐ ܕܙܒܢܐ ܗܢܐ ܘܕܥܬܝܕ ܀
9Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat.
9ܡܗܝܡܢܐ ܗܝ ܡܠܬܐ ܘܫܘܝܐ ܗܝ ܠܡܩܒܠܘܬܗ ܀
10Sapagka't dahil dito ay nagsisipagpagal kami at nagsisipagsikap, sapagka't may pagasa kami sa Dios na buhay, na siyang Tagapagligtas sa lahat ng mga tao, lalong lalo na sa mga nagsisisampalataya.
10ܡܛܠ ܗܕܐ ܗܘ ܓܝܪ ܠܐܝܢܢ ܘܡܬܚܤܕܝܢܢ ܕܡܤܒܪܝܢܢ ܒܐܠܗܐ ܚܝܐ ܕܐܝܬܘܗܝ ܡܚܝܢܐ ܕܒܢܝܢܫܐ ܟܠܗܘܢ ܝܬܝܪܐܝܬ ܕܡܗܝܡܢܐ ܀
11Ang mga bagay na ito'y iyong iutos at ituro.
11ܗܠܝܢ ܐܠܦ ܘܦܩܕ ܀
12Huwag hamakin ng sinoman ang iyong kabataan; kundi ikaw ay maging uliran ng mga nagsisisampalataya, sa pananalita, sa pamumuhay, sa pagibig, sa pananampalataya, sa kalinisan.
12ܘܠܐ ܐܢܫ ܢܒܤܐ ܥܠ ܛܠܝܘܬܟ ܐܠܐ ܗܘܝ ܕܡܘܬܐ ܠܡܗܝܡܢܐ ܒܡܠܬܐ ܘܒܗܘܦܟܐ ܘܒܚܘܒܐ ܘܒܗܝܡܢܘܬܐ ܘܒܕܟܝܘܬܐ ܀
13Hanggang ako'y pumariyan ay magsikap ka sa pagbasa, sa pangangaral, sa pagtuturo.
13ܥܕ ܐܬܐ ܐܢܐ ܐܬܚܦܛ ܒܩܪܝܢܐ ܘܒܒܥܘܬܐ ܘܒܝܘܠܦܢܐ ܀
14Huwag mong pabayaan ang kaloob na nasa iyo, na sa iyo'y ibinigay sa pamamagitan ng hula, na may pagpapatong ng mga kamay ng kapulungan ng mga presbitero.
14ܘܠܐ ܬܒܤܐ ܒܡܘܗܒܬܐ ܕܐܝܬ ܒܟ ܗܝ ܕܐܬܝܗܒܬ ܠܟ ܒܢܒܝܘܬܐ ܘܒܤܝܡ ܐܝܕܐ ܕܩܫܝܫܘܬܐ ܀
15Magsipag ka sa mga bagay na ito; tumalaga kang lubos sa mga ito; upang ang iyong pagkasulong ay mahayag sa lahat.
15ܒܗܠܝܢ ܐܬܗܓܐ ܘܒܗܝܢ ܗܘܝ ܕܬܬܝܕܥ ܠܟܠܢܫ ܕܠܩܕܡܝܟ ܐܬܐ ܐܢܬ ܀
16Magingat ka sa iyong sarili, at sa iyong turo. Manatili ka sa mga bagay na ito; sapagka't sa paggawa nito ay ang iyo ring sarili ang ililigtas mo at pati ng mga nagsisipakinig sa iyo.
16ܘܐܙܕܗܪ ܒܢܦܫܟ ܘܒܝܘܠܦܢܟ ܘܚܡܤܢ ܒܗܘܢ ܟܕ ܗܠܝܢ ܓܝܪ ܬܥܒܕ ܢܦܫܟ ܬܚܐ ܘܠܐܝܠܝܢ ܕܫܡܥܝܢ ܠܟ ܀